Walang masabi si Neil.โHmph! Ako pa rin ang paborito ni NIgel!โ nilagay ni Nellie ang mga kamay niya sa kanyang baywang at mukha siyang mapagmataas. โKapag gumaling si Nigel, isasama ko siyang magshopping at kakakin kami ng masarap ng pagkain!โSumama ang loob ni Neil. โMommy, tingnan niyo po โyung anak niyo!โNgumiti na lang si Luna. Niyakap niya si Nellie at nagpatuloy siya sa pakikipag kwentuhan kay Neil sa video call habang kausap si Nigel sa necklace.Sa loob ng maliwanag na kwarto ni Nellie, magandang eksena ito kung saan nakayakap si Luna kay Nellie.Sa hardin sa backyard, tumingin si Joshua sa hugis sa loob ng bintana. Bahagyang kumunot ang noo niya.Habang nakasandal sa poste ng gazebo, pinatay niya ang sigarilyo sa kanyang kamay.Ito na ang panlima niyang sigarilyo.Hindi niya alam kung bakit, pero habang iniisip niya na aalis na bukas si Luna sa Blue Bay Villa, nakaramdam siya ng pagkairita.Matagal na panahon na siyang nakatayo doon at nakatitig kila Luna at Nelli
Halos dalawang oras nang naghihintay si Joshua sa study room para kay Luna.Makalipas ang dalawang oras, hindi niya na ito matiis. Sinara niya ang dokumento at tinakpan ang kanyang mukha dahil sa pagkairita.Hindi pumunta si Luna. Ayaw niya na talaga magpatuloy sa pagtatrabaho dito. Marami lang talagang iniisip si Joshua.Tinawanan ni Joshua ang sarili niya at lumabas na siya ng study room.Gusto niyang maglakad sa paligid ng villa. Hindi niya napansin na nakarating na pala siya sa pinto ng kwarto ni Luna.Patay na ang mga ilaw sa loob ng kwarto. Tulog na siguro siya.Nagbuntong hininga si Joshua at pumunta siya sa kwarto ni Nellie. Natutulog na rin ng mahimbing si Nellie.Tila si Joshua lang ang hindi makatulog sa buong villa. Siya lang ang nag aatubili na magpaalam bukas.Bumalik si Joshua sa kwarto niya. Nilabas niya ang litrato ni Luna Gibson sa ilalim ng kama niya. Paulit ulit niya itong hinimas.Matapos ang ilang saglit, tumawa siya ng mapait. โDalian mo na ang pagbabali
โKung hindi, baka makonsensya lang ako habang nagtatrabaho para sayo.โAgad na sumimangot si Aura sa mga sinabi ni Luna. Agad niyang binuksan ang pinto ng kotse at bumaba siya dito.Naglakad siya palapit kay Luna. โSige, magsalita ka pa!โTumingin sa kanya ng malamig si Luna. โPareho rin naman kahit anong sabihin ko.โGinitgit ni Aura ang kanyang ngipin.Isang katulong lang si Luna na walang make-up sa mukha. Mukha siyang mahirap at miserable. Ang lakas ng loob niya na tumingin ng ganito kay Aura!Naramdaman ni Aura na mas mababa ang katayuan niya kumpara kay Luna dahil sa lamig ng mga mata nito. Ang nanunuya at malamig na mga matang ito ay parang kapareho ng mga mata ni Luna Gibson dati!Habang nakatingin kay Luna, naramdaman muli ni Aura na nasa ilalim lang ulit siya ng anino ni Luna Gibson. Habang iniisip ito, nagalit si Aura.Hindi niya mahanap o maharap si Luna Gibson. Hindi niya ba kayang harapin ang isang ordinaryong katulong?Kinagat ni Aura ang kanyang mga labi. Lumap
Nang mapansin niya na hindi kumikilos si Nellie, kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya kung saan nakatingin si Nellie.Nakatayo sa tabi ng pinto, hitsurang pagod sa byahe si Joshua.Mukhang galing siya sa lugar na malayo. Gusto-gusot ang damit niya na mukhang pang matalino. Magulo rin ang buhok niya.Gayunpaman, nakakaakit at makisig pa rin siya.Napansin ni Luna ang maliit na kahon sa kamay ni Luna. Pamilyar ang kahon kay Luna, ngunit hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.โDaddy, saan po kayo galing?โNilapag ni Nellie ang kutsara at tinidor at tumakbo siya papunta sa kusina. Nagsandok siya ng isang plato ng kanin. โSakto po ang pag uwi niyo. Kumain po tayo ng huling tanghalian ng magkasama.โPagkatapos, naramdaman ni Nellie na parang may mali. โHindi po ang huling tanghalian, ang huling tanghalian bago po umalis si Auntie.โโHmm.โTumingin si Joshua kay Luna at nilapag niya ang kahon. Niluwagan niya ang necktie niya at sinabit niya ang kanyang coat.Tinupi niya
