Share

Chapter 5

last update Last Updated: 2025-01-12 15:37:45

Chapter 5:

Maayos niyang nilagay sa kaniyang mga biyas ang mga damit niya na tinutupi. Ngayon lang siya nagkaroon ng oras na ayusin ang mga damit niya upang mailagay nang maayos sa kabinet sapagkat naglinis siya sa silid at nilabhan niya ang mga damit ng Amo niya.

Dapit-hapon na at maganda pa rin ang araw, masinag ito at tiyak na ang mga brief na kaniyang binilad ay matutuyo mamaya. Pagkatapos niyang tupiin ang mga damit ay kaniyang nilagay ang mga ito sa kabinet. Umunat siya at ngumiti.

Tumingin siya sa buong silid. Maayos na ito at hindi na makalat sa loob dahil nilaanan niya ito ng oras upang asikasuhin. Umupo siya sa sahig at nangalumbaba. Nabuo ang pangarap niya na magkaroon ng maayos na bahay noong siya ay bata pa lamang. Pirapirasong plywood lang kasi ang dingding ng bahay nila sa probinsiya at tanging ang labin-limang taon na makapal na kurtinang puno na ng mantsa ang tanging pantapal sa mga butas nito.

Madalas siyang nakaririnig ng pangungutya mula sa mga kapitbahay nila. Masakit na mga salita ang binabato sa kanila ng Nanay niya dahil ang lupang tinitirikan ng kanilang bahay ay walang titulo noong nabili ng kaniyang mga magulang.

Mahirap ang naging buhay na nakagisnan niya. Maging ang maliit na negosyo ng kaniyang Nanay ay nalugi dahil sa pagpapagamot nito. Tumingin siya sa langit at huminga nang malalim. Naisip niya ang Amo niya na masakit magsalita at malamig ang trato sa kaniya.

“Magtiis ka lang, Lila. Matatapos din ang lahat ng paghihirap mo,” aniya.

Umahon siya sa pagkakaupo at tumanaw siya sa labas ng bintana. Kaniyang kinuha ang kaniyang cellphone sa ibabaw ng kama at tumawag siya kay Etang.

“Hello? Ate? Ate Lila, kumusta ang mga unang araw mo riyan?”

“Maayos naman, Etang.” Iyon ang sinabi niya kahit hindi naman talaga.

“Mainam kung gano’n, Ate!”

“Kayo ni Nanay riyan kumusta?”

Buntonghininga ang una niyang narinig matapos niyang tanungin si Etang. Kinurot ang puso niya sapagkat alam niya na hindi mabuti ang lagay ng kaniyang Nanay.

“Okay ako, Ate. Wala naman pong problema sa paaralan. Si Tiya lang ang hindi gaanong okay. Isang gabi mo palang diyan sa Maynila ay pakiramdam niyang tatlong taon ka na niyang hindi nakikita. Namamaga ang mga mata niya kaiiyak. Iyong ubo naman niya ay hindi siya pinapatulog nang maayos. Mabuti na lang ngayon dahil nakatulog siya.”

“Ang Nanay talaga. Sabihan mo siya na ako ay tumawag upang kumustahin kayo. Ikaw na ang bahala sa kaniya, Etang. Palagi mo lang siyang bigyan ng kaluwagan ng loob habang wala ako riyan.” Isang malalim na paghinga ang ginawa niya. Matapos iyon ay inalis niya ang kaniyang mga luha. “K-Kapag nakaipon ako nang malaki-laki ay uuwi ako agad, Etang. Natatakot ako na malayo sa Nanay, lalo na at ganiyan ang kaniyang kalagayan.”

“Ate, hindi ka makakaipon kung inuubos mo ang sahod mo sa pagpapadala rito. Half scholar naman ako sa munisipyo at sisikapin kong maging full scholar nang sa ganoon ay hindi ka masyadong namomroblema sa aking pag-aaral. Hindi ko pababayaan si Tiya habang ikaw ay wala rito, Ate. At sana ay huwag mong pabayaan ang sarili mo riyan.”

