Share

Chapter 4

HINDI makapag-focus si Monica sa sinasabi ni Federico. Tango lang siya nang tango kahit hindi naintindihan ang iba. May listahan naman ng daily task niya na binigay si Federico, at ito ang kaniyang pinagbasehan.

Hindi pa rin siya maka-get over sa tattoo na nakita sa likod ng binata. Iba ang pakiramdam niya rito. Lalo tuloy siyang nahiwagaan sa pagkatao ng kaniyang amo.

“I will leave around nine, Monica. You don’t need to cook for me. Kung nagugutom ka, maraming stock na pagkain sa kusina at ref. Magluto ka ng para lang sa ‘yo,” sabi ni Federico.

“Iyong kuwarto ko po?” aniya.

“Come with me.”

Sumunod naman siya rito. Dinaanan niya ang kaniyang maleta na naiwan sa salas. Iginiya siya ni Federico sa isang silid doon sa ground floor. Namangha siya sa laki ng kuwarto, may sariling banyo at merong air-con. Hindi ito basta kuwarto para sa katulong dahil parang hotel suite.

“Wow! Ang ganda naman nitong kuwarto, sir! Puwede ko bang gamitin ang air-con?” aniya.

“Of course. This is the guest room. May isang kuwarto pa malapit sa kusina pero maraming nakatambak na gamit. You can use all stuff here.”

“Salamat po!” Kaagad siyang lumapit sa kama at umupo. Ang lambot nito.

“You can start your job today. Good luck!”

Ngumiti lang siya at sinundan ng tingin si Federico na lumabas.

Nang makaalis ang binata ay nagpagulong-gulong siya sa kama. Binuksan pa niya ang air-con kaya lumamig sa silid. Halos ayaw na niyang bumangon at napasarap ang hilata. Pero nang maalala ang totoong pakay, bumalikwas siya ng upo at kinuha ang kaniyang cellphone sa bag.

Nagpadala siya ng mensahe kay Boggy at sinabi na nakapasok na siya sa bahay ni Federico. Wala pang utos si Boggy kung ano ang susunod niyang gagawin. Hindi siya puwedeng tatawag kay Boggy at usapan nila na mensahe lang ang puwedeng komunikasyon nila. May mga spy gadgets naman siyang dala.

Nag-aayos siya ng gamit sa closet nang may kumatok sa pinto kasunod ng boses ni Federico. Mabilis siyang lumapit sa pintuan at binuksan.

“Yes, sir?” nakangiting sabi niya. Awtomatikong nasuyod niya ng tingin ang binata.

Napasinghot pa siya dahil ang bango nito. Sumiksik sa kaniyang ilong ang matapang nitong perfume. Nakasuot ito ng black suit, nakahabi ang buhok palikod na mamasa-masa pa. Ang linis nitong tingnan, neat, sobrang guwapo kaya ilang sandali siyang tulala.

“I’m leaving. Maiiwan dito ang dalawang pusa. Two times a day lang sila kakain, sa gabi na ulit. You can do the housework, but be careful not to damage every single thing here. Baka gagabihin na ako ng uwi, depende,” habilin nito.

“Yes, po. Ako na ang bahala sa mga alaga mo at bahay. Kung may labahin ka, puwede ko na labhan ngayon.”

“Nagpa-laundry na ako kahapon. Sa Sunday ka na maglaba.”

“Okay po.”

“Aalis na ako.”

“Bye, sir! Ingat!”

Walang kibong umalis ang binata.

Sinundan pa niya ito ng tingin habang paalis bitbit ang handbag na itim.

Nang makaalis si Federico ay minadali na niya ang pag-aayos ng gamit. Pagkatapos ay lumabas siya ng kuwarto at hinanap ang mga pusa. Natagpuan niya ang mga ito sa kusina at naglalaro.

“Mga memeng, kumusta kayo?” bati niya sa dalawang pusa.

