Chapter 6:
Napapadaing siya sa sakit sa t’wing lumalapat sa kaniyang balat ang telang may nakabalot na yelo sa loob nito. Nagmarka ang bawat daliri ng Amo niya sa kaniyang balat. Nabalatan pa ang braso niya sa pagpiga ng Amo niya sa kaniyang braso kanina. Masakit ang laman at mahapdi naman ang ibabaw na parte nito. “Dahanin mo ang bata, Lordes. Ikaw, batid mong bago pa lang itong si Lila ay hindi mo siya tinanod. Hindi niya pa alam ang buong patakaran ni Sir Ryllander, tapos ikaw, wala kang ginawa. Ikaw ang nagpapasok kay Lila rito, kaya obligasyon mong sabihan siya tungkol sa kahit na anong patakaran ng Amo mong pinaglihi sa isanglibong demonyo na mula pa sa Mesopotamia!” “Aba! Hindi ko naman napansin na doon pala binilad nitong si Lila ang mga underwear ni Sir Ryllander. Ikaw ang nasa hardin buong araw pero wala kang ginawa. Imposibleng hindi mo nakita si Lila.” “Ikaw ang huling nakausap ng bata! Sinabihan mo pa siya kanina na ibilad na ang mga brief ni Sir Ryllander.” “Aray ko po,” napangiwing daing niya. Tumingin siya nang salitan sa dalawang matanda na nag-aalala sa kaniya. “H'wag na po kayong mag-away. Walang may kasalanan sa inyo sa nangyari. Ako ang may kasalanan. Gusto ko lang naman na matuwa siya sa akin. Pero sa halip na matuwa ay parang sasabog siya sa galit niya sa akin.” “O, ‘yan. Tapos na. Magpahinga ka muna.” “Hindi na po, Aling Lordes. Kailangan ko pang labhan ulit ang mga brief ni Sir Ryllander.” “Marami naman siguro siyang reserba na underwear sa aparador niya. Hayaan mo na muna ang mga underwear na naging dahilan ng mga pasa mo sa iyong braso,” suhestiyon ni Mang Topeng sa kaniya. Gusto niyang maiyak sapagkat nakita niya sa mga matanda na tunay ang asikoso ng mga ito sa kaniya. Pakiramdam niya ay mga magulang niya ito na nag-aalala sa kaniyang kalagayan. “Maraming salamat sa inyong dalawa, Mang Topeng, Aling Lordes. Kung wala kayo ay hindi ko alam paano ko pangasiwaan ang sitwasyon na ito. Wala pa naman akong kakilala sa Maynila at wala rin akong kapamilya rito.” “Ineng, kahit tanungin mo ang mga nakababatang kasamahan namin dito ay palagi kaming nandiyan para sa kanila kapag kailangan nila ng makausap at mapagsumbungan ng mga problema na kanilang dinadala sa buhay.” “Tama si Topeng, Lila. Mukha lang kaming palaging magka-galit at nag-aaway pero kami ang tumatayong sandigan ng mga kasamahan natin dito. Kaya ikaw, huwag mong isipin na ikaw lang mag-isa sa Maynila at wala kang kapamilya dahil nandito kaming dalawa ni Mang Topeng mo. Handa kaming helehin ka kapag kailangan mo ang kalinga at pagmamahal ng mga magulang. Habang wala sa tabi mo ang iyong Nanay ay kami ni Topeng ang magiging magulang mo pansamantala.” Nakangiti siya subalit ang ilang butil ng luha niya ay pumatak mula sa kaniyang mga mata. Kasunod nito ay ang kaniyang pagyakap sa dalawa bilang pasasalamat. - Isang lingggo ang lumipas mula nang piniga ni Ryllander ang kaniyang braso. Hindi na masakit ang braso niya, pero mayroon pa rin itong pasa. Suot niya ang palda ng yuniporme niya subalit ang pantaas niya’y sando lamang. Dala niya ang bandeha kung saan maayos na nakalatag ang almusal ng Amo niya. “Sir? Papasok na po ako dala ang iyong almusal.” “Come in,” wika nito mula sa loob. Lumakad siya patungo sa higaan ng kaniyang Amo. Nang inangat niya ang kaniyang sulyap ay tumigil siya sa paghakbang. Tinulak niya sa isa't isa ang mga labi niya nang makita ang ginagawa nito. Naglilinis ng pistol ang Amo niya at sa