Share

Chapter 2

Author: Rhod Selda
last update Last Updated: 2023-11-21 00:36:11

KAHIT nag-aalangan ay tinanggap pa rin ni Monica ang trabahong alok ng boss nila. Malaki kasi ang offer na bayad at hindi naman ganoon kahirap ang trabaho. Kailangan niyang makalapit sa target na mafia boss at manmanan ito, alamain lahat ng kilos nito at mag-report sa boss.

Ang problema niya ay kung paano siya mas mabilis makalapit sa target. Dumalo siya sa meeting kasama si Boggy.

“Monica, halika rito,” tawag sa kaniya ni Boggy.

Lumipat naman siya sa katabi nitong silya. “Yes, sir?” aniya.

“Ang target m ay si Federico Sartorre, isang Italian-Filipino. And he’s one of the wealthiest and most dangerous mafia bosses of Cosa El Gamma,” sabi nito.

Natigilan siya. Hindi niya naisip na may lahing pinoy ang target niya at isa ring latino. Mas mukha kasi itong may lahing American.

“Eh, paano ko po malalapitan ang target?” tanong niya.

“You have to find ways. Maraming option. Pero ayon sa source ko, ang company ni Mr. Sartorre ay hiring ng secretary, office staff, at saka manager.”

Napangiwi siya. “Wala po akong degree para sa mga nabanggit na posisyon. Bartending po ang inaral ko. Baka kailangan nila ng waitress,” aniya.

“Ah, meron pa pala. Nangangailangan din sila ng housemaid,” dagdag nito.

Umaliwalas ang kaniyang mukha. “Iyon, puwede ako sa maid, sir!” bulalas niya.

“Bibigyan kita ng detalye kung paano makapag-apply kay Mr. Sartorre. Ikaw na ang bahalang dumiskarte kung paano ka makapasok sa trabaho. Ang mahalaga, makalapit ka sa target. May suweldo ka sa target once natanggap ka, pero siyempre, bibigyan ka pa rin namin ng monthly allowance na sampung libo. Saka mo na makukuha ang kabuoang bayad once natapos ang misyon at naibigay mo ang detalyeng kailangan namin. And expect na may dagdag na utos si Boss once nasa puder ka na ng target. So be ready and keep your line open for us. Understood?”

“Nakuha ko, sir!”

Pag-uwi ni Monica ay kaagad siyang nag-edit ng CV na ipapasa sa website ng Sartorre Corporation. Online application lang ang tinatanggap ng kompanya. Pumunta pa siya sa computer shop at doon pinaayos ang kaniyang requirements. Nabuksan niya ang job site ng Sartorre Corporation at makikita ang job vacancies.

Available pa ang hiring para sa housemaid. Iyon ang pinindot niya at nag-fill-up sa digital form. Nag-attach din siya ng updated profile niya at attached required certificate, clearances, at saka kopya ng valid ID. Nang ma-submit ang requirements, nag-pop-up ang list ng application ID niya. Iyon ang ipapakita niya once na-invite siya for interview.

Todo dasal din siya na sana ay matanggap ang application niya. Wala na kasi siyang tawag mula sa ibang restaurant at bar kung saan ay on-call employee siya. Wala pang kumukuha sa kaniya para maging regular sa trabaho lalo’t patapos na ang peak season.

HINDI na sana kukuha ng kasambahay si Fererico ngunit nahihirapan siyang kumilos na walang nag-aasikaso sa kailangan niya sa bahay. Since his nanny died, he didn’t hire anyone to replace her. Bukod sa may trust issue siya sa taong hindi niya kilala, ayaw rin niyang mag-adjust na naman.

Manang Rebekah was his late mother’s friend who babysat him since he was young. She also took care of him since his mother died in a car bombing. Hanggang sa panahong iyon ay hindi pa nila nahuli ang nagpasabog sa kotse ng mommy niya. Pero alam na niya na dating boyfriend ‘yon ng mom niya.