“Oo, Etang. Salamat sa iyo.”

“Ate, kumusta pala ang amo mo? Mabait ba siya sa iyo?”

Mabait ang mga kasamahan niyang naninilbihan sa mansiyon subalit ang amo niya ay lubos na matulis ang dila at sinlamig pa ng yelo ang ugali nito. Ayaw niyang sabihin kay Etang ang totoo dahil mag-aalala ito at baka sabihin nito sa kaniyang Nanay ang kalagayan niya sa mansiyon.

“A, o-oo naman. Mabait na mabait siya sa akin.”

“Mas mabuti kung ganiyan, Ate!”

“Oo, Etang.”

Nakita niyang bumukas ang pultahan at nahulog ang isang underwear ng amo niya. Pumasok ang isang pamilyar na sasakyan at tumugpa ang underwear sa harap ng driver's seat. Tumigil ang sasakyan at agad na lumabas mula sa kabubukas na pintuan nito ang Amo niya.

“Lila!” malakas na sigaw ng Amo niya na tiyak ay rinig sa ibang mga compound. “What the hell is this?!”

“Ate, ano iyong narinig kong malakas na sigaw?”

“Etang, paalam na. Mag-ingat kayo ni Nanay riyan, a!”

“Ate—”

Kaniyang pinatay ang tawag at tinapon sa kama ang cellphone niya. Nagmadali siyang bumaba dahil sa sigaw na iyon ng kaniyang Amo. Sa pag-alala ng mga kasambahay niyang naninilbihan ay sumunod sila sa kaniya.

Inayos niya ang yuniporme niya at yumuko siya sa tapat ng kaniyang amo na para bang pinasabugan ng granada ang mukha sa magulo at hindi mailarawang ekspresiyon nito. Sinubukan niyang inangat ang titig sa Amo, at doon niya nakita na namumula ang mukha nito.

“S-Sir? Ano po ang maipaglilingkod ko sa iyo?”

“Lila, were you born yesterday? Ano ang pumasok sa isipan mo at sa ibabaw ng gate mo binilad ang mga brief ko?!”

“S-Sir, sa likod ko sana ibibilad ang mga iyan. Pero matagal pa bago matuyo ang mga iyan doon.” Kinuha niya ang brief ni Ryllander na natugpa sa kotse nito at hinawakan niya nang mahigpit. “T-Tingnan mo, Sir.” Humawak siya sa kamay ng Amo niya na naging dahilan upang magbulungan ang mga kasamahan niya. Nilagay niya sa palad ng amo niya ang karampot na saplot pang-ibaba nito at kaniyang tiniklop ang palad ni Ryllander. “Hindi po ba ay nais niyong tuyong-tuyo ang mga brief niyo? I-Iyan po!”

“Lila?” Nag-alalang tawag sa kaniya ni Lordes matapos siyang tinulak ni Ryllander.

Natihayang siya sa lupa, sinikap na umahon at nang siya ay nakaupo ay malakas na hinagis ni Ryllander ang hawak nitong brief sa kaniyang mukha. Napahawak siya sa kaniyang mata dahil mismong sa loob nito tumama ang pansikip na bahagi nito. Maraming luha ang nilabas ng kaniyang mga mata dahil nangilo ang mga ito. Napahiya rin siya sa mga nakasaksi sa ginawa ng Amo niya kaya ay sumakit ang damdamin niya at naiyak na lamang siya nang tuluyan sa ganoong posisyon.

“Hindi ko alam kung kusang ganiyan ang pag-iisip niyong mga taga-probinsiya o sadyang pinanganak kang tanga ng Nanay mo! Kung sino man ang Nanay mo ay nagkamali siya sa panganganak sa iyo!”

“H’wag niyo p-pong idamay ang Nanay ko, Sir.”

“At mayroon ka pang lakas-loob na magsalita pabalik sa akin? You know what? In the thousands of maids na tumuntong sa mansiyon ko ay ikaw ang pinaka-tanga at walang-silbi!”

