Share

Chapter 3: Bullied

“Wala ka talagang maalala?”

Umiling ako. 

“Bakit ka nandun sa nakakatakot na gubat na yun?”

Napahinto ako at nag-isip. Pilit ko mang isipin ay wala talaga akong maalala. Sumasakit lang yung ulo ko.

Isang batok ang natanggap ni JinJin sa Nanay niya. 

“Kakasabi niya lang na wala siyang maalala diba? Bakit mo pa siya tinatanong niyan? Pinapasakit mo pati ang ulo ko eh.” Sumimangot si JinJin sa Nanay niya habang nagkakamot ng ulo. Bumaling sakin si Nanay Flora at ngumiti. Kanina lang ay matiyaga silang nagpakilala sakin kaya kilala ko na ang mga pangalan nila. Sabi nila ay tawagin ko nalang silang Nanay Flora at Tatay Franco. Ang anak naman nila ay Jennica ang pangalan pero tawagin ko nalang daw na Jinjin. Sampung taong gulang palang si JinJin samantalang nasa edad kwarenta at singkwenta na ang magulang dahil matanda na daw sila nabiyayaan ng anak. 

“Wag mo nalang siyang pansinin, iha. Ganyan talaga yang batang yan. Matanong!” Sasagot sana ako pero naalala kong wala nga pala akong boses. Ngumiti nalang ako dito. Napaisip ako. Pipi kaya talaga ako? Nakaramdam ako ng lungkot.

“Parang nagtatanong lang eh. Syempre sinusubukan ko lang si ate ganda kung wala talaga siyang naaalala. Mahirap na, baka nagpapanggap lang yan. Masyado pa naman kayong maawain ni Tatay” 

“Hay nako! Nasasabi mo lang yan dahil hindi mo siya nakita nung bagong dala siya dito ng Tatay mo. Malakas ang agos ng dugo sa ulo at tiyan niya. Akala ko nga nung una ay patay na siya eh. Buti at biglang tumigil yung pagdurugo niya at mahimalang nagising siya.” Manghang sabi ni Nanay. Napanganga rin si JinJin. 

‘May sugat ako sa ulo at tyan?’

‘Bakit ako nagkasugat? Bakit ba ako nasa gubat?’

“Ay! Pasensya kana, iha. Baka sumakit na naman ang ulo mo. Ito kasing si JinJin.”

“Oh bakit ako sinisisi mo dyan? Ikaw yung nagkekwento dyan eh.” Nilipat niya ang tingin sa akin na nakaupo sa higaan.

“Pano pala yan. Nandito siya sa kwarto ko. San ako matutulog neto?”

“Dito ka na muna sa lapag matulog. “

“Ha? Ayoko nga!”

“Oh edi dun ka muna samin ng tatay mo.” Lalong napangiwi si JinJin.

“Okay na pala ko dito sa lapag. Ano ba yan! Bakit kasi nag-aampon ampon kayo tapos ako mahihirapan.” Bubulong bulong na salita ni JinJin. 

Umalis ako sa higaan at sumenyas na ako nalang ang hihiga sa lapag.

“Ay nako hindi, iha. Matulog kana diyan at ng makapaghinga ka ng maayos.” Nilingon niya ang anak. 

“Tigilan mo nga iyan JinJin, kaya ka siguro walang kaibigan dahil sa ugali mo eh.” Sermon ni Nanay. Napaseryoso ng itsura si JinJin at umalis ng kwarto.

“Oh anong nangyari dun?” Nagtatakang tanong sakin ni Nanay Flora. Tinignan niya ulit ang sugat ko. 

“Mabuti nalang at napagamot ka namin kay Ms. Devorah kung hindi baka ano nang nangyari sayo.” Ngumiti ako. 

‘Devorah? Dapat magpasalamat ako sa kanya.’

•••••••••

Maaga palang ay umalis na si Tatang para mangaso kaya kami nalang ang nasa bahay. 

“Nay! Aalis na po ako. Baka kanina pa po ako iniintay ng mga kaibigan ko.”

“Oh sige. Ingat ka anak!” Sagot ni Nanay pero sa akin nakatingin.

