Share

Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)
Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)
Author: Rhod Selda

Prologue

ISANG buwan pa lamang sa Osaka Japan si Monica at nagtatrabaho bilang waitress sa malaking bar. First time niyang nangibang bansa upang makaahon sa hirap, at makalimutan na rin ang lalaking minahal niya. Pinagtaksilan siya ng ex-boyfriend niya at nahuli ito na kasama sa apartment ang kaniyang pinsan na si Mayla. Inamin ng lalaki na hindi na siya nito mahal.

Hindi niya hinayaang lamunin siya ng depresyon kaya minabuti niyang ibuhos sa trabaho ang oras. Nasasanay na siya sa trabaho roon sa Japan, pero noong gabi ng Sabado ay tinambakan sila ng gawain. Mayroong grupo ng mga negosyante na umukupa sa VIP function hall ng bar, mga kaibigan umano ng boss nila.

“Monica, kindly check the VIP room if there are guests remaining there,” utos sa kaniya ng supervisor na lalaki.

“Yes, sir!” Tumalima naman siya.

Nagsiuwian na ang ibang bisita sa VIP room pero may iilan pang naiwan kaya hindi nila puwedeng iligpit kaagad ang mga gamit. Mascara party pala ang tema ng mga negosyante at merong sugal. May naiwan pang tatlong lalaki na nag-iinuman sa isang table.

Pumasok siya sa extension ng silid na kasama sa inupahan ng mga negosyante. Malamlam ang ilaw roon, red light. Namataan niya ang lalaking nakasuot ng blacksuit na lupaypay sa may sofa.

“Nako, sir, huwag ka rito matulog,” usal niya.

Humakbang siya palapit sa lalaki. May suot pa itong black mascara na mga mata lang ang natatakpan. Maganda ang pangangatawan nito, matangkad, maskulado. Curious siyang makita ang buong mukha nito. Nang akmang alisin niya ang maskara nito ay bigla itong gumalaw.

“Ay, itlog mong malaki!” bulalas niya.

Hindi siya nakalayo nang hawakan ng lalaki ang kaniyang kanang braso. Napatili siya nang bigla siya nitong hatakin palapit dito. Sumubsob siya sa matipunong dibdib nito at aksidenteng lumapat ang kaniyang kaliwang kamay sa puwesto ng ari nito.

Napakislot siya at napamura. “Sh*t! Ang laki naman nito!”

Nagpumiglas siya ngunit lalo lamang siyang nakulong sa mga bisig ng lalaki. Niyapos siya nito nang mahigpit.

“Stay here. Don’t leave me, please,” usal nito sa malamyos na tinig.

Magsasalita pa sana siya ngunit walang abog na siniil siya nito ng halik sa kaniyang mga labi. Natigilan siya, tulala, at kinilabutan. Ang halik nito’y mapangahas, mapaghanap, kasabay sa paglilikot ng mga kamay nito. Iyon ang unang halik na natamo niya mula sa isang lalaki kaya hindi niya malaman kung paano ito pigilan.

Maiksi pa naman ang kaniyang skirt, long sleeve ang shirt pero manipis. Kaya nang dumapo ang kamay ng lalaki sa kaniyang dibdib, damang-dama niya ang init nito. Animo nauupos siyang kandila habang unti-unting tinutupok ng nakaliliyong init ang kaniyang buong sistema.

Nanlumo siya nang hubugin ng kamay nito ang kaniyang dibdib, hanggang tuluyan siyang madarang sa pagnanasa. Sa bilis ng kilos ng lalaki at walang kontrol, wala na siyang nagawa at nagpatangay na lamang dito. Nalunod siya sa sarap ng sensasyong nalilikha ng bibig nito, lalo nang hiklasin nito ang kaniyang blouse at napalaya ang kaniyang dibdib.

Napasinghap siya nang mariing lumasap ang bibig nito sa bawat tuktok ng kaniyang dibdib. Dumapo rin ang isang kamay nito sa pagitan ng kaniyang mga hita, hinila pababa ang kaniyang panloob na dalawang patong. Doon ay malaya nitong nagalugad ng kamay ang kaniyang inosenteng kaselanan.

“Sh*t! T*ngina nito!” nausal niya, ngunit hindi naman maawat ang lalaki.

Nasundan pa ang kaniyang pagmumura nang bumaba pa ang bibig ng lalaki sa pagitan ng kaniyang mga hita. Hindi na niya malaman ang nangyayari sa kaniyang katawan. Nahihibang siya sa sarap na noon lamang niya dinaranas. Nag-e-enjoy pa siya sa pagpapak ng lalaki sa kaniyang kaangkinan.

Mayamaya ay bigla itong tumigil, binuhat siya at pinaluhod sa sofa. Kahit lasing ito ay napakalakas. Napayukod siya nang itulak nito ang kaniyang likod. Napakapit na lamang siya sa armrest ng sofa. Ilang sandali lamang ay niyapos siya ng lalaki buhat sa likuran, muling hinaplos ng kamay ang kaniyang puw*rta’ng mamasa-masa na sa labis na kahandaan.

