Chapter 4:
Nagtago siya sa gilid ng malaking bahay ni Ryllander dahil hinintay niyang makaalis muna ang amo niya bago siya pumasok sa loob. Sa hardin na siya nanatili dahil may malalaking mga halaman dito na tiyak na itatago siya at hindi ibubunyag sa kaniyang Amo na alam niyang kung makikita siya ngayon ay titirisin siya nito na para bang isang peste. “Mang Topeng?” “Dios Mio, Lila! Mamamatay ako nang maaga dahil sa iyo!” “Patawad po, Mang Topeng. Tatanungin ko lang sana kung nakaalis na si Sir Ryllander patungo sa trabaho.” “Nagmamadali siya kanina. Tiyak ako na nakaalis na siya.” Patuloy lamang sa pagtutubig ng mga halaman ang Mama. Dahil sa tugon nito ay umahon si Lila muna sa pagkakaupo sa tabi ng malaking puno ng Bougainville na namumulaklak na. “Mabuti naman kung ganoon,” aniya. “Ineng, bakit ka ba nagtatago riyan at tila takot kang magkita kayo ni Sir Ryllander.” Pinahina ng Mama ang tubig at tumingin ito nang diretso kay Lila. “Tungkol pa rin ba ito sa nangyari kaninang madaling-araw?” Inurong niya ang pagtitig sa Mama, kaniyang binato na lamang ang mga tingin niya sa tubig na lumalabas mula sa gomang pandilig. “A, o-oo, Mang Topeng.” “Bakit naman? Hindi ba ay okay na iyon at naipaliwanag niyo na na hindi niyo sinadyang dalawa ang gulo kanina na bumulaga sa aming lahat?” “Mang Topeng, okay na sana iyon. K-Kaso ay sinipa ko ang binti niya.” “Dios Mio! Ikaw talatga, Ineng! Mabuti na lamang at hindi ka niya pinahabol ng putok mula sa kahit aling baril sa kwarto niya!” “Mang Topeng, hindi ko naman sinasadya iyon. Inaamin ko na siya ang dahilan kung bakit ko iyon nagawa. Iyong pinto talaga ang sadya kong sipain upang matulungan sana ako nito na alisin ang kahit katiting na parte ng inis na mayroon ako sa kaniya, pero binuksan niya ang pintuan kaya ay siya ang nasipa ko.” “Malakas ba ang pagsipa mo sa kaniya?” natatawang tanong ng Mama sa kaniya. Saglit siyang pumikit at inalala ang mukha ng amo niya matapos niya itong sinipa. Base sa ekspresiyon ng mukha ni Ryllander ay hustong masakit ang sipa na ginawad niya. Pinigilan niya ang sarili kanina, pero higit ring sumobra ang ugali ni Ryllander. Kung tutuusin ay pasasalamatan siya nito, subalit pinagalitan pa siya ng Amo. “Mang Topeng, base sa mukha niya ay masasabi kong napalakas ang pagsipa ko sa kaniya.” “Ineng, e, iyong Lemon Juice na sabi niya? Binigyan ka ba niya?” “Diyos ko, Mang Topeng! Walang Lemon Juice!” “Ha?” “Oo, Mang Topeng! Hindi naman talaga Lemon Juice ang ginawa niya! Wala rin namang matinong tao na gagawa ng Lemon Juice sa ibabaw ng kama, hindi po ba?!” “E, baka naman ibang juice iyon?” “Buko Juice niya ika mo! Iba talaga! Mabuti na lang dahil hindi ko nakita ang pagbulwak ng juice niya!” Habang nagkukuwento siya ay namumula ang Mamang kausap. Natatawa ito dahil sa sinasabi niya tungkol sa Amo. “Ikaw talaga. Pasalamat ka at hindi ka niya inalis sa trabaho mo agad-agad.” Naagaw ng sinabi ng mama ang kaniyang atensyon. “Po?” “Tama ang narinig mo. Ani ko ay mabuti’t hindi ka inalis ng amo mo sa iyong trabaho.” Lumingon sa paligid ang Mama. Tuluyan nitong