LOGINIt has been years.
Hindi ako nagsisising pinakawalan ko ang marangyang buhay ko sa puder ng mga Gromeo upang umuwi rito sa probinsya kung nasaan ang mga taong tunay na nagmamahal sa akin. Pagkatapos ng ilang taon na wala ako rito, hindi nagbago ang pagmamahal sa akin ng nag-iisang kapatid ko. “Kung buhay lang sila nanay at tatay hanggang ngayon, sigurado akong susugod ang mga 'yon sa magaling na Bryant na 'yon. Si tatay? Tututukan niya talaga ng itak ang lalaking 'yon!” Umiling ako sa sinabi ni Karl habang pinapalitan ng diaper ang anak kong titig na titig sa akin. Marahan kong pinisil ang pisngi ng anak ko dahil sa gigil. “Sinong pogi?” “Ako.” Napairap ako sa pagsingit ng kapatid ko. “Siyempre, ang baby Aeon ko!” Mula sa kusina, napasilip tuloy si Karl sa anak ko habang hawak-hawak ang tasa ng kape na katitimpla niya lang. Bumuntong-hininga siya. “Pogi nga ang pamangkin ko. Sayang lang Ate Iyana at hindi mo naging kamukha. Ganiyan ba ang mukha ng tatay niya?” Dahan-dahan akong tumango. Tila hindi ko nga anak ang anak ko dahil wala manlang itong nakuha sa akin kahit isa. Kung hindi ko lang ito iniluwal ay baka akalain ni Karl na inampon ko lang si Aeon. “Ang malas ni Bryant. Hindi niya nakikita ang ganda ng lahi niya.” Umismid si Karl. “Mahal mo pa ba ang lalaking 'yon, ate?” “Bakit ka ba nandito, Karl?” Sinamaan ko siya ng tingin. “Sigurado akong hinahanap ka na ng asawa mo ro'n! Umuwi ka na sa bahay niyo.” Agad siyang natawa sa sagot ko. “Wala si Shiela sa bahay, ate. Nasa puwesto namin sa palengke, nagtitinda. Ang bilis mo namang magalit! Tanong lang naman 'yon.” Umirap ako at binuhat ang anak ko upang patulugin. “Pagkatapos mong magkape, tulungan mo na lang ang asawa mo ro'n kaysa inisin ako rito!” Sasagot na sana siya nang biglang may tumawag sa pangalan ko mula sa labas. Malakas ang boses na 'yon at paulit-ulit ang pagtawag sa akin. Nakagat ko ang ibabang labi ko at sinenyasan si Karl na buhatin muna ang anak ko para sa akin. “Ipasok mo sa kuwarto. Patulog na 'yan.” Agad kong hinarap si Aling Mildred na salubong ang mga kilay habang nakatayo sa harap ng gate ng bahay. “Katapusan na, Iyana! Ano? Kailan mo balak magbayad ng mga utang mo?” Hindi naman siya sumisigaw, ngunit sadyang malakas ang boses ni Aling Mildred. Sa tuwing pumupunta siya rito sa bahay upang maningil, napapalabas ang mga kapit-bahay ko upang makichismis. Pati ang mga dumadaan lang naman ay napapatingin sa amin. Minsan nga ay may mga humihinto pa upang makinig. Napalunok ako. “A-Aling Mildred, w-wala pa po talaga akong pera sa ngayon. Pasensya na po talaga. Puwede pong pahingi ulit ng palugit?” Mas lalong kumunot ang noo niya at halos magdikit na nga ang mga kilay. “Hija naman, ganiyan din ang sinabi mo sa akin noong nakaraang buwan! Ganito na lang ba palagi?!” Nanlumo ako sa sinabi niya. “Pasensya na po talaga, Aling Mildred. Maliit lang po ang sahod ko sa pagtitinda sa palengke. Kinailangan ko pong unahing bilhin yung mga pangangailangan ng anak ko kaya hindi po ako makapagbayad sa 'yo. Pasensya na po talaga.” Umiling sa akin ang ginang. “Naku, hija. Nakukuha ko ang sitwasyon mo pero kailangan mo talaga akong bayaran kasi kailangan ko rin ng pera. Papasok na sa kolehiyo ang panganay ko. Kailangan ko rin ng pambayad sa mga gastusin niya.” Tumango-tango ako. “Opo, Aling