Masuk“K-Kailangang operahan ang anak ko dahil may namuong dugo sa utak niya pagkatapos ng aksidente . . .”
Nanginginig ang mga kamay ko habang inaabot kay Arden ang envelope na naglalaman ng medical records ng anak ko na hindi manlang nagawang tapunan ng tingin ni Elyse kanina. “B-Baka hindi ka naniniwala—” “Where is your son?” Hindi na ako pinatapos pa na magsalita ni Arden. Agad niya akong pinasakay sa kotse niya at pinatakbo 'yon palayo sa mansyon. Bumilis ang pagpapatakbo ng lalaki pagkatapos kong ibigay ang address ng ospital kung saan kasalukuyang naka-confine ang anak ko. Tila nabawasan ang bigat na nararamdaman ko noong mga oras na 'yon at nakahinga ako nang maluwag. Alam kong tutulungan ako ni Arden dahil sa kasunduan namin. Maooperahan na ang anak ko. “You should've told me you have a son, Iyana.” May diin at seryoso ang pagkakasabi niyon ni Arden habang nasa daan ang tingin at nagmamaneho. “Hindi sana kita hinayaang umalis noon.” Bakas ang panghihinayang at pagsisisi sa boses ng lalaki. “S-Sinadya ko 'yon dahil . . . ang akala ko ay hindi na ako babalik dito.” Napailing si Arden. “Fuck. If only I knew . . .” Anim na oras ang inabot ng biyahe ko papunta sa mansyon ng mga Gromeo. Ngunit dahil mabilis ang pagpapatakbo ni Arden at ibang route ang dinaanan niya, mahigit isang oras lang at nakarating agad kami sa ospital kung nasaan ang anak ko. Naging mabilis ang pangyayari. I don't know how Arden managed to move my son into a private hospital at the same day. Siya na rin ang nagbayad ng bill sa ospital kung saan galing ang anak ko. Walang nasayang na oras at agad naoperahan si Aeon pagkalipat na pagkalipat sa bagong ospital. “Your son will be fine. Sinigurado ko na mga magagaling na doktor ang mag-oopera sa kaniya.” Wala akong ibang inisip kundi ang anak ko. Wala akong ibang pinagdasal kundi maging matagumpay ang operasyon ni Aeon. Mula sa ilang oras na paghagulgol ko sa loob ng chapel ng ospital hanggang sa paghihintay ko sa labas ng operating room habang inooperahan ang anak ko, hindi ako hinayaang mag-isa ni Arden. “Maraming salamat talaga, Arden. Huwag kang mag-alala, I'll do my part on our deal. Iyon lang ang magagawa ko upang suklian ang pagtulong mo sa anak ko.” Nakapikit ang lalaki habang nakaupo sa tabi ko at nakasandal ang ulo sa pader na nasa likod namin. “Don't think about it for now, Iyana.” Ilang oras ang nakalipas at natupad ang panalangin ko. Halos bitayin na ako sa kaba nang makita ang pagbukas ng pinto at ang paglabas ng mga doktor mula sa operating room. “The operation went successful. Hihintayin na lang magising ang bata.” Muli akong napahagulgol, pero sa pagkakataong ito, dahil na sa hindi matutumbasang saya na nararamdaman ko. Ligtas na ang anak ko. Nilipat si Aeon sa isang private room mula sa operating room. Noong puwede na ay agad akong pumasok sa kuwarto ng anak ko kasama si Arden. I couldn't stop crying when I saw his situation. May mga nakakabit pa rin sa kaniya na mga medical apparatus pero nabawasan na. Bakit ang anak ko pa? Sana ako na lang. Ako na lang sana ang naaksidente nang hindi siya ang nahihirapan ngayon. I could feel Arden's deep breathing behind me. Titig na titig siya kay Aeon. “How old is he?” His voice was hoarse. Umupo siya sa tabi ko habang hindi inaalis ang mga mata sa anak ko. “T-Turning five next month.” “Can you tell me what exactly happened to him?” Nilahad ko kay Arden ang nangyaring aksidente sa anak ko gaya ng sinabi sa akin ni Karl. I noticed how his fists clenched while seriously listening on what I was saying. “Una sa lahat, hindi dapat nila pinalabas ang isang preschooler dahil wala pa siyang sundo.” Humikbi ako. “S-Si Karl sana ang susundo sa kaniya. H-Hindi ko siya nasundo dahil may trabaho ako. K-Kasalanan ko . . . m-mas inuuna ko ang pera kaysa sa anak ko.” “Stop blaming yourself. It was