pinatay ang tubig at binagsak sa lupa ang hawak na gomang pandilig. Lumakad patungo sa upuang yari sa semento ang Mama. Sumunod siya rito marahil ay nais marinig ang karugtong ng winika ni Mang Topeng. Umupo siya habang ang Mama naman ay nakatapak lamang ang kanang kamay sa upuan na semento. “Matagal na ako rito sa mansiyon ni Sir Ryllander, Ineng. Wala pa akong nakikitang kasambahay niya na hindi niya pinalayas matapos makagawa ng palpak. Hindi na nga nito iniisip pa ang sasabihin niya. Kapag sinabi niyang pinapalayas niya ang kasambahay ay iyon ang nangyayari ayon sa nais niya.” “Masama ang ugali ng lalaking iyon. Halos isang gabi pa nga lang ang tinagal ko rito ay para bang hindi ko na nais pang magpatuloy na pagsilbihan pa siya.” Mahinang tawa ang ganting wika ng Mama sa kaniya kaya ay napakipot ang mga kilay niya sa reaksyon ni Mang Topeng. “Bakit, Mang Topeng? Puwede naman akong mamasukan bilang kasambahay sa ibang mga bakuran dito, a. Alam ko rin na marami ang naghahanap ng mga kasambahay ngayon.” “Iyon ay kung puwde mong gawin iyon, Ineng.” “At bakit naman?” pagtataka niya. “Buhay ko naman ito. At kung ang ginastos nila sa akin ang dahilan ay kaya ko naman iyong bayaran basta ay hulug-hulugan lang.” “Hindi ka makakaalis dito kung hindi mula sa Amo mo, Ineng. Siya lang ang may kapangyarihan na paalisin ang kahit na sinong kasambahay at helper na ayaw niyang magtrabaho para sa kaniya.” “Ang unfair naman niyon, Mang Topeng!” Siya’y naghun turighininga sa kadahilanan na hindi siya sang-ayon sa patakaran ng Amo niya na nabatid niya mula kay Mang Topeng. “Lila,” tawag sa kaniya ni Lordes. Tumingin siya sa Ginang, ang mga mata nito ay para bang matulis na kutsilyong pinagsasaksak ng mga banta si Mang Topeng. “Topeng, alagaan mo na lang ang mga halaman at ang mga manok ni Sir Ryllander. Huwag kang maraming sinasabi sa bata.” “Wala naman akong sinasabi na hindi tama, Lordes. Pinaalala ko lang sa kaniya na hindi siya makakaalis dito kung hindi iyon ayon sa nais ng Amo niya.” “Lila, tumayo ka na riyan at pumasok sa loob. Huwag mong isipin ang sinabi ni Topeng. Ikaw ay mag-agahan na lamang at bilisan mong ibilad sa araw ang mga damit panloob ng Amo mo. Tandaan mo na ayaw niya nangangamoy kulob ang mga underwear niya.” Tumayo siya at tumingin kay Topeng. Tumango siya bilang hudyat na siya ay papasok na sa loob. Tiyak na nakaalis na ang Amo niya kaya ay hindi na siya nakayukong lumakad na para bang isa siyang kriminal na nagtatago sa mga awtoridad. “Anong sigaw na naman ang narinig ko kanina, Lila? Para kayong mag-asawa na hindi nakakaunawaan ng Amo mo.” “H-Ha? Wala iyon, Aling Lordes. N-Nasipa ko lang siya nang malakas.” Umiling ang Ginang sa tugon niya. “Ikaw lang talaga ang nakakagawa niyan sa lalaking iyon.” Sinamahan siya ni Lordes sa kusina at binatayan pa siya nito na parang bata na pinapakain. Hinainan siya nito, kaya ay naalala niya ang kaniyang Nanay. Ito ang ginagawa ng Nanay niya sa kaniya, lalo na kung siya ay pagod. “Aling Lordes, hindi naman po sa pagiging makating dila. Pero bakit ba ganoon si Sir