ibabaw ng puting hapin ng kama nito ay nakalatag ang isang kulindang ng bala na parang maliliit na kanyon, at mayroon ring nakakalat lamang doon. Lumunok siya at pilit binabawi ang kalmadong huwisyo. Subalit ay nanginginig ang mga kamay niya. Tuloy ay naalog ang baso ng gatas na nasa gilid sa ibabaw ng bandeha. “Diyos ko,” bulong niya. Nangangamba siyang makagawa ng kapalpakan ngayong umaga na ito. Sa tingin niya ay hindi mahirap para kay Ryllander na barilin siya kapag nakagawa siya ng bagay na ikagagalit nito. Hangad niya ay maging matiwasay ang umagang ito at lubayan siya ng pagiging padaskul-daskol niya. “Lila, mamaya pa ako matatapos sa ginagawa ko. Malapad ang kama ko kaya ay puwede mong ilagay ang tray na iyan sa tabi ng mga bala na iyan.” “S-Sige po, sir.” Inangat ng Amo niya mula sa pinupunasang gatilyo ng pistol ang titig at binato ito sa kaniya. Marahang pag-hinga ang kaniyang ginawa habang nilagay niya ang tray sa kama, sinisikap niyang maging kalmado sa kabila ng takot niya na magkamali. Gayunpaman ay nasagi ng likod ng kaniyang daliri ang bala ng pistol ni Ryllander kaya'y gumulong ito sa nakahigang binti ng lalaki. Hindi maputi ang Amo niya, subalit ay makinis ang balat nito at bagay pa ang kulot na buhok sa binti nito. Tumigil sa ginagawa ang Amo niya kaya'y kiming ngiti lang ang naiguhit ng kaniyang mga labi nang mag-tama ang mga titig nila. Umahon siya at umatras. Ang mga talukap ng mga mata ni Ryllander ay gumalaw, mayamaya ay bumaba ang titig nito sa kaniyang braso. “Sinadya mo bang magsuot ng sando upang makita ko ang pasa mo, Adellilah? Kung iniisip mo ang posibilidad na tumubo ang konsensiya sa puso ko at magbunga ito ng paghingi ko ng tawad ay nagkakamali ka. I don't feel conscience for the people who are stupid enough to do mistakes in just a day.” “W-Wala naman po akong sinabing ganiyan, sir. Mauuna na lang po akong bumaba dahil may gagawin pa ako.” “No. You'll stay here and wait until I finish my food. H'wag mong gawing apisyon mo ang paglabas-pasok sa kuwarto ko, Miss Maid. I don't want you to enter my room when I am not here. Papasok ka lang dito kapag nandito ako. I hope you understand.” “Oo po. N-Naiintindihan ko po.” Umatras pa siya ng isang hakbang at yumuko nang tuluyan. Nanatiling nakadahilig ang isang braso niya at tinakpan ng kaniyang kamay ang mga pasa sa kaniyang braso. Ang silid ay naging tahimik sa loob ng ilang minuto. Lihim niyang sinulyapan ang bandeha na hindi pa ginalaw ng Amo niya. Kumain na sana ang Amo niya upang siya'y makaalis na sa silid na ito na parang tinarangkahang kuweba. “Miss Maid, natatakot ka ba sa akin?” “P-Po?” “I'm asking you if you feel afraid when I'm around. Natatakot ka ba?” Lumunok siya. Ilang segundo lang ang lumipas, pero gumilid sa kaniyang noo ang mga butil ng pawis niya. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang itutugon sa tanong na iyon na hindi siya pagagalitan ng Amo niya. “S-Sir, anong sagot ba ang nais niyong marinig? Iyong hindi k-kayo magagalit?” Tumayo ang Amo niya at nilaro nito ang gatilyo ng baril nito habang lumalakad patungo sa kaniya. Ang mga mata niya'y unti-unting nanunubig sa takot. Humakbang siya paatras hanggang wala na siyang aatrasan pa. Tumama ang likod niya sa pader at tinutulak niya ito kahit alam niyang hindi ito matinag. Nangangatog ang kaniyang mga tuhod nang sampilungin ng Amo niya ang pader malapit sa kaliwang parte ng kaniyang ulo, kaya'y napatitig siya sa kaliwang bahagi ng