Share

2

Author: PROSERFINA
last update publish date: 2026-03-13 20:54:52

“Ateng! Kanina pa kami nag-uusap dito, hindi ka parin nakakabalik mula sa pagpa-pantasya mo. Ano ba talagang nangyari sa’yo?” usisa ni Tinay nang mahuli niya ulit akong nakatingin sa kawalan.

“Hmmm…diba ganyan daw kapag in-love?” saad naman ni Cloe.

“Tumitigil ang mundo mo!!!” sabay na sabi nilang dalawa at parang inasinang bulate pa at nag-apir pa ang dalawang luka.

“Positive? In love ka?” ulit na tanong ni Tinay sa akin.

“Enebe? Huwag ka na ngang tanong ng tanong. Pakopya na lang ng assignment niyo.” Sagot ko sa kanya sabay hawi ng buhok ko sa gilid ng aking tenga.

“Tsk! Tsk! Puro ka na lang kopya hindi ka gumagawa ng sarili mo. Paano ka papasa sa higschool niyan?” nakanguso na litanya ni Cloe. Hinampas ko siya sa braso na ikinangiwi niya.

“Ito naman! Nangongopya din naman kayo sa akin ah? Saka parang ayoko nang mag-high school. Parang gusto ko na lang maging may-bahay ni Kuya Marcus…hihi”

Awang ang labi nilang dalawa na nakatingin sa akin. Saka ko pa na-realize na nadulas na ako at naamin ko na ang totoo.

“May gusto ka sa best friend ni Kuya Ivan?!” bulalas ni Tinay.

“What?! Matanda na yun ah!?” segunda naman ni Cloe.

“Grabe ka naman kung maka-matanda! Bakit si Pauline at si Bossing? Bakit si Dolphy at Sasha? Si Chiz at si Heart? Age doesn’t matter ano!” inis na sagot ko sa kanila. Aware naman ako sa layo ng edad naming dalawa. Pero anong magagawa ko? Sa mga ngiti ni Kuya Marcus tumitibok ang abnormal na puso ko.

“Kalma beshy, umupo ka ulit. Madami naman tayong schoolmate na cute din at kasing edad natin. Marami ngang nagbibigay sayo ng tsokolates kapag Valentines diba? So bakit si Kuya Marcus pa?” nagtatakang tanong ni Tinay. Kilala kasi nila ito dahil palagi nila itong nakikita na kasama ni Kuya Ivan. Lalo na kapag nasa bahay ang mga beshy ko at walang pasok.

Naupo akong muli at hinarap siya. Nandito kasi kami sa tambayan namin sa lilim ng puno. May bench at concrete table kasi dito na puwedeng gawing study o eating area.

“Hindi ko rin alam kung bakit. Anong gagawin ko? Siya talaga ang nandito.”

Tinuro ko ang puso ko at napatingin sila saka nagtawanan.

“Beshy…okay ka lang? Hindi pa nga tayo nare-regla tapos may inlab-inlab ka nang nalalaman. Hoy! Mga bata pa tayo! Saka gusto mo bang makasuhan si Kuya Marcus ng Child abuse?” Litanya ni Cloe.

Tumunog ang bell kaya nagligpit na kami ng gamit namin. Nalungkot ako sa sinabi ni Cloe. Alam ko naman yun na bawal pa kami. At hindi ko naman sinabing gusto ko na siyang maging boyfriend ngayon.

Hangang uwian ay bagsak ang balikat kong pumasok sa gate. Naisip ko kasi kanina yung sinabi ni Cloe. Kung iintayin kong maging dalaga ako bago ko sabihin ang nararamdaman ko kay Kuya Marcus. Siguro sa mga oras na yun…may kasintahan na siya o asawa. Paano naman ako?

Napatigil ako sa paglakad ng nakayuko nang may mabanga ako.

“Don’t tell me bagsak ka na naman sa math?”

Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kanya dahil hangang dib.dib lang niya ako.

“Kuya Marcus…may girlfriend ka na ba?” nakanguso kong tanong sa kanya.

“Ha? Ako? Wala bakit?” kunot noo na sabi niya.