Kararating lang niya sa headquarters ng Cosa El Gamma para sa meeting. Kasama niya ang kaniyang pinsan na si Stefano, na tumatayong leader ng local branch ng organisasyon nila. Kilala ang Cosa El Gamma na may pinakamalawak na koneksiyon at maimpluwensiyang mafia group sa mundo. And he’s grateful to be part of this organization.

Lumawak pa ang negosyo niya dahil sa organisasyon at napadali lahat ng proseso. Isinama niya rin ang kaniyang assistant na si Leo. Ito ang nag-aasikaso ng lahat ng kailangan niya at nagbibigay ng update sa kaniya mula sa negosyo.

Habang nasa meeting ay nagbigay ng update si Leo. “Boss, may apat na applicant na tayo para sa housemaid. Puwede n’yong tingnan ang profile nila at mamili,” sabi nito.

“Give me the printed CV of the applicants,” he said.

“Yes, Boss. Magpi-print po ako rito para makita n’yo kaagad.” Tumayo ito at lumapit sa lamesa na merong printer at computer.

Hindi sya makapag-focus sa meeting dahil sa pagtatalo ng ibang miyembro. Sa tuwing naroon sina Duke at Craig, daig pa nilang may kasamang mga babae. Iritang-irita siya sa mga ito.

“Ano, Eagle, sang-ayon ka ba sa bagong hideout natin?” tanong sa kaniya ni Mattia.

They had code names from the chosen animals, and he picked the eagle since it was his father’s choice, too.

“I agreed,” sabi niya lang.

Hindi niya pinatapos ang meeting at niyaya si Leo na umalis. Nai-print naman nito lahat ng CV ng applicants para sa maid niya. Habang lulan ng kotse ay isa-isa niyang tiningnan ang CV. Mga may edad na ang tatlong applicant, which is okay for him. But the youngest applicant named, Monica Soria, caught his attention. She looked familiar.

“This lady looks familiar,” he said. Pinakita niya kay Leo and CV na nakatapat sa picture ng aplikante.

“Are you sure, sir? Maybe you saw her somewhere,” anito.

“I guessed, too.” Napaisip pa siya, hanggang dumapo sa isipan niya ang babaeng umabala sa kaniya noon sa party. Noong naimbita siya sa business organization anniversary na sinalihan niya.

Nakumbinsi siya na ang babaeng aplikante ay iyong kumuha sa panyo niya at ipinahid sa bibig nito. Hindi na niyon ibinalik ang panyo. Pero hindi iyon ang inalala niya, kundi ang mukha ng babae. Para kasing may something sa mga mata nito na minsan na niyang nakita.

“I saw that girl at the anniversary party of our business organization,” he said.

“Ah, iyong mukhang inosente na kumuha sa panyo n’yo?” amuse na untag ni Leo.

“Yes. But I’m curious how she got there at the party. Who invited her? Mukhang hindi naman siya aware sa party na pinuntahan.”

“Aalamin ko po kung sino ang kasama niya sa party. Puwedeng kasambahay siya ng isa sa negosyante roon.”

“Alamin mo ang lahat ng detalye sa buhay niya. I want to hire her,” aniya.

Matiim na napatitig sa kaniya si Leo. “Sigurado po kayo? Baka po magkalat lang ang babaeng ‘yon sa bahay n’yo.”

“She has a good job background. She once worked in Japan as a waitress. Makakapag-adjust din ‘yan basta breafing n’yo nang maayos. I want more details from her.”

“Okay, sir. Aalamin ko po sa lalong madaling panahon.”

Hindi na siya kumibo.

Pagdating ng kaniyang bahay ay saka pa lamang siya nagbukas ng cellphone. May caretaker siya sa labas ng bahay, nangangalaga ng pananim doon, naglilinis pero hanggang doon lang at sa tuwing umaga habang naroon siya. May alaga siyang dalawang pusa at dinadala niya sa opisina dahil walang kasama sa bahay.

