Alexander POV "You can go" Pagkalabas ni George sa pinto nang aking opisina ay napahugot ako nang malalim na hininga. Malinaw na ang lahat. Delio Garcia and Emily Garcia. Ama't Ina ni Honeylette Garcia. Ngayon alam ko na lahat ng pinagmulan niya. Si Emily ang babaeng muntik ko nang mabangga ay ina nang aking asawa. I smirked. Nang maisip ko ang salitang asawa.Hindi ko inaasahan na marami akong malalaman, lalong lalo na sa buhay ngayon nang kanyang Ina. Wala siyang alam sa kung anong nangyayari ngayon kay Emily Habang iniisip ko ang lahat ng sinabi ni George ay biglang may kumatok sa pintuan. "Come in." Tugon ko.Iniluwa noon si Patricia Domingo. Anak ni Mr. Bernardo Domingo. Ang babaeng gusto ni Dad na pakasalan ko. "Good Morning!" nakangiting bati nito."Good Morning." walang buhay kong sagot. Nagkunwari akong busy sa aking laptop. Para hindi ko siya matingnan. Wala rin akong pakealam kung mapansin niya ang tono ng aking pagnanalita."Can I disturb you?”
Honeylette POV "Bhe gising! Hoy gising na!.” Napatakip ako nang unan sa aking tainga nang marinig ang maingay na boses ni Julie.Napilitan akong bumangon dahil sa paulit ulit nitong paggising sa akin."Bakit ba?" Papungat pungat kong tanong."Anong bakit ka dyan? Hindi ka ba sana'y gumising nang maaga tanghali na po!." Hinila niya ang kumot na nakataklob sa aking mga paa. Napilitan akong bumangon sa aking pagkakahiga. "Magbihis ka na may lakad daw tayo nina Sir." Napalingon ako kay Julie."Huh?! Saan daw?” "Hindi ko alam basta magbihis ka na naghihintay na sila."Paglabas namin nang bahay ay nakita ko na si Rose at Tiya na may mga bitbit. Si Alexander naman ay abala sa paglalagay nang kung anong bagay sa likod nang sasakyan niya. "Bakit ang tagal niyo.?" tanong ni Tiya."Kasi po itong si Honeylette sobrang tagal magbihis.""Anong ako.?” Protesta ko."Totoo naman eh." Pang-aasar ni Julie."Hay naku. Tama na nga kayo dyan. Sumakay na kayo." Nauna na sina tiya sumakay. Si Alexander n
Honeylette POV"Umamin ka na, may namamagitan ba sa inyo ni sir Alexander?” tila naghahatol sa korte ang pagtatanong ni Julie.Namumutla na tuloy ako. Hindi ko kasi alam kung sasabihin ko ba sa kanila ang totoo. O dapat ko pa bang ilihim ang meron kami ni Alexander. Baka kasi kapag nalaman nila ay makarating kay tiya. Pero hindi naman sila ganoon. Siguro naman ay mapagkakatiwalaan ko sila na huwag sabihin kay tiya. Natatakot ako kapag nagkataong malaman niya. Hindi naman ako natatakot sa sermon niya dahil sana'y na ako. Natatakot ako sa kung anong mangyari baka kasi umabot sa paalisin ako ni tiya dito para ilayo kay Alexander. Kapag nangyari iyon, ay parang hindi ko kakayanin.Ngunit sa bandang huli ay nagawa ko rin sabihin kina Julie at Rose ang relasyon namin ni Alexander. Halos masira ang eardrum ko sa tili nang dalawa samahan pa nang mga hampas nila sa balikat ko."Teka kung ganun may nangyari na sa inyo ni Sir.?” Tila umurong ang dila ko sa biglang tanong na iyon ni Julie. Hind
Honeylette POV"Honeylette!"Nakakailang tawag na pala si Rose sa pangalan ko ngunit, tila wala akong narinig. Dahil may ibang umuukopa sa aking isipan."Okay ka lang ba Honeylette?. Bakit parang ang lalim nang iniisip mo?" Hindi pa rin ako kumibo."May sakit ka ba?" Umiling ako bilang sagot kay Rose. Kahit hindi niya sabihin alam kong nagtataka siya sa kilos ko. Ngunit hindi na lang siya nagtanong at hinayaan na lang ako. Hindi ko na nakita si tiya pagkagising ko. Nalaman ko na lang din na maagang umalis si Alexander. Hindi na kami nakapag-usap mula nang umuwi kami galing resort. Sa tingin ko ay ginagawa na niya ang sinabi ni tiya na layuan namin ang isa't isa kaya sinisimulan na niya akong iwasan. Nalungkot ako nang sumilid iyon sa aking isipan. Ang isipin pa lang ang salitang layuan ay masakit na para sa akin.*Nagtaka ako nang makitang nag-iimpake sina Julie at Rose."Aalis kayo?” "Oo Honeylette pinababalik na kasi kami ni Sir sa mansyon."Nabigla ako sa sinabi ni Rose. "Si