Umatras ako ng isang hakbang sa kanya.

“Kailan mo balak magkaroon ng girlfriend? May nagugustuhan ka na ba sa school niyo? May plano ka bang mag-asawa agad?”

“Hoy! Anong klaseng tanong ‘yan?” natatawang sabi niya sa akin.

“Please…sagutin mo na lang ang tanong ko…” paki-usap ko sa kanya.

“Ha? Ahhh, syempre naman gusto kong magkaroon ng girlfriend. Pero di ko pa nakikita ang babaeng magugustuhan ko. Saka…siguro mga five to ten years pa yun bago mangyari.” Kamot tenga niyang sagot sa akin.

Nabasag lalo ang puso ko sa naging sagot niya. Hindi pa daw kasi niya nakikita ang babaeng magpapatibok ng kanyang puso. Ibig sabihin…talagang little sister lang din ang tingin niya sa akin. Tapos five to ten years from now kaka-graduate ko lang siguro ng college noon.

“S-salamat…”

Iniwasan ko siya at umalis na rin ako sa harapan niya. Basted na agad ako hindi ko pa siya niligawan. Para niya akong tinangalan ng pangarap.

Pagka-akyat ko ng kuwarto ay ibinaba ko ang bag ko at saka ako umiyak ng malakas. Wala akong paki-alam kung may makarinig sa akin. Broken hearted ako at ang sakit ng puso ko. Bakit kasi nauna pa siyang ipinangak? Bakit kasi hindi na lang ako ang nauna kay Kuya Ivan?

“Niamh? Okay ka lang?!”

Sunod-sunod na katok ni Kuya Ivan sa pinto ko.

“Leave me alone!” sagot ko sa kanya.

“What? Dagukan kita diyan!” Singhal niya sa labas ng pinto.

“I said leave me alone kuya!” sigaw ko ulit sa kanya sabay atungal ulit. Nagtakip ako ng unan sa mukha. Magkahalo na ang laway, uhog at luha ko ngunit wala akong paki-alam…

“Niamh? If you need someone to talk makikinig kami ng kuya mo.” Narinig kong mahinahon na sabi ni Kuya Marcus.

“Oo nga! May umaway ba sayo?! Sabihin mo sa akin kung sino tatang@lan ko ng b@gang!”

“Ano ba? Ganyan ka ba talaga makipag-usap sa kapatid mo?”

Naririnig ko silang nagtatalo sa labas ng aking pintuan. Kaya bumaba ako at binuksan ko ang door ko.

“Diba sabi ko gusto kong mapag-isa?” inis na sabi ko sa kanilang dalawa. Suminghot ako at pinahid ang aking butil-butil na luha.

“Bakit ka ba kasi umiiyak? Sabihin mo muna sa amin saka kami aalis.” Seryosong sabi ni Kuya Ivan. Kapag hindi ako nagsalita kukulitin lang din niya ako.

“G-gusto ko lang kumain ng French fries…milk tea saka mango float. Please ibili mo ako kuya…ha?” wika ko sa kanya.

“Anak ng kambing na may bangs! Yun lang pala akala ko naman binasted ka na ng crush mo!” litanya ni Kuya Ivan…

“WAHHHHH! I hate you!!!”

Pumasok ulit ako sa loob ng pinto at sinara ito. Ayoko nang magkaroon ng kuya!

“Ikaw kasi! Tara na’t mag-order na tayo!”

Narinig kong sabi ni Kuya Marcus. Hangang sa hindi ko na sila naririnig na nagtatalo sa labas. Huminga ako ng malalim at kinalma ko ang sarili ko. Nalulungkot ako at nasasaktan. Pero nakaramdam ako ng gutom kaya bukas na lang ulit ako iiyak.

Nagpunta ako sa banyo upang maghilamos. Naglagay ako ng headband na may flowers design at napalit na rin ako ng damit ko. Inayos ko ang aking sarili kahit halata sa mga mata ko ang pamumula at pamamaga na dahil sa pag-iyak ko.

Nakarinig ako ng katok sa pinto at binuksan ko ito.

