LOGIN“That's just divorce papers, Iyana. Gaano ba kahirap sa 'yo ang pumirma?!”
Napasinghap ako sa takot dahil sa galit at malakas na sigaw ng lalaki. Ang namumuong luha sa mga mata ko ay tuluyang kumawala habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. “M-Mahirap, Bryant. Mahirap k-kasi mahal kita. Sabi mo, mahal mo rin ako, 'di ba?” Tumawa siya. “Hindi mo pa rin ba nakukuha hanggang ngayon? Paulit-ulit na lang, Iyana! Hindi na kita mahal!” Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko. “Nawala na, Iyana. Hindi na kita mahal.” Paulit-ulit. Diin na diin. Tila wala lang sa kaniya na sabihin sa akin na hindi na niya ako mahal. Tila wala lang sa kaniya na paulit-ulit akong nadudurog sa harapan niya dahil sa mga sinasabi niya. “P-Paano?” Bakit ang bilis naman yata? Parang kahapon lang noong inaya niya akong magpakasal. Parang kahapon lang noong sinabi niya sa akin na mahal na mahal niya ako sa harap ng altar. Anong nangyari? Bakit ang bilis? “S-Simula noong nakilala ko si Elyse . . .” Napahilamos siya sa mukha gamit ang mga palad. He looked more frustrated than I was. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung paano niya nasasabi nang gano'n na lang kadali ang mga salitang 'yon. “Hindi ko alam, Iyana. I lost the sparks with you. H-Hindi ko na ramdam. Hindi na kita mahal.” “B-Bryant! H-Hindi naman puwedeng ganito na lang. Paano naman ako? M-Mahal pa kita.” Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. “May nangyari sa amin ni Elyse. We're expecting a child soon. Kailangan ko siyang panagutan.” Hindi ako makapaniwalang tumigin sa kaniya. “M-May nangyari sa inyo . . . habang tayo pa?” “For fuck's sake, Iyana! I gave you these divorce papers one month ago! Isang buwan na simula noong sinabi ko na hindi na kita mahal! Ano pa bang hindi mo maintindihan?!” Umiling ako. “Y-You cheated on me. Pananagutan mo siya pero ako? Iiwan mo? Ano, Bryant? Kasal pa tayo—” “Let's stop this bullshit!” malakas na sigaw niya na sigurado akong narinig sa buong mansyon. “You will sign that divorce papers! Sa ayaw at sa gusto mo! Ako na ang nagsasabi sa 'yo, wala ka nang makukuha sa akin.” Just like that, he left me with the few pages of papers he wanted me to sign. Gano'n na lang ba talaga 'yon? Ibig sabihin, wala lang talaga sa kaniya ang nangyari sa amin noong gabing 'yon? Wala lang sa kaniya ang nangyari sa amin mahigit isang buwan na ang nakalilipas? Pareho kaming lasing noon ngunit malinaw na malinaw sa alaala ko na ilang beses niya akong inangkin noong gabing 'yon. Bakit tila hindi niya manlang maalala? I didn't hear him say that he love me, pero naramdaman ko. Sa bawat halik at haplos niya sa akin, naramdaman ko. Wala lang ba talaga sa kaniya 'yon? Pumasok ako sa kuwarto ko at doon humagulgol nang malakas. Nanghihina akong umupo sa kama ko. Nilapag ko ang envelope na hawak ko sa tabi ng positive pregnancy test result na binalak ko pa na ipakita sa kaniya. Kasabay ng pagdampot ko ro'n ay ang marahang paghaplos ko sa tiyan ko. Paano ang anak namin? Tila gumuho ang mundo ko noong mga oras na 'yon. Gigising akong mugto ang mga mata at matutulog na humahagulgol. Ilang araw kong natutulugan ang pag-iyak ko. Alam kong masama 'yon para sa batang dinadala ko, ngunit sobra-sobra ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan. Pagkatapos kong matanggap na wala na talagang pag-asa na maayos ang pagsasama namin ni Bryant, I signed the divorce papers, gaya ng gusto niya. Alam kong hangga't nandito ako sa mansyon ng mga Gromeo ay hindi gagaan ang pakiramdam ko at mas lalo lang gugulo ang buhay ko. Hindi ko gustong may mangyaring masama sa anak ko kaya binigay ko kung ano ang gusto ni Bryant. Ang anak ko na lang ang tanging meron ako sa ngayon. Hindi ko hahayaan na pati siya ay mawala pa sa akin. Mahal ko pa si Bryant at hindi ko gustong mawala ang magsisilbing alaala ko mula sa kaniya. Bukas na ang nakatakdang pag-alis ko. Walang silbi ang plano kong pagpapaalam kay Bryant dahil hindi na niya ako pinapansin. Simula noong pinirmahan ko ang divorce papers namin, tila hangin na lang ako sa kaniya kung daanan. Kahit hindi niya sabihin, alam