Share

Chapter 2: Forgotten

“Tay! Nay! Nakauwi na po ako.” Masayang sabi ng isang batang babae.

Napahinto siya sa pinto ng makita ako. Nakatingin lang siya sa akin at ganun din ako sa kanya. Napatingin siya sa babaeng nasa tabi ko ng magsalita ito.

Nandito kami ngayon sa parang sala ng bahay nila. Maliit lang ang bahay nila at medyo may kalumaan na pero maayos at malinis naman. Dinala ako dito ni Manang dahil ayaw niya akong iwan mag-isa sa kwarto dahil baka bigla na naman akong atakihin ng sakit sa ulo at masaktan ang sarili ko.

“Nakauwi kana pala, Jinjin. Kamusta ang pagpasok mo?” Narinig kong tanong nito sa kanya. Nanatili lang akong nakikinig at nakaupo sa kanina ko pang pwesto. Napatingin muna ito sa akin bago buong siglang ngumiti sa marahil ay nanay niya.

‘Kung ganun ay may anak pala ang mag-asawa.’

“Maayos naman po. Marami rin po akong naging kaibigan na bago. Nagpakilala pa nga po kami isa-isa sa harapan.” Masaya niyang sambit bago tumingin ulit sa akin. Nagtataka.

“Talaga? Mabuti naman at mukhang mababait na ang mga kaklase mo ngayon. Maupo kana dito’t magmeryenda. Mamaya kana magbihis sa taas.” Utos sa kanya.

Sumunod naman siya dito at umupo sa may harapan ko. Mukhang nahihiya ito at kinakabahan na ewan.

“Ah.. Nay? Sino po siya?” Di na niya napigilang itanong.

“Mamaya na, Jinjin. Pagdating na ng tatay mo.” Sagot niya sa anak niya at bahagyang pi-nat ang ulo ko.

Kanina ay mga alas-nuebe na pala ng umaga ng magising ako. Ilang oras akong umiiyak dahil sa pagsakit ng ulo ko at sa pagpipilit kong mag-salita pero walang boses na lumalabas. Ngayon ay mag-aalas kwatro na ng hapon.

Nginitian ako nung bata pero nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Parang.. wala akong lakas gumawa ng kahit na ano. Kahit pag-ngiti lang.

Napatingin kaming lahat sa pintuan ng lumabas mula dito si Manong. Yung asawa nung matandang babae. Hindi ko nga pala alam hanggang ngayon kung ano yung mga pangalan nila. Pati pangalan ko. Sino nga ba ako?

“Oh Jinjin, nandito kana pala.” Sabi nito dun sa bata. Lumapit naman agad yung bata dito at nagmano.

“San po kayo galing Tay?” Tanong nung bata. Tumingin sakin ang ama niya at umupo sa may tabi nung asawa niya. Napabuntong-hininga pa ito.

“Binalikan ko ang.. ang lugar na nakita namin itong si ineng. Ah.. Di mo pa ba naaalala ang pangalan mo ineng?” Baling niya sakin. Napailing ako ng dahan dahan. Napabuntong- hiniga ulit ito.

“Matagal akong nag-antay at nagtingin tingin doon pero.. Walang tao na bumalik doon. Walang.. naghahanap sa iyo, iha.”

‘Walang naghahanap sa akin?’

Sa isiping yun ay di ko malaman kung bakit biglang kumirot ang puso ko.

“Pero wag kang mag-alala. Tutulungan ka naming mahanap ang pamilya mo. At habang wala ka pang naaalala ay dito ka na muna tumira sa amin. “ Parang may humaplos sa puso ko sa sinabi ni Manong at napaluha ako.

Hinawakan ako sa balikat ni Manang at hinaplos ang likod ko.

“Oo, iha. Dito ka na muna samin habang wala kapang naaalala at habang nagpapagaling ka pa ng mga sugat mo. Buti nga at mabilis kang gumaling ano? Ano ba kasing nangyari sayo at napunta ka sa gubat na yun? Siguro ay inatake ka ng mga hayop sa gubat kaya ka nagkaganyan.” Nag-aalala niyang sambit at hinaplos ang pisngi ko. Parang may isang imaheng biglang sumulpot sa utak ko at may nakita rin akong isang babae na nakangiti sa harap ko. Mabilis din itong nawala nang napakurap ako. Agad akong napahawak sa ulo ko ng kumirot ito pero saglit lang ay nawala rin agad.

