Share

Chapter 3 Part 1

Maliwanag na ang buo kong kwarto ng magising ako. Tiningnan ko ang orasan saktong ala- sais ng umaga. Buti na lamang at hindi ako tinanghali ng gising. Nagtungo agad ako sa banyo para maligo. Ninanamnam ko ang bawat patak ng maligamgam na tubig sa aking katawan. Napakasarap sa pakiramdam kung sana pagkatapos kong maligo ay hindi ako magbibihis ng uniporme ng katulong. Yung tipong wala kang iisipin na magtatrabaho ka. At ang gagawin mo lang ay magpahinga buong maghapon. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng aking uniporme. Inikot ng paningin ko ang buong kabuuan ng kwarto hindi ko pa ito napagmasdan ng maayos mula kahapon. Paano ba naman ang dami na kaagad nangyari umpisa pa lang.

Simple lang ang kwarto ko. Kulay pink ang buong paligid nito, pang isahang tao lang ang higaan. Sa gilid ng kama ay may nightstand, samantala sa harap naman ng kama ay nandoon ang malaking cabinet. May sarili itong banyo. Kung iisipin mo ay parang pinaghandaan ang paggawa nito. Pero sabi nina Rose ay halos kagagawa nga lang daw ng kwartong ito. Nalaman ko rin sa kanila na kada isang kwarto ay dalawang katulong ang magkasama at sila ni Julie ang magkasama sa iisang kwarto. Tanging kami lang daw ni tiya ang solo sa isang silid. Nagtaka ako noong una kung bakit. Pero ang sabi nina Julie ay dahil wala na daw bakanteng kwarto ng katulong. At kung kay tiya pa daw kwarto ako tutuloy ay masyado nang masikip.

Tahimik ang buong paligid nang lumabas ako sa kwarto ko. “Nasaan kaya ang mga tao?” bulong ko sa sarili. Nagtungo ako sa kusina wala rin doon sina Julie at Rose. Hindi ko rin mahanap si tiya kung nasaan. Minabuti kong mag-ayos na lamang ng mga stock sa cabinet. Kinuha ko sa aking bulsa ang aking celphone na di-keypad nakakabit doon ang headset ko kaya naman ini-on ko ang radyo at ini-loudspeaker ito. Sakto maganda ang tugtog at kasisimula lang. Napapasayaw tuloy ako. Nang nasa kalagitnaan na ang kanta ay sinabayan ko ito sabay hataw ko sa pagsayaw. Ewan ko ba pero gusto ko talagang sumasabay ng pagkanta at pagsayaw sa mga pinakikinggan kong tugtog.

Biglang namatay ang radyo tiningnan ko ito. Patay rin ang celphone ko na-lowbat na pala ako. Nagulat ako nang biglang may tumikhim sa may pintuan ng kusina. Paglingon ko ay nakita ko si tiya, iyong lalaki kagabi, at si sir lahat sila ay nakatingin sa akin.

*

Nasa labas ako ng bahay. Pinili ko na muna lumabas sa garden. Napagalitan kasi ako ni Tiya. Pinagsabihan pa niya ako sa harap ni Sir at sa lalaking kasama nito noong gabi, na napag -alaman kong pinsan niya. Nahihiya ako. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking luha. Naisip ko si Tatay hawak hawak ko ngayon ang iniwan niyang sulat.

Anak;

Patawarin mo si Tatay kung hindi ako naging mabuting ama at asawa sa inyo ng nanay mo. Patawarin mo ko sa lahat ng nagawa kong pagpapabigat sayo. Ngayon anak ay hindi mo na ako dapat intindihin. Sana dumating ang panahon na mapatawad mo ang iyong ina gaano man kasakit ang ginawa niya.

Hinihiling ko rin anak na sana ay makatagpo ka ng lalaking mamahalin at aalagaan ka ng husto iyong kaya kang buhayin. Hindi katulad ko. Huwag kang iiyak anak ibalik mo ang dating ikaw. Tandaan mo mahal na mahal ka ni Tatay.

Walang tigil ang daloy ng aking luha. Pinunasan ko iyon gamit ang aking mga kamay.

Hindi ko alam kung bakit ang tindi ng luha ko. Napagalitan lang naman ako ni tiya, dahil sa nakita nila akong sumasayaw sa oras ng trabaho.