“Ito na yung—”

“Salamat.”

Akmang isasara ko na ang pinto pero pinigilan niya ito. Kaya nag-angat ako ng tingin sa kanyang mukha.

“Hindi ini-iyakan ang maling tao. Makakalimutan mo rin siya.” Nakangiting sabi niya sa akin. Ginulo pa niya ang bangs ko at pagkatapos ay tinalikuran na niya ako.

 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Maghihintay Na Mahalin   10

    NIAMHNapamulat ako nang malakas na tumunog ang alarm clock ko. Bumalikwas ako ng bangon at inabot ko ang maingay na orasan sa ibabaw ng aking side table saka ko ini-off. Napahawak ako sa aking sintido. Pakiramdam ko kakapikit ko pa lamang. Napuyat kasi ako kagabi kakaisip ng sinabi ni Bebu sa akin. Kahit puyat napapangiti pa rin ako sa tuwing naalala ko yun dahil paulit-ulit na nagpi-play yung salitang yun sa isip ko.Nagseselos ako! Nagseselos ako! Nagseselos ako!Wahhh!!! Nagseselos siya!!! Napatayo ako at napasayaw sa harapan ng whole body mirror ko. Wala akong naririnig na musika pero naririnig ko ang mga hippopotamus na nagdiriwang ngayon dahil sa saya na nararamdaman ko!Ganito pala talaga ang in-love. Tama si Tinay. Parang tumitigil sa pag-ikot ng mundo at ang naririnig ko na lamang ay ang abnormal at ang malakas na pagtibok ng aking puso. Bago pa ako tanghaliin ay naligo na ako. Pagkatapos ay naghanap ako ng dress para sa magiging date namin ni Bebu. Dapat maganda ako sa pani

  • Maghihintay Na Mahalin   9

    NIAMH"Ano sabi mo?" ulit ko dahil baka nagkamali lang ata ako ng dinig. Narinig ko siyang bumuntong hininga pagkatapos ay nagkamot ng ulo at nag-iwas ng tingin sa akin."I-I mean, I can pretend to be your boyfriend, Niamh. Para tigilan ka na rin ng mga nanliligaw sa'yo." ulit niya.Nakagat ko aking ibabang labi. Ito na ba yung matagal ko nang hinihingi sayo Lord? Kahit pretend lang kuntento na ako doon. Basta matatawag ko siyang boyfriend ko!"Sige!" Excited na sagot ko. Parang may naghahabulang hippopotamus sa dibdib ko. Magkahalong saya, excitement at kilig ang nararamdaman ko ngayon na hindi ko maipaliwanag."Sige? Payag ka na maging fake boyfriend mo ako?""Uwu! Kaya lang dapat may tawagan tayo diba? Ako na mag-iisip." nakangiting sabi ko sa kanya. Malalim akong nag-isip kaya di ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya kaya napatingala ako sa kanyang mukha."I'm just kidding…walang maniniwala na boyfriend mo ako dahil kita naman na malayo ang edad nating dalawa."Sinuyod ko s

  • Maghihintay Na Mahalin   8

    NIAMHHindi ko alam kung anong nakain niya para puntahan ako dito sa lunch hours. At paano kaya siya nakalusot sa masungit na bantay sa gate? Nang makarating na kami ng parking lot hawak pa rin niya ang kamay ko. Kahit malakas ang tibok ng puso ko ay mas naalala ko ang nangyari kahapon kaya napatigil ako sa paglakad nang nasa tapat na kami ng car niya kaya nilingon niya ako."Why? Sandali lang naman tayo ibabalik din kita."May pagpisil pa siya ng kamay ko."A-Andiyan ba siya?" nag-aalangan na tanong ko. Binitawan niya ang kamay ko at pagkatapos ay binuksan niya ang unahan na pinto."At bakit ko naman siya isasama dito? Nasa mall siya ngayon namimili ng gamit after this ko siya pupuntahan." nakangiting sambit niya. Paano ako hindi magseselos? Doon siya nakatira, palagi silang magkasama at fiance pa niya ang karibal ko…Hinila niya ako at pinasakay sa unahan ng sasakyan. Pagkatapos ay umikot siya sa kabila at sumakay din siya."Bakit ba kasi kailangan mo pa akong dalhin dito? Akala ko

