Share

Chapter 15

INABOT ng gabi sila Monica sa opisina ni Federico. Nag-overtime kasi ang binata sa paperwork nito. Doon na rin sila naghapunan. May pagkain naman silang dala para sa mga pusa.

Alas-otso ng gabi ay lumabas siya ng opisina dahil bibili ng paracetamol ni Kenji. May sinat kasi ito. Lumulan siya ng elevator. Huminto pa ito sa third floor dahil may sasakyan.

Laking gulat niya nang makita si Roel na kasama ng matabang lalaki na sumakay. Umisod siya sa gilid upang huwag mapadikit kay Roel. Malamang ay pauwi na ito. Busy ito sa kausap kaya hindi siya pinansin pero nasipat siya nito ng tingin.

Nang huminto ang elevator ay nauna na siyang lumabas. Ngunit nakailang hakbang pa lamang siya nang magsalita si Roel.

“Sandali lang, Monica,” pigil nito.

Napahinto naman siya at hinarap ang lalaki. Mariing kumunot ang noo nito at sinuyod siya ng tingin. Wala namang mali sa suot niya. Itim na hapit na denim pants ang suot niya at pulang blouse na medyo maluwag. Hindi nga naman siya nababagay sa isang
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status