“Grabe naman ang sugat mo, iha. Wala na agad. Parang kahapon lang akala ko mamamatay kana.”

Kinapa ko ang noo ko at wala akong maramdamang sakit kahit pindutin ko. Iniangat ni Nanay Flora ng bahagya ang damit ko.

“Pati sa tyan mo. Wala na ring bakas ng sugat!” Manghang bulalas ni Nanay. 

“Di kaya isa ka sa mga kabataang nag-aaral doon sa.. sa Akademya ng mga may Espesyal na dugo? Yung may mga espesyal na kakayahan?” 

‘Akademya ng may Espesyal na kakayahan?’ 

“Baka naman isa siyang maligno Nay. Lumayo layo ka na sa kanya. Kilala ko ang bawat estudyante sa Akademya noh.” Parehas kaming napalingon ni Nanay kay JinJin. 

“Ikaw talagang bata ka. Bakit nandito ka pa? Akala ko ba aalis kana? Diba iniintay kana ng mga kaibigan mo?” Bahagyang natigilan si JinJin.

“Ahh.. Ano kasi eh. Masama pala pakiramdam ko. Parang ayoko munang pumasok ngayon.” Agad na lumapit si Nanay sa kanya at nag-aalalang hinipo ang noo’t leeg niya.

“Hindi ka naman mainit ah! Tinatamad kang pumasok noh?” 

“Ha? Hindi ah! Masama talaga pakiramdam ko”

“Mabuti pa. Samahan mo nalang si.. Okay lang ba sayo kung tawagin kitang Emerald, iha?” Emerald? Napaisip ako saglit bago dahan dahang tumango. Napangiti ako sa ideyang meron na kong matatawag na pangalan. Napangiti rin si Nanay sakin. 

“Ayan. Habang wala kapang naaalala, tatawagin ka muna naming Emerald.”

“Oh siya maligo kana Emerald at sasamahan ka nitong si JinJin sa bayan.” 

“Po? Teka! Masama nga pakiramdam ko. Ayoko lumabas.” Reklamo ni JinJin. Nakonsensya naman ako at aayaw na rin sana pero nginitian lang ako ni Nanay Flora.

Bakas ang pangamba sa mukha ni JinJin habang naglalakad kami sa bayan. Patingin tingin ito sa paligid na parang may iniiwasan. 

“Tsk! Tsk! Tsk! Andito ka lang pala, Jenny! Di ka namin nakita sa school ah.” Napatingin ako sa batang babaeng biglang humarang sa harap namin. May dalawa pa itong kasama na nakatayo sa dalawang gilid niya. Sa itsura nila ay mukhang magkakasing edad sila ni Jinjin. Mga nasa edad sampo.

‘Ako kaya, ilang taon na ko?’ Madami na namang tanong ang nabubuo sa utak ko kaya napahawak ako sa ulo ko ng bahagya itong kumirot. 

“Ahh. Ano..” Napatingin sakin si JinJin ng nag-aalala kaya napatingin din sakin ang mga babae. 

“Oh, sino siya? Ate mo? Pero diba isang anak kalang ng magulang mo sa bundok?” Nang-aasar nitong sabi. Napatingin ako kay JinJin na may halong pagtataka. 

‘Hindi naman siguro to yung mga kaibigan na tinutukoy ni JinJin, noh?’

“Ah.. Nakikitira lang siya sa bahay namin.” Mahinang bulong ni JinJin.

“Wow. Akalain mong may tumira sa bahay niyo? Eh bukod sa pinaglumaan na ata ng panahon ay baka sobrang liit lang ng bahay niyo. “ Nagtawanan ang tatlong bata sa harap namin habang nakayuko si JinJin at nakakuyom ang kamay.

“Gusto niyo ate, samin kana lang? We have so much nicer home than her. Besides, you’re so beautiful to stay with a loser like her and her parents. Nakakainis nga kasi pati ngayong pasukan, kaklase ko ulit siya.” Nagdadramang sabi nito. Bahagyang nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. 

‘Anong problema ng batang to? Ininsulto niya ba yung mga taong naging mabuti sa akin? Na kahit di ako kilala pero tinulungan parin ako.’ 

