Share

Kabanata 58

Author: Chelle
last update Last Updated: 2025-12-14 23:18:37

Argument with his dad

Tristan POV

Napagdisisyonan ko na ilipat ng trabaho si Amara dahil nga galit ako sa kanya. Gusto ka naman siyang parusahan ngayon.

Ayokong alisin sa trabaho dahil sigurado akong lalapit lang ito kay Daddy. At baka binigyan ni Daddy ng trabaho sa main kompanya namin.

At mas lalong ayokong mapalapit sila sa isa't isa dahil sobrang nagseselos pa rin ako. Ayokong maging masaya sila habang ako ay nasasaktan ng lihim.

Gigil ako sa message ng ama ko. Ayokong patulan o pansinin ang mga mensahe niya. Ignore ko lang dahil nakakairita ang mga message niya.

Siraulo ba ang aking ama? Anong gusto nitong palabasin? Na maraming nagkakagusto pa rin sa kanya kahit matanda na siya? Na may gugusto pa rin sa kanya na mas bata kaysa sa girlfriend niya?

Itong mag-ina naman na ito ay mukhang pera. Alam na ngang boyfriend ng nanay niya ang Daddy ko, may balak pa yata ito pumapel at umeksena.

Akala ko iba siya sa lahat pero mother's like daughter ang eksena nila. 'Mag mukhang pera
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 70

    Tristan Pov Masama ang tingin ko kay Amara nang ikumpara niya ako sa aking ama. Siguro may mali ako, ngunit hindi ko kagaya ang aking ama na babaero at sulutiro. Kaya naiinis ako sa sinabi niyang pareho lang kaming mag-ama. Hindi ako katulad ni Daddy. Hindi kami pareho at lalong hindi kami magkaugali. "Damn you!" inis na bulong ko. Kaya hindi ako naawa nang paghahampasin siya ng Mama niya. Gusto kong awatin silang mag-ina dahil kahihiyan ang ginagawa nila, pero pinigilan ko ang sarili ko. Ngayon, ano na lang ang sasabihin ng pamilya namin sa gulong kinasasangkutan ni Daddy? Hindi na siya nahiya kay Lola at Lolo. Tumanda na lang siyang paurong. Magpapakasal na nga lang, gumawa pa ng kalokohan. Tarantadong matanda. Itong mag-ina naman, hindi man lang nahiya sa mga bisita namin. Mga mukha talaga kayong pera, na pareho pa kayo ng gustong patusin. Kaya galit na galit ako sa mag-inang ito. Mga gold digger! Nagmamadali itong lumabas ng kusina. Kita ko ang pamamaga ng mukha niya at su

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 68

    Scandalous Amara POV Ang masakit pa ay wala man lang umaawat kay Mama. Parang mas gugustuhin pa nilang makichismis kesa sa awatin kami. Si Tristan naman ay parang wala lang sa kanya. Pinapanood niya lang kung paano ako dahan-dahang nasisira sa publiko. Confirm na wala na talaga siyang pakialam pa sa akin. Nabigla ako nang hilahin ako ni Mama sa braso ng mariin. Kinaladkad niya ako palapit kay Tito Lucio. Nakita ko itong napangisi. Sumama bigla ang mukha ko. "Humingi ka ng tawad sa Tito mo!" utos ni Mama. Umiling ako, kahit nanginginig ang katawan. Pero kailangan kong maging matatag at matapang. "Hindi ko gagawin ang hindi ko naman ginawa. Mas sa sarili ko pa ako hihingi ng tawad dahil napunta ako sa lugar na ito." Mas lalo siyang nagngitngit sa galit. "Ang kapal ng mukha mo! Wala kang hiya na babae ka!" Sinampal na naman niya ako, pero hindi ako gumanti. Hindi pa nakontento, sinabunutan niya ako sabay tulak sa akin kaya natumba ako sa sahig. Napaigik ako sa sakit ng