Kung ang mga salita ng Amo niya’y matalim na kutsilyo o hindi naman kaya ay mga bala na puno ng poot ay kanina pa dumanak ang dugo sa ibabaw ng kaniyang puso. Hindi niya maatim ang katiting na tapang na mayroon siya na pumalag sa Amo niya dahil nauna na itong umatake hanggang siya au hindi na maka-laban pa. Masakit ang katawan niya marahil iyon ay sa pagtulak ng Amo niya, pero mas masakit ang tinatamasa ng puso at isipan niya dahil sa mga salitang winika ng Amo niya.

“S-Sobra naman po kayo kung magsalita, S-Sir…”

“Lila, huwag ka na lamang magsalita.”

“Alam mo, Lordes, kasalanan mo kung bakit nandito ang ang babaeng iyan. Ang sinabi ko maid ang hanapin mo at hindi problema! Ang sinabi ko humanap ka ng maid na magpapagaan ng buhay ko at trabaho ko, hindi iyong magiging pabigat dahil sa puro kapalpakan sa trabaho!”

Tumayo siya kaya'y bumagsak sa lupa ang brief ng amo niyang nasa kaniyang biyas kanina. Ang mga mata niyang puno ng panghihina ay tinitig niya sa Amo niyang hindi niya batid kung tao ba o may lahing bato dahil sa tigas ng puso nito.

“Hindi kasalanan ni Aling Lordes ang nangyari. Ako ang nagkusa dahil gusto ko na kapag nakita niyo ang mga brief na pinalabhan niyo sa akin ay m-matuwa kayo. K-Kasalanan ko ang lahat. Ako ang nagbilad ng mga brief mo sa gate. Ako na lang ang pagsabihan mo at huwag si Aling Lordes, Sir.”

“Obviously, walang nakakatuwa sa ginawa mo. Nakakainis nga, e. Napapatanong tuloy ako sa sarili ko, kung bakit nabuhay pa ang mga taong tanga na katulad mo?”

“Sir, kung iyan ang tingin mo sa akin ay mabuti pang ibalik niyo na lang ako sa amin o hindi kaya ay hayaan na umalis sa mansiyon niyo at humanap ng trabaho sa ibang bakuran d-dito.”

“And who the hell are you to ask something from me?! Why people do always asked something from me like that?! I'm not God to favor a low class woman like you, Adellilah!”

“Humanap na lang h-ho kayo ng ibang maid. H-Hindi ko na kaya ang ganito.”

Humakbang nang isang beses ang Amo niya at mahigpit nitong hinawakan ang kaniyang braso. Habang lumuluha siya ay matalim na tumitig ang amo niya sa kaniya.

“Hindi. Hindi ka ba nasabihan na nasa akin ang desisyon kung paaalisin kita o hahayaan na manatili? Hindi lamang isang hamak na katulong at probinsiyanang tanga na tulad mo ang gagawa ng desisyon para sa akin! I am not Ryllander Callares just to follow a command from a promdi maid who did all the worst all her life.”

“S-Sir, masakit po…”

“Mas masasaktan ka pa kapag magpapatuloy ka sa pagpapakatanga mo! And by the way, make it root inside your heart that I am the owner of this mansion and whatever I say must be followed, Lila!” Piniga pa nito ang braso ni Lila. “Nakuha mo ba?”

“O-Opo.”

“Kung sinong driver man ang nandito, bring my car to the garage now! At ikaw, labhan mo ulit ang mga underwear ko kung ayaw mong ipakain ko ang mga iyan sa iyo!”

Nilagpasan nito si Lila. Tumabi ang ibang naninilbihan. Nang makalayo-layo na ang Amo niya ay lumapit sa kaniya si Lordes.

“Hija?”

“A-Aling Lordes,” iyak niya at agad na yumakap sa leeg ng Ginang.

