Home / Romance / Maid to Billionaire's Wife / Nagbabalik na Alaala

Share

Nagbabalik na Alaala

Author: Miss soul
last update publish date: 2026-09-17 15:24:16

Kinabukasan, hindi maalis sa isip ni Aika ang nangyari noong nakaraang araw.

Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang boses ni Adrian.

Hindi niya alam kung bakit ang simpleng paghawak lamang sa kamay nito ay tila may ginising na kakaiba sa kanyang dibdib.

Ngunit higit sa lahat, hindi niya alam kung bakit sa tuwing tinitingnan niya ang mga mata ni Adrian ay bigla siyang nakakaramdam ng matinding lungkot.

Pakiramdam niya ay matagal na niyang kilala ang lalaki.

Para bang may bahagi ng kanyang puso na matagal nang naghihintay para sa lalaking iyon.

“Yaya.”

Lumingon siya.

Si Maya iyon, hawak ang isang maliit na kahon.

“Yaya, okay ka lang ba?”

“Oo, sweetheart. Okay lang ako.”

“Nagsisinungaling ka.”

Napatawa nang bahagya si Aika.

“Sino ang nagturo sa iyo na magsabi niyan?”

“Si Daddy.”

Biglang nawala ang ngiti ni Aika.

“Sabi ni Daddy, nagsisinungaling ang mga tao kapag ayaw nilang sabihin ang katotohanan.”

Bago pa siya makasagot, binuksan ni Maya ang kahon.

Sa loob nito ay ang lumang kuwintas na nakita niya noong nakaraang araw.

“Tingnan mo. Bracelet mo.”

Naroon na naman si Maya.

Paulit-ulit nitong ipinapaalala sa kanya ang lahat.

Nang makita iyon ni Aika, biglang sumakit ang kanyang ulo.

Isang mabilis na imahe ang sumagi sa kanyang isipan.

Isang babaeng nakaupo sa tabi ng isang kama.

Isang maliit na batang babae na umiiyak.

Isang kamay na nagsusuot ng kuwintas sa kanyang leeg.

Hinawakan ni Aika ang kanyang ulo.

“Yaya!” nag-aalalang tanong ni Maya.

Nahulog sa sahig ang kahon.

Napaatras si Aika hanggang sa tuluyan siyang napaupo sa sahig.

“Aika!”

Dumating si Adrian at agad na lumapit sa kanila.

Lumuhod siya sa harapan ni Aika at hinawakan ang kanyang mga balikat.

“Ano ang nangyari?”

Hindi agad nakasagot si Aika.

Nanginginig ang kanyang mga kamay.

“Ako… may naalala ako.”

Biglang naging seryoso ang mukha ni Adrian.

“Ano ang naalala mo?”

Tumingin siya kay Adrian.

Sa unang pagkakataon, nakita niya ang takot sa mga mata nito.

“Ulan,” bulong niya. “Isang aksidente sa kotse. May tumatawag sa pangalan ko.”

Nanigas si Adrian.

“Ano pa?”

“May nagsabi… ‘Aika, please, gumising ka.’”

Hindi gumalaw si Adrian.

Para bang biglang nawala ang hangin sa paligid nila.

“Adrian,” mahina niyang tanong, “ano ang nangyari noong gabing iyon?”

Hindi siya sumagot.

Sa halip, tumayo siya at tinulungan si Aika na makatayo.

Ngunit nang tangkain ni Aika na hawakan ang kanyang kamay, agad itong umiwas.

“Huwag,” sabi ni Aika.

Tumingin si Adrian sa kanya.

“Huwag mo akong hawakan.”

“Aika—”

“Pasensya na, pero kailangan ko muna ng espasyo.”

Hindi niya alam kung bakit ganoon ang naging reaksiyon niya.

Hindi naman siya sinaktan ni Adrian.

Sa katunayan, siya pa nga ang unang taong tumulong sa kanya.

Ngunit may isang boses sa loob ng kanyang isipan na nagsasabing lumayo siya.

“Huwag kang magtiwala sa kanya.”

“Huwag mo siyang hayaang lumapit.”

“May itinatago siya.”

Mula noong araw na iyon, sinadya ni Aika na iwasan si Adrian.

Kapag nasa kusina si Adrian, pumupunta siya sa hardin.

Kapag sabay silang kumakain, nauuna siyang umaalis.

