Habang naglalagay ng disinfectant si Joshua, tumigil siya saglit.Pagkatapos ng ilang sandali, lumingon siya para tumingin ng malalamig kay Luna. โHindi mo naman kailangan sabihin ng ganun. Mahalaga si Fiona sa akin. Normal lang na pahalagahan ko siya.โPagkatapos itong sabihin, tinuro ni Joshua ang upuan sa tabi niya. โTara, umupo ka dito.โWalang tigil ang pagdugo ni Luna, masakit siguro ito.Ang gusto lang gawin ng babaeng ito ay makipagtalo sa kanya. Wala ba siyang pakialam sa nararamdaman niya?Hindi gumalaw si Luna.โMr. Lynch, hindi baโt sinabi mo na wala tayong kinalaman sa isaโt isa simula pa noong anim na taon na ang lumipas? Dahil normal lang tayo na boss at empleyado, sino ang boss na gumagamot ng sugat ng empleyado niya?โTumingin ng malupit si Luna kay Joshua.โMr. Lynch, pinapunta mo ako dito. Sa tingin ko ay hindi lang ito para gamutin mo ang sugat ko, tama ba?โTila hindi komportable si Joshua dahil malamig na pag uugali ni Luna.Kumunot ang noo niya at tumin
Kumulo ang dugo ni Luna dahil sa sagot ni Joshua.Humigpit ang kamao niya at nagngalit ang ngipin niya. Tila may intensyon pa siya na patayin si Joshua.Paano naman naging ganito kawalang puso at kawalang hiya ang isang tao?Kailangan niya bang gumamit ng malamig na paraan ng pagsasalita ng masama tungkol sa sarili niyang anak?Bakit siya nahulog sa lalaking ito mula pa sa simula?Gayunpaman, naiintindihan ni Luna na hindi niya pwedeng galitin si Joshua.Humigpit ang mga kamao ni Luna, pagkatapos ay bumitaw siya. Inulit niya ito ng ilang beses.Sa huli, tumingala siya.โNaiintindihan ko, Mr. Lynch.โPara sa mga anak niya, matitiis niya lahat ito.Hirap na pinilit ni Luna na ngumiti. Sa huli, ngumiti siya at tumingin siya kay Joshua.โMay kailangan ka pa ba? Kung wala na, babalik na ako sa trabaho.โHindi na niya binigyan ng pagkakataon si Joshua na magsalita at agad siyang tumalikod at umalis.Ayaw nang manatili ni Luna sa harap ni Joshua. Natatakot siya na baka hindi niya
Gusto ni Christian Moore na matuwa si Joshua. Natural na susubukan rin niyang matuwa si Fiona.Dahil kasama ni Christian si Fiona, hindi kailangang mag alala ni Joshua.Huminga ng malalim si Joshua at pagod siyang umupo sa upuan niya.โMagpadala ka ng mga tao na palihim na magbabantay kay Fiona.โโฆNang makabalik si Luna sa opisina, may maliit na bote ng iodine sa mesa niya.Ito pa rin ang bote na nasa opisina ni Joshua kanina.Nagpadala ba si Joshua ng tao para dalhin ito?Mapagpanggap talaga.Sumingkit ang mga mata ni Luna. Kinuha niya ang bote ng iodine at itatapon niya na sana ito.Sa mga sandaling ito, pumasok si Shannon. Nakita niya ang mga kilos ni Luna, lumaki ang mga mata niya at pinigilan niya si Luna.โDirector Luna, ano pong ginagawa mo? Hindi po ba may sugat kayo? Dinala po ni Zayne ang iodine para gamutin niyo po ang sugat niyo. Maliit na bagay lang po ito. Kayo poโฆโBahagyang tumigas ang kamay ni Luna, na nakahawak sa bote ng iodine.Binalik niya ang kamay n
Paglabas ng Lynch Group Tower, agad na tumawag si Luna ng taxi papunta sa hospital.Nang marinig na may emergency, mabilis na nagmaneho ang driver, nakarating sila ng hospital sa loob ng 20 minuto. Paglabas ng kotse, pumunta agad si Luna sa hospital. Habang may pila sa elevator, sumuko na agad si Luna sa pagsakay ng elevator at umakyat na lang siya ng hagdan.Hindi nagtagal, nakarating na siya sa ika-13 na palapag.Ito ang palapag kung saan pipirma ng agreement ang donor, ayon sa sinabi ni Anne sa phone niya.Habang humihingal, yumuko si Luna at tumingin siya sa oras.Mabuti na lang at umabot siya sa oras! Siguradong hindi pa umaalis ang donor!โHindi baโt ito si Ms. Luna? Bakit pagod ka?โ May babaeng puno ng mapanglait na salita na tumunog sa tainga niya.Kumunot ang noo ni Luna at napalingon siya.Sa harap niya, nakahalukipkip si Fiona habang nakatingin kay Luna ng malamig.โBakit nandito ka?โ Alam niya na nasa hospital si Fiona, ngunit hindi baโt wala dapat siya sa depart