Walang sinabi ang Ginang pero dama niya ang simpatya nito sa kaniya. Ang masahol na ugali ng amo niya ay hindi maalis sa isipan niya’t dumulot ito ng pighati sa kaniyang damdamin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Raketirang Ina Floridel
tanga din c Lourdes d nya train alam na probinsyana... sa probinsya khit sa halaman nagsasampay pra matuyo...
goodnovel comment avatar
Delma Rodelas Ramos
yan kasi bakit kasi sa gate mo sinampay ang brief
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Epilogue

    Epilogue: Pagpasok pa lang sa entrada ng mansiyon ay agaw pansin na ang kay gandang dinekorasyong sala. Nakasabit hanggang sa malapat sa sahig ang mga kurtinang natitiyak na nabibili sa pinakamahal na pamilihan ng mga tela. Mayroon ding mga fairy lights na nagniningning na animo’y mga palamuti sa langit, walang hanggang pagkukutitap ang ginawa ng mga ito. Ang mga preskong bulaklak na may luntiang mga dahon na nasa ibaba lang ng bunga’y maaliwalas sa mata, lalo na ang mga puting rosas na nagsisimbolo kung ano ang okasyon ngayon— engrandeng pag-iisang dibdib ng nagmamahalang sina Lila at Ryllander. Sa silid kung saan inaayusan si Lila ay pumasok ang kaniyang ina na nakasuot ng isang eleganteng kamiseta. Nakangiti nitong tinungo si Lila kung saan ito nakatayo at nakadungaw sa labas mula sa bintana. Malayo ang tingin niya. Subalit nang marinig niya ang tikhim ng kaniyang Nanay ay lumingon siya rito. Nakangiti man ang ina niya’y pansin niya pa rin ang mga mata nito na para bang nanunubi

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 159

    Chapter 159:Habang abala siya sa paglilipat ng mga pahina ay umusog sa kaniya si Ryllander. Umakbay ito sa kaniya at hinawakan pa nito ang kaniyang kamay. Ngumiti siya palingon sa lalaki. Nakita niya rin na malapad ang ngiti nito sa kaniya. Mayamaya ay hinalikan siya ni Ryllander sa pisngi, malapit sa kaniyang labi. “Ryllander, baka makita tayo. Nakakahiya. Baka kung ano ang isipin ni Miss L.”“Sa guwapo kong ito, kinakahiya mo ako, Babe? I’m hurt,” wika ng lalaki at kunwa’y bumusangot pa. “Hindi ganoon, Ryllander. Ang akin lang ay baka isipin nila na kahit saan na lang tayo naghaharutan.”Mahinang buhakhak ang pinakawalan ni Ryllander. “Babe, wala na sila roon. This is our thing bilang future legal na mag-asawa.” Huminga ito nang malalim at muling sinentro ang titig sa pahina kung saan tumigil si Lila. “Gusto mo ito?” “A-Ah… mahal masyado. Subukan na lang natin tingnan ang isa pang alok ni Miss L. May dalawa pa naman tayong hindi sinusuri.”“Hindi ko tinatanong kung magkano ang

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 158

    Chapter 158:Nakatanaw siya sa labas ng coffee shop kung saan siya dinala ni Ryllander. Ni hindi pa nagising ang mga anak nila nang sila ay umalis sa mansion. Nangalahati na ang kape sa kaniyang tasa, maging ang croissant na nasa puting platito ay ganoon din. Pinagmasdan niya ang mukha ni Ryllander. Masaya ang mga mata nito at tunay na maaliwalas ang presensiya na nakilita niya sa lalaki. Para bang nakalunok ito ng happy pill na walang expiration. Madalas ay natatawa siya, lalo na kung kaniyang naguginita ang mga unang pagkakataon na nagkaroon sila ng encounter nitong lalaking hindi niya inaasahan na magiging fiancé niya. Bahagi lang din ng panaginip niya ang pagkakaroon ng kasintahan, subalit ngayon ay nagkakatotoo na nga. Hindi lang iyon sapagkat biniyayaan siya ng kambal na anak. “Bakit mo ako dinala rito?” tanong niya sa lalaki matapos siyang sumimsim ng kape. “Ang sabi mo kanina nang tayo ay papunta rito’y sikat ang coffee shop na ito. Subalit bakit ganoon? Tayo lang ang tao,