Unang lumapit sa kaniya ang itim na pusa, si Satore. Mabilis niyang nakabisado ang pangalan ng mga ito. Binuhat niya ang pusa at niyakap.

“Ang sarap mong yakapin, ang lambot!” gigil niyang usal.

Nilapitan din siya ni Parisi at ikinuskos ang katawan sa kaniyang binti. Ibinaba na niya si Satore at nakialam sa kusina. Maraming stock na makakain doon lalo na sa ref.

“Wow! Yayamanin ang mga food!” Inilabas niya ang isang bowl na grapes at pinapak.

Nawili na siya kakakain ng prutas at halos maubos na. Kumain din siya ng mansanas at ponkan. Mayamaya ay uminit na ang kaniyang sikmura. Acidic pa naman siya.

Sinimulan na niya ang pagpupunas ng mga furniture at inuna niya sa second floor. May dalawang kuwarto roon na naka-lock, merong mini library, opisina at doon siya pumasok dahil nabubuksan ang glass door. Halos babasagin lahat ng gamit maging estante kaya maingat siya sa kaniyang kilos.

Lumapit siya sa makitid at pahabang lamesa sa may gilid ng glass wall. May mga picture frame na nakapatong dito, mga libro, kung anong abubot. Mga larawan ni Federico ang naroon, pero may isa siyang napansin na nagpawindang sa kan’ya. Kinuha niya ang isang larawan kung saan dalawang Federico ang kaniyang nakikita.

“Hala! Bakit magkamukha sila?” gilalas niyang usal.

Kumurap-kurap pa siya habang nakatitig sa larawan. May kasama si Federico na lalaki sa larawan na naka-suit din pero puti ang isa. Hindi niya alam kung saan sa dalawa si Federico dahil pareho pati gupit ng buhok, katawan, tangkad.

“Teka, may kambal ba si Federico?” tanong niya sa hangin.

Dinukot niya sa bulsa ng kaniyang pants ang cellphone at sinubukang tawagan si Boggy pero walang sagot. Nagpadala lang ito ng mensahe sa kaniya.

Boggy: “Be careful, hindi ka puwedeng tatawag sa akin. Federico was a former detective, and he’s vigilant. Maaring tadtad ng camera at audio recorder ang bahay niya. Malalaman niya lahat ng kilos mo. Huwag ka ring tatawag kay Terra sa loob ng bahay ni Federico at magbanggit ng related sa misyon mo. Federico knows about decoding, so be careful.”

Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi. Pasimple na lamang niyang kinuhaan ng picture ang larawan ni Federico na may kasamang kamukha nito.

Nai-send niya kay Boggy ang nakuhang picture at sinabi ang ilang detalye. Sinimulan na rin niya ang paglilinis pero panakaw na kinukuhan ng picture ang mga kakaibang bagay na nakikita niya.

NAPAHILOT sa kaniyang sintido si Federico nang latagan siya ni Leo ng tambak na papeles sa lamesa. He is just done signing the papers for the company.

“What is it for?” tanong niya sa assistant.

“Files po ‘yan na pinadala ni Sir Duke. Mga records daw ‘yan ng CEG international na kailangan ma-review. May naibabang bagong policy ang international branch at kailangan ninyong aralin. May operation na maa-asign sa inyo, mga kaso ng ibang mafia organization na dapat tutukan.”

“Why only me?” reklamo niya.

“Inasikaso ng ibang kasama n’yo ang bagong hideout at deployment ng ibang agents. Nagpaparamdam na ulit ang mga grupong gusto kayong pabagsakin. Ayaw nila na nauungusan ninyo ang operation nila rito sa Pilipinas.”

He gritted his teeth. Some mafia groups can’t operate without competing with them. Dahil kilalang pinakamalaki at maimpluwensiyang mafia organization ang Cosa El Gamma, marami na rin ang sumusubok na mapantayan sila o kaya’y mapabagsak.

“Okay. I will review the files later. I need to relax my head first,” he said.

“You should stop investigating the Japan incident, sir. It’s been more than three years.”

