Honeylette POV Hindi ako mapalagay, habang nakatingin ako kay Marc. Hindi ko marinig ang mga sinasabi nito dahil masyadong malayo ang distansya namin sa isa't isa. Kausap niya ngayon si Lex sa telepono. Sa bandang huli ay wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa suhestyon nila. Wala na akong magagawa si Lex lang ang pag-asa para gumaling ang anak ko. Kahit na labag sa kalooban ko ang lumapit sa kanya. Nakita kong isinuksok na niya ang kanyang celphone sa bulsa ng kanyang pantalon. Tapos na agad silang mag-usap?. Ang bilis naman yata?. Taka kong tanong sa sarili. Seryosong tumingin sa direksyon ko si Marc. Pagkatapos ay naglakad patungo sa kinatatayuan ko. Kasalukuyan akong nasa labas nang kwarto ni Lander, ang tanging naiwan lang sa loob ay si Josh. Sumunod ako kay Marc sa labas para marinig ang sasabihin nito kay Lex, ngunit lumayo naman siya sa akin. Si Carlo naman ay nakaupo malapit sa tabi ko. "Papunta na siya!.” Deklara ni Marc. Biglang dumagundong an
Honeylette POV Diretsa lamang siyang nakatitig sa akin. Hindi kakikitaan nang ano mang-reaksyon ang kanyang mukha. Maging ako ay hindi makagalaw ng nasa harapan ko na ang lalaking pinagtaguan ko ng mahabang panahon. Hindi ko magawang alisin ang tingin sa kanya. Walang buhay ang kanyang mukha. Tila tumigil ang paggalaw ng kamay ng orasan ng malapit kami sa isa't isa. Gusto ko siyang yakapin, ngunit may pumipigil sa akin na gawin iyon. Hindi ko alam kung ano ang nasa sa isip niya. Hindi kakikitaan ng galit ang mukha nito at hindi rin siya nagsasalita, na mas lalong ika-nakakaba ng dibdib ko. Tumingin ito sa gawi ni Lander. Doon ay nakita ko ang paglamlam ng kanyang mga mata. Napansin ko ang pagtayo nina Josh at Carlo sa pagkakaupo. Sa wari ko'y pinakikiramdaman nila ang magiging reaskyon ni Lex. Sabay-sabay kaming napalingon muli sa pinto ng biglang pumasok doon si Camila, na siyang ikinagulat ni Marc. Maging ako ay nabigla rin. Bakit kasama siya ni Lex?. Hindi ba't bu
Alexander POV Halos mabaliw ako nang sumapit na ang gabi na hindi pa bumabalik ng bahay si Honeylette. Hindi ko siya macontact nakapatay ang celphone nito. Kaya naman kaagad ko ng ini-report sa mga pulis. Ngunit katulad ng patakaran nila, hindi nila maaring sabihin na nawawala ang isang tao dahil wala pang bente kwatro oras ang nakalipas. Kaya naman nagtungo ako sa nanay niya. Ngunit maging ang nanay nito ay wala rin. Kaagad kong tinawagan si Marc at pumunta sa bahay. Tinawagan nito si Carlo para magpatulong pero hindi niya rin ito ma-contact. Nalaman na lang niya sa kasamahan nitong pulis na nalipat ito sa ibang lugar. Kaya naman kami na lamang ni Marc ang naghanap. Kahit na hindi namin alam kung saan kami magsisimula. Sa bandang huli bigo kaming makita siya. Nabalitaan namin na nakatakas ulit si Alejandro at nasisiguro ko na siya ang salarin sa pagkawala ni Honeylette . Siya ang kumuha dito maging sa ina at tiya nito, ngunit hindi namin matagpuan ang lugar kung s
Honeylette POV Halos hindi ako makahinga nang maayos matapos kong malaman ang lahat kay Camila. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kaya minabuti ko ang umuwi na muna. Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto at umiyak. Mag-uumaga na noon. Nag-alala sina nanay sa akin ng makita ang itsura ko pagkarating. Alam kong magtataka sila kung bakit ako umuwi ganoong nasa ospital pa si Lander. Ngunit alam kong ipapaliwanag lahat sa kanila ni Carlo ang nangyari dahil, isa rin naman siya sa nakakaalam ng lahat. Namumugto na ang aking mga mata sa kaiiyak. Dala nang puyat ay naka-idlip ako. Maliwanag na ang paligid nang magising ako. Naririnig ko na rin sina nanay at tiya sa sala. Sa wari ko ay nakabalik na sina Carlo para sunduin ako. Sinabi kasi nito kanina sa sasakyan na susunduin niya ulit ako para bumalik sa ospital. Wala akong naging sagot dito. Wala kasi akong gana na makipag-usap kahit kanino. Hindi naman sa galit ako sa kanila. Ayoko lang talaga na magsa