Kapag tinatawag siya ni Adrian, maiikli lamang ang kanyang mga sagot.

“Opo, sir.”

“Okay po, sir.”

“Ako na po ang bahala.”

Napansin iyon ni Adrian.

Isang gabi, habang naglalakad si Aika sa hallway, biglang hinarangan ni Adrian ang kanyang daan.

“Bakit mo ako iniiwasan?”

Hindi siya tumingin dito.

“Hindi naman kita iniiwasan.”

“Halos hindi mo na ako kinakausap.”

“Busy lang ako.”

“Dati, tumitingin ka sa akin kapag nag-uusap tayo.”

Huminto si Aika.

“Siguro hindi ko na dapat ginawa iyon.”

Lumabas ang sakit sa mukha ni Adrian, ngunit sinubukan niya itong itago.

“May ginawa ba ako?”

Sa wakas, tumingin si Aika sa kanya.

“Hindi ko alam.”

“Kung ganoon, sabihin mo sa akin kung ano ang nararamdaman mo.”

“Sa tuwing tinitingnan kita, may naaalala ako.”

Namasa ang mga mata niya.

“At hindi ko alam kung totoo ang mga alaalang iyon o mga bangungot lamang.”

Lumapit si Adrian, ngunit agad na napaatras si Aika.

“Pakiusap, huwag kang lumapit.”

Huminto siya.

“Takot ka ba sa akin?”

Hindi agad nakasagot si Aika.

Dahil ang totoo, hindi niya alam kung natatakot ba siya kay Adrian—o natatakot siya sa katotohanang maaaring naging mahalaga ito sa kanya noon pa man.

“Takot ako sa mga bagay na baka maalala ko,” bulong niya.

Matagal siyang tinitigan ni Adrian.

Pagkatapos, sa mahinang boses, sinabi niya,

“Siguro may mga alaala talagang masakit dahil sinusubukan nilang sabihin sa atin ang katotohanan.”

“Kung ganoon, sabihin mo sa akin ang katotohanan.”

Yumuko si Adrian.

“Hindi ko kaya.”

“Bakit?”

Dahan-dahan siyang tumingin kay Aika.

“Dahil kapag naalala mo ang lahat, Aika… baka kamuhian mo ako.”

Biglang tumigil ang mundo ni Aika.

At sa unang pagkakataon, hindi na niya alam kung ano ang mas nakakatakot—ang mga alaalang unti-unting bumabalik, o ang posibilidad na ang lalaking iniiwasan niya ay siya palang taong matagal na niyang minahal.

Sa loob ng kanyang kuwarto, sinubukan ni Aika na pakalmahin ang sarili.

Ngunit sa tuwing ipinipikit niya ang kanyang mga mata, lalong nagiging malinaw ang mga alaala.

Nakita niya si Maya na nakatayo roon, hawak ang isang maliit na teddy bear.

“Aalis ka na naman ba sa amin?” umiiyak na tanong ni Maya.

Tumingin si Aika sa kanya.

“Hindi. Hindi ako aalis.”

Sa hallway, hindi niya napansin na naroon si Adrian.

Narinig nito ang sinabi niya kay Maya.

Mahigpit na yumakap si Maya sa kanya.

“Promise?”

Umalis si Maya, naiwan sina Aika at Adrian na mag-isa sa tahimik na hallway.

“Narinig ko iyon,” sabi ni Adrian.

“Opo, sir. Hindi ako aalis. Mahal ko si Maya, at ayokong masaktan siya.”

Hindi sumagot si Adrian.

Sa halip, kumuha siya ng isang lumang litrato mula sa kanyang bulsa.

“Aika… kahit ako, wala akong maalala noon. Pero alam kong ako ang nasa mga panaginip mo. Tayo. Hindi ko alam kung bakit hindi mo maalala ang lahat, pero ako… naaalala ko.”

Hindi alam ni Adrian kung bakit niya nasabi ang mga salitang iyon.

Ang tanging alam niya ngayon ay si Aika ang babaeng mula sa kanyang nakaraan.

Ngunit ayaw pa niyang madaliin ang lahat, kaya hindi pa rin siya lubos na nakatitiyak.

Tumawag siya sa isang imbestigador.

“Tumatawag po ako.”

“May balita na ba tungkol sa ipinagawa ko sa iyo?”

