The project AmaraKahit puyat na puyat ako dahil sa assignment na kailangan kong tapusin, maaga pa rin akong nagising kinaumagahan. Ginawa ko na ang umagang routine ko dito sa loob ng bahay, ang maglinis, magluto ng agahan, pagtimpla ng gatas ng aking Lola, at maligo na bago kumain. "Lola, hindi ka po ba bisita ni Mama?" tanong ko. Kita ko ang pagsimangot ni Lola. "Hindi ba't sinabi na niya noon na hindi na niya ako bibisitahin dahil wala naman raw siyang obligasyon sa akin? Okay lang naman iyon dahil hindi naman niya ako ina." "Ayos lang, Lola, nandito naman ako. Hindi kita pababayaan hangga't nabubuhay ako. Kaya 'wag ka na malungkot, ha," lambing ko. Ngumiti naman ito sa sinabi ko. Hindi rin nagtagal ay gumayak na ako para pumasok na sa trabaho. "Mag-iingat ka sa daan apo ko. Tumawag ka kapag may problema. Naka-volume ang cellphone ko para marinig ko agad kapag tatawag ka, apo," natawa naman ako sa sinabi nito. "Opo, Lola. Ikaw rin po, mag-iingat dito, ha? Huwag magpa
Last Updated : 2025-10-25 Read more