  • Maghihintay Na Mahalin   7

    NIAMH"Kuya? Nag-away ba kayo ni Kuya Marcus? Bakit parang hindi ko na po siya nakikita dito?" Hindi napigilan na tanong ko sa kanya. Paano kasi halos isang linggo ko na siyang hindi nakikita. Napa-paranoid na ako sa nangyayari. Kung dati walang araw na hindi ko siya nakikita, at nakakausap ngayon ay wala man lang akong alam sa nangyayari sa kanya."Wala dito sa bansa si Marcus, nasa Europe. Pinapunta siya ni Tito Archie. Hindi ko lang sure, pero sa pagkakaunawa ko may babae daw siyang isasama sa pag-uwi." sagot niya na ikinatigil ko."Babae? Kapatid?"Umiling siya sa akin at inisang lagok ang kape niya."Nope, pero malapit daw ito sa kanilang pamilya."Napasinghap ako sa sinabi niya. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano pero paano kung siya yung tinutukoy ni Kuya Marcus?"Bilisan mo na, malalate na ako." Paalala ni kuya. Hindi ko na naubos ang pagkain ko dahil sa mga nalaman ko. Pumunta siya ng Europe nang hindi sinasabi sa dahil sa babaeng yun? Pero bakit nga pala niya sasabihin? Wala n

  • Maghihintay Na Mahalin   6

    NIAMHAkala ko kapag nakita ko na siya ulit at nakakain na ako magiging okay na ang pakiramdam ko. Pero habang tumatagal lalong bumibigat ang katawan ko. Sinubukan kong bumangon at nagpunta ako ng banyo para umihi. Ngunit nang pipindutin ko na ang flash ay napansin kong nagkulay pula ang ihi ko. Sinilip ko ang suot kong panty at may nakita akong pulang mantsa. Kinabahan ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya nagmadali akong tumawag kay Kuya Ivan. Ngunit nakailang ring na ako hindi pa rin siya sumasagot. Nagpalit muna ako pagtapos ay tinawagan ko na ulit si Kuya, pero hindi pa rin niya sinasagot ang tawag ko kaya hindi na ako nagdalawang isip na tawagin si Kuya Marcus. Unang ring palamang ay sinagot na niya ang tawag ko.“Why? Hindi pa ba maayos ang pakiramdam mo?” tanong niya sa kabilang linya. Napasinghot ako…hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Alam ko kung bakit may red na yung panty ko. Ibig sabihin dalaga na ako…palaging bukam-bibig yun ni Cloe na kailangan daw maregla mu

  • Maghihintay Na Mahalin   5

    NIAMH“OMG!!! Ahhh!!!” sigaw ko habang nakatayo at nakatingin sa harapan ng vanity mirror. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko. Bumungad silang dalawa at may hawak pa silang baseball bat at tambo?“What happen?!” bulalas ni Kuya Ivan habang palinga-linga ng tingin. Samantalang napatalikod naman si Kuya Marcus nang makita niya ako dahil nakatuwalya lamang ako. Kakatapos ko lang kasing maligo.“K-kuya…huhu…may buhok na ako sa kili-kili…” na-iiyak na sabi ko sa kanya. Ipinakita ko sa kanya ang maputing kili-kili ko na may tumutubong maninipis na parang balahibo.“Look! Ang cu-cute nila!”Nilapitan ako ni kuya at nagulat ako nang tapikin niya ako sa ulo.“Ouch! Bakit may pangbatok?” nasaktan kong angil sa kanya.“Nagkakanda-sungaba na kami ng Kuya Marcus mo makarating lang dito tapos sisigaw ka dahil lang sa buhok mo sa kili-kili? Ano ba talagang nangyayari sayo, Niamh?” inis na tanong ni Kuya Ivan. Napakamot ako sa ulo ko.“Sorry na, kasi naman natutuwa lang ako. Noo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status