โKung sabagay, magkadugo pa rin kami. Pwede ko ba siyang makita?โMedyo namroblema ang doctor.โUhโฆ Wala sa hospital ang bata sa ngayon. Kung gusto mo siyang bisitahin, baka kailangan mong tawagan ang nanay niya. Para dalhin ka ng nanay niya doon.โNang marinig ang pinag uusapan nila, halos sigurado na si Luna na ang lalaking ito ang donor na magdodonate ng bone marrow cells kay Nigel!Pilit ni Luna na pigilan ang pagkasabik sa puso niya. Gusto niyang kausapin ang lalaki, ngunit natatakot siya na sa sobrang sabik niya ay baka may mapansin ang lalaki na may kakaiba.Naaalala niya pa rin na sinabi ng doctor na ayaw malaman ng iba ang tunay niyang pagkakakilanlan.โSige. Pwede mo bang ibigay ang number ng nanay sa akin? Ako na mismo ang tatawag sa kanya.โTumango ang doctor. โPosible naman, peroโฆโโโWag kang mag alala. Hindi ko babanggitin ang mga nanagyari ngayong araw.โPagkatapos isave ni Christian ang phone number ng nanay ng bata, inisip niya kung paano lalapitan ang anak ni
Humigpit ang hawak ni Luna sa phone niya.โPโPamangkinโฆ ka ni Joshua?โAlam niya na ang tao na tumawag sa kanya ay ang lalaking nakita niya kanina.Hindi niya inaasahan na ang donor ay kamag anak ni Joshua.Kung iisipin ito ng mabuti, tama nga naman.Anak ni Joshua si Nigel. Mataas ang posibilidad na tugma ang bone marrow ng mga kamag anak ni Joshua kay Nigel.โHello?โ Ang tanong ni Christian nang wala siyang matanggap na sagot mula kay Luna.โNandito ako.โ Huminga ng malalim si Luna, at mahigpit ang hawak niya sa phone nya. โOras na rin naman na ng tanghalian. Bakit hindi tayo kumain ng sabay? Malapit ako sa hospital.โMedyo nabigla si Christian sa kabilang linya ng phone. โNagkataon nga po naman. Nasa hospital po ako. HIndi po ako mula sa Banyan City, kayaโt hindi po ako pamilyar sa lugar na โto. Bakit hindi po ikaw ang magdesisyon kung saan po tayo magkita?โTumango si Luna. โHihintayin kita sa Raindrop Paradise sa tapat ng hospital.โPagkatapos, agad na binaba ni Luna ang
Kung sabagay, alam ng lahat na pinapahalagahan ni Joshua ang asawa niya, si Luna Gibson.Kung nagustuhan siya ni Luna, magiging mabuti na ang mga susunod.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Christian. Nagpanggap siya na umiling siya na parang wala siyang magawa.โMay dalawang bagay po ako na gusto kong gawin nitong nakaraan, pero hindi ko po agad kailangan magawa pareho. Bastaโt makamit ko po ang isa sa mga ito, magiging masaya na po ako.โโAng una po ay,โ Ang sabi niya, tumingin siya kay Luna habang sinabi niya, โGusto ko po mapunta sa relasyon kasama ang isang magandang babaeng tulad niyo, Ms. Luna.โโAng pangalawa po ay para mag invest ang uncle ko, si Joshua, sa bago ko pong kumpanya.โNgumiti siya at tumingin siya kay Luna. โAlin po doon ang tutulunnan niyo po ako na matupad?โSadyang pinili ni Christian ang mga salita niya. Iniisip niya na si Luna, ang nanay ng dalawang bata at isa sa kanila ay sasailalim sa operasyon, ay hindi pipiliin na mapunta sa isang 19 taong
โMga Isda, gulay, manok, baboyโฆโSa seafood market, naghahanap si Luna sa phone niya ng pagkain na makakatulong sa pagdaloy ng dugo na sinend sa kanya ni Anne, habang tinutulak ang cart ng pagkain, at pumipili ng nararapat na sangkap.May bisita siya ngayong gabi, at matagal na rin siyang hindi nakapagluto ng masarap para kila Nellie at Nigel.Sina Christian at Nigel, na parehong sasailalim sa operasyon, ay minsan lang makakakain ng magkasama. Kailangan ay may gawin siyang mabuti para sa kanila.Inalis ni Luna ang mga sangkap na hindi kinain ni Christian nitong hapon habang humanap rin siya ng ibaโt ibang pagkain na gusto ng isang 19-taong gulang na lalaki at dalawang anim na taong gulang na bata.Habang nakatingin sa phone at nakayuko, bumangga ang cart niya sa isang tao sa harap.Thud! Nasaktan ang babae sa harap ni Luna. โAray! Tingnan mo ang dinadaanan mo!โBumalik sa sarili si Luna at agad siyang humingi ng tawad.โPasensya na po.โSa sandali na lumingon siya, napagtant
