Share

Chapter 4: Devorah

Kanina pako naiilang sa tingin ng tatlong bata sa harap ko. Para silang mga pusang kumikinang ang mata na nagpapacute sa akin.

“Pwede bang gawin niyo ulit, ate Emerald?” Pakiusap ni JinJin. 

“Oo nga ate. Can you do it again? Please…” Si Wendy, isa sa mga batang kasama ni chloe kanina. 

“Yes, one last time. We want to see it again” Si Julia. Napabuntong-hininga ako. Mga limang beses na siguro nila itong sinabi. Tatanggi na dapat ako pero di ko maatim tanggihan ang mga bata sa harap ko. Walang magawa ay kinuha ko ang hawak nilang gamit. Ang tawag nila dito ay magical tool. Ito daw ang ginagamit ng mga tao dito para maipagtanggol ang sarili nila sa mga masasamang mages dahil karamihan sa mga tao na nakatira sa bayan na to ay walang kapangyarihan. Sa buong bayan ay meron lang daw isa na biniyayaan. 

Tinignan ko muna ang paligid. Nandito kami ngayon sa garden ng bahay nila Julia. Nang paalis na kami kanina ay bumuntot sila sa amin. Nagkakaasaran pa nga sila pero nagkasundo na rin kalaunan. Niyaya niya kami sa bahay nila para magmeryenda at pumayag naman agad si JinJin. Kaya nandito kami ngayon sa bahay nila Julia. Halatang mayaman ang kanilang pamilya sa itsura palang ng bahay nila. Malawak ito at may dalawang floor. Manghang mangha si JinJin na mukhang ngayon lang nakapasok dito. 

Pinindot ko ang button nito at agad na lumabas ang malakas na kuryente. Para itong maliwanag na hibla na dumadampi sa balat ko. 

“Wowwww! Ang galing!” Napapalakpak silang tatlo. Napangiti ako habang nakatingin din sa ginagawa ko. 

“What’s happening here?” Isang magandang babae ang biglang sumulpot sa likuran namin. Sa mukha niya ay mukhang di nalalayo ang edad niya sa edad ko. Agad akong napatayo para magbigay galang. 

“Auntie!” Masayang tawag ni Julia at agad lumapit dito para yumakap. Nilapitan naman ako ni JinJin at sinenyasan na may ibubulong. 

“Ate ganda. Magpasalamat ka sa kanya. Siya yung nilapitan ni Mama para tulungan ka” Agad akong napatingin dito. 

‘Siya pala si Miss Devorah’

“Oh, nandito pala ang mga kaibigan mo.” Napadako ang tingin niya sa akin. 

“Wait, you’re the girl from Manang Flora’s house right? Mukhang maayos ka na ngayon.” Napakunot ang noo ko. Hindi ba siya ang nagpagaling sakin? Bakit parang gulat na gulat siyang maayos na ako. 

“Auntie, you know her? She’s my Idol. Niligtas niya po kami kanina.” 

“Why? Anong nangyari?” Curious na tanong neto. Nag-alangan naman magkwento si Julia pero sinabi niya rin. 

“Tsk! Bakit may hawak si Chloe na ganun? It was supposed to be well hidden in her father’s vault. It’s very dangerous for kids like you. Thank God! Nothing happened!” Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. 

“Thank you for saving my niece and Wendy.” Agad akong umiling. Sumenyas ako na ako dapat ang magpasalamat pero napakunot lang ang noo nito. Mukhang di naiintindihan. Tumikhim naman si JinJin. 

“Hehe. Sabi niya po, siya po ang dapat magpasalamat.” Mayabang na pagkakasabi nito. Naliwanagan naman si Miss Devorah pero nakakunot pa rin ang noo. 

“You can’t speak?” Nahihiya akong tumango. Nag-isip ito ng ilang minuto at napabuntong-hininga.

“Well, If you’re thanking me for your fast recovery, I think you’re wrong. I only helped stop your wounds from bleeding.”

Kung ganon? Bakit ang bilis nawala ng mga sugat ko. Ngayon nga ay pakiramdam ko maayos na ako kung di lang nawawala ang boses ko at wala akong maalala. Nilingon niya ang mga bata.

“Can you leave us for a minute? May sasabihin lang ako kay ate niyo.” Kahit labag sa loob ay umalis ang dalawang bata. Napatingin ako kay JinJin na walang balak umalis. 

“Ahh. Baka po hindi niyo maintindihan si ate Ganda. Ako yung magiging transitor niya.” Proud niyang sabi at bumungisngis. 

‘Transitor? Hindi ba translator iyon? Siguro mali yung pagkakaalala ko’

Ngumiti sa kanya si Miss Veronica.

