MARIZ POV
Tahimik lang akong nakaupo sa mesa matapos ang breakfast kanina. Ramdam ko pa rin ang tension na iniwan ni Sir Gabriel at Clarisse nang sabay silang naglakad papunta sa study. Kahit hindi malinaw ang lahat ng sinabi nila, halata sa tono, sa titig, sa bawat bitaw ng salita, hindi naging maganda ang usapan.Ngayon, nandito kami sa kusina. Ako, si Aling Berta, si Ate Linda, at syempre hindi mawawala si Gisielle na parang wala nang ginawa kundi mag-usisa.“Ay, Diyos ko, Mariz,” panimula ni Aling Berta habang nilulubog ang kutsara sa tasa ng kape. “Ang init ng hangin kanina sa dining hall. Para bang may dalawang bagyong nagbanggaan.”Napangiti ako ng pilit. “Oo nga ho, Nay. Parang… parang wala po silang pakialam kung andun kaming lahat.”“Susmaryosep!” singit ni Ate Linda. “Eh kasi naman, sino bang hindi manginginig ang tuhod kung si Sir Gabriel ang kaharap? Pero grabe rin si Clarisse. Lakas ng loob magsalita!”NakataasMaaga pa lang, nasa kusina na ako. Inaayos ko yung mga plato, isa-isa kong inilalapag sa mesa. Amoy na amoy ang bagong pritong longganisa, sinangag na kanin, at mainit na kape. Dapat masaya ang ganitong umaga, pero iba yung atmosphere. Tahimik lang si Gabriel. Hindi man siya nagsalita, halata sa mukha niya ang pagkainis. Wala siyang nakain, basta tumayo na lang. “Hindi ba kayo kakain, Gabe?” tanong ni Ate Linda, medyo nag-aalala. “Later na lang. I don’t feel like eating now.” malamig niyang sagot. Diretso siyang umalis papunta sa study. Alam ko ang dahilan. Ayaw niyang makasabay si Clarisse. Pagkaalis niya, biglang bumigat ang hangin sa paligid. Doon na nagsimula ang paninira ni Clarisse. “Aba, aba…” ani Clarisse, sabay ngisi at tingin sa akin mula ulo hanggang paa. “Buti pa siya, may choice kung sino ang gusto niyang kasabay kumain. Ikaw, Mariz? Kahit kanino, basta may tira, pwede na. Ganun naman kayo, di ba? Sanay sa mga tira-tira.” Huminga ako ng malalim. Pinilit kong wag pa
Iyak lang ako ng iyak habang yakap yakap ako ni Gabriel, pilit na pinapagaan ang loob ko. “Shhh, baka may makakita satin at makita kang umiiyak, ano nalang ang iisipin nila sakin?” bulong ni Gabriel. “Ang pula na ng ilong mo para ng kamatis!” biro nito, at pinisil ang ilong ko. Napangiti ako sa ginawa niya, kasabay non ay ang paghalik niya sa labi ko. “Much better.” sambit niya at lalo pang humigpit ang yakap niya. Niyakap ko siya pabalik at napapikit, pagmulat ng mata ko, kita ko ang tulalang si Ate Linda na nakatayo sa pinto ng Study. “A-ate Linda!” sigaw ko, tinulak si Gabriel at agad na tumayo mula sa sofa. “K-kanina ka ba riyan?” tanong ko, parang pakiramdam ko lumalaki ang ulo ko dahil sa kabang bumabalot sakin. Nang tignan ko si Gabriel, ay chill lang itong nakaupo sa sofa nakatingin sakin. “Nag-uusap lang kami.” saad ko pa dahil hindi man lang kumikibo si Ate Linda.