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si โAndie Larsonโ.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, โSalamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.โTumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, โOo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?โKahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. โSinabi ba talaga โyun ni Miss Moore?โTumango si Robyn. โNakasalubong ko rin sa elevator โyung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!โHuminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, โTalaga? Nagkataon nga naman.โโTama ka! Maliit ang mundo natin!โ Tumango si Robyn. โHindi lang โyun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ayโฆโNapatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. โSinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?โTahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. โOo.โHuminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. โDati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.โโSimula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.โLumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. โSinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?โHindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. โOโฆ Oo.โBakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, โMiss, kilalaโฆ mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?โSasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. โSyempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.โPagkatapos, tumingin siya kay Luna. โHindi ba, Luna?โNapahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. โOo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.โPagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. โKamusta na ang
โUmโฆโNgunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. โHindi baโt sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.โโNakidnap silang pareho, at ang lalaki na โyun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking โyun, patay na dapat siya ngayon.โโSi Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.โPagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, โGusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.โNapahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. โAng โkamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?โAlam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
โHindi ko kailangan ng special treatment.โ Ngumiti si John kay Tara. โAng gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.โKumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong โpinsanโ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?โHello, Luna.โ Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. โAno ang ginagawa mo dito?โNandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isaโt isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. โMiss Moore!โTumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. โAyos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa orasโฆ Ayos lang ba siya ngayon?โKahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kayaโt sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, โNice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.โPagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. โNabalitaan ko na may sakit ka?โTumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. โOpo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.โPagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. โSinabi mo ba ito sa lahat? Hindi baโt sinabi ko sayo na โwag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?โTumawa si John. โMalalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.โMedyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
โAyos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.โ Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking โyun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. โPero Johnโฆ makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?โNamutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, โSyempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. โWag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.โPagkatapos, tumingin siya