Hindi naman niya napigil ang kaniyang tili nang biglang may kung anong matigs na bagay na sumundot sa kaniyang munting pagkab*b*e. Nangatal ang kaniyang mga tuhod lalo nang tuluyan nitong ibaon ang mataba at may kahabaang armas nito sa kaniya.

Kahit masakit, hindi pa rin siya makakilos upang pigilan ang lalaki. Inulos nito nang mabilis ang ari sa kaniya, walang tigil kaya wala ring humpay ang kaniyang sigaw. Ngunit habang tumatagal ay nahahalinhan ng hindi mawaring sarap ang kirot, bagay na nagustuhan niya.

Nang muli siyang ihiga ng lalaki at inangkin, mas komportable na siya at ilang ulit nakamit ang r***k ng luwalhati. Hindi pa tumigil ang lalaki kahit halos mapugto na ang hininga nito sa pagbayo, tila hinahabol. Muli rin siyang nag-ingay nang maramdaman na naman ang bayolenteng init na namumuo sa kaniyang kaibuturan.

Ilang sandali pa’y muli siyang um-orgasmo, kasabay sa matagumpay na da*ng ng lalaki. Bumagsak ang pagal nitong katawan sa ibabaw niya habang nanatiling nakabaon ang armas sa kaniya. Nakatulog na ata ito, ayaw nang kumilos.

Hinintay niyang humupa ang tensiyon sa kaniyang kalamnan bago marahang itinulak ang lalaki. Nakatayo rin siya at tiniis ang kirot sa kaniyang sugat. Mabilisan siyang nagbihis at inayos ang kaniyang sarili. Nasira ang ilang botones ng kaniyang blouse pero natatakpan naman ng kaniyang necktie.

N*******d ang lalaki kaya binihisan muna niya. Nang suotan na niya ito ng polo ay napansin niya ang malaking tatto nito sa likod na itim na agela, may initial pang F at S sa ibaba ng mga kuko ng agela. Inayos din niya ang pants nito na nakababa lang sa tuhod pati panloob. Namangha siya sa laki ng alaga nito, kaya pala siya sobrang nasaktan. Natukso siyang alisin ang maskara nito sa mga mata ngunit biglang may dumating.

“What happened, Monica?” tanong ng katrabaho niyang lalaki.

“Ah, nothing. I just found this guy alone and drunk,” tugon niya.

“Leave him to me. I’ll call the bouncer,” sabi nito.

Umalis na lamang siya. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na masilayan ang mukha ng lalaki dahil may sumundo na rito.

Lupaypay siyang umuwi sa inuupahang apartment. Kasama rin niya roon ang ibang pinay na OFW.

ISANG buwan at dalawang linggo ang lumipas. Hindi makapag-focus sa trabaho si Monica dahil sa hindi mawaring sakit ng ulo. Madalas din siyang mahilo kaya naka-ilang absent na siya sa trabaho.

“Are you okay, Monica?” tanong ni Arata, ang malapit niyang kaibigang waiter sa bar.

Kapapasok lang niya sa trabaho nang hapong iyon ng Lunes. Wala pa man siyang ginagawa ay nanghihina na siya.

“I’m fine,” tugon lamang niya sa kasama.

“You should consult a doctor. You must be tired.”

“But I have multiple absences already.”

“Don’t worry, I will replace your duty.”

“Are you sure?”

Tumango si Arata at matamis ang ngiti.

“Arigatou gozaimasu!” pasasalamat niya sa kaibigan.

Nag-undertime siya at hindi naman nagalit ang supervisor nila.

Kinabukasan ay maagang nagising si Monica dahil may appointment siya sa doktor. Na-late pa rin siya dahil ginupo siya ng matinding pagkahilo nang makabangon.

Kung kailan kaharap na niya ang doktor ay saka niya naalala na delayed na ang kaniyang buwanang dalaw. Inalipin na siya ng kaba lalo nang mag-request ng pregnancy test ang doktor. Hindi na siya mapakali habang naghihintay ng result.

“Let’s see the result first,” sabi ng doktor.

Sinabi kasi niya na baka dahil sa puyat kaya siya nahihilo. Kahit anong alibi niya, hindi mababago ano man ang result ng test. Pinagpapawisan na siya nang malamig.

Mamaya ay bumalik ang nurse dala ang result ng test niya. Panay ang buntonghininga niya habang nakatitig sa doktor na binabasa ang result.

“Hm…. I’m right. It’s positive!” sabi nito.

Natigagal siya. Awtomatikong tumulin ang tibok ng kaniyang puso. Paano na ang trabaho niya? Ang pangarap niyang makaahon sa hirap ngayong buntis na siya?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status