Ibinaba ni Gwen ang walis at sumandal siya sa pader sa likod niya, hawak niya pa rin ng mahigpit ang walis. Pagkatapos ng ilang sandali ng paghihingalo, tumingin siya sa lalaking nasa harap niya. Si Ben ay nakahiga sa sahig ng nakakatakot na posisyon, dumudugo ang kanyang ulo. Hindi alam ni Gwen kung patay na si Ben o walang malay lang ito. Nabigla si Gwen sa kanyang nakita, at napaatras siya. Sa sobrang pokus niya sa pagdepensa sa sarili niya ay hindi siya tumigil para tumingin sa nangyayari. Ngayon at hindi kumikilos si Ben, nararamdaman niya na humigpit ang kanyang dibdib, at ang walis ay bumagsak sa sahig. Hindi kayaât hinampas niya si Ben hanggang sa mamatay ito? Habang iniisip ito, lumuhod si Gwen at lumapit siya para pakiramdaman ang paghinga ni Ben. Kahit na gusto niyang tumakas mula kay Ben, hindi niya intensyon na patayin ito!1 Gayunpaman, sa oras na ilapit niya ang kanyang mga daliri, bumangon mula sa sahig si Ben, hinawakan niya ang braso ni Gwen, at tinulak
âGwen!â Tumunog ang nag aalalang boses ni Luna sa buong bahay. âAyos ka lang ba?â Kakarating lang nila ni Joshua nang marinig nila ang sigaw ni Gwen, at agad siyang sumugod sa bahay ng hindi man lang naghihintay para sumunod ang iba. Naramdaman ni Gwen na nagrelax ang buong katawan niya nang marinig niya ang boses ni Luna. Habang lumalabo ang paningin niya, nakita niya na tumatakbo papunta sa kanya sina Joshua at Luna. âLuna!â Sa huli, pumikit siya at nawalan siya ng malay. Nang gumising na siya, nakatali na si Ben at nakaluhod sa harap niya. âGwennie.â Nagbigay ng isang baso ng tubig si Luna nang mapansin niya na gumigising na si Gwen, âAyos ka lang ba?â Ang malamig na tubig ay nagpaginhawa ng magaspang na lalamunan ni Gwen. Pumikit siya at huminga siya ng maluwag, pagkatapos ay tumingin siya kay Luna. âDumating ka sa oras.â âHuli pa rin tayo,â Nagbuntong hininga si Luna at binigay niya ang baso kay Joshua, na siyang nilagay ang baso sa mesa sa tabi niya, âKung dumating
âAno ngayon?â Ngumisi si Ben kay Luna at sumagot siya ng malamig, âAno ang makukuha mo kung mabait ka? Tingnan mo kung ano ang pinagdaanan ni Luke dahil sa p*ta na ito?â âKung hindi ako nakipaghiwalay sa kanya, pinilit niya na rin sana ako na ibigay ako puso ko sa kanya! Hindi ako magiging tanga na tulad ni Luke. Siya ang leader ng mga gang sa dalawang bayan! Paano siya naging isang tanga para isakripisyo ang buhay niya para sa isang babae? Kalokohan!â Pagkatapos, tumingin siya sa maputlang mukha ni Gwen at sinabi niya, âLuna, sinabi mo na kaya mo siyang protektahan ng habang buhay, pero sigurado ka ba na kaya mo âyun? Kahit si Luke ay hindi âyun kayang gawin!â âBabalik din kayo ni Joshua sa buhay niyo, at siguradong hindi kayo magpapalipas ng habang buhay sa pagprotekta sa kanya! Ang tanging solusyon ay ang bumalik sa buhay si Luke at buhayin ang dating gang para mapabagsak si Tyson, pero alam nating lahat na imposible ito! Bastaât nandito sina Tyson at Winson, hindi sila titigi
Kumunot ang noo ni Gwen at gusto niya pang magtanong, pero pinigilan siya ni Luna. Kumindat siya kay Gwen at sinabi niya, ââWag mo siyang pansinin. Gusto niya lagi na magmukhang misteryoso.âPagkatapos, hinila niya ng mahina si Gwen at nilagay niya ang ulo niya sa balikat nito. âPagod ka ba? Gusto mo bang magpahinga?âTumango si Gwen at sumandal ang ulo niya sa balikat ni Luna. Pisikal na pagod na pagod siya mula sa pakikipaglaban kanina kay Ben kanina, at dahil dito ay nakatulog agad siya.Gayunpaman, sa kanyang tulog, nagawa niya pa rin na marinig ang pag uusap nila Luna at Joshua.âHindi mo sila matawagan?ââTama. Nawala ang koneksyon nila sa labas na mundo. Kung saan nila tinago si Andy, siguradong tago ito at mahirap mahanap.ââIbig bang sabihin nito ay ang magagawa lang natin ay ang maghintay na tawagan nila tayo?ââTama, pero âwag kang mag alala. Kapag dumating na tayo doon, aasikasuhin ni Tara na tumulong ang pamilya Moore, at sigurado ako na mahahanap natin sila agad.â