Mildred. Huwag po kayong mag-alala. Nakahanap po ako ng bagong trabaho! Dalawa na po ang trabaho ko. Sa susunod na buwan po, mababayaran ko na po kayo.” Ilang salita pa ang binitawan ko bago ko nakumbinsi si Aling Mildred. Nagpakawala na lang ako ng isang malalim na hininga sa pag-alis niya. Nalagpasan ko nanaman ang eksenang 'yon, pero paano na kaya sa mga susunod? Ganito lagi ang eksena tuwing katapusan. Malaki ang utang ko kay Aling Mildred dahil sa panganganak ko. Five digits ang inabot ng bill ko sa hospital noong nanganak ako. Hindi 'yon kinaya ng pera na hawak ko noon na mula pa sa mga Gromeo kaya naman kinailangan kong umutang. Mag-iisang taon na ngunit hindi ko pa rin 'yon mabayaran. Simula noong bumalik ako sa trabaho ay napupunta ang walong libo na suweldo ko kada buwan sa gatas at iba pang pangangailangan ng anak ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko babayaran ang utang ko kay Aling Mildred. Pagbalik ko sa loob ay nadatnan ko si Karl sa puwesto kung saan ko siya iniwan kanina. Hawak niya pa rin ang anak ko na ngayon ay umiiyak na. Dali-dali kong kinuha si Aeon mula sa kaniya. “Pasensya na, Ate Iyana. Kung may pera lang ako, ako na talaga ang magbabayad sa utang mo. Kaso, kapos din kami ni Shiela ngayon. Alam mo na, dalawang anak na namin ang nag-aaral.” Mabilis akong umiling. “Huwag mong problemahin ang utang ko, Karl. Puntahan mo na ang asawa mo ro'n.” Gano'n ang eksena ng buhay ko hanggang sa maging apat na taong gulang si Aeon. Nakakabayad ako nang paunti-unti kay Aling Mildred ngunit nadaragdagan ko ang utang ko sa tuwing kinakapos. Mabuti na nga lang at napigilan ko siyang ipa-baranggay ako noon. Talagang halos lumuhod ako sa harap niya habang paulit-ulit na sinasabi ang sitwasyon ko. Mabuti na lang at naintindihan niya pa ako. “Mommy! Look, stars!” “Wow! Three stars? Ang galing-galing naman ng anak ko!” Ang dating dalawang trabaho ko ay naging tatlo. Halos hindi na ako matulog magawa ko lang ang lahat ng kailangan kong gawin upang mabuhay at makapag-aral ang anak ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan na ganito ang buhay ko. Habang tumatagal ay mas lalo akong nahihirapan ngunit hindi naman ako maaaring sumuko dahil nakasandal sa akin ang anak ko. Kahit anong hirap pa 'yan, basta't nakikita kong masaya si Aeon at napapakain ko siya ng tatlong beses sa isang araw, kakayanin ko. “A-Ate . . .” “Ano 'yon, Karl?” “S-Si Aeon, ate. Y-Yung anak mo, n-naaksidente.” Pero, bakit naman kailangang umabot sa ganito ang paghihirap ko? Nasa trabaho ako nang matanggap ko ang tawag na dahilan upang muling gumuho ang mundo ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Dali-dali akong pumunta sa ospital. Doon ko naabutan si Karl na naiiyak akong sinalubong. Sa likod niya ang asawang si Shiela na naluluha rin nang hinarap ako. “A-Ate, sorry. Patawad, Ate Iyana. Na-late kasi ako ng pagsundo sa kaniya dahil galing kami ng asawa ko sa palengke. H-Hindi ko alam kung paano siya nakalabas pero, isa si Aeon sa mga napuruhan ng dumaan na kotseng mabilis daw ang takbo sa harap ng school.” Tuluyan na akong humagulgol nang makita ang kalagayan ng anak ko sa loob ng emergency room. Hindi ko mabilang kung ilang tubo ang nakakabit sa kaniya upang suportahan ang kaniyang buhay. “H-Hindi siya puwedeng magtagal na ganiyan, Ate