Ryllander? Mainitin ang ulo at para bang walang lugar ang kasiyahan sa kaniyang buhay? Para siyang Ampalayang sinahog sa sabaw. Nakakahawa kaya ang kapaitan ng ugali niya!” “Lila, huwag mo na lang sanang usisahin pa ang buhay ng Amo mo. Kung palarin kang tumagal dito ay malalaman mo rin ang rason. Ayaw ko na isipin ni Sir Ryllander na sinisiraan ko siya sa iyo o hindi naman kaya ay ginagawa kong pulutan sa usapan ang pangalan niya kung nakatalikod ako sa kaniya.” Umismid siya, subalit naiintindihan niya ang bawat punto ni Lordes. Ngumiti siya kalaunan. Kaniyang napagtanto na dapat ay maging kagaya siya ni Lordes, ang trabaho nito ang inaatupag at hindi ang buhay ng amo niya. “Kaya siguro madali akong natanggap sa trabaho at malaki ang sahod sa trabahong ito dahil sa Amo natin.” Ang mga mata ni Lordes ay biglang nawala ang kinang. Para bang hindi makatingin sa kaniya ang Ginang. “I'm sorry, Lila. Alam ko na kapag sinabi ko sa telepono ang ugali ni Sir Ryllander ay walang mag-aapply sa trabahong hinain namin.” Hinila ni Lordes ang upuan at umupo ito. “Kapag aking sinabi na hindi madaling pagsilbihan si Sir Ryllander dahil sa kung anong uri ng tao siya ay hindi mo tatanggapin ang trabaho. Baka nga ay humindi ka o babawiin mo ang iyong oo kahit na malaki ang sahod na ibibigay sa iyo.” “Anong klase ng tao ba si Sir Ryllander, Aling Lordes? Alam ko na masungit siya at malamig kung makitungo sa iba. Subalit ako rin ay nakatitiyak na siya ay may dahilan sa likod ng lahat ng ito. Ngunit ano iyon? Mapait ba ang nakaraan na mayroon siya kaya gusto niyang pagbuntungan ang mundo—ang ibang tao?” “Lila, kung gusto mong mabigyan ng kasagutan ang mga tanong na iyan ay sikapin mong manatili pa rito nang matagal. Magtiis ka at huwag susuko sa paninilbihan mo sa kaniya. Bilog ang mundo kaya posibleng ikaw ang makakapagpaamo sa kaniya at makakapagbigay ng kainitan sa kaniyang malamig na trato sa mundo—sa ibang tao o sa iyo mismo.” Parang isang misyon ang kaniyang paninilbihan kay Ryllander, lalo na at kailangan niyang patuyuin ang mga brief nito. Nang naalala niya ang trabahong kailangan niyang gawin ay niligpit niya ang kaniyang pinagkainan at hinugasan ang mga ito. Bumalik na rin sa pagtatrabaho si Lordes at siya naman ay agad na tumungo sa pinag-iwanan niya ng mga underwear ni Ryllander. Kinuha niya ang laundry basket at dinala ito sa likod ng bahay. Tumingala siya at nakita niya na mamaya pang alas-diyes ang pagtama ng sikat ng araw sa pinagsasampayan ng mga labahing damit sa likod. “Mabuti pa ay doon na lang sa tapat ng bahay ako magsasampay. O hindi kaya ay sa gate na lang.” Nang nasa tapat na siya ng gate ay kaniyang sinampay sa ibabaw nito ang mga brief ni Ryllander. Makikita sa labas ang mga underwear ni Ryllander na nagmistulang mga paniking nakakapit sa taas ng gate. Hinanap niya ang guwardiya upang pagsabihan na tanurin ang mga sinampay niya, subalit wala ang guwardiyang may katungkulan ngayong araw. Umunat na lamang siya at pinagmasdan ang mga brief ni Ryllander na kumakaway sa kaniya kapag minsang masanggihan ng hangin. “Diyan lang