Honeylette POV Pumarada kami sa harap nang isang bahay. Makikita mong may pagkaluma na ito, parang napabayaan. Kung hindi ako nagkakamali ay sakop ito nang bayan ng Balayan. Tanging alam ko lang naman ay sa bayan namin sa Calaca. Napaisip ako kung bakit kami naririto. Friday pa naman ngayon dapat ay pumasok siya sa opisina. Pero imbes na nasa kumpanya siya sa Cavite ay naririto kami ngayon sa tapat nang isang bahay na hindi naman namin alam kung kanino. Hindi na ako nakapaghintay at tinanong ko siya. "Anong gagawin natin dito?”Hindi pa niya ako nasasagot nang marinig ko ang pamilyar na boses. Hindi ako nagkakamali sa kanya iyong boses na iyon. Nakabukas kasi ang bintana nang sasakyan kaya malinaw na malinaw kong narinig ang boses niya. "Dahan dahan lang at baka madapa kayo." sigaw nang babaeng lumabas sa bahay. Napatingin ako sa dalawang batang babae. Tumatakbo ang mga ito patungo sa nangangalawang nang gate. Inilipat ko ang paningin ko sa may ari ng boses para siguraduhin na h
Alexander POV Minabuti kong umalis nang bahay at balikan ang tirahan nang ina ni Honey. Alam kong galit siya sa ginawa ko. Sino nga ba ako para makialam sa buhay niya. "Kumusta siya?” tinitigan ko muna ang tasa nang kapeng ibinaba niya, bago ako nag-angat ng tingin sa ina ni Honeylette na ngayon ay nakaupo na sa kabilang sofa sa harap ko. Hindi ako nagsalita, bagkus ay dinampot ko ang tasa ng kape at sumimsim ng inom. Napansin ko ang paglungkot ng mga mata nito. "Galit pa rin siya sa akin." malungkot na sabi nito. Inikot ko ang tingin sa buong kabahayan. Katulad sa labas ay may kalumaan na ito. Ngayon ko lang nakita ang loob nito, noong huling punta ko ay hindi ko na silip ito dahil sa labas niya kami kinausap ng mga sandaling iyon, hindi ko maintindihan pero parang tila takot na takot ito na may makakita sa kanya ng mga oras na iyon. "Marahil ay nabigla lang siya sa pangyayari, pasensya na kayo." aniya ko. "Hindi. Ako dapat ang humingi ng pasensya sayo." Nagtahimik ang paligi
Honeylette POV Nagising ako na wala na sa tabi ko si Alexander. Inalala ko ang nangyari kagabi. Napangiti ako nang maalala ang mga tagpo naming dalawa. Ini-akyat niya ako sa kanyang kwarto matapos niyang humingi nang tawad sa akin. Naramdaman ko ang pagpipigil niyang huwag akong angkinin, ngunit hindi niya iyon nagawa dahil ako ang nagkusang gawin iyon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para gawin iyon. Basta ang alam ko lang gusto ko siyang mapaligaya. Inaamin kong na-miss ko siya. Mabigat rin para sa akin na magalit sa kanya. Hindi ako makatiis na hindi kami maayos na dalawa. I secretly smile, when I saw his face. Gulat ito sa aking ginawa. Hinalikan ko lang naman siya, a gently kiss. At iyon ang nagpagising sa natutulog niyang alaga. Kahit nararamdaman kong pagod siya ay hindi ko napigilan ang aking sarili. I slowly caressed his chest. I saw the clenched of his jaw. Tila nagpipigil but I know he like it. Bumaba ang mga kamay ko sa kanyang pagkalalaki. Again, I slo
Honeylette POV "S-sino po sila?." Tila nauutal kong tanong sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Base sa itsura nito ay nasa edad fourtie's pa lamang ito. Pinagmasdan ko ito mula ulo hanggang paa. Batay sa pananamit nito ay nagmula ito sa isang kilalang pamilya. Ang makisig na tindig nito ang magandang kasuotan. Hindi ito sumagot sa naging tanong ko. Bagkus ay mariin niya akong pinakatitigan. "Lex didn't even tell me that this is how his girl accept her visitor.”Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nang lalaki, na nagpanginig sa kalamnan ko, ang baritonong boses nito. May hatid iyong takot sa akin dahil sa tila may ibig sabihin ito sa kanyang sinabi. "T-tuloy po kayo." Niluwagan ko ang bukas nang pinto. Dire-diretso itong pumasok. Isinarado ko ang pinto pagkapasok nito, nakita kong umupo ito sa upuan sa sala. Napansin ko rin ang paglibot nang tingin nito sa buong kabahayan. Kinabahan ako nang tumigil ang mga mata niya sa akin. Malinaw na sa akin siya ang ama