Iyana. Kailangang maoperahan agad si Aeon.” “B-Bakit hindi na siya operahan ngayon, Karl? S-Sabihin mo na sa mga doktor! H-Hindi ko kakayanin kapag mawala ang anak ko sa akin!” Lumunok si Karl at binigyan ako ng isang iling. “K-Kailangan ng bayad. Kahit kalahati lang naman daw muna. K-Kaya naman naming magbigay ni Shiela. Pero Ate Iyana, hindi sasapat 'yon. A-Aabot ng milyon ang babayaran.” Agad akong kumilos. Kinatok ko ang lahat ng pinto ng mga taong maaari kong utangan, ngunit walang nagpautang sa akin dahil takot sila na baka hindi ko sila mabayaran, gaya ng nangyari kay Aling Mildred. Sinubukan ko na ring magmakaawa sa mga amo ko sa tatlong trabaho na meron ako, ngunit tanging suweldo ko lang sa kasalukuyang buwan ang nakaya nilang ibigay. Ang hirap. Sobrang hirap. Lumuhod na ako't lahat. Ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko, pero hindi pa rin naging sapat. Kailangang maoperahan ang anak ko at isang tao na lang ang nasa isip ko na maaaring makatulong sa akin. Si Bryant. Ang tatay ng anak ko.Sa isang iglap ay napako ako sa kinatatayuan ko nang makilala kung sino ang humarang sa harap ko. Tila nabingi ako dahil nawala bigla ang ingay sa paligid ko. Maging ang mga taong tila nagwawala ay biglang bumagal ang kilos sa paningin ko na tila ba namanhid ang buong sistema ko.Ramdam ko ang unti-unting paninikip ng dibdib ko hahang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. Ang mga mata niya ay tila nagsusumamo. Kumunot ang noo ko at sinubukang lagpasan siya, ngunit maingat niyang hinawakan ang braso ko upang pigilan ang paglayo ko.“Iyana, kahit sandali lang. Gusto lang kitang makausap.”Humugot ako ng isang malalim na hininga upang subukang pakalmahin ang sarili ko.“Bakit ka ba nandito, Bryant?” kalmado ngunit may diin na tanong ko sa lalaki. “Hindi kita gustong makausap, puwede ba? Bitawan mo ako at umalis ka na.”Tuluyan ko na siyang nilagpasan. Mabilis ang naging paghinga ko dahil sa ginawa kong lakad na halos patakbo na ngunit balewala 'yon sa galit na nagsisimulang sumakop sa
Arden looked like he wanted to say something, pero hindi na niya 'yon tinuloy pa. Instead, he smiled at me.“Thank you for telling me that. Goodnight, Iyana. Sleep well.”Pilit kong inalis ang lahat ng mga tumatakbo sa isip ko upang makatulog. Lumipas ang ilang sandali at dinalaw na ako ng antok, hanggang sa tuluyan na akong nilamon nito. Nagpatuloy ang pagiging abala ni Arden sa kaniyang trabaho, ngunit hindi na 'yon tulad ng dati. Tinanong ko siya isang beses kung ano ba ang ginagawa niya, ang sagot ng lalaki ay natambakan lang naman daw siya ng mga papeles na kailangan niyang i-review para sa kaniyang kumpanya. Ngunit kahit abala ay naglalaan pa rin talaga siya ng oras para sa amin ni Aeon.Hindi naman pumapalya ang lalaki sa pagluluto para sa amin. Hindi rin siya nawawalan ng oras upang makipaglaro sa bata, kadalasan ay tuwing hapon bago matulog si Aeon.Napapansin ko rin na napapadalas na rin ang pag-inom niya tuwing gabi, ngunit hi