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito at tumango siya ng medyo hindi natutuwa. âOo, siya nga.â âAng pangalan mo ay Gwen, hindi ba?â Ngumiti si Tara at tinaas niya ang kamay niya patungo kay Gwen. âNice to meet you. Ang pangalan ko ay Tara Moore, at pinsan ako ni Joshua.â âPero, hindi kami magkadugo. Inampon ako.â Sa hindi malamang rason, hindi mapigilan ni Gwen na isipin na peke ang ngiti ni Tara. Hindi niya maintindihan kung bakit sinasadya na banggitin ni Tara na hindi sila magkadugo ni Joshua. Ito ay para bang hindi ito sinasabi ni Tara ng basta basta, ito ay parang ipinagmamalaki niya ito. Ano ang kailangan ipagmalaki tungkol dito? Hindi ito maintindihan ni Gwen. Gayunpaman, kahit na nalilito siya, ngumiti pa rin siya at kinamayan niya si Tara. âNice to meet you, Tara. Kaibigan ako ni Luna, ang pangalan ko ay Gwen Larson.â âAlam ko na ang pangalan mo ay Gwen Larson.â Ngumiti si Tara at tumingin siya sa buong katawan ni Luna. âIkaw ang bestfriend ni luna, kaya
Nawala ang ngiti sa mukha ni Tara. Tumingin siya ng nahihiya kay Joshua, pagkatapos ay umubo siya ng awkward. âWell. hindi naman ako gutom. Gusto ko lang malaman kung gutom kayo. Kung walang may gusto sa inyo na kumain, hindi natin kailangan umalis. Gusto niyo bang ihatid ko kayong lahat sa hotel ngayon?â âHindi na kailangan.â Tumawa si Gwen habang tumingin siya kay Tara. âKaya na namin. Hindi mo na kailangan mag abala, Ms. Moore.â Tumango si Luna, pagkatapos ay ngumiti siya kay Joshua. âHindi baât nandito ka para tumulong kay Joshua sa business niya? Ngayon at dumating siya dito sa oras na dumating tayo, ibig sabihin ay may mahalagang bagay na kailangan ng tulong mo. Bakit hindi ka sumunod sa kanya pabalik ng opisina habang kami ni Gwen ay didiretso sa hotel?â Tila natuwa si Tara nang marinig niya ito. âMagandang ideya ito!â Pagkatapos, hindi niya mapigilan na sabihin, âOpen-minded ka talaga, Luna! Kung ibang tao lang ito, mali ang magiging pagkakaintindi nila at iisipin nila
Ang mga pekeng luha sa mga mata ni Tara ay ang pinakamahalagang parte ng perpektong kasinungalingan niya. Hindi mapigilan ni Gwen na kumunot ang kanyang noo nang marinig niya ito. Walang duda na isang gwapong lalaki si Joshua, at bilang kaibigan ni Luna, nasaksihan ni Gwen ang maraming mga babae na nagkakandarapa kay Joshua sa mga nakalipas na taon. Gayunpaman, si Tara ang isa sa pinaka tuso at matalas na babae na nakilala niya. Napatingin si Gwen kay Joshua, pagkatapos ay tumingin siya kay Luna. Sa ikinagulat niya, nakatitig din si Luna kay Joshua ng may nakakatawang ekspresyon. Huminto ng sandali si Gwen, pagkatapos ay lumapit siya kay Luna at bumulong siya, âHalata na inaagaw ng babaeng ito ay ang asawa mo. Bakit kalmado ka lang?â Nagkibit balikat si Luna ng nakangiti. âKung madali siyang mahuhulog sa patibong ni Tara, nas mabuti nang mawala sa akin si Joshua.â âDahil nangako si Joshua na siya na ang bahala sa lahat ng ito, hahayaan ko na siya na ang umasikaso dito. Ka
Lumaki ang mga mata ni Tara sa gulat, at tumulo ang luha sa kanyang mga pisngi. âJoshuaâĶ Hindi ito ang intensyon koâĶ Ako ayâĶâ âTama na.â Si Luna, na nanonood lang ng tahimik, ay sumingit na rin sa huli. âMs. Moore, sa tingin ko ay dapat ka nang bumalik ngayon. Kakain tayo ng lunch o dinner pagdating ng panahon kapag nakapag pahinga na kami.â âPero, gusto kong seryosohin mo ang payo ni Joshua. Ang trabaho mo lagi ang dapat maging unang prayoridad mo.â Si Tara, na siyang masama ang loob dahil sa istrikto siyang pinagsabihan ni Joshua, ay hindi mapigilan na ngumisi nang marinig ito. âAlam ko! Salamat sa pagtuturo sa akin ng leksyon, Luna.â Pagkatapos, hindi niya mapigilan na sabihin, âPero, sana ay maging maunawain ka kapag humingi ako ng tulong kay Joshua sa susunod, Luna. Sana ay hindi masira ang relasyon natin dahil sa pagseselos mo.â Maamo ang ngiti ni Luna nang sumagot siya, âBakit ako magseselos kung may meeting kayo tungkol sa trabaho? Ang dapat ko lang ipag alala ay ang
