Share

Chapter 5

AYAW paawat sa pagkabog ang dibdib ni Monica dahil sa pag-usig sa kaniya ni Federico tungkol sa kaniyang anak. Maaring napansin na nito na may hawig dito ang bata. Muli nitong tiningnan ang picture at pinakatitigan maigi.

“You said you didn’t meet your son’s father again after the one-night stand, right?” ani Federico.

“Opo. Kasi noong nabuntis ako, umuwi na ako rito sa Pilipinas. Hindi ko rin alam ang pangalan ng lalaki.”

“Give me the details about the company where you worked in Japan.”

Sinabi naman niya ang mga detalye kay Federico na lalong ikinawindang nito. Nagduda na rin siya kasi alam nito ang kumpanya na nabanggit niya. Maging ang petsa kung kailan may nakaniig siyang lalaki ay pareho sa sinabi ni Federico, na umano’y inukupa ng grupo nito ang isang VIP room ng restaurant.

“F*ck! It’s not a coincidence!” bulalas nito sabay hilot sa sintido. “I was there at the same time you mentioned, but I can’t remember what happened after the party. I was drunk, and I felt there was something in my drink that affected my sanity,” kuwento nito. Umupo na sa katapat niyang sofa ang binata, naguguluhan.

Hindi rin makapaniwala si Monica at iginiit na baka si Federico ang lalaking nakaniig niya noon.

“Hindi kaya ikaw ‘yong lalaking naiwan sa private room na lasing?” aniya.

Matiim na tumitig sa kaniya ang binata. “I was there, but I don’t remember anything. Ano ba ang nangyari sa inyo ng lalaki?” usisa nito.

“Ano kasi magliligpit sana ako ng kalat sa kuwarto. Nakita ko ang lalaki na lupaypay sa couch. Tapos bigla niya akong hinalikan at kung anong ginawa. Nawalan ako ng kontrol at may nangyari sa amin,” kuwento niya.

“Puwedeng ako ‘yong lalaki, puwede ring hindi. Pero ang anak mo, kamukha ko, Monica.”

Kinikilabutan siya. “Paanong hindi ikaw o ikaw?” naguguluhang usal niya.

“I have a brother, and we’re identical twins. Magkasama rin kami noon sa events na ‘yon sa Japan. Kasama namin ang kasosyo naming Japanese businessman na nag-book ng VIP room ng restaurant. Sa private room na tinutukoy mo, doon kami nag-usap kasama ang kakambal ko. Nagbigay sa amin ng inumin ang staff at hindi ko na maalala ang kasunod. I just woke up the other day in the hotel suite, and my brother had lost.”

“Nasaan na pala ang kapatid mo na ‘yon?”

“I don’t know. We just found some pieces of evidence that proved that he’s dead, but I’m not convinced. I’m still investigating the incident secretly, hoping that my brother is still alive.”

“Baka ang kapatid mo ‘yong tatay ng anak ko. Puwede kaya magpa-DNA test?”

“I’ll do it, but expect that the result will be positive. My brother and I have identical DNA.”

“Paano pala malalaman kung sino talaga ang tatay ng anak ko?” nawiwindang niyang tanong.

“There is another test, but I need to try the basics first. Mahirap ma-solve ang mystery sa sitwasyon natin. Pero baka puwedeng dalhin mo rito ang anak mo, Monica. Gusto ko siyang makita.”

Walang kurap siyang tumitig kay Federico. Nag-alangan siyang dalhin doon ang kaniyang anak dahil sa misyon niya. Pero pagkakataon na niya ‘yon upang matukoy kung sino ang tatay ng kaniyang anak.

“Sige, kukunin ko siya,” pagkuwan ay pasya niya.

“I’ll go with you. Sabihin mo lang kung kailan.” Tumayo na si Federico at pumanhik sa hagdan.

“Sige. Tagawan ko muna ang tiyahin ko.”

“Take your time.”