“Arden? Anong nangyari sa labi mo?”It was quarter-to-twelve when he arrived. Maliwanag ang ilaw sa loob ng art room kaya kitang-kita ko ang sugat sa gilid ng ibabang labi ng lalaki na mukhang bunga ng pagsuntok. 'Yon agad ang una kong napansin nang makita ko siya.“Nothing, Iyana. How's your day?”Hindi ko sinagot ang tanong niya. Sa halip ay lumapit ako sa kaniya upang kilatisin ang sugat. Halatang fresh pa 'yon at hindi pa nagagamot.“Anong nangyari sa 'yo, Arden?”Hindi siya nag-abalang sumagot sa tanong ko.Napailing na lang ako. “Trabaho ba talaga ang pinunta mo ro'n o suntukan?”Hinila ko palabas ng kuwarto ang lalaki patungo sa aming kuwarto. Pinaupo ko siya sa kama at tinaasan ng isang kilay. “Hindi mo manlang ba ako sasagutin?”“I'm fine, Iyana. Don't mind it, it's just a small cut.”Muli akong napabuntonghininga at napairap sa binigay niyang sagot sa akin. Ni wala manlang tumama sa
Hindi ko malaman ang gagawin ko. Hindi ko alam kung lilingunin ko ba ang anak ko o hindi magandang ideya 'yon dahil baka pagtingin ko muli kay Elyse ay may nakaamba na sa akin ang palad niya para sa isang sampal.Dapat bang talikuran ko na lang sila? Ngunit sa naging trato sa akin ng babae ay hindi malabong hilain niya ang buhok ko pagtalikod ko upang sabunutan.Galit siya sa akin, hindi ba? Hinintay kong magsalita siyang muli. Ngunit ang kaniyang mga mata ay nanatiling nakatitig sa anak ko na tumatakbo mula sa malayo. Napahugot ako ng isang malalim na hininga. Akala ko ay payapa ang magiging araw ko ngayon, ngunit mukhang hindi na pala.“Hindi ko gusto ng gulo, Elyse.”Napunta sa akin ang mga mata ng babae. She heaved a deep sigh as she shook her head slowly. “We're not here to cause a scene. I just wanted... to confirm something.”Kung gano'n ay mukhang nakuha na niya ang sagot na gusto niya. Nakita na niya
Arden's already attached to my son, habang ang anak ko naman ay kinikilala siya bilang tunay niyang ama. And if I am going to be true to myself, maybe... I was really attracted to Arden, and that was all because of lust. It's all just because of a mere physical attraction and nothing more. We both benefit from each other, at lahat ng 'yon ay napagkasunduan.“Fuck.”“Arden...”Hinihingal kong binagsak ang katawan ko sa ibabaw niya matapos maramdaman ang mainit na katas ng lalaki sa loob ko. Kanina pa ako nilabasan. Napamura na lang ako sa isip ko nang mapagtanto na tatlong beses pa nga 'yon.This was the first time that we tried this position. “How was it? Do you like riding me?” Nahampas ko ang dibdib ni Arden dahil sa tanong niya na 'yon. “M-Masarap...”Naramdaman ko ang maingat na pagsuklay ng mga daliri niya sa buhok ko.“Wanna do it again?”“Pagod na ako, Arden!” natatawang sagot ko.
Inaya ako ni Arden palabas ng office niya papunta sa isa sa mga bakanteng kuwarto sa taas—na hindi na pala bakante ngayon. Ilang beses akong napakurap nang makita ang mga bagay na nasa loob ng kuwarto. Iba't ibang size ng mga canvas, sandamakmak na paint brushes na iba-iba ang size at tip, at kumpletong kulay ng acrylic paint at gouache na tila mamahalin pa ang brand.Napamura ako sa isip ko. Kahit yata pagsama-samahin ang isang taong suweldo ko sa tatlo kong trabaho dati ay hindi ko pa rin maaafford ang mga 'to.“You used to paint, right?”Gulat akong lumingon kay Arden. Hindi pa rin ako makapaniwala. I mean, pangarap kong magkaroon ng gan'to lalo na noong college ako! Hindi ko lang talaga mabili dahil wala akong pera. Pero, this is what I really wanted back then. “Kagabi lang sila dumating. Last week ko pa in-order ang mga 'to.”“P-Paano mo nalaman na...”Hindi ko na naituloy pa ang dapat na sasabihin ko. Agad akong