It’s a hustle for him to carry those two cats anywhere he goes. He needs a maid who can do the tasks at his house. But when it comes to his food, he didn’t eat anywhere, not even in the class A restaurant. He cooks for himself, maliban noong buhay pa si Manang Rebekah. Nami-miss na niya ang luto nito.

Kinabukasan ay nabigyan na siya ni Leo ng update tungkol sa applikante na gusto niya. Ayon kay Leo, may anak umano si Monica, pero wala itong asawa. Wala rin itong mga magulang. Pa-ekstra-ekstra lang umano ito sa mga bar at restaurant bilang waitress.

May detalye rin tungkol sa family background ng babae, it’s clear that she’s innocent and needed a job. Umiral ang awa niya sa babae kaya hindi na siya nag-alinlangang bigyan ito ng trabaho. Pero bago ito mapunta sa kaniya, kailangan pa rin nitong dumaan sa interview ng HR assistant ng company niya.

“I need the interview update for Ms. Monica, Leo. I want the video during the interview. I want to see how the woman interacts with the HR assistant,” utos niya kay Leo nang tumuwag ito.

“Yes, sir. I’ll send you the recorded video once it is done.”

“Thank you.”

Lumuklok siya sa study table roon sa kaniyang mini office. Binasa niya ulit ang impormasyong nakalagay sa CV ni Monica. This woman had an appealing personality that triggered his curiosity. Since he saw her at the party, she always crossed her mind. That odd. He had never been attracted to women that quick.

SAMANTALANG tuwang-tuwa si Monica matapos makausap sa cellphone ang HR staff ng Sartorre Corporation. Napili umano siya para sa interview. Ang aga niyang pumunta sa opisina ng HR at pinaghandaan ang interview. Kahit papano ay confident siya sa ganoong pagkakataon kahit baluktot ang pagsasalita niya ng English.

Masyadong maarte magsalita ang HR assistant na babae, mataray pa. Sa inis niya’y nagsalita na siya ng Tagalog at mas maayos na nasagot ang mga tanong nito. Sinabi niya lahat ang kaya niyang gawin bilang kasambahay. Nagtataka siya bakit pinatigil ng lalaking naka-suit ang babae at pinutol ang interview sa kaniya.

“Ah, you may leave now, Ms. Soria. Please keep your line open so we can call you right away. And please process your medical as soon as possible,” sabi ng babae.

“Okay, ma’am. Thank you,” sabi niya lang.

Naglaho ang excitement niya paglabas ng gusali. May pakiramdam kasi siya na mauudlot ang pag-hire sa kaniya kasi hindi natapos ang interview. Naisip niya baka nairita ang manager dahil sa ingay niya.

“Ang arte nila! Pahirapan pa sa interview, eh ano lang naman ang magiging trabaho ko? Maglalampaso, maglalaba, magkukuskos ng inidoro! Mabuti pa sa abroad, basta masipag, tanggap kaagad. Kainis!” maktol niya habang naglalakad.

Mayamaya ay tumili siya nang kamuntik na siyang mabundol ng itim na kotse. Mabuti nakapagpreno kaagad ito. Tumabi siya at saka dumaldal.

“Yabang mo, ah! Wala ako sa driveway, kung makabusina ka, wagas! Ano’ng akala mo sa akin, asong palaboy?” palatak niya. Dinuro pa niya ang kotse.

Natigilan siya nang magtakbuhan ang mga lalaking naka-suit mula sa gusali at sinalubong ang sakay ng kotseng itim. Natigilan siya nang makita ang lalaking bumaba mula sa backseat. Umatras siya at nagtakip ng palad sa bibig. Namukhaan niya ang lalaking nakasuot ng black suit. Ito si Federico Sartorre!

“Patay, baka makilala niya ako,” anas niya. Kaagad siyang tumalikod at mahinhing naglakad palayo sa kotse. “Sana hindi niya ako napansin. Baka hindi na ako matanggap sa trabaho nito. Gaga ka kasi, Monica!”