Honeylette POV Nagulat ako nang biglang pumasok si Lex sa kwarto namin, dala-dala nito ang ilan niyang mga gamit. Ibinaba niya iyon sa isang tabi. Matapos lumabas ni Lander sa ospital ay pumayag akong dito muna mamalagi si Lex. Nakiusap ito kina nanay na kung maaring makasama niya sandali ang kambal at hindi ko iyon minasama. "Dito muna ipatong iyong mga damit mo." Turo ko sa isang upuan. Hindi ko pa nalilinis iyong isang kwarto kaya pansamantalang dito sa kwarto namin ko muna pinalagay ang mga gamit niya. "Maiwan na muna kita, may gagawin pa kasi ako sa kusina." Patungo na ako sa may pintuan nang bigla niya akong hilahin. Namilog ang mga mata ko, nang sunod niyang gawin ang halikan ako. Nagprotesta ako dahil hindi naka-lock ang pinto at oras-oras ay pumapasok ang mga bata. Marahas ko siyang itinulak ngunit wala akong nagawa dahil sa matigas nitong dibdib. Kalaunan ay umagwat ito. Namumungay ang mga matang tinitigan ako. "I love you." Biglang bumil
Prolouge “Parang awa muna huwag mong idamay dito si nanay.” Pagmamakaawa ko kay Patricia. Nakikita ko ang puro pasa sa mukha ni nanay dahil sa pagtanggap nito ng sampal at suntok sa mga kamay ni Patricia. “Sige, hindi ko siya papatayin at palalayain ko kayo ngunit sa isang kundisyon.” Bahagya siyang tumigil at pinakatitigan akong mabuti.“Lalayuan mo si Lex.” Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Nanginig ang mga kamay ko. “Huwag na huwag ka ng magpapakita sa kanya.” Madiin nitong sabi. “Kakalimutan mo na siya. Dahil hindi naman siya sayo, akin siya.” Malakas na sigaw nito sa huli. Nasisiraan na ng isip ang babaeng ito. Ipinipilit niya ang kanyang sarili kay Lex, na maging asawa siya. Ngunit ayaw naman sa kanya nito, dahil ako ang mahal ni Lex. Nangako siyang mahal niya ako. Napahawak ako sa aking tiyan, inalala ang masasayang tagpo namin na dalawa, maging kung paano namin nabuo ang nasa sinapupunan ko. Ayokong gawin ang gusto ni Patricia ayokong lumay
Honeylette POV Naalimpungatan ako sa abot-abot na katok sa aming pintuan. “Honeylette” narinig ko ang lasing na tono ni Tatay Delio. Kung kaya’t napilitan akong bumangon mula sa aking pagkakahiga sa aming lumang sofa sa sala. Hindi ko alam na nakatulog pala ako pagkatapos kong maglinis ng buong bahay. Napabuntong hininga na lamang ako ng bumungad sa akin ang lasing na lasing kong ama. “Tay lasing ka na naman.” Mahina kong sambit. Ang totoo sanay na ako na lagi siyang lasing. Halos araw-araw naman ay nag-iinom siya. Hindi ko rin siya masisi sa ginagawa niya, ito kasi ang naging epekto sa kanya ng umalis si nanay at iwan kami. Tila may palasong tumusok sa aking dibdib ng maalala muli ang naganap na pangyayari noon. Iniwan kami ni nanay at sumama sa ibang lalaki. Naguguluhan pa rin ako kung bakit nagawa niyang iwan kami ni tatay. Alam kong nahihirapan na siya ng mga panahong iyon. Nawalan noon ng trabaho si tatay. Isa siya sa mga empleyadong natanggal
“Honeylette halika ka na at aalis na tayo baka ma-traffic pa tayo strikto pa naman yun.” Tawag sa akin ni Tiya Maring. Ang huling salitang sinabi niya ay hindi ko na narinig pa dahil mahina na ang pagkakasabi nito. Dali dali akong lumabas nang silid ko. “Andito na ko Tiya.” Napataas naman ang dalawang kilay niya at napa-iling na lamang sa akin. Nilingon ko ang aming tahanan bago ako humakbang paalis, masakit man na iiwan ko ang aming mga ala-ala sa tahanan na ito. Ngunit wala akong magagawa. Kinailangan kong ibenta ang bahay at lupa para maipalibing si tatay kahit sa murang halaga. Magsisimula ako ng panibagong buhay kasama si tiya Maring. Si tiya Maring ang nag-iisang kapatid ni tatay. Sa Cavite siya naninirahan at kami naman ay sa Batangas. Malapit lang kung tutuusin pero madalang parin silang magkita ni Tatay noon. Minsan may pagkasungit si Tiya pero hindi naman nakakatakot. Ang totoo mabait talaga siya at maalalahanin. Si Tiya na ang nagintindi sa akin