Pagkatapos magdalawang isip ng mahabang panahon, nagpasya si Luna na iwanan ang dress sa maliit niyang bahay na may 10 metro kwadrado.Matagal na panahon na ang lumipas. Nakalimutan na ni Luna na minsan niyang ginawa ang ganitong dress.Naalala niya ang mga panahon na ginagawa niya ang dress na ito.Ang Luna Gibson noon ay puno ng pangarap na magkaroon ng masayang buhay kasama si Joshua. Pagkatapos nilang ikasal, si Luna na ang pinaka swerteng babae sa mundo.Gayunpaman, isang malaking sampal sa kanya ang katotohanan, halos mamatay pa siya dahil dito.โAuntie.โ bumalik sa kasalukuyan si Luna dahil sa boses ni Nellie.Suot na ni Nellie ang maliit na dress habang nakatayo sa harap ni Luna. Masayang tinaas ni Nellie ang dress at winagayway niya ito, ngumiti siya ng masaya. โMaganda po ba ang itsura ko?โAng eksena kung saan nakatayo si Nellie sa harap niya ay bumura sa imahe na iniisip niya mula sa kanyang alaala.Para bang may mabigat na bagay na dumurog sa puso Ni Luna. Pilit ni
โDaddy, Auntie, ano po ang pinag uusapan niyo?โNapansin ni Nellie na nakatingin sina Luna at Joshua sa kanya. Lumapit siya at ngumiti siya ng mas maliwanag pa sa araw.Tumingin si Joshua kay Luna. Tumaas ang kamay niya at hinimas niya ang ulo ni Nellie. โWala naman. Nagustuhan mo ba ang dress?โโOpo!โ kasing saya ng bell ang boses ni Nellie. โGinawa po ito ni Mommy para sa akin. Gustong gusto ko po โto!โHabang gumagalaw si Nellie, may maliit na dekorasyon mula sa likod ng dress niya na nalaglag.Kumunot ang noo ni Luna. โโWag kang kumilos ng basta basta.โSumunod si Nellie at tumigil siya sa pagkilos.Pinulot ni Luna ang nalaglag na dekorasyon. โDalhin mo sa akin ang kahon.โโHmm!โ tumakbo si Nellie para kunin ang kahon.โDapat ko po bang tanggalin ang dress?โ ang inosenteng tanong ni Nellie nakatabingi ang ulo.โHindi na kailangan.โ Inilabas ni Luna ang karayom at sinulid sa ilalim ng kahon ng walang problema.โTumalikod ka.โ sumunod naman si Nellie.Mahusay na pinasok n
Binaba ni Joshua ang tingin niya. Habang nakatingin sa kumikinang na mga mata ng anak niya, lumambot ang puso niya.Niyakap niya si Nellie na nasa mga kamay niya. โMasyado ka pang inosente.โPaano magiging malungkot si Luna dahil aalis na siya?Siya ang nagpilit na aalis na siya. Hindi naman siya tinganggalan ni Joshua ng pagkakataon na manatili dito. Naghintay si Joshua para sa kanya kagabi, pero hindi siya nagpakita.Bakit siya nagpapanggap ngayon na ayaw niyang umalis at bad mood siya ngayon?Habang iniisip ito, nagbuntong hininga siya. โKumain na tayo. Pagkatapos ng tanghalian, tatawagin ko si Lucas para pumili ka ng bago mong katulong, okay?โKinagat ni Nellie ang mga labi niya at tumango siya. โOkay po.โPag umalis na ang Mommy niya, kailangan niya na ng tao na mag aalaga sa kanya. Kahit na pakiramdam ni Nellie na independent na siya, pinilit ng mga kapatid at Mommy niya na magkaroon siya ng mag aalaga sa kanya.Pagkatapos ng tanghalian, dinala ni Lucas pababa si Nellie p
Nung dinala ni Nellie si Lily pabalik ng kwarto niya, pumunta si Luna sa hardin sa backyard para tawagan si Malcolm.Nung sinagot na ni Malcolm ang tawag, tumawa siya mula sa kabilang linya ng phone. โNakita mo si Lily?โNagbuntong hininga si Nellie, โHindi ko inaasahan na ikaw mismo ang magdadala dito sa kanila.โโNagkataon lang na may business meeting ako sa bansang ito, kayaโt dinala ko rin sila. Hindi ko sila sadyang dinala dito.โโNagkataon lang?โTahimik ng ilang saglit si Malcolm. Pagkatapos, tumawa siya. โHindi, hindi talaga. Namiss ko lang si Neil at si Nellie. Namiss din kita ng kaunti.โTumibok ng mabilis ang puso ni Luna.Pagkatapos manahimik ng matagal, nagbuntong hininga siya, โPupunta ka rin ba sa birthday party ni Granny Lynch mamayang gabi?โโHmm.โ Ngumiti ng bahagya si Malcolm. โGusto kong makita ang mga tao na umaapi sayo dati.โPumikit si Luna. Marami siyang gustong sabihin kay Malcolm, ngunit nung sinagot nito ang tawag, wala siyang mabuo na mga salita.M