Pumasok pa sa kaniyang kuwarto si Monica at doon tinawagan ang kaniyang tiya. Sumagot naman ito.

“Kumusta na po, Tiya?” tanong niya.

“Ayos lang naman. Tulog pa si Kenji. Napasarap ang laro niya kanina kaya alas-tres na ng hapon nakatulog,” ani Lori buhat sa kabilang linya.

“Ano, Tiya, pupunta ako bukas diyan para kunin si Kenji.”

“Ha? Bakit?”

“Gusto siyang makita ng boss ko.”

“Ay, bakit naman?”

Hindi niya alam kung paano magpapaliwanag sa kaniyang tiya. “Kasi po nagduda ang boss ko na baka siya ang tatay ni Kenji. Nakita kasi niya ang picture ni Kenji sa phone ko. Hawig daw niya. At meron nga akong nakitang palatandaan sa boss ko na pareho sa lalaking naka-one-night stand ko noon sa Japan,” kuwento niya.

“Hala! Baka siya na nga ang tatay ng anak mo, Monica! Pagkakataon mo na ‘to! Mayaman pala ang tatay ni Kenji?”

Napangiwi siya. “Hindi pa po sigurado, Tiya.”

“Paanong hindi sigurado?”

“Malalaman po ‘yan sa DNA test. Sa ngayon, pakihanda po muna ang gamit ni Kenji baka maisip ng boss ko na dito na rin patirahin ang anak ko. Depende po sa mapag-usapan namin.”

“Oh, sige. Klaruhin mo muna baka nagkataon lang na hawig niya ang bata.”

“Opo. Tawag na lang po ako ulit kapag papunta na kami riyan.”

“Walang problema.”

Pinutol na niya ang linya at iniwan sa kama ang kaniyang cellphone. Pumasok na siya ng banyo dahil wari puputok na ang pantog niya. Nagpalit na rin siya ng damit dahil natuyuan na ng pawis.

Paglabas niya ng kuwarto ay inasikaso naman niya ang pagkain ng mga pusa. Alas-siyete pa naman ng gabi ang oras ng kain ng mga ito pero na-excite siya kaya naglagay na siya ng cat food sa dalawang stainless na plato. Itinabi lang niya ito sa lababo at tinakpan. Merong kuwarto ang dalawang pusa sa tabi ng laundry room na maliit. Sosyal ang mga ito, naka-air-con din, may maliliit na kama.

“Mamaya pa kayo kakain, eh. Inihanda ko lang ang food n’yo,” kausap niya sa dalawang pusa na nakabuntot sa kaniya.

Patungo naman siya sa kusina at malayo pa lang ay may naamoy siyang tila tinunaw na butter. Pagpasok ng kusina ay ginulantang siya ng presensiya ni Federico. Tanging itim na shorts lang ang suot nito. Nakita na naman niya ang agila nitong tattoo sa likod.

“Ah, magluluto po kayo, sir?” tanong niya.

“Yes. You can cook for your dinner, too,” anito.

“Ayaw mo palang magpaluto sa iba. Hindi mo rin naman magugustuhan ang luto ko,” amuse niyang sabi.

“But you can cook, right?”

“Opo. Kaso karaniwang putahe lang ang alam ko. Mas sanay akong magtimpla ng cocktail.”

“Really?” Sinipat siya ni Federico. May hinahalo ito sa babasaging bowl na nilagyan nito ng natunaw na butter.

“Opo. Nagtrabaho rin ako bilang bartender. Kung gusto mong uminom ng cocktail, ipagtitimpla kita.”

“I’m not into cocktails. Wine is fine for me. But I’d like to try your cocktail recipe.”

“Sabihin n’yo lang po kung kailan mo gusto.”

“Sure.”

Lumapit na siya sa lababo at naghugas ng mga kamay. Naiilang siyang makialam sa gamit ni Federico. Tanggal angas niya rito lalo’t tila sinisilaban siya ng apoy sa tuwing malapit siya sa binata.