Tatawid na sana siya ng kalsada nang may lalaking humabol sa kaniya. Isa ito sa mga naka-suit na bantay sa lobby ng gusali.

“Ako po ba ang tinatawag mo, manong?” tanong niya sa lalaki.

“Opo. Pinatatawag po kayo ni Boss. Punta ka raw sa opisina niya,” anito.

Napamulagat siya. “S-Sinong boss? Si Mr. Sartorre po ba?”

“Opo. Nakilala po niya kayo at sabi ikaw ang aplikante para sa housemaid.”

Matabang siyang ngumiti. Malamang ay nakita ni Federico ang reaksiyon niya na nagagalit sa driver ng kotse nito. Nag-alangan na tuloy siyang harapin ito. Kaso pagkakataon na niya iyon upang masimulan ang misyon.

“Ah, s-sige. Susunod ako sa ‘yo,” pagkuwan ay pasya niya.

Bumuntot siya sa lalaki papasok ulit ng gusali.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 68 (Finale)

    MAGKAHALO ang luha at galak ni Monica habang suot ang magarang trahe de buda. Sa araw na iyon ang pinakahihintay niyang kasal nila ni Federico. Hindi man sa simbahan ang seremonya, pari pa rin ang magkakasal sa kanila sa may beach from wedding venue. Pakiramdam niya’y nasa isang paraiso siya. Dumating din ang ibang kaibigan ni Federico, nahuli si Craig na nanggaling pa ng US. Tapos na ang seremonya pero bumawi naman ang mga ito sa regalo. Himalang dumating din si Dimitri kasama ang asawa nitong si Kira. “Cheers to the newlywed!” sabi ni Duke, na nauna nang nagtaas ng baso ng wine. Itinaas din ng iba ang baso ng mga ito. Nagtipon silang lahat sa gitna ng malawak na function hall. Si Federico ang ikalawang miyembro ng CEG na ikinasal. Ang mga naiwan ay karamihan playboy kaya malabo pang makapag-asawa. Hindi pa ata sawa sa buhay binata ang mga ito. Si Stefano lang ang medyo ilap sa babae. “Who’s next to Federico?” pagkuwan ay tanong ni Mattia. “I’m sure it was Stefano,” tudyo ni Duke

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 67

    MAG-UUMAGA na hindi pa rin natutulog si Monica. Nakaidlip lang siya sa may couch sa salas at naghihintay pa rin kay Federico. Abang din siya nang abang sa tawag ni Leo upang bigyan siya ng update. Nahihilo na siya kaya pumasok siya sa kuwarto at humiga sa tabi ni Kenji. Nakatulog din siya at nang magising ay hindi na si Kenji ang kan’yang katabi. “Federico!” bulalas niya at napabalikwas ng upo nang mamataan ang kan’yang asawa na nakahiga sa kan’yang tabi. Dahil sa lakas ng boses niya ay nagising si Federico. Wari pinipiga ang puso niya nang makita ang mga pasa nito sa mukha. Hindi na niya ito hinintay na makabangon at kaagad niyang niyakap. “Salamat at ligtas ka,” humihikbing wika niya. “Hey, stop crying,” paos nitong usal. Humiga siyang muli sa tabi nito pero yapos pa rin niya ito habang nakatagilid silang magkaharap. Banayad niyang hinaplos ng palad ang pisngi nito. “Binugbog ka ba nila?” tanong niya. “Not really. Napalaban lang kami sa maraming tauhan ni Morgan.” “Sino ang t