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 157

    Chapter 157:“Ang haba naman ng mukha natin, Sir.”“Aling Lordes, gusto ko na kasing makita si Lila. I miss her so much!”“Bakit hindi mo siya silipin sa kabilang room? Wala naman sigurong masama kung sisilipin mo lang siya, hindi ba? O hindi naman kaya ay mag VC kayo.”“I can’t. I mean, I should not.”“Hmmm.”“Alam ko kasi na hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko kapag nakita ko siya. Kaya nagtitiis ako kahit na mahirap para sa akin na hindi siya makasama.”“Ikaw talaga. Kung sa bagay ay hindi naman kita masisisi. Sa gandang babae ng fiancée mo ay tiyak ako na hindi mo siya matitiis.” Itinali na ng Ginang ang bandeha sa kaniyang likod. “Iyan, tapos na. Kaunti na lang at gagaling nang tuluyan ang mga sugat mo. Kaunting tiis na lang din. O siya, aalis na muna ako. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka.”“I will surely do that. Thank you.”Kinuha niya ang unan sa gilid at ginamit pantakip sa gitna ng kaniyang mga hita. Halos dalawang buwan na at hindi pa gaanong humilom ang mga su

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 156

    Chapter 156:Habang hinintay niya ang pag-gising ni Ryllander ay nakapatong ang mga bisig niya sa hospital bed, at doon niya pinatong ang kaniyang noo. Dahil sa pagod ay hindi niya nabantayan na tinangay ng antok niya ang kaniyang diwa hanggang siya ay makatulog. Isang kamay ang humawak sa kaniyang ulo at hinaplos-haplos ito. Nang magising siya ay marahan niyang inangat ang kaniyang mukha upang matitigan ang fiancé niya na nakahiga pa rin, subalit sa pagkakataon na ito ay gising na’t nakangiting nakatitig sa kaniya si Ryllander. “R-Ryllander, gising ka na!”“Yes, Babe. Gising na ako,” tugon nito. Huminga siya nang malalim. Hindi niya napigilan ang emosyon niya. Napahagulhol siya at kaniyang hinawakan ang kamay ni Ryllander. “Ryllander, I was so worried that you might not be able to wake up. Hindi mo lang alam kung gaano ako nag-alala sa iyo. P-Para rin akong nasa bingit ng kamatayan simula nang binalitaan ako ni Totoy tungkol sa kalagayan mo.” “Hindi ako papayag na mamamatay ako

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 155

    Chapter 155:Nakaharang ang mga luha sa kaniyang mga mata habang tinahak niya ang daan patungo sa labas ng ER. Naroon ang kaniyang kaibigan na si Totoy, nakaupo ito at nang makita siya ay agad itong tumayo. Sa bigat ng kaniyang dinaramdam ngayon ay hindi niya alam kung ano ang salitang bibigkasin niya. Agad na niyakap siya ni Totoy at umiyak siya nang todo sa dibdib ng kaibigan. “Lila, hinihintay ka ng doctor. Kailangan mong pirmahan ang waver.”Humiwalay siya sa kaniyang kaibigan nang lumakad patungo sa kanilang gawi ang doctor na may dalang papel.“Ikaw po ba ang kapamilya ng pasyente, Ma’am?”Tumango siya. “Pakipirmahan na po ito nang sa ganoon ay maoperahan na agad ang pasyente.”Nanginginig niyang binasa sa pamamagitan ng kaniyang mga mata ang nakasaad sa papel na kaniyang hawak-hawak. Kapag pipirmahin niya ito ay kahit na ano ang resulta ng operasyon ay walang pananagutan ang mga doctor na magsasagawa ng operasyon. Kung hindi naman niya ito pipirmahin ay mas lalong hahaba ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status