kong hinihintay na lang niya ako na umalis. Alam ko rin na anumang oras mula ngayon, siya na mismo ang magpapalayas sa akin. Kaya bago pa man mangyari 'yon, ako na ang gagawa. Hindi ko gusto na madagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko. Bago pa man mahalata ng kung sino man dito sa mansyon na buntis ako, aalis na ako. “He lied to you.” Papasok na ako sa kuwarto ko nang marinig ko ang malalim at malamig na boses na 'yon. Lumingon ako at nakita si Arden, ang nakatatandang kapatid ni Bryant. “Anong ibig mong sabihin?” “Bryant didn't love you. He just used you to claim the company before I could even marry.” I clenched my fists. “W-Wala kang karapatang sabihin 'yan, Arden. He loved me. Kahit papaano, minahal ako ng kapatid mo.” Ngumisi siya. “You don't know it, do you? I guess no one ever told you. Every maid in this mansion knows that he met Elyse first than you. He loved Elyse first— I don't think Bryant stopped loving her. Hindi ka niya minahal.” Nagsimulang manubig ang mga mata ko. Tama na. Sobra na akong nasasaktan. Paulit-ulit ko na lang na naririnig ang mga salitang 'yon. Pagod na pagod na ako. “Kung totoo nga 'yan, kung talagang mas nauna niyang minahal si Elyse, bakit hindi siya ang pinakasalan ni Bryant? Bakit ako ang pinakasalan niya? Nagsisinungaling ka!” Sumandal siya sa pader na kaharap lang ng pinto ng kuwarto ko. “The answer is simple: Elyse doesn't love him back then. Ikaw ang nandiyan, kaya ikaw ang pinakasalan. He was that desperate to get the company from me.” Mabigat ang paghinga ko. Tuluyan na akong humagulgol sa harap ni Arden habang pinapagtanto ang lahat ng bagay. Did I become a fool to not realize that on my own? Masiyado ba akong nalunod sa pagmamahal ko para kay Bryant para hindi makita na peke ang pagmamahal na pinakita niya sa akin dati? Bakit naman gano'n? “I can offer you something.” Inangat ko ang tingin kay Arden. Marahas kong pinunasan ang mga luha ko at pinilit ang sarili na tumigil mula sa pag-iyak. “Marry me. I'll make you my wife. I can save you from shame at the same time I can get the company back.” Tumawa ako nang mapait. “Ano? Gagamitin nanaman ako?” Nanghihina akong tumingin nang diretso sa mga mata niya. “Gagamitin mo rin ako para makuha ang gusto mo?” Hindi naman ako pinanganak para gamit-gamitin lang ng kung sino-sino! “I'll use you and you'll use me. It's simple as that.” Sinabi niya 'yon na tila isa lamang itong simpleng bagay— simple na tila isa lamang kaming estudyante na nagbabalak magpalitan ng sagot sa isang pagsusulit. Hindi ko na kayang magpagamit muli. Mariin akong umiling sa kaniya. “I can't marry you, Arden. I'm sorry.”Sa isang iglap ay napako ako sa kinatatayuan ko nang makilala kung sino ang humarang sa harap ko. Tila nabingi ako dahil nawala bigla ang ingay sa paligid ko. Maging ang mga taong tila nagwawala ay biglang bumagal ang kilos sa paningin ko na tila ba namanhid ang buong sistema ko.Ramdam ko ang unti-unting paninikip ng dibdib ko hahang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. Ang mga mata niya ay tila nagsusumamo. Kumunot ang noo ko at sinubukang lagpasan siya, ngunit maingat niyang hinawakan ang braso ko upang pigilan ang paglayo ko.“Iyana, kahit sandali lang. Gusto lang kitang makausap.”Humugot ako ng isang malalim na hininga upang subukang pakalmahin ang sarili ko.“Bakit ka ba nandito, Bryant?” kalmado ngunit may diin na tanong ko sa lalaki. “Hindi kita gustong makausap, puwede ba? Bitawan mo ako at umalis ka na.”Tuluyan ko na siyang nilagpasan. Mabilis ang naging paghinga ko dahil sa ginawa kong lakad na halos patakbo na ngunit balewala 'yon sa galit na nagsisimulang sumakop sa