“Oh, ayos kalang ba? Sumasakit na naman ba ulo mo?” Nag-aalalang sambit ng Ginang. Agad ding lumapit sakin si Manong.

“Wag na muna natin siyang tanungin ng tanungin at baka napepwersa ang utak niya. Mabuti pa at umakyat kana sa taas, iha.” Nakangiting payo ni Manong.

Tumayo ako at inikot ang paningin sa paligid. Sumenyas ako na nanghihingi ng panulat at papel. Agad naman nila akong inabutan ng papel at panulat mula sa bag ni JinJin. Isinulat ko rito ang mga salitang nagmula sa puso ko.

“Salamat po!” Napangiti sila sa akin maging si JinJin na kakamot kamot ang ulo dahil walang ideya sa nangyayari.

•••••••••••••

Someone’s Point of View

Sa isang malawak at magarbong kwarto ay nakatayo ang isang lalaki sa harap ng bintana kung saan nakikita niya ang nangyayari sa labas. Sa kamay ay may hawak na isang litrato. Isang imahe ng pamilya pero hindi mababakasan ng kasiyahan sa mga mukha.

“Nahanap niyo na ba ang babaeng yun?" Seryoso kong tanong sa tatlong lalaking nakatayo sa likod ko. Lumipas ang ilang minuto pero walang sumasagot sa kanila. Napahigpit ang hawak ko sa litratong hawak.

Paglingon ko nakita ko sa mga mukha nila ang takot at pag-aalinlangan.

“Di niyo ba narinig ang tanong ko?” Napaangat ang tingin nila sa akin.

“ASAN NA ANG BABAENG YUN?!” Nanlilisik ang mata ko sa sobrang galit. Ang mga salamin sa paligid ay nabasag. Sabay-sabay silang yumuko habang nanginginig.

“W-wala na po siya. Nung h-hinabol namin siya. Nakatakbo po siya pero natamaan siya ng pana sa tiyan. S-sigurado pong di siya makakalayo baka nga patay na yun.”

“Anong baka? Hindi kayo sigurado?! Bumalik kayo dito ngayon ng wala ang babaeng yun at di sigurado sa binabalita niyo?!”

“Patawarin niyo po kami, di po kasi namin inaasahan na may kapangyarihan pa ang babaeng yun! Muntik na po kaming –”

“Tigilan mo na ang pagdadahilan para pagtakpan ang kapalpakan niyo! Anong sinasabi mong kapangyarihan? Ako mismo ang nagtanggal sa bawat isa sa kanila. Sinasabi mo bang nagkamali ako, ha? Bobo!”

“At anong ibig niyong sabihin? May sugat na siya’t lahat pero hinayaan niyo pa rin siyang makatakas?!”

Nagsiluhuran sila sa harap ko.

“P-patawarin niyo po kami. Susubukan po namin siyang hanapin sa ibang bayan.”

“Wag niyo lang subukan! Gawin niyo! Dalhin niyo ang babaeng yun sa harap ko kung ayaw niyong kayo ang pagbuntungan ng galit ko!”

“Napakasimple nalang ng pinapagawa ko sa inyo pero di niyo parin nagawa! Mga wala talaga kayong kwenta! Mga walang utak! Isang babae na lang yun, natakasan pa kayo? Bilisan niyo! Umalis na kayo sa harapan ko at hanapin niyo siya. Wag na wag kayong babalik hanggang di niyo siya nakikita. Maliwanag ba?”

Sa nanginginig na katawan ay mabilis silang umalis sa harap ko.

‘Ang babaeng yun! Pagbabayaran niya ang ginawa niya! Galingan niya ang pagtatago. Dahil sa oras na makita ko siya. Ipapatikim ko sa kanya ang galit ko. Papatayin ko siya! Walang ni isa sa kanila ang dapat mabuhay!’

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status