“Opo, sir. Siya na nga. Siya ang asawa ninyo na naaksidente.”

Dahan-dahang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ni Adrian.

Unti-unti, nagsimulang bumalik ang kanyang mga alaala—ang mga alaala ng nakaraan, ang mga alaala nila ni Aika, at ang aksidente.

Ngunit hindi niya masabi kay Aika dahil hindi rin niya alam kung ano ang eksaktong nangyari rito.

Hindi na rin siya nito maalala.

Kaya hinayaan muna niyang mangyari ang mga bagay-bagay.

Gusto muna niyang malaman kung sino ang nasa likod ng aksidente.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Maid to Billionaire's Wife   Ang Lihim nakaraan ni Adrian

    “So, Adrian… is this your wife?”Hindi agad nakasagot si Adrian. Tumingin muna siya kay Aika bago ibinalik ang tingin sa babaeng nasa harapan niya.“Yes. She is my wife, Aika. And this is our daughter, Mia.”Ngumiti si Aika nang bahagya at magalang na tumango sa babae.“Hello,” bati niya.Ngunit sa halip na ngumiti rin, bahagyang itinaas ng babae ang isang kilay. Muli nitong sinipat si Aika mula ulo hanggang paa bago ibinalik ang tingin kay Adrian.“Oh, I see. So, you really got married.”Napansin ni Aika ang kakaibang tono ng pananalita nito. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may nakatagong kahulugan ang bawat salitang binibitawan ng babae.“Adrian, hindi mo man lang ba ako ipakikilala nang maayos?” nakangiting tanong nito.Napabuntong-hininga si Adrian.“Aika, this is Vanessa. We used to know each other a long time ago.”“Know each other?” ulit ni Vanessa habang tumatawa nang mahina. “Adrian, that's all I am to you now? Someone you used to know?”Napatingin si Aika sa asawa.H

  • Maid to Billionaire's Wife   Bagong simula

    “Hindi kita kayang iwan, Adrian. Ikaw ang tahanan ko.”Marahang hinalikan ni Adrian ang noo ni Aika.“Simula ngayon, babawi ako. Gusto kong makasama kayo sa bawat araw, makita ang paglaki ni Mia, at masaksihan ang pagsilang ng anak natin.”Napapikit si Aika habang nakangiti. Sa wakas, muli niyang naramdaman ang init ng yakap ng lalaking matagal niyang ipinagdasal na makabalik.Sa labas, sumasabay sa mahinang hangin ang mga bulaklak sa hardin.Ang dating mansyong puno ng lungkot ay muling napuno ng pagmamahalan, pag-asa, at mga pangarap.At sa gabing iyon, mahimbing na nakatulog si Aika sa piling ni Adrian, panatag ang puso dahil ang lalaking matagal niyang hinintay ay nasa kanilang tahanan na.Sa wakas, muling nabuo ang kanilang pamilya.Masayang namangha si Adrian sa bagong ayos ng mansyon. Ibang-iba na ito kumpara sa dati nitong itsura. Hindi niya akalaing ang dating malungkot na lugar ay mas gaganda pa pala kaysa noon.Ngayon, mas pinili nilang magpokus sa mga bagay na nagpapasaya

  • Maid to Billionaire's Wife   Sakripisyo

    “Sige, Ma. Gusto ko, pagkagising ni Adrian, tatlong anghel na ang naghihintay sa kanya. Gusto kong maging buo ulit kami. Gusto kong maging maayos ulit ang lahat.”Nakauwi na si Aika sa mansyon. Kahit ang mansyon ay may kakaibang lungkot mula nang mangyari ang aksidente.“Mommy, when will Daddy wake up?”Nakatingin lang si Aika kay Miya, pero sinabi niya, “Malapit na, baby.”Nangilid ang kanyang mga luha. Kahit siya, hindi niya alam kung gigising pa ba ang asawa niya.Matapos niyang patulugin si Miya, pumunta siya sa opisina ni Adrian. Naalala niya ang una nilang pagkikita at ang pangalawa nilang pagkikita. Hawak niya ang larawan nito. Ngayon, miss na miss na niya ang asawa niya.Binuksan niya ang drawer. Doon niya nakita ang maliit na sobre na naglalaman ng unang bulaklak na ibinigay niya kay Adrian.Mas lalo siyang napaiyak.Kinaumagahan, nagpasya siyang ayusin at baguhin ang buong bahay. Ang dating madilim na mansyon ay ginawa niyang mas maliwanag, maayos, at maganda. Naging maingat