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 68

    Engagement Party Amara POV Ang ganda ng mga ilaw na nagkikislapan sa venue. Maganda rin ang musika, masarap sa tainga. Masasabi kong maganda ang dekorasyon at sosyal ang engagement party. Halatang mahal na mahal ni Tito Lucio ang Mama ko. Lahat kasi ng tao ay nakangiti masaya para sa couple. Tahimik lang ako dito sa gilid dahil ayokong pumunta sa mismong upuan na nakatalaga sa akin. Nakikinig ako sa harapan habang nagsasalita ang host pakiramdam ko unti-unting sumisikip ang paligid. "Ladies and gentlemen, good evening everyone," masayang anunsyo ng host. "Let's congratulate the newly engaged couple!" Palakpakan ang mga tao. Nag-angat ako ng tingin at tumingin sa couple na masayang naglalakad patungong harapan. Nandoon si Mama, nakahawak sa braso ng boyfriend niya at nakangiti na parang wala ni katiting na problema sa mundo. Nagpalakpakan ang mga tao. Tawanan at batian sa mga bisita. May mga flash ng camera na nakatutok sa couple sa harapan. Sa isang iglap, lahat naging totoo

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 67

    Amara Pov Dahil masama ang loob ko sa balitang ikakasal na ang aking ina, nag-overtime ako sa trabaho kahit wala naman na masyadong gagawin sa pag-encode dahil tapos ko na lahat. Parang nawalan ako ng lakas at enerhiya dahil sa kaalaman na ikakasal na ang aking ina. Nawalan ako ng gana sa lahat. Alam ko na ayaw niya akong imbitahan sa kasal niya. Hindi nga niya sinabi kay Lola na ikakasal na siya, eh. Hindi ko alam kung anong meron at hindi sila bati ng Lola ko. Curious tuloy ako at gusto ko alamin kung ano ang dahilan. Mabigat ang dibdib kong lumabas ng opisina. Gusto ko na munang mapag-isa kahit ngayon lang. Nagtungo ako sa rooftop ng building na ito. Safe naman kasi maraming nagkalat na CCTV camera dito. Kahit sa taas, meron rin. Nagtungo na kami dito ni Tristan dati at alam kong pribado ang rooftop. Pero sana makapasok ako sa taas. Gusto kong magpalamig na muna at alam kong dito giginhawa pansamantala ang bigat na nararamdaman ng dibdib ko. Napangiti ako ng hindi naka-lock

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 66

    Avoiding Him Amara Pov Kinabukasan, maaga akong nagising kahit puyat ako dahil halos umaga na ako umuwi. Buti na lang, walang alak kundi baka hindi na ako nakauwi pa. Nagluto ako ng almusal para sa amin ni Lola. Pinilit kong maging masigla, pinilit kong maging normal. Ngunit habang pinapanood ko si Lola na masayang nakangiti habang kumakain, napagtanto ko ang isang bagay. Maraming paraan para magmahal. At minsan, ang pinakamahirap ay 'yung pipiliin mong tumigil kahit hindi pa tapos ang nararamdaman mo. Humawak ako sa mesa at dahan-dahang ngumiti. Kung aalis man si Tristan sa buhay ko, hahayaan ko siyang lumayo nang hindi ako naghahabol. Hindi dahil hindi ko siya mahal, kundi dahil kailangan ko ring mahalin ang sarili ko. Masyado na akong nasasaktan na pati ang sarili ko, napabayaan ko na. Lihim akong na-insecure sa mga kaibigan ko dahil ang gaganda na nga nila, ang gaganda pa ng mga trabaho nila. Yung love life nila ay masaya rin. Ako, heto, nasa tamang pag-eencode la

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 65

    Masakit na katutuhanan Tristan Pov Tahimik lang akong nagmaneho palabas ng street nila Amara. Hindi ko na nilingon si Amara kahit ramdam ko ang tingin niya sa likod ko. Mas madali kasing tumalikod kaysa harapin ang gulo na kami mismo ang gumawa. 'Kami? Hindi ba't ikaw lang ang gumawa ng gulo sa relasyon ninyong dalawa?' sita na tanong ng isip ko. "Fvck!" mura ko. Kung sinabi ko na ang dahilan, di sana naayos agad ito. 'Now what?' tanong ng utak ko. Umiling lang ako. "Hindi ko alam kung tama bang pumunta pa ako kanina sa bahay nila. Pero nung nakita ko si Lola, 'yung ngiti niya, at 'yung mahigpit na yakap niya na parang wala akong nagawang mali. Doon ko lang naalala kung gaano kalaki ang utang na loob ko sa kanila. At kung gaano katotoo na hindi ko kayang saktan si Lola. Pero si Amara? Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin nang hindi ako bumibigay. Pinilit kong i-focus ang tingin ko sa kalsada. Alam kong nasaktan ko siya sa sinabi ko na "Para kay Lola 'yon. Hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status