pader. Nanlaki ang mga mata niya nang tinutok ni Ryllander ang dulo ng pistol nito sa tabi ng ulo niya hanggang sa tuluyan itong madikit sa pader. “Natatakot ka ba sa akin, Miss Maid?” Humarap siya sa amo niyang halos madikit sa kaniya ang katawan nito. Yumuko si Ryllander kaya ay mas nasikipan si Lila sa maliit na espasyo kung saan siya nabakod ng Amo niya. “S-Sir, h-hindi po ako makahinga,” aniya bago namanhid ang katawan niya at dumilim ang kaniyang buong paligid.Chapter 144:Napaluha na lang siya habang nakatingin sa ibaba ng mansion niya. Naalala niya ang hitsura ng building ng organisasyong ilang dekada nang inalagaan ng pamilya niya. Ipinagkatiwala niya ito kay James na akala niya’y siyang magpapatuloy ng pag-aalaga na ginawa ng pamilya niya sa organisasyon. Nagkamali siya ng taong pinagkakatiwalaan. Nagkamali siya sa kung sino ang kaniyang pinahintulutang mamuno. Ngayon ay nagdadalamhati ang puso niya. Hindi lamang para sa organisasyon, kun’di para sa pagkakaibigan nila ni James na nasira na lang nang ganoon lamang kabilis. Tila ay pagkurap lamang kabilis ang pangyayari. Parang kailan lamang ay magkaibigan sila, subalit ngayon ay hindi na. Nagsindi ng hidwaan si James, at siya’y nahihirapan sa sitwasyon na ito.Napasunod ang kaniyang sulyap sa balikat niya na dinapuan ng kamay ni Lila. Ang mamahabang daliri ng babae ang kaniyang pinagmasdan, kay sarap hawakan, at kay sarap damhin ng alay nitong init sa kaniyang balikat. Napatagal ang kan
Chapter 143:“Daddy?!”Nilingon niya ang mga anak niyang sabay siyang tinawag. Tumakbo papalapit sa kaniya ang mga bata at agad na kinapa ang baril na nasa kaniyang baiwang. Ito ay ang kaniyang Smith and Wesson Model 19. “Darv, ang ganda ng baril ni Daddy!”“Daddy, can we have guns too?”Yumuko siya at hinawakan ang mga pisngi ng dalawa. “Boys, guns are dangerous. Apparently, you have your toys. Iyon ang guns na puwede sa inyo.”“But your gun is way better than our toys, Daddy!”“Oo nga po. Gusto namin iyong totoong gun at hindi iyong mga toys lang.”Kung hindi lamang sa problema na kinahaharap nila ngayon ay hindi niya na iisipin pa na balikan ang buhay na ito. Hindi niya labis maisip na makikita siya ng mga anak niya na may dala-dalang baril na siyang kagigiliwan ng mga ito. Kailanman ay hindi magiging magandang buhay ang matatamo ng mga taong nasa mundong minsan niyang ginagalawan at ngayon ay babalikan. Nais niyang maging magandang ihemplo sa mga anak niya, subalit sa pagkakatao
Chapter 142:Nakasandal sa sulok ng madilim na silid, balisa ang isipan, at hindi man lang alam kung ano ang susunod na gagawin. Puno ang puso niya ng mabibigat na katanungan. Sinubukan niyang huminga nang malalim upang mawala ang bigat na nararamdaman, pero napagtanto ni Lila na mas bumigat pa ang kalooban niya. Dalawang tao ang kaniyang pinagbintangan. Naging masama siya kay Abionna at Selena. Hindi niya sinubukang alamin ang kuwento ng dalawa bago niya husgahan ang mga ito. Hindi na siya balanse ngayon, mas nagiging mabigat na ang kaniyang emosyon kaysa kaniyang intelektuwal na kapasidad. Tunog ng binuksang pintuan ang umalingawngaw sa madilim na silid, kasunod nito ay ang tunog ng pagtuplok sa switch ng ilaw. Naging maliwanag ang buong silid, subalit puno naman ng kadiliman ang kaniyang kalooban, hindi dahil siya ay masama, kun’di ay hindi na niya mahagilap ang ilaw na siyang magbubunyag sa katotohanan sa likod ng pagbabanta sa kaniya. Lumapit sa kaniya ang fiancé niya. “Babe?”