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 66

    ALAS-NUWEBE na ng gabi pero wala pa rin si Federico. Pinauna na ni Monica kumain ang nanay niya at mga bata, pero siya ay naghihintay pa rin sa kan’yang asawa. Tawag siya nang tawag kay Federico ngunit walang sumasagot.Ginupo na siya ng kaba. Alas-sais pasado pa lang noong nakausap niya si Federico at pauwi na. Dapat ay naroon na ito sa bahay alas-otso pa lang. Naisip niya na baka bumalik ng opisina si Federico at may nakalimutan. Mabuti may contact number siya ni Leo.Tinawagan na niya ang assistant ng kan’yang asawa. Sumagot din ito.“Hello, Ma’am Monica!” bungad ni Leo mula sa kabilang linya.“Kuya Leo, bumalik ba si Federico sa opisina?” tanong niya, balisang-balisa na.“Hindi naman po. Alas-otso na ako umalis ng opisina. Mas maagang umalis si Sir. Bakit po?”“Eh, wala pa siya rito sa bahay. Baka ka’ko bumalik sa opisina. Nakausap ko siya kanina at sabi niya pauwi na siya. Nakapatay na ang phone niya, eh, hindi matawagan.” Palakad-lakad siya sa may lobby.“Baka po nagpunta sa hea

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 65

    INABUTAN ng traffic si Federico kaya alas-singko na siyang nakarating sa headquarters. Napawi ang pagkabagot niya nang maabutang gising na si Fernand. Inasikaso na ito ng medical staff nila. Male-late si Dr. Guilliani pero nagbigay naman ng instruction kung ano ang gagawin nila sa pasyente. “Don’t force yourself to talk, Fernand. You need more rest,” sabi niya sa kapatid. Nagpumilit pa ring magsalita si Fernand. “M-Morgan….” sambit nito. “I know. He’s still alive. We are doing our best to catch him. Don’t worry.” Hindi na nagsalita si Fernand at malamlam pa ang mga mata. Hindi niya ito hinayaang kumilos. “Sir, nariyan na po si Dr. Guilliani!” batid ng agent na kapapasok ng silid. “Guide him in,” aniya. Tumalima naman ang agent. Mayamaya ay pumasok na si Chase. Dagli nitong nilapitan si Fernand at inasikaso. “Does he still need oxygen?” tanong niya. “I will check his lung status first,” ani Chese. Sinuri pa nito ang record na na-update ng medical staff nila. “Stable na ang pu

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 64

    HINDI na hinintay ni Federico ang driver at siya na ang nagmaneho ng kotse patungong ospital. Hindi niya gusto ang balita ng isang agent niya na nagbabantay sa kan’yang kapatid. Nilapatan umano ng doktor ng CPR si Fernand dahil sa biglang pagbagsak ng heart rate nito. Nagising na umano ang kapatid niya ngunit biglang nagdeliryo. Pagdating sa ospital ay dumiretso siya sa ward ni Fernand. He felt relief when the doctor stopped doing CPR on his brother. He had a positive reaction, meaning his brother was safe. Lumapit siya sa doktor na nagtanggal ng mask. “What happened to my brother, Doc?” eksaheradong tanong niya sa doktor. “The patient experience cardiovascular problem due to lack of blood oxygen and some clots. Medyo mahina pa ang respond ng katawan niya dahil sa dami ng dugong nawala, and it’s still in the process before his body can recover.” “Hindi pa ba sapat ang dugong ibinigay ko?” “Okay na, kailangan lang ng pasyente ng mahaba-habang pahinga dahil sa naghe-heal pa ang sug

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 63

    DAHIL sa pagkawala ng step-father ni Monica ay hindi na sila nakauwi ng bahay ni Federico. Bumili na lamang sila ng pagkain sa restaurant para sa tanghalian. Sinamahan niya ang nanay niya hanggang sa maasikaso ang labi ng asawa nito. Ibinigay pa rin niya ang perang tulong dito at dinagdagan ni Federico upang mabigyan ng maayos na libing ang step-father niya. Bago lumubog ang araw ay naiuwi na rin ang labi ng step-father niya. Saka lang sila nakauwi ng bahay ni Federico. Nangako siya sa kan’yang ina na dadalo sa libing ng asawa nito. Kinabukasan ay bumalik na sa trabaho si Federico. Sumama si Monica sa kan’yang asawa upang tulungan ito sa tambak na paperwork. Doon na silang mag-ina sa opisina kasama ng mga pusa. Mas marami nga namang magagawa si Federico kung naroon sila dahil nakakapag-focus ito at hindi sila naiisip na malayo. Habang nakaupo sa tapat ng lamesang katapat ni Federico ay panay at chat niya sa kan’yang ina. Inaalala niya ito baka biglang ma-depress. Nakailang buntongh