Nagulat na lamang ako sa aking kinauupuan ng sumulpot sa tabi ko si Sir Marc.

“Umiiyak ka."

“Hindi po.” Tipid kong sagot. Hindi ko siya nilingon para hindi niya makita ang namumula kong mata.

“Maaring magsinungaling ang bibig, ngunit hindi pwedeng magsinungaling ang mga mata, Ayos lang yan, minsan kailangan natin yan ilabas kapag mabigat na.”

Napatingin ako sa kanya. Tila may laman ang salita niya. Batay sa tono nito.

He looked at me and smiled, iniabot niya ang kanang kamay.

“Marc Chelex Madrigal just call me Marc.” Tinanggap ko ang kamay niya.

“Paano alis na muna ako. Pumasok ka na sa loob and dont worry about my cousin.” Tumayo ito at muli akong nginitian. Hindi ko alam pero biglang gumaan ang pakiramdam ko, ang lungkot na nararamdaman ko kanina ay napawi, kahit sa saglit lamang nyang pagpapakilala.

Nagpasya akong bumalik na sa loob. Pagkapasok ko ay sakto naman pababa si Sir Alexander nagtama ang paningin namin. Seryoso lang ang mukha niya at parang hindi niya ako nakita.

*

Lumipas ang mga araw normal lang ang lahat. Lilinisin ko ang kwarto ni Sir, kapag nakaalis na siya. Pinagtitimpla ko na agad siya ng kape pagkakarating niya. Halos katulad ng iba ay maayos kong ginagawa ang iniutos sa akin. Si Tiya lang ang malimit kausapin ni Sir sa amin. Nakasanayan ko na lahat ng gawain at madali na lang iyon sa akin.

Nang pumasok ako ng kusina ay nadatnan ko si Rose at Julie na seryosong nag uusap. Ano naman kaya ang pinag uusapan ng dalawang ito.

“Anong meron?” Nakangiti kong tanong sa kanila.

“Nakita namin si Sir Marc may kasamang babae dinig ko kay Manang ay iyon daw ang kasintahan ni sir Marc.” Pagsasalaysay ni Julie.

“Talaga?”

“Oo. Alam mo ba yang si Sir Marc ay minsan ng nagwala dito. Buti na lang at napatigil siya ni Sir Alexander. Batay sa pagkakaalam namin ay nalaman niyang nagkaroon siya ng anak sa ex niya at ang ikinagagalit nito ay hindi niya magawang makita ang anak niya.”

Nakakaawa pala siya. Kaya pala noong gabing nakita ko siya nang banggitin ni Alexander ang pangalang Camila ay nag iba agad ang reaksyon ng mukha nito. At ang Camila na tinutukoy niya ay ang babaeng kasama ngayon ni sir Marc.

Iniwan ko na sina Julie sa kusina. Lumabas ako ng bahay. Doon ay nakita ko sa labas sina Alexander, Marc at ang babae na sinasabi nila. Maganda siya at sa tingin ko ay hindi kami nagkakalayo ng edad.

“Sir Marc!” nakangiti kong tawag sa kanya. Napalingon silang tatlo. Kaagad akong lumapit sa kinatatayuan nila. Nakailang beses na rin kasi itong pumupunta sa bahay kaya naging ka close ko na siya, minsan nga ay nakakabiruan ko pa. Naiinggit nga minsan sina Julie kasi hindi nila kayang makipag-biruan kay sir Marc, lalo na’t kaharap si sir Lex.

Makulit daw ako at masayahin kaya gusto niya daw ang ugali ko. Sinabi niya iyon minsan ng mapasyal siya sa bahay. Siguro ay ganoon din daw si Lex sa akin. Bagay na hindi ko naintindihan kung anong ibig niyang sabihin.

In my peripheral vision. Nakita kong nakatitig sa akin ang babaeng kasama ni sir Marc. Nagulat pa ito bahagya ng lingunin ko siya. Nginitian ko siya, sa tingin ko ay mabait siya dahil nagawa niya rin akong ngitian, ngunit may halong hiya.

Kitang kita ko sa mga mata ni Sir Marc kung gaano niya kamahal si Camila. Napaka swerte ng babaing ito kay Sir. Pero bakit parang nararamdaman kong iniiwasan niya si sir Marc.

