INABOT ng gabi sila Monica sa opisina ni Federico. Nag-overtime kasi ang binata sa paperwork nito. Doon na rin sila naghapunan. May pagkain naman silang dala para sa mga pusa. Alas-otso ng gabi ay lumabas siya ng opisina dahil bibili ng paracetamol ni Kenji. May sinat kasi ito. Lumulan siya ng elevator. Huminto pa ito sa third floor dahil may sasakyan. Laking gulat niya nang makita si Roel na kasama ng matabang lalaki na sumakay. Umisod siya sa gilid upang huwag mapadikit kay Roel. Malamang ay pauwi na ito. Busy ito sa kausap kaya hindi siya pinansin pero nasipat siya nito ng tingin. Nang huminto ang elevator ay nauna na siyang lumabas. Ngunit nakailang hakbang pa lamang siya nang magsalita si Roel. “Sandali lang, Monica,” pigil nito. Napahinto naman siya at hinarap ang lalaki. Mariing kumunot ang noo nito at sinuyod siya ng tingin. Wala namang mali sa suot niya. Itim na hapit na denim pants ang suot niya at pulang blouse na medyo maluwag. Hindi nga naman siya nababagay sa isang
NAPATULOG ni Monica si Kenji matapos makainom ng gamot. Ginugupo na rin siya ng antok at humiga na sa tabi ng kaniyang anak. Mukhang wala pang balak umuwi si Federico. Alas-onse na ng gabi. Kung kailan nakapikit na siya ay saka naman pumasok si Federico. Nagising ang diwa niya dahil sa tapang ng pabango nito. Napaupo siya bigla. “We’re going home,” sabi nito. “Paano ang mga gamit natin? May stocks pa na lulutuin sa ref,” aniya. “Pack those stuff. I’ll call the bodyguards to carry the baggage. Sa bahay na kayo mag-stay next time at doon na rin ako maglalagi once matapos ang tambak kong papeles, kaya dalhin mo lahat ng pagkain.” “Ah, so hindi na kami babalik dito ni Kenji?” “Depende. Isasama ko pa rin kayo para makapasyal pero hindi palagi.” “Sige pala.” Kumilos na siya at tumayo. Nagtungo siya sa kusina at inipon sa kahon ang laman ng ref. Nang dumating ang dalawang bodyguards ay pinahakot na niya sa mga ito ang mga gamit. Si Federico na ang nagbuhat kay Kenji kaya tanging bag
GINAWA ni Monica ang utos ni Boggy na maglagay ng audio recorder sa mismong area kung saan nag-uusap ang mga kaibigan ni Federico. Nasa lobby pa ang mga ito dahil kakain pa ng tanghalian. Pasimple niyang idinikit sa ilalim ng mesita ang magnetic audio device na maliit. Kabado siya dahil nakatinign sa kaniya si Dimitri, tila kinikilatis ang kaniyang kilos. Nag-uusap ang mga lalaki pero ibang salita ang gamit, maaring latin at may halosng Inglis. “Thanks, Monica,” sabi ni Craig nang abutan niya ito ng isang baso ng juice. “Welcome po!” nakangiting tugon niya. Inabutan din niya ng juice ang ibang lalaki, huli na si Federico. Kandong na ni Federico si Kenji na nilalaro ang munting robot. Pagkuwan ay bumalik na siya sa kusina. Isinalang na niya sa oven ang marinated tuna belly na maraming herbs at spices. Nilagyan din ito ng black beans. Habang nasa oven ang tuna, nagluto naman siya ng isa pang putahe, ang beef with mushroom at broccoli. Sinunod lamang niya ang recipe ni Federico. Ma
ALAS-TRES na ng hapon natapos ang meeting ni Federico sa mga kaibigan nito. Nakapag-serve pa si Monica ng meryenda sa mga ito. Nakatulog na si Kenji kaya inilipat niya ito sa kuwarto. Nang makaalis ang mga bisita ay saka lang nagmeryenda si Monica. Nakaupo rin siya nang maayos sa sofa sa may sala. “Take a rest, Monica,” sabi ni Federico. Kapapasok lang nito mula sa paghatid ng mga kaibigan sa labas. “Oo, kakain muna ako. Nakaligpit na ako sa kusina,” aniya. Nagbukas siya ng telebisyon. “Matutulog ako. Katukin mo ako sa kuwarto mamaya kung hindi pa ako makalabas ng hapon. Mga alas-singko, okay na ‘yon.” “Sige.” Sinundan lang niya ng tingin ang binata na umakyat ng hagdanan. Napansin na naman niya ang kakaibang aura ni Federico, tila ba may malalim itong inisip. Mayamaya ay kumislot siya nang tumunog ang kaniyang cellphone na nasa mesita. May pumasok na mensahe rito mula kay Boggy. Dagli niya itong binasa nang taimtim. Boggy: “Remove all the devices you put anywhere at Federico’