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 62

    KINABUKASAN ng umaga ay muling inatake ng pagkahilo si Monica at nagsuka. Inalalayan pa siya ni Federico papasok ng banyo at panay ang hagod sa kan’yang likod. “Kaya mo bang bumiyahe?” tanong nito. “Oo, mamaya kakalma rin ang sikmura ko. Magpapahinga lang ako saglit. Asikasuhin mo muna si Kenji,” aniya. Naghilamos na siya. Iginiya rin siya ni Federico pabalik sa kama. “I will prepare our breakfast,” anito nito nang mapaupo siya sa kama. “Sige. Gusto ko lang ng mainit na sabaw at kahit nilagang itlog lang,” aniya. “Okay. Dadalhin ko na si Kenji para hindi ka maabala.” Lumabas din ang mag-ama. Humiga siyang muli sa kama at kinuha ang kan’yang cellphone. Sinagot niya ang sandamakmak na chat ng kan’yang tiya. Nag-aalala na ito sa kan’ya. Hindi pa niya nasabi rito na nakauwi na sila ni Kenji. Nagbabalak na itong susugod doon sa bahay nila. Nalaman nito na na-kidnap sila dahil tumawag si kay Federico. Nawala rin ang hilo niya at sakit ng ulo. Nakaidlip siya ulit at ginising lang siy

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 61

    NAKALABAS na sila ng tunnel at diretso na sa ilog pero dumating ang rescue helicopter nila kaya dito nila isinakay si Fernand. They found the nearest hospital and urgently admitted Fernand and some other wounded agents. Pinapasok na nila sa operating room si Fernand kahit wala pang doktor na mag-oopera lalo’t gabi na. Hindi mapakali si Federico habang naghihintay na may doktor na mag-asikaso sa kapatid niya. Wala pang available na surgeon on call. Hindi naman basta magagalaw ng ibang doktor ang pasyente lalo’t maselan ang tinamaan ng bala, nasa pagitan ng puso at baga. They need experts. He tried to call Dr. Guilliani. And gladly, Chase was willing to go to help them. Pinasundo niya ito ng helicopter mula Maynila. Naghanap lang ito ng meeting place. “Please save my brother!” samo niya sa nurse na lalaki. “We need extra blood, sir!” wika ng nurse. “I’m the patient’s twin. Can I donate my blood?” “We need screening first, sir. But we can rush it.” “Please do it!” Tumuloy naman s

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 60

    TINUTUKAN ni Federico ng baril ang lalaking kamukha niya ngunit nagtaas ito ng mga kamay. He just moaning. Mariing kumunot ang noo niya. Ito marahil ang lalaking sinabi ni Monica na naputulan ng dila at tumulong sa asawa niya. “Who are you?” tanong niya. Hindi nagsalita ang lalaki. Mabuti inabala siya ni Stefano na nasa kabilang linya. “I saw another impostor, and he’s not talking,” sabi niya. “He was just pretending. Kasama ko ang isa na hindi makapagsalita,” ani Stefano. Nang mapansing bumunot ng baril mula sa tagiliran nito ang lalaking kaharap ay kaagad niyang kinalabit ang garilyo ng kan’yang baril. Sa kanang balikat lang niya binaril ang lalaki. Sinugod niya ito at tinadyakan sa ulo. Nang bumulagta ito sa sahig ay saka niya inalis ang maskara nito. Hindi nga ito ang lalaking tinutukoy ni Monica. “You’re right, Stefano. Naisahan ako ng kalaban pero don’t worry. Napatumba ko na siya,” aniya. “Nice. Just proceed. We’re waiting here. Sundan mo lang ang pasilyo at sa dulo kami

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status