“Honeylette” agaw pansin sa akin ni sir Lex.

“Po?”

“Ipaghanda mo sila ng makakain.” Hindi kaagad ako sumunod bagkus ay nagtanong pa ako.

“Pananghalian na po ba ang ihahanda ko o meryenda lang?” Nakita ko ang paghilot niya sa kanyang sintido senyales na naiinis siya. Nakita ko pang nagpipigil ng tawa si Sir Marc. Kaya bago pa ako masigawan ni Sir ay kaagad na akong umalis.

Pigil ang tawa ko habang papasok ng bahay. Nainis ko na naman kasi siya. Minsan talaga ay napipikon na siya sa akin. Dahil sa kakulitan ko. Gusto ko kasing maalis ang nakakunot lagi niyang kilay. Never ko pa siyang nakitang ngumiti. Parang lagi na lang siyang may dalaw dahil sa pagkasungit niya. Gwapo nga masungit naman.

**

“Good morning!” Masayang bati ko kina Rose at Julie, pagkapasok ko pa lamang ng kusina.

“Mukhang maganda ang gising mo.” Wika ni Rose.

“Naku lagi naman maganda ang gising ni Letlet, saka kahit gaano ka pa kapuyat gaganda at gaganda talaga ang umaga mo parang ako maganda lagi ang umaga ko kapag nakikita ko si Sir.” Naghalumbaba si Julie at tumingin sa itaas na parang nandoon ang mukha ni Sir.

Natatawang napailing na lang kami ni Rose.

Naihanda na namin ang agahan ni Sir. Hinihintay na lang namin siyang bumaba sa kwarto niya.

“Julie paubos na ang mga stock na’tin hindi mo pa ba nasasabi kay Manang.” Aniya ni Rose. “Nasabi ko na, sabi niya ay sasabihin daw niya kay Sir.” Umayon na lang si Rose sa sagot ni Julie.

Maya maya pa’y pumasok na sa dining area si Sir. Nakita kong nakasuot lang siya ng maong na pants at longsleeve na white na nakatupi hanggang siko. Hindi ba siya pupunta ng office?

Inilapag ko sa tabi ng mesa ang kape niya. Tatalikod na sana ako ng bigla siyang magsalita.

“Get dressed.” Tumaas ang kilay ko, nagtataka sa sinabi niya. Nakabihis naman ako ahh.

“Sir nakabihis naman po ako. Bakit may problema po ba sa suot ko?” he sighed

“You don’t get what I mean?”

“Hindi nga po.”

“I mean, change your clothes.”

“Bakit po ako magpapalit?” hinilot niya ang tuktok ng kanyang ilong. Mukhang naiinis na naman siya sa akin.

“Basta sundin mo na lang ang sinabi ko at wag ka ng magtanong pa.” naiirita niyang sagot.

Nagkibit balikat na lamang ako. At pumunta na sa aking kwarto.

Naghanap ako ng maari kong suotin. Puro pantalon at blouse lang naman ang damit ko. At puro kupas pa ito.

Nakita ko ang bigay ni Julie na damit sa akin. Crop top daw ang tawag dun. Uso daw ngayon ang ganoong damit, ibinigay niya na iyon sa akin dahil hindi na daw maari sa kanya dahil tumataba na daw siya at hindi na bagay. Mas bagay daw iyon sa katulad ko na maganda ang hubog ng katawan. Tiningnan ko iyon mukhang okay naman kaya sinuot ko iyon. Tinernuhan ko ito ng skinny jeans ko. Tama nga si Julie bumagay sa akin. Ang kaso ay hindi ako sanay sa ganoong klaseng damit. Halos kita na kasi ang pusod ko. Pero nagandahan ako. Okay naman na siguro ito. Minsan ay kailangan ko rin makiuso.

Nang ma-satisfied na ako sa itsura ko ay lumabas na ako ng kwarto. Inilugay ko na lamang ang basa kong buhok. Naligo kasi ako ulit dahil amoy ulam na ako kanina. Nakita kong naghihintay sa sala si Sir. Natatakpan ang mukha nito ng kung ano mang binabasa niya.

Tumikhim ako para maagaw ang pansin nito. Ibinaba niya ang hawak niya at matamang niya akong tiningnan. Mula ulo hanggang paa. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya pero nakakailang ang klase ng titig niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status