Araw ng Sabado. Hindi ko alam kung bakit pero parang mas magaang yung pakiramdam ko kahit andito pa rin si Clarisse. Siguro dahil sanay na ako sa parinig niya, kumbaga parang white noise na lang, maingay, pero wala ka na akong pake.Abala ako sa kusina nung biglang lumapit si Ate Linda.“Mariz,” tawag niya, may dala pang tray ng mga tasa. “Ipapasama raw ni Sir Gabriel itong tsaa sa study. Sabi niya, ikaw na daw magdala.”Napataas kilay ko. Ako talaga? Hindi ba pwedeng si Ate Linda na lang?“Bakit ako, Ate? Ikaw na lang oh,” bulong ko, nagtatago ng ngiti.Ngumisi si Ate Linda. “Ewan ko, ang sabi niya ikaw daw ang gusto niya. Saka, wag ka na maarte. Aba, baka gusto ka lang niya makausap.”Kinuha ko ang tray, at habang naglalakad ako papunta sa study, hindi ko mapigilang kabahan. Pakiramdam ko kasi nakamasid lang si Clarisse.Pagpasok ko, nakita ko agad si Gabriel. Naka-upo siya sa malaking desk niya, nakapikit, parang nag-iisip ng malalim. Ang seryoso ng aura, kaya napalunok ako.“Inutu
Lumipas ang ilang araw na para bang ang haba-haba. Kung iisipin, normal lang naman ang takbo ng buhay dito sa mansyon, gising ng maaga, linis, luto, asikaso ng kung anu-ano. Pero simula nung dumating si Clarisse, parang may dagdag na “flavor” ang araw-araw. Kung makatingin siya sa akin, para bang tinitimbang niya lahat ng ginagawa ko. Minsan simpleng paglalagay ko lang sa vase ng bulaklak sa lamesa, bigla na lang siyang magsasalita“Ah, ganyan ba talaga ang ayos? Medyo… cheap tingnan.”Parang hindi lang vase yung binara niya, kundi pati buong pagkatao ko.Ba’t di kaya siya ang mag ayos? dami niyang ebas!Pero syempre, deadma queen ako. Hindi puwedeng patulan, kasi hello? Siya yung tipong sanay sa gera ng salita, sanay sa painsultuhan. Ako? Baka maiyak lang ako sa gitna ng eksena tapos wala na, automatic talo.Ang nakakainis lang, ramdam ko na paminsan-minsan napapansin din ng ibang staff yung mga parinig niya. Nakikita ko yung palihim na tinginan nina Ate Linda at Aling Berta, parang
Hindi parin sila tumigil sa panunukso sakin, para bang walang nangyaring tensyon kanina sa dining hall. Siguro mas okay na rin ‘to, para naman kahit papaano ay mabawasan yung sakit na nararamdaman ko.“Hayaan nyo na, soon aamin rin ya--”“Anong aaminin?” hindi natuloy ni Gisielle ang sasabihin niya ng biglang may nagsalita mula sa likuran namin. Pag lingon namin si Clarisse naka halukipkip at masama ang tingin na ibinigay niya samin. Para akong natuyuan ng laway. Ang init kanina ng usapan namin, ang gaan ng tawanan… pero sa mismong paglitaw niya, biglang nanlamig ang hangin.Nakatingin lang siya, hawak ang isang folder na parang hindi ko alam kung aksidente ba siyang dumaan o sinadya talaga niya na sumulpot nang ganito kabilis at tahimik. May aura siyang parang sanay na sanay makuha ang atensyon ng lahat, at ngayon, kami lahat ay parang nahipnotismo.“Anong pinaguusapan niyo?” ulit niya, this time mas buo ang boses.
MARIZ POVTahimik lang akong nakaupo sa mesa matapos ang breakfast kanina. Ramdam ko pa rin ang tension na iniwan ni Sir Gabriel at Clarisse nang sabay silang naglakad papunta sa study. Kahit hindi malinaw ang lahat ng sinabi nila, halata sa tono, sa titig, sa bawat bitaw ng salita, hindi naging maganda ang usapan.Ngayon, nandito kami sa kusina. Ako, si Aling Berta, si Ate Linda, at syempre hindi mawawala si Gisielle na parang wala nang ginawa kundi mag-usisa.“Ay, Diyos ko, Mariz,” panimula ni Aling Berta habang nilulubog ang kutsara sa tasa ng kape. “Ang init ng hangin kanina sa dining hall. Para bang may dalawang bagyong nagbanggaan.”Napangiti ako ng pilit. “Oo nga ho, Nay. Parang… parang wala po silang pakialam kung andun kaming lahat.”“Susmaryosep!” singit ni Ate Linda. “Eh kasi naman, sino bang hindi manginginig ang tuhod kung si Sir Gabriel ang kaharap? Pero grabe rin si Clarisse. Lakas ng loob magsalita!”Nakataas