Arden looked like he wanted to say something, pero hindi na niya 'yon tinuloy pa. Instead, he smiled at me.“Thank you for telling me that. Goodnight, Iyana. Sleep well.”Pilit kong inalis ang lahat ng mga tumatakbo sa isip ko upang makatulog. Lumipas ang ilang sandali at dinalaw na ako ng antok, hanggang sa tuluyan na akong nilamon nito. Nagpatuloy ang pagiging abala ni Arden sa kaniyang trabaho, ngunit hindi na 'yon tulad ng dati. Tinanong ko siya isang beses kung ano ba ang ginagawa niya, ang sagot ng lalaki ay natambakan lang naman daw siya ng mga papeles na kailangan niyang i-review para sa kaniyang kumpanya. Ngunit kahit abala ay naglalaan pa rin talaga siya ng oras para sa amin ni Aeon.Hindi naman pumapalya ang lalaki sa pagluluto para sa amin. Hindi rin siya nawawalan ng oras upang makipaglaro sa bata, kadalasan ay tuwing hapon bago matulog si Aeon.Napapansin ko rin na napapadalas na rin ang pag-inom niya tuwing gabi, ngunit hi
“Arden? Anong nangyari sa labi mo?”It was quarter-to-twelve when he arrived. Maliwanag ang ilaw sa loob ng art room kaya kitang-kita ko ang sugat sa gilid ng ibabang labi ng lalaki na mukhang bunga ng pagsuntok. 'Yon agad ang una kong napansin nang makita ko siya.“Nothing, Iyana. How's your day?”Hindi ko sinagot ang tanong niya. Sa halip ay lumapit ako sa kaniya upang kilatisin ang sugat. Halatang fresh pa 'yon at hindi pa nagagamot.“Anong nangyari sa 'yo, Arden?”Hindi siya nag-abalang sumagot sa tanong ko.Napailing na lang ako. “Trabaho ba talaga ang pinunta mo ro'n o suntukan?”Hinila ko palabas ng kuwarto ang lalaki patungo sa aming kuwarto. Pinaupo ko siya sa kama at tinaasan ng isang kilay. “Hindi mo manlang ba ako sasagutin?”“I'm fine, Iyana. Don't mind it, it's just a small cut.”Muli akong napabuntonghininga at napairap sa binigay niyang sagot sa akin. Ni wala manlang tumama sa
Hindi ko malaman ang gagawin ko. Hindi ko alam kung lilingunin ko ba ang anak ko o hindi magandang ideya 'yon dahil baka pagtingin ko muli kay Elyse ay may nakaamba na sa akin ang palad niya para sa isang sampal.Dapat bang talikuran ko na lang sila? Ngunit sa naging trato sa akin ng babae ay hindi malabong hilain niya ang buhok ko pagtalikod ko upang sabunutan.Galit siya sa akin, hindi ba? Hinintay kong magsalita siyang muli. Ngunit ang kaniyang mga mata ay nanatiling nakatitig sa anak ko na tumatakbo mula sa malayo. Napahugot ako ng isang malalim na hininga. Akala ko ay payapa ang magiging araw ko ngayon, ngunit mukhang hindi na pala.“Hindi ko gusto ng gulo, Elyse.”Napunta sa akin ang mga mata ng babae. She heaved a deep sigh as she shook her head slowly. “We're not here to cause a scene. I just wanted... to confirm something.”Kung gano'n ay mukhang nakuha na niya ang sagot na gusto niya. Nakita na niya
Arden's already attached to my son, habang ang anak ko naman ay kinikilala siya bilang tunay niyang ama. And if I am going to be true to myself, maybe... I was really attracted to Arden, and that was all because of lust. It's all just because of a mere physical attraction and nothing more. We both benefit from each other, at lahat ng 'yon ay napagkasunduan.“Fuck.”“Arden...”Hinihingal kong binagsak ang katawan ko sa ibabaw niya matapos maramdaman ang mainit na katas ng lalaki sa loob ko. Kanina pa ako nilabasan. Napamura na lang ako sa isip ko nang mapagtanto na tatlong beses pa nga 'yon.This was the first time that we tried this position. “How was it? Do you like riding me?” Nahampas ko ang dibdib ni Arden dahil sa tanong niya na 'yon. “M-Masarap...”Naramdaman ko ang maingat na pagsuklay ng mga daliri niya sa buhok ko.“Wanna do it again?”“Pagod na ako, Arden!” natatawang sagot ko.
Inaya ako ni Arden palabas ng office niya papunta sa isa sa mga bakanteng kuwarto sa taas—na hindi na pala bakante ngayon. Ilang beses akong napakurap nang makita ang mga bagay na nasa loob ng kuwarto. Iba't ibang size ng mga canvas, sandamakmak na paint brushes na iba-iba ang size at tip, at kumpletong kulay ng acrylic paint at gouache na tila mamahalin pa ang brand.Napamura ako sa isip ko. Kahit yata pagsama-samahin ang isang taong suweldo ko sa tatlo kong trabaho dati ay hindi ko pa rin maaafford ang mga 'to.“You used to paint, right?”Gulat akong lumingon kay Arden. Hindi pa rin ako makapaniwala. I mean, pangarap kong magkaroon ng gan'to lalo na noong college ako! Hindi ko lang talaga mabili dahil wala akong pera. Pero, this is what I really wanted back then. “Kagabi lang sila dumating. Last week ko pa in-order ang mga 'to.”“P-Paano mo nalaman na...”Hindi ko na naituloy pa ang dapat na sasabihin ko. Agad akong