“Okay, but you have to promise me na lahat ng maririnig mo ay wala kang pagsasabihan. It will be just a secret for the three of us. Do you understand?” Seryosong paalala ni Miss Devorah. Napalunok si JinJin. Ako rin ay nakaramdam ng kaba. 

“O-opo.” Mahina niyang sabi. Ano naman kayang sasabihin ni Miss Devorah?

“Can you tell me, why you are here?” Parang bumigat ang tensyon sa paligid sa kaseryosohan ng pagkakatanong niya. 

“Wala po siyang naaalala.” Masiglang sagot ni Jinjin. Animo ay nakasagot sa isang pagsusulit.

“I see. Naisip ko na din yan. You will not stay here for too long, if you can remember anything.” Wala sa sariling sambit nito. 

“I’m actually glad that you don’t remember anything yet cause I’m afraid na magpapadalos dalos ka ng desisyon.” Tuluyan ng napakunot ang noo ko kay Miss Devorah. Anong sinasabi niya? Napalingon ako kay JinJin ng tinusok niya ang bewang ko.

“Ate.. Magkakilala ba kayo ni Miss Devorah?” Bulong niya sa akin na hindi ko alam kung maituturing ba talagang bulong dahil narinig din naman siya ni Miss Devorah. Agad akong umiling sa kanya. 

“You might not remember me, but I know you. I immediately recognized you nung nakita kita sa bahay nila Manang. I saw you once when you’re just a child. But I can still recognize you because you still have the same looks. Di masyado nagbago ang mukha mo. You still have that angelic face of someone I know in the past.” Saglit na dumaan ang lungkot sa mukha nito. 

‘Kilala niya ako?’ Nakaramdam ako ng pagkasabik sa narinig. Gustong gusto ko kasing magkaroon ng ideya kung sino ba ako. Pakiramdam ko ay may isang napakaimportanteng parte ng buhay ko ang nakalimutan ko. Isang bagay na dapat ay di ko nakalimutan. 

‘Pero anong sinasabi niyang nakita niya ako nung bata pa ako. Kung makapagsalita ito ay parang ang tanda na nito.’

“Teka teka po. Kilala niyo po si ate Ganda?” Atribididang tanong ni Jinjin. 

Mula sa seryosong mukha ay napangiti si Miss Devorah.

“Yes. I know her. Anak siya ng kaibigan ko. Based on my niece’s story. I assume, you have the ability of Thunder. Just like your mother.” Nakita ko ulit ang lungkot sa mata niya kahit nakangiti siya. 

“Nasan na po ang pamilya ni Ate Emerald? Kukunin po ba siya dito? Pwede po bang wag niyo munang sabihin para di nila sunduin agad si ate?” Pakiusap ni JinJin. 

“Hindi siya masusundo ng nanay niya dahil.. matagal na itong wala.” Nanlumo ako sa narinig. Patay na yung nanay ko? Eh yung tatay ko kaya? Buhay pa kaya? Gustong gusto kong itanong kay Miss Devorah pero hindi ako makapagsalita. Wala kong magawa kung hindi mainis sa sitwasyon ko. 

“Pero hindi siya pwedeng manatili ng matagal dito. Sooner or later, magbabalik ang memorya niya at kasabay nun ay maaalala niya ang misyon niya.”

“You might not remember anything now, but you are Selena Frost. You have to leave this town immediately cause you’re not safe here. While you’re still trying to remember your past, maaring pinaghahanap ka na ng alagad ni Xeno.” 

“Sino po si Xeno?”

“He’s an evil person. He’s the one who killed your mother and the member of the Phantoms. The people who raised you.” Galit na sabi ni Miss Devorah. Agad akong napahawak sa ulo ko ng kumirot ito. Parang binibiyak ito sa dalawa sa sakit. May mga imahe na biglang sumusulpot sa isip ko. 

“Ate? Ayos ka lang?” Nag-aalalang tanong ni JinJin. 

“You have a mission Selena, and I will help you. You need to go to Golden Race Academy and find Zero.”

‘Zero?’ Para itong trigger at naging malinaw ang mga imaheng nakikita ko na kanina ay malabo. Mga lalaki at babaeng nagtatawanan  at masayang nagkakainan na biglang napalitan ng mga nakahandusay nilang katawan. Bigla ulit itong nagbago at nakita ko ang sarili kong yakap sa kamay ko ang isang babae. Isang babae na may sinasabi bago lagutan ng hininga. 

‘Selena... Find my son, Zero. He has half of the mark you need to kill Xeno.’

“Zero...” Mahina kong sambit bago tuluyang magdilim ang paningin ko at mawalan ng malay. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status