kayo, a! Tiyak ako na madali lang kayong matutuyo dahil sa hihip ng hangin at sikat ng araw.”Chapter 144:Napaluha na lang siya habang nakatingin sa ibaba ng mansion niya. Naalala niya ang hitsura ng building ng organisasyong ilang dekada nang inalagaan ng pamilya niya. Ipinagkatiwala niya ito kay James na akala niya’y siyang magpapatuloy ng pag-aalaga na ginawa ng pamilya niya sa organisasyon. Nagkamali siya ng taong pinagkakatiwalaan. Nagkamali siya sa kung sino ang kaniyang pinahintulutang mamuno. Ngayon ay nagdadalamhati ang puso niya. Hindi lamang para sa organisasyon, kun’di para sa pagkakaibigan nila ni James na nasira na lang nang ganoon lamang kabilis. Tila ay pagkurap lamang kabilis ang pangyayari. Parang kailan lamang ay magkaibigan sila, subalit ngayon ay hindi na. Nagsindi ng hidwaan si James, at siya’y nahihirapan sa sitwasyon na ito.Napasunod ang kaniyang sulyap sa balikat niya na dinapuan ng kamay ni Lila. Ang mamahabang daliri ng babae ang kaniyang pinagmasdan, kay sarap hawakan, at kay sarap damhin ng alay nitong init sa kaniyang balikat. Napatagal ang kan
Chapter 143:“Daddy?!”Nilingon niya ang mga anak niyang sabay siyang tinawag. Tumakbo papalapit sa kaniya ang mga bata at agad na kinapa ang baril na nasa kaniyang baiwang. Ito ay ang kaniyang Smith and Wesson Model 19. “Darv, ang ganda ng baril ni Daddy!”“Daddy, can we have guns too?”Yumuko siya at hinawakan ang mga pisngi ng dalawa. “Boys, guns are dangerous. Apparently, you have your toys. Iyon ang guns na puwede sa inyo.”“But your gun is way better than our toys, Daddy!”“Oo nga po. Gusto namin iyong totoong gun at hindi iyong mga toys lang.”Kung hindi lamang sa problema na kinahaharap nila ngayon ay hindi niya na iisipin pa na balikan ang buhay na ito. Hindi niya labis maisip na makikita siya ng mga anak niya na may dala-dalang baril na siyang kagigiliwan ng mga ito. Kailanman ay hindi magiging magandang buhay ang matatamo ng mga taong nasa mundong minsan niyang ginagalawan at ngayon ay babalikan. Nais niyang maging magandang ihemplo sa mga anak niya, subalit sa pagkakatao
Chapter 142:Nakasandal sa sulok ng madilim na silid, balisa ang isipan, at hindi man lang alam kung ano ang susunod na gagawin. Puno ang puso niya ng mabibigat na katanungan. Sinubukan niyang huminga nang malalim upang mawala ang bigat na nararamdaman, pero napagtanto ni Lila na mas bumigat pa ang kalooban niya. Dalawang tao ang kaniyang pinagbintangan. Naging masama siya kay Abionna at Selena. Hindi niya sinubukang alamin ang kuwento ng dalawa bago niya husgahan ang mga ito. Hindi na siya balanse ngayon, mas nagiging mabigat na ang kaniyang emosyon kaysa kaniyang intelektuwal na kapasidad. Tunog ng binuksang pintuan ang umalingawngaw sa madilim na silid, kasunod nito ay ang tunog ng pagtuplok sa switch ng ilaw. Naging maliwanag ang buong silid, subalit puno naman ng kadiliman ang kaniyang kalooban, hindi dahil siya ay masama, kun’di ay hindi na niya mahagilap ang ilaw na siyang magbubunyag sa katotohanan sa likod ng pagbabanta sa kaniya. Lumapit sa kaniya ang fiancé niya. “Babe?”