BIYERNES ng umaga ay sumama na naman si Monica kay Federico sa opisina. Marami umano itong trabaho at hindi kayang mawalay nang matagal kay Kenji. Pero hinigpitan siya nito at pinagbawalang makipag-usap sa empleyado maliban kay Leo at bodyguards. “Tulungan na lang kita sa paperwork mo,” nakangiting sabi niya sa binata. Kararating lang nila sa opisina ay napabuntonghininga si Federico nang makita ang tambak na papeles sa lamesa. “Good idea, Monica. Pero mamalengke ka muna para sa lunch natin. Ililista ko ang bibilhin mo,” ani Federico. Umupo na ito sa harap ng lamesa. “Sige. Pero sino ang kasama kong mamalengke?” “Ang bodyguards at driver. They will assist you. You can use my credit card to pay for the goods. Wala kasi akong cash.” Nagsulat na sa kapirasong papel si Federico. Isinulat din nito ang password ng card. “May dala naman akong snacks ni Kenji at gatas. Kahit konti lang ang bilhin nating lulutin,” sabi niya. “Your choice, but add more meat and fish. Gusto ko ng fresh fr
NAKAPAGLUTO na ng tanghalian si Monica nang dumating ang ibang bisita ni Federico. Sumilip siya sa workplace ng binata. Namataan niya si Stefano na kandong sa mga hita si Kenji habang nakaupo sa couch. Katabi nito si Dimitri na seryoso sa binabasang papeles. Si Duke naman ay nakaupo sa silyang kaharap ni Federico, dumadaldal. Mayamaya ay tumayo na si Federico at pumasok ng kusina. Kamuntik pa siya nitong mahuli na nakasilip sa pintuan. “Are you done cooking, Monica?” tanong ng binata. “Oo, nakahanda na lahat. Ihahain ko na ba sa lamesa ang pagkain?” “Yes, please. Magtimpla ka rin ng pure orange juice. Ayaw ni Stefano ng ready made na juice. Gusto niya mula mismo sa katas ng prutas at walang ibang halo kahit asukal.” “Gano’n ba? Kaya pala ang dami mong pinabiling orange. Sige, magpipiga na ako ng juice.” “Use the squeezer, Monica. Tawagin mo na lang ako kapag ready na lahat.” “Yes, sir!” Malapad siyang ngumiti. Lalapit na sana siya sa lamesa nang bigla siyang hawakan ni Federic
MABUTI na lang walang suot na audio recorder si Monica dahil inalis niya nang magpalit siya ng damit. Hindi maririnig ng panig ni Boggy ang conversation nila ni Duke. Hindi niya akalaing ganoon katalas ang pandamdam ni Duke. “Just a hint, Monica. Are you hiding something?” usig muli sa kaniya ni Duke. “May nakuha rin akong audio recorder sa ilalim ng center table sa bahay ni Federico. Hindi ganooon ang ginagamit niyang device, so I doubt it’s from an outsider. And no one can enter Federico’s house aside from us and Leo.” Nagimbal siya. Si Duke pala ang kumuha ng device na nawala! Wala na siyang kawala at inatake na siya ng nebiyos. Mahahalata ni Duke kung magsisisnungaling siya. “Ah…. ginagawa ko lang ang trabaho ko,” balisang turan niya. “Trabaho na ano? I know you’re not just a maid. Noong unang kita ko sa ‘yo sa bahay ni Federico, may napansin na ako sa tuwing nakikipag-usap ka sa amin. And I saw something suspicious in your eyes. I guessed you wore contact lenses that are also
NAALIMPUNGATAN si Monica nang may maliit na kamay na tumama sa kaniyang mata. Kaagad siyang napamulagat at napalingon sa kaniyang tabi. Kamay pala ni Kenji ang tumama sa mata niya. Nagising na rin ito at biglang dumapa. Nagising nang tuluyan ang kaniyang diwa nang mamataan si Federico na nakahiga rin sa tabi ni Kenji. Napagitnaan nila ang bata. Tulog na si Federico. Sasakyan sana ito ni Kenji sa tiyan mabuti napigil kaagad niya ang bata. “Huwag kang maingay, natutulog si Daddy,” bulong niya kay Keni. “Da-da?” sambit naman ni Kenji habang nakatitig sa kaniyang mukha. “Oo, tulog ang daddy mo. Labas na lang tayo ng kuwarto para makapagmeryenda ka.” Dahandahan na siyang kumilos habang karga si Kenji. Lumabas sila ng kuwarto at nagtungo sa kusina. Naroon ang dalawang pusa kaya kaagad hinabol ni Kenji nang ilapag niya ito sa sahig. Nagbukas siya ng chocolate cookies para meryenda ni Kenji. Nagtimpla rin siya ng orange juice. “Halika na, anak. Bitawan mo na ‘yang si Satore. Puro balah