“Anyway, Guess what? May pinabili ako kanila Mommy. This is a magical tool na kayang magproduce ng electricity at syempre alam nating you can’t afford. Kaya.. sayo ko nalang susubukan.” Napaatras si JinJin sa takot. Hinawakan ko siya sa kamay at pinakalma. Nilagay ko siya sa likod ko upang protektahan. 

Sinamaan ko ng tingin ang mga batang babae sa harap namin. Tumingin ako sa paligid para manghingi ng tulong pero tila walang pakealam ang mga ito. 

“Oh! May tagapagtanggol kana pala ngayon.” Asar niya kay JinJin na bahagyang nanginginig sa likod ko. 

“Are you sure na gusto mong kumampi sa loser na yan, ate?” Nakangiting tanong niya sa akin.

“Wait.. Bakit di ka nagsasalita? Pipi ka ba?” Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Napatawa siya. “No wonder kumakampi ka sa loser na yan dahil parehas naman pala kayo.” 

“I guess, sa inyong dalawa ko nalang to susubukan.” Sa isang pindot nito sa hawak ay may lumabas na kuryente na papunta sa direksiyon ko. Kitang kita ko ang dahan dahan na pagdaloy ng mga hibla ng kuryente na tumama sa akin. Agad kong binitawan si JinJin para hindi siya madamay. Tinignan ko ang kamay kong tinamaan pero wala itong kahit na anong bakas ng pinsala. Nangati lang ito. Napasigaw ang batang lider. 

“Bakit ka di tinablan?! Nakita ko yung kuryenteng tumama sayo!” Chineck niya yung gamit niya at hinampas hampas.

“Ayy. Baka fake lang yan Chloe!” Sabi nung isang batang babae. 

“Oo nga. Dapat di mo na pinagyabang samin kung di naman yan totoo.” Disappointed na sabi nito. Nanggalaiti yung batang babae, na Chloe pala ang pangalan, at itinutok sa mga kasamahan ang hawak niya. Pinindot niya ito at may lumabas na kuryenteng tumama agad sa dalawa. 

“Oh ano? Fake pa ba!” Napasigaw sa sakit ang dalawa at bumagsak sa lupa. Naglapitan ang mga tao sa paligid at nakiisyuso. Mukhang nakunsensya si Chloe at agad na binitawan ang hawak. 

“You asked for it!” Kinakabahan niyang sigaw at saka tumakbo palayo. Pinulot ko ang binitawan niyang gamit at nilapitan ang dalawang bata. Nakasalampak na sila sa daan at namimilipit sa sakit. Napatingin ako sa hawak na gamit at ininspeksyon.

‘Panong may lumalabas na kuryente dito?’ taka kong tanong sa sarili. Pinindot ko ang bilog na buton na nasa gitna at nagulat ako ng may lumabas na kuryente dito pero para lang itong telang bumalot sa kamay ko at agad naglaho. Kumunot ang noo ko sa nangyari. 

Napatingin ako ulit sa dalawang bata. Mukhang totoo naman yung reaksyon nila at hindi umaarte lang.

‘Bakit sila nasasaktan pero ako wala namang nararamdaman?’

Hinawakan ko sila para tignan kung ayos lang sila pero nabigla ako ng maramdaman ko ang kuryenteng tila pumasok sa katawan ko. Agad ko silang nabitawan. 

Napatigil ang dalawa sa pag-iyak. Tinignan nila ang katawan ng matagal bago dahan dahang tumayo. Pareho silang nagtataka kung pano nawala ang sakit pero iisa lang sila ng naiisip. Napatingin sila sa akin ng namamangha. 

“Parang ayos naman tong dalawang bata. Akala ko naman kung anong sinisigaw. Magsibalik na nga tayo sa ginagawa natin” Nagsialisan na ang mga tao sa paligid namin at tumayo na rin ang dalawang bata. Si Jinjin naman ay pumunta sa gilid ko.

“Anong nangyare? Anong nangyare?” Tanong ni JinJin. Napatingin ako sa kamay ko kung saan tila pumasok ang kuryente. 

‘Ano nga bang nangyare?’

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status