Chapter 141:Dumating ang kaniyang Nanay. Umakbay ito sa kaniya at pilit siya nitong pinatatahimik.“Anak, hindi kita tinuruan nang ganitong asal. Ano ba ang nangyayari sa iyo?”“Nanay, kayo na ang hinahamakn ng babaeng ito. Huwad siyang kaibigan! Huwad siyang tao na kailangan na pagbutihin ang pagbabantay ng kaniyang kilos dahil baka mamaya ay isa-isa na tayong pinugutan nito!”“Anak!”Hinawakan niya sa magkabilang braso si Abionna. “Mabait ako, Abionna! Pero kinakalimutan ko ang kabaitan ko kapag pamilya ko na ang agrabyado!” aniya. “Lila, maniwala ka s-sa akin! Hindi ko magagawa ang lahat ng iyan!” “Babe, mag-usap tayong lahat nang mahinahon. May mga bata tayong kasama,” paalala ni Ryllander sa kaniya.Nakita niya ang mga anak niya na nakatingin sa kaniya at halos manginig na habang nakikita siya ng mga ito na nagagalit. “Hindi na ito ang panahon ng paghinahon, Ryllander! Kailan natin aasikasuhin ang bagay na ito? Kung isa na sa atin ang nakalamay? Hindi ako papayag na mangyari
Chapter 140:Naharangan ng mga luha ang kaniyang mga mata, naging dahilan upang lumabo ang mukha ni Celine. Subalit ay kaniyang sinikap ang lahat upang maibigay sa babaeng nagbabahagi ng karanasan ang kaniyang tainga. “Nangyari sa akin ang mga bagay na ito sa loob ng kulungan, Lila. Ang pilat na gawa ng plantsa ay noong nasa basement kami kung saan pinapahanda sa amin ang mga kurtina na gagamitin sa isang event na gagawin doon sa presohan. I-I was bullied. Hinawakan ng iba ang mga kamay ko upang hindi ako makagalaw habang ang mayor nila ay paulit-ulit na pinalapat sa mukha ko ang mainit na plantsa. Damang-dama ko ang sakit nito, ang init na halos sunugin pati ang kaluluwa ko.” Walang tigil ang pagluha ni Celine. Siya nama’y ganoon din. Naawa siya sa babae at hindi na halos kaya pang marinig ang kuwento nito. “H-Hindi lang ito ang ginawa nila sa akin. P-Pinakain nila ako ng mga insekto, nilunod sa kubetang puno ng dumi, a-at tinatakan ng mga pilat gamit ang matatalas na bagay na pos
Chapter 139:Minamaneho niya ngayon ang kaniyang Mercedes-Maybach S650 patungo sa orphanage na sinabi ni Ryllander kung saan naroroon si Celine. Sa totoo ay hindi niya lubos maisip na kaya ni Celine na gawin ang bagay na iyon sapagkat sa orphanage ito tumutuloy. Subalit tulad ng sabi nila’y hindi mo malalaman kung ano ang kakahayan ng isang tao. Lalo na at nakayanang gawin ni Celine ang lahat ng kahayupan nito noon, higit limang taon ang lumipas.Maaga siyang umalis at hindi na siya nagpaalam pa sa fiancé niya. Sa panahon na ito ay pati si Ryllander ay hindi niya gustong isangkot. Ayaw niya rin na mabuksan ang usapin tungkol sa taong nagbabanta sa kaniya, sapagkat malakas ang kutob niya na may masamang balak pa rin si Abionna sa mga taong pinoprotektahan niya. At ito namang si Ryllander ay pilit na pinagtanggol si Abionna.Ilang oras ang biniyahe niya patungo sa Patterson Home for the Orphans. Pinarada niya sa labas ang kaniyang sasakyan. Agad naman siyang pinapasok ng guwardiya nang