“Uhm, may itatanong pala ako, sir,” aniya.

“Go ahead.”

“Kasi ‘yang tattoo n’yo sa likod, pamilyar. May ganyan ding tattoo ang lalaking naka-one-night stand ko sa Japan.”

Natigilan si Federico at pumihit paharap kay Monica. “Are you sure?”

“Opo. Iyon lang ang natandaan ko kasi kitang-kita ko ang likod niya.”

“Nakita mo ang likod pero hindi mo nakita ang mukha?”

“Kasi may suot na maskara ang lalaki. Hindi ko natanggal ‘yon at nagmadali na akong umalis.”

Nang humarap nang tuluyan sa kaniya si Federico ay dumapo ang tingin niya sa dibdib nito--at bumaba pa sa puson nito na may nakalatag na pinong balahibo. Awtomatikong ginunita ng kaniyang isip ang nangyaring pagt*talik nila noon ng ekstrangherong lalaki.

Damang-dama pa niya ang mabalbong dibdib at puson ng lalaki na dumaiti sa hubad niyang katawan. Sumariwa rin sa kaniyang isip kung paano umulos ang malusog na sandata nito sa kaniya. Hindi niya namalayan na napapakagat na siya sa kaniyang mga labi, napariin lang kaya nahimasmasan siya nang wari nasugat ang kaniyang labi.

“Ouch!” mahinang d***g niya.

“What’s wrong, Monica?” tanong ni Federico.

“Uhm, ano kasi naalala ko lang ‘yong lalaki. Magkasing katawan din ba kayo ng kambal mo?”

“Yeah, and we have the same eagle tattoo with initials. His name was Fernand.”

“Mabalbon din ba siya?” nakangiting tanong niya sabay kagat sa kaniyang hintuturo.

Mahinang tumawa si Federico. “Of course, kung anong meron sa akin, meron din sa kapatid ko. May iilang palatandaan lang na magtuturo ng kaibahan namin. Hindi ka naman lasing noon, so maalala mo kung ano ang behaviour ng lalaking naka-s*x mo.”

“Uh…. oo. Wild kumilos ang lalaki, medyo marahas. At saka malaki ang ano niya, ‘yong….” Hindi niya masabi-sabi ang nasa isip.

Napailing tuloy si Federico. “I like your semi boldness but innocent personality, Monica. Sorry, wala talaga akong maalala kaya hindi ko masabi na ako ang nakasama mo noon.”

“Okay lang po. Pero siguro kung maulit ‘yong nangyari sa amin ng lalaki, maalala ko ‘yong ano, ‘yong….”

“Yong?”

Napakagat na naman siya sa kaniyang ibabang labi. “W-Wala! Sorry, medyo mahalay ang isip ko. Makasaing na nga.” Tumalikod siya sabay lapit sa ref at binuksan.

“Wala sa ref ang bigas, Monica,” ani Federico.

“Ay! Oo nga pala! Absent minded talaga ako, oo.” Tatawa-tawang lumapit siya sa cabinet kung nasaan ang bigasan.

Natataranta na siya dahil sa kapilyahang hindi naman oobra kay Federico. Kamuntik pa niyang isalang sa kalan ang kaserola na merong bigas pero walang tubig.

“You’re messing around, Monica. Use the rice cooker,” sita sa kaniya ni Federico.

Nasapo naman niya ng palad ang kaniyang noo. “Oo nga pala! Hay! Sorry po!” Sinipat pa niya si Federico na nakatingin sa kan’ya. Lalo tuloy siyang nadi-distract. “Huwag mo akong titigan, sir! Nawawala ako sa wisyo, eh. Baka biglang maiprito ko itong bigas,” aniya. Nagawa pa niyang magbiro.

Natawa tuloy ang binata. “Silly. Keep going,” sabi lang nito at nag-focus na rin sa ginagawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status