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si âAndie Larsonâ.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, âSalamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.âTumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, âOo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?âKahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. âSinabi ba talaga âyun ni Miss Moore?âTumango si Robyn. âNakasalubong ko rin sa elevator âyung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!âHuminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, âTalaga? Nagkataon nga naman.ââTama ka! Maliit ang mundo natin!â Tumango si Robyn. âHindi lang âyun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ayâĶâNapatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. âSinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?âTahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. âOo.âHuminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. âDati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.ââSimula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.âLumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. âSinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?âHindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. âOâĶ Oo.âBakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, âMiss, kilalaâĶ mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?âSasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. âSyempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.âPagkatapos, tumingin siya kay Luna. âHindi ba, Luna?âNapahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. âOo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.âPagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. âKamusta na ang
âUmâĶâNgunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. âHindi baât sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.ââNakidnap silang pareho, at ang lalaki na âyun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking âyun, patay na dapat siya ngayon.ââSi Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.âPagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, âGusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.âNapahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. âAng âkamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?âAlam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
âHindi ko kailangan ng special treatment.â Ngumiti si John kay Tara. âAng gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.âKumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong âpinsanâ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?âHello, Luna.â Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. âAno ang ginagawa mo dito?âNandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isaât isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. âMiss Moore!âTumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. âAyos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa orasâĶ Ayos lang ba siya ngayon?âKahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kayaât sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, âNice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.âPagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. âNabalitaan ko na may sakit ka?âTumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. âOpo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.âPagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. âSinabi mo ba ito sa lahat? Hindi baât sinabi ko sayo na âwag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?âTumawa si John. âMalalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.âMedyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
âAyos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.â Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking âyun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. âPero JohnâĶ makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?âNamutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, âSyempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. âWag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.âPagkatapos, tumingin siya