Share

Chapter 67

MAG-UUMAGA na hindi pa rin natutulog si Monica. Nakaidlip lang siya sa may couch sa salas at naghihintay pa rin kay Federico. Abang din siya nang abang sa tawag ni Leo upang bigyan siya ng update. Nahihilo na siya kaya pumasok siya sa kuwarto at humiga sa tabi ni Kenji.

Nakatulog din siya at nang magising ay hindi na si Kenji ang kan’yang katabi. “Federico!” bulalas niya at napabalikwas ng upo nang mamataan ang kan’yang asawa na nakahiga sa kan’yang tabi.

Dahil sa lakas ng boses niya ay nagising si Federico. Wari pinipiga ang puso niya nang makita ang mga pasa nito sa mukha. Hindi na niya ito hinintay na makabangon at kaagad niyang niyakap.

“Salamat at ligtas ka,” humihikbing wika niya.

“Hey, stop crying,” paos nitong usal.

Humiga siyang muli sa tabi nito pero yapos pa rin niya ito habang nakatagilid silang magkaharap. Banayad niyang hinaplos ng palad ang pisngi nito.

“Binugbog ka ba nila?” tanong niya.

“Not really. Napalaban lang kami sa maraming tauhan ni Morgan.”

“Sino ang t
Rhod Selda

Bukas ko na po ipopost ang final chapter. Thank you so much!

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status