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si โAndie Larsonโ.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, โSalamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.โTumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, โOo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?โKahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. โSinabi ba talaga โyun ni Miss Moore?โTumango si Robyn. โNakasalubong ko rin sa elevator โyung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!โHuminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, โTalaga? Nagkataon nga naman.โโTama ka! Maliit ang mundo natin!โ Tumango si Robyn. โHindi lang โyun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ayโฆโNapatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. โSinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?โTahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. โOo.โHuminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. โDati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.โโSimula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.โLumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. โSinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?โHindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. โOโฆ Oo.โBakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, โMiss, kilalaโฆ mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?โSasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. โSyempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.โPagkatapos, tumingin siya kay Luna. โHindi ba, Luna?โNapahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. โOo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.โPagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. โKamusta na ang
โUmโฆโNgunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. โHindi baโt sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.โโNakidnap silang pareho, at ang lalaki na โyun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking โyun, patay na dapat siya ngayon.โโSi Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.โPagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, โGusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.โNapahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. โAng โkamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?โAlam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
โHindi ko kailangan ng special treatment.โ Ngumiti si John kay Tara. โAng gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.โKumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong โpinsanโ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?โHello, Luna.โ Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. โAno ang ginagawa mo dito?โNandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isaโt isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. โMiss Moore!โTumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. โAyos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa orasโฆ Ayos lang ba siya ngayon?โKahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kayaโt sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, โNice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.โPagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. โNabalitaan ko na may sakit ka?โTumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. โOpo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.โPagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. โSinabi mo ba ito sa lahat? Hindi baโt sinabi ko sayo na โwag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?โTumawa si John. โMalalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.โMedyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
โAyos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.โ Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking โyun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. โPero Johnโฆ makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?โNamutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, โSyempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. โWag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.โPagkatapos, tumingin siya