Share

Kabanata 11

Hindi nagtagal pagkatapos umupo ni Neil, pinagsilbihan na ng waitress si Aura.

Inabot ni Neil ang kamay niya para pigilan ang waitress—na siyang nagdadala ng pagkain kay Aura—at tinanong niya habang kumukurap ang malaki niyang mga mata, “Hi, ano po ang pagkain na ‘yan?”

Sa sobrang cute at bait ng batang lalaki ay napatigil ang waitress at ngumiti ito sa kanya. “Ang tawag dito ay filet mignon. Kung gusto mong kumain nito, sabihin mo sa mama mo na umorder nito!”

Tumingin si Neil sa waitress habang nakangiti at tumango siya. “Salamat po, ang ganda niyo po!”

Ang waitress, na nasa kanyang forties, ay natuwa sa papuri ng batang lalaki, at mas gumaan pa ang pagsi serve nito ng food dahil dito.

“Gusto mo bang kainin ang steak na’yun?” ang tanong ng nakasimangot na Anne.

Ngumiti ng pailalim si Neil. “Hindi po.”

“Bakit pala—” ‘Ninang,” sumingit si Neil bago pa matapos si Anne.

“Mag pustahan po tayo.”

Kinuha ng bata ang phone ni Anne at sinimulan ang stopwatch. “Pupusta po ako na hindi na makaka kain ang babaeng ‘yun sa loob ng sampung segundo.”

Tumingin ng naghihinala si Anne. “Kakasimula niya lang kumain.”

Tumingin siya ng patagilid kay Neil. “Naiinggit ka ba na kumakain siya ng steak?”

"Five, four, three, two..."

Nilapag ni Neil ang phone sa mesa at matagumpay siyang nagpatuloy sa pagbibilang: “One.”

Pak!

Sa Aura, na siyang hindi nalalayo, ay hinagis ang kanyang chopsticks sa table at namilipit ang mukha niya sa isang pangit na ekspresyon.

Sa sobrang gulat ni Aura ay nagmadali siyang pumunta sa banyo sa kahihiyan.

“Anong…?”

Habang nakangisi, yumuko ang bata at nagsimula na siyang kumain ng spaghetti,

......

Nanatili sa banyo si Aura ng kalahating oras.

Kumagat lang siya ng isang piraso ng steak! Kahit na kumain siya ng panis na pagkain, hindi niya agad dapat maramdaman ang epekto nito ng ganun kabilis!

Bumalik ang babae sa kanyang mesa at nakita niya ang isang pirasong papel sa ilalim ng chopsticks niya.

May nakasulat na klarong pangungusap dito at maganda rin ang pagkakasulat. [Ang kabayaran sa paggawa ng masama.]

Galit na pinunit ni Aura ang piraso ng papel. “Tawagin niyo ang manager at hanapin niyo ang CCTV footage!”

Gusto niyang makita kung sino ang may lakas ng loob para gawin ito sa kanya!

“Pasensya na po, Ms. Gibson, pero na hack po ang surveillance system ng restaurant ngayon lang, at nabura po lahat ng surveillance video…”

“Mga walang kwenta!”

Habang nakatayo sa monitoring room, binasag niya ang baso niya sa computer screen.

May malakas na tunog ng nabasag na baso.

Si Luna Gibson siguro—siya siguro ang gumawa nito!

......

10pm.

Huminto ang itim na Maserati sa harap ng Blue Bay Villa.

Kakatapos lang ni Joshua sa isang international call at lumabas na siya sa kotse, pagod na pagod.

Nung pumasok siya sa kwarto niya, napahinto siya. Lumingon siya at tumingin siya sa kwarto na bata sa dulo ng corridor at pumasok siya dito.

Walang tao sa kwarto ng bata.

“Nakabalik na po kayo, Sir.” nang marinig ng butler ang tunog sa loob ng kwarto ng bata, binati niya si Joshua, “Hinahanap niyo po ba si Little Princess?”

Bahagyang tumaas ang mga kilay ni Joshua. “Nasaan siya?”

Nagbuntong hininga ang butler. “Nagpilit po si Little Princess na matulog kasama si Luna, at may maliit lang po na kama sa kwarto ng Little Princess… Kaya po, pumunta po siya sa kwarto ni Luna sa baba para matulog.”

Maingat niyang sinuri ang ekspresyon ni Joshua. “Gisingin ko po ba si Luna para ibalik si Little Princess?”

Hindi na nagsalita si Joshua at bumaba na siya ng hagdan, nakatayo siya sa harap ng saradong pinto ni Luna.

Nabasa ng butler ang intensyon niya at agad itong naglabas ng susi para buksan ang pinto.

Madilim ang kwarto at may isang lampara lang na nakailaw sa tabi ng kama. Pumasok siya sa kwarto at nakita ang dalawang babae—isang matanda at isang bata.

May suot na light gray na pajama si Luna habang hawak niya sa kanyang mga braso si Nellie, na siyang may suot na pink na damit. Kahit na tulog ang babae, nakabantay pa rin ang mga braso dito para protektahan ang pinsala sa mukha ni Nellie.