  • Maid to Billionaire's Wife   Ang Lihim sa Likod ng Katahimikan

    Tahimik na nakatingin si Aika kay Adrian. Alam na niya ang katotohanan tungkol sa lalaking nasa lumang litrato, pero gusto niyang sa mismong bibig ni Adrian manggaling ang lahat. Aika, makinig ka sa akin, okay? Siya si Anton… kapatid ko. Siya rin ang una mong minahal.Seryoso lamang na nakatingin si Aika sa kanya. Hindi siya sumagot agad. Gusto niyang marinig ang buong katotohanan mula sa lalaking minamahal niya. Adrian, please. This time, sabihin mo sa akin ang totoo. May kinalaman ka ba sa nangyari sa akin? Sa nangyari sa atin?Nanginginig ang labi ni Adrian. Unti-unting namuo ang luha sa kanyang mga mata. Aika… patawarin mo ako.Napailing siya habang pilit na pinipigilan ang kanyang pag-iyak. Ginawa ko lang iyon kasi ayokong… ayokong bumalik ka sa kanya. Gusto ko, sa akin ka lang. Gusto ko, ako lang ang piliin mo, Aika!Tuluyan nang tumulo ang luha ni Adrian. Ngunit hindi gumalaw si Aika. Nanatili lamang siyang nakatingin sa lalaking minsang pinagkatiwalaan niya nang buong puso.

  • Maid to Billionaire's Wife   Alaala bumabalik

    Tahimik na nakatayo sina Aika at Adrian sa tabing-dagat. Mahinang humahampas ang mga alon sa kanilang mga paa habang malamig na hangin ang dumadampi sa kanilang mga mukha.Matagal silang walang imik.Hanggang sa tuluyang nagsalita si Aika.“Adrian…”Tumingin ito sa kanya.“Naalala ko na.”Napahinto si Adrian.“Ang alin?”“Ang mga nangyari bago ang aksidente. Hindi man lahat… pero unti-unti nang bumabalik sa akin.”Mahigpit na hinawakan ni Adrian ang kamay niya.“Sigurado ka?”Tumango si Aika.“At ngayon, ayoko nang tumakbo mula sa nakaraan ko.”Tumingin siya sa malawak na dagat.“Kung may pagsubok na naghihintay sa atin, haharapin natin.”“Magkasama?” tanong ni Adrian.“Magkasama.”Ngunit biglang naging seryoso ang mukha ni Adrian.“May isa pa tayong kailangang harapin.”Napatingin si Aika sa kanya.“Ang aksidente mo.”Napakunot ang noo niya.“Akala ko aksidente lang iyon.”“Iyon din ang akala ko,” sagot ni Adrian. “Pero habang sinusubukan kong alamin ang totoo, may mga bagay akong na

  • Maid to Billionaire's Wife   Ang Haba ng isang Sandali

    Tara na! Gusto ko na mag-beach!”Napatawa si Adrian at Aika habang nagkatinginan.Hindi nila alam kung bakit, pero pareho nilang gustong humaba pa ang biyahe.Tahimik na muling umandar ang sasakyan.Sa labas ay tanaw ang dagat habang unti-unting lumulubog ang araw. Kulay kahel ang kalangitan, at tila mas gumaganda ang tanawin sa bawat segundo.Napatingin si Aika sa bintana.“Ang ganda…” mahina niyang bulong.Ngunit hindi niya napansin na hindi ang dagat ang tinitingnan ni Adrian.Siya.Matagal.Parang ayaw alisin ang tingin.Nang maramdaman ni Aika iyon, napalingon siya.Nagtagpo ang kanilang mga mata.Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.“Ano?” nahihiyang tanong niya.Ngumiti si Adrian.“Wala.”“Sinungaling.”Bahagyang natawa ang lalaki bago marahang umiling.“Iniisip ko lang…”“Ang alin?”“Tila mas maganda ang biyahe kapag kasama ka.”Nanlaki ang mga mata ni Aika.Mabilis siyang napatingin sa kabilang direksyon upang itago ang pamumula ng kanyang mukha.“Adrian…”“Hmm?”“Mahil

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status