Chapter 141:Dumating ang kaniyang Nanay. Umakbay ito sa kaniya at pilit siya nitong pinatatahimik.“Anak, hindi kita tinuruan nang ganitong asal. Ano ba ang nangyayari sa iyo?”“Nanay, kayo na ang hinahamakn ng babaeng ito. Huwad siyang kaibigan! Huwad siyang tao na kailangan na pagbutihin ang pagbabantay ng kaniyang kilos dahil baka mamaya ay isa-isa na tayong pinugutan nito!”“Anak!”Hinawakan niya sa magkabilang braso si Abionna. “Mabait ako, Abionna! Pero kinakalimutan ko ang kabaitan ko kapag pamilya ko na ang agrabyado!” aniya. “Lila, maniwala ka s-sa akin! Hindi ko magagawa ang lahat ng iyan!” “Babe, mag-usap tayong lahat nang mahinahon. May mga bata tayong kasama,” paalala ni Ryllander sa kaniya.Nakita niya ang mga anak niya na nakatingin sa kaniya at halos manginig na habang nakikita siya ng mga ito na nagagalit. “Hindi na ito ang panahon ng paghinahon, Ryllander! Kailan natin aasikasuhin ang bagay na ito? Kung isa na sa atin ang nakalamay? Hindi ako papayag na mangyari
Chapter 140:Naharangan ng mga luha ang kaniyang mga mata, naging dahilan upang lumabo ang mukha ni Celine. Subalit ay kaniyang sinikap ang lahat upang maibigay sa babaeng nagbabahagi ng karanasan ang kaniyang tainga. “Nangyari sa akin ang mga bagay na ito sa loob ng kulungan, Lila. Ang pilat na gawa ng plantsa ay noong nasa basement kami kung saan pinapahanda sa amin ang mga kurtina na gagamitin sa isang event na gagawin doon sa presohan. I-I was bullied. Hinawakan ng iba ang mga kamay ko upang hindi ako makagalaw habang ang mayor nila ay paulit-ulit na pinalapat sa mukha ko ang mainit na plantsa. Damang-dama ko ang sakit nito, ang init na halos sunugin pati ang kaluluwa ko.” Walang tigil ang pagluha ni Celine. Siya nama’y ganoon din. Naawa siya sa babae at hindi na halos kaya pang marinig ang kuwento nito. “H-Hindi lang ito ang ginawa nila sa akin. P-Pinakain nila ako ng mga insekto, nilunod sa kubetang puno ng dumi, a-at tinatakan ng mga pilat gamit ang matatalas na bagay na pos
Chapter 139:Minamaneho niya ngayon ang kaniyang Mercedes-Maybach S650 patungo sa orphanage na sinabi ni Ryllander kung saan naroroon si Celine. Sa totoo ay hindi niya lubos maisip na kaya ni Celine na gawin ang bagay na iyon sapagkat sa orphanage ito tumutuloy. Subalit tulad ng sabi nila’y hindi mo malalaman kung ano ang kakahayan ng isang tao. Lalo na at nakayanang gawin ni Celine ang lahat ng kahayupan nito noon, higit limang taon ang lumipas.Maaga siyang umalis at hindi na siya nagpaalam pa sa fiancé niya. Sa panahon na ito ay pati si Ryllander ay hindi niya gustong isangkot. Ayaw niya rin na mabuksan ang usapin tungkol sa taong nagbabanta sa kaniya, sapagkat malakas ang kutob niya na may masamang balak pa rin si Abionna sa mga taong pinoprotektahan niya. At ito namang si Ryllander ay pilit na pinagtanggol si Abionna.Ilang oras ang biniyahe niya patungo sa Patterson Home for the Orphans. Pinarada niya sa labas ang kaniyang sasakyan. Agad naman siyang pinapasok ng guwardiya nang