Nalilito si Joshua, ngunit ang eksenang nasa harap niya ay mukhang maginhawa.

Tumawa siya at minaliit niya ang kanyang sarili; nawawala na ata siya sa katinuan.

Si Nellie ay anak niya at ni Luna Gibson, isang patunay ng pagmamahal nila sa isa’t isa, ngunit ang Luna na nasa harap niya ay isang katulong na may masamang intensyon, sinusubukan lumapit sa kanya para sa sarili nitong interes.

Pagkatapos ng ilang saglit, tumalikod ang lalaki at umalis na siya.

“Magdagdag kayo ng extra na kama sa kwarto ni Nellie bukas.”

“Yes, Sir!”

Nakasara ang pintuan sa kwarto, at palayo na ng palayo ang mga hakbang sa corridor.

Sa ilalim ng ilaw ng buwan, bumukas ang mga mata ni Luna, namuo ang ngisi sa kanyang mukha.

Mapayapa na lumipas ang gabi.

Sa sumunod na araw, gumising ng maaga si Luna para gumawa ng agahan para kay Nellie. Nagluto rin siya ng extra para kay Joshua.

Nagluto siya ng agahan dati para kay Joshua noong magkasama pa sila.

Iniisip niya kung nagbago na ang panlasa nito makalipas ang anim na taon.

Nung dinala niya ang agahan sa mesa, natapos na sa paghihilamos si Nellie at lumabas siya suot ang maliit na pajama.

“Wow, ‘yan ang mga paborito kong waffles!” lumiwanag ang mga mata ng batang babae, mabilis siyang umupo sa kanyang upuan. “Ang sarap naman po ng agahan!”

“Talaga?” bago pa matapos sa pagsasalita si Nellie, may mababang boses na nanggaling mula sa taas, may bahid ng pagtawa sa boses nito.

Tumingala si Nellie at tumingin siya sa lalaking pababa ng hagdan. Mayabang, malamig, at gwapo, hindi alam ni Luna kung paano niya ilalarawan ang kagandahan ng itsura ni Joshua.

Namula ang mukha ng batang babae. “Good morning, Daddy.”

Ito ay ang daddy niya, ang daddy na nakilala niya lang kahapon!

“Good morning.” ngumiti ang lalaki at umupo sa harap niya.

Kumuha ng isang maliit na piraso ng waffle si Nellie at nilagay niya ito sa plato ni Joshua. “Daddy, subukan niyo po. Ginawa po ni Auntie ang waffle na ‘to, ang sarap po!”

Tumingin si Joshua sa dessert na nasa harap niya. “Hindi ka pa kumakain. Paano mo naman nasabi na masarap ‘to?”

Ngumiti siya ng awkward. “Nahulaan ko lang po!” sumubo ng isang piraso ang batang babae. “Masarap po talaga!”

Tumingin ang lalaki sa munting mukha na puno ng pagkain sa bibig. “Masakit pa rin ba?” Nabigla si Nellie bago niya napagtanto na tinutukoy pala ang mukha niya.

“Hindi na po masakit.”

Nang mabanggit niya ito, palihim siyang tumingin kay Luna, na siyang nakatayo sa gilid ng kwarto. “Daddy, bakit hindi niyo po tanungin kay Auntie kung masakit pa rin po? Mas malala po ang mga pinsala niya kaysa sa akin.”

Yumuko si Joshua, kumain ng agahan, at sinabi ng walang pakialam, “Matanda na siya, hindi na masakit ‘yun. Kahit na masakit man ‘yun, wala na akong pakialam.”

Yumuko si Nellie at tahimik niyang kinagat ang kanyang labi.

Pagkatapos mag agahan, umalis na si Joshua.

Dinala ng butler sina Nellie at Luna sa paligid ng villa para maging pamilyar sila sa lugar.

Napakalaki ng Blue Bay Villa. Para kay Nellie, ito ang unang beses niyang dito, kaya’t puno ng surpresa ito para sa kanya, ngunit isang malaking alaala lang ito para kay Luna.

Tila nawalan siya ng interes sa buong umaga.

May iba’t ibang ala ala sila ni Joshua sa bawat sulok, at bawat ala ala ay nag paalala sa kanya kung gaano siya katanga para mahulog sa lalaking ‘yun.

Pagsapit ng tanghalian, walang gana kumain si Nellie at kaunti lang ang kinain niya.

Naramdaman ni Luna na hindi pa siya sanay sa pagkain dahil kakauwi niya lang mula sa ibang bansa, kaya’t lumabas siya ng lunch break para bumili ng mga orange na gusto niya.

Sa hindi inaasahan, pagkalabas niay ng Blue Bay Villa, may pulang Ferrari na tumigil sa tabi niya.

Bumaba ang bintana ng kotse, at lumabas ang mayabang na mukha ni Aura. “Pwede ba tayong mag usap?”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hay naku ang walanghiyang aura
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status