He took a sigh. Although he already declared his twin brother’s death, he was still hoping that the evidence they got had been manipulated. Hindi pa rin matanggap ng kaniyang sistema na wala na ang kaniyang kakambal.

“I can’t stop it, Leo. Fernand had always crossed my mind, even in my dream. I felt he was just around and breathing, asking for help.”

“But we still don’t have proof of his existence.”

“Pinalabas kong patay na siya para hindi na makisawsaw ang ibang kamag-anak namin at usigin ako. Mas madali kong maimbestigahan ang insidente kung walang nakikialam. I’ll do it alone for the sake of my brother.”

“Kung sana’y maalala niyo ang nangyari sa Japan, baka mas madali ang lahat. Nakapagtataka naman na walang bodyguards malapit sa inyong magkapatid noong gabi ng party.”

“Iyan din ang nakapagtataka, Leo. Pumasok kami sa VIP room ng restaurant na may kasamang bodyguards. And those bodyguards can remember anything. They just drunk, eh hindi ko sila pinayagang uminom ng alak.”

“It’s a foreplay. Naisahan kayo ng grupo ni Mr. Hiroshi.”

Nabuhay na muli ang kaniyang inis. “Malalaman ko rin ang totoo.” Iniligpit na niya ang gamit.

Ipinasok na rin niya sa bag ang papeles na dala ni Leo at sa bahay na niya babasahin. Mabilis siyang mainip kung naroon siya sa opisina. He’s an introvert, and staying at home saves his strength. Lumala ang pagiging introvert niya simula noong nag-quit siya sa detective job at nag-focus sa business. Kaso hindi rin siya basta humaharap sa mga tao.

“I’ll go home. Please assist the investors for their company tour,” he said.

“Yes, sir!”

Lumabas na sila ng opisina. Alas-kuwatro pa lang ng hapon. Mas mahabang oras na iyon na paglalagi niya sa opisina. Madalas half-day lang siya, ilang oras din sa headquarters ng CEG.

Pagdating ng bahay ay sobrang tahimik. Kaaalis lang ni Mang Nestor, ang kaniyang hardinero. Nagdilig lang ito ng mga halaman at nagdamo sa bakuran. Ganoon lang ang routine ng ginoo at lingguhan niyang binabayaran.

Pagpasok ng bahay ay malamig at nakabukas ang telebisyon sa salas. Namataan niya si Monica na nakahiga sa couch at tulog, nakanganga pa. Nakahiga sa puson nito si Satore. This girl was a bit weird.

In-off niya ang telebisyon at sana’y papanhik sa hagdanan ngunit napansin niya na umilaw ang cellphone ni Monica. Nakapatong lang ito sa center table. Napabalik siya nang mapansin ang wallpaper sa cellphone na imahe ng batang lalaki.

He touches the cellphone’s screen to avoid closing. He held it and stared at the child’s image. It was the lock screen wallpaper. And he was stunned when he found the child familiar. He looks like his child version!

Nang kumilos si Monica at ibinalik niya ang cellphone sa mesita.

“Ay! May tao!” sigaw ni Monica, nagulat pa sa kaniyang presensiya.

“You finally awake. Keep resting,” he said.

Napaupo ang dalaga at inayos ang magulong buhok. “S-Sorry, nakatulog ako. Naglinis kasi ako ng buong bahay,” anito.

“That’s okay. You don’t need to work until midnight.” Aalis na sana siya nang maisip ang bata sa wallpaper ni Monica. Napaharap siyang muli sa dalaga. “May I ask you something, Monica?” aniya.

“Ano po ‘yon?” Namilog ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya.

“I saw a little boy’s picture in your phone’s wallpaper. Who is he?”

Napamulagat ng mga mataa ng dalaga sabay hablot sa cellphone nito. “Ano, anak ko ‘to,” turan nito.

Natigilan siya. He doesn't know what to think, but he really finds the boy to look like his young version. Is it a coincidence?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status