an accident. Hindi mo kasalanan ang nangyari.” Hindi nga ba? Pakiramdam ko ay ang sama-sama kong ina. Napabayaan ko ang anak ko. Napabayaan ko si Aeon. “Can you tell me the name of the school?” Pagkatapos kong sabihin sa kaniya ang pangalan ng eskwelahan kung saan nag-aaral ang anak ko, tumayo mula sa tabi ko si Arden. “Dito ka lang. I'll just make some phone calls. Bibili na rin ako ng pagkain. Anong gusto mong kainin?” “Kahit ano, Arden. Maraming salamat talaga.” Tumango siya. “Wait for me here.” Hinayaan ko siyang umalis at muli kong binaling ang atensyon ko sa anak ko. Buong pag-iingat kong inabot ang kamay niya upang halikan nang paulit-ulit. “G-Gising ka na, anak ko. Nandito lang si Mommy . . .” Kalahating oras mula noong umalis si Arden ay dumating si Karl. “Ate, kumusta? Okay na ba ang poging pamangkin ko?” Niyakap ako ni Karl na agad kong sinuklian. Isa ang yakap sa mga kailangan ko ngayon. Si Karl, gagawin niya ang lahat upang tulungan kami ng anak ko. Mula noong nalaman niya na buntis ako pag-uwi ko hanggang sa panganganak ko, hindi niya ako pinabayaan. Kasama ko rin siya sa pagpapalaki kay Aeon. Akala ng lahat, patay na ang anak ko pagkatapos ng aksidente. Pero si Karl? Nang makita niya si Aeon ay agad niyang tinakbo si Aeon sa ospital. Hindi makakaligtas ang anak ko kung hindi rin dahil sa kapatid ko. “Hinihintay na lang magising si Aeon.” Nilingon niya si Aeon kasabay ng pagpapakawala ng isang malalim na hininga. “Salamat sa Diyos.” Inabot niya sa akin ang paper bag na hawak niya. “Kumain ka na ba, ate?” Umiling ako bilang sagot. Napakamot naman siya bigla sa ulo. “Kanin lang ang dala ko, ate. Sandali at bibili ako ng ulam sa—” “Hindi na, Karl. Bumaba na si Arden para bumili. Magpahinga ka na lang muna rito.” Umupo ang kapatid ko sa tabi ko. Lumipas ang ilang minuto at katahimikan ang namagitan sa amin. Ramdam ko na hindi mapakali si Karl sa tabi ko at lingon nang lingon sa akin na tila may nais sabihin. Bumuntong-hininga ako. “Ano 'yon, Karl?” Alanganin siyang ngumiti sa akin. “K-Kamukha ni Aeon yung lalaki, Ate Iyana. Siya ba ang tatay ng anak mo?”Sa isang iglap ay napako ako sa kinatatayuan ko nang makilala kung sino ang humarang sa harap ko. Tila nabingi ako dahil nawala bigla ang ingay sa paligid ko. Maging ang mga taong tila nagwawala ay biglang bumagal ang kilos sa paningin ko na tila ba namanhid ang buong sistema ko.Ramdam ko ang unti-unting paninikip ng dibdib ko hahang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. Ang mga mata niya ay tila nagsusumamo. Kumunot ang noo ko at sinubukang lagpasan siya, ngunit maingat niyang hinawakan ang braso ko upang pigilan ang paglayo ko.“Iyana, kahit sandali lang. Gusto lang kitang makausap.”Humugot ako ng isang malalim na hininga upang subukang pakalmahin ang sarili ko.“Bakit ka ba nandito, Bryant?” kalmado ngunit may diin na tanong ko sa lalaki. “Hindi kita gustong makausap, puwede ba? Bitawan mo ako at umalis ka na.”Tuluyan ko na siyang nilagpasan. Mabilis ang naging paghinga ko dahil sa ginawa kong lakad na halos patakbo na ngunit balewala 'yon sa galit na nagsisimulang sumakop sa
Arden looked like he wanted to say something, pero hindi na niya 'yon tinuloy pa. Instead, he smiled at me.“Thank you for telling me that. Goodnight, Iyana. Sleep well.”Pilit kong inalis ang lahat ng mga tumatakbo sa isip ko upang makatulog. Lumipas ang ilang sandali at dinalaw na ako ng antok, hanggang sa tuluyan na akong nilamon nito. Nagpatuloy ang pagiging abala ni Arden sa kaniyang trabaho, ngunit hindi na 'yon tulad ng dati. Tinanong ko siya isang beses kung ano ba ang ginagawa niya, ang sagot ng lalaki ay natambakan lang naman daw siya ng mga papeles na kailangan niyang i-review para sa kaniyang kumpanya. Ngunit kahit abala ay naglalaan pa rin talaga siya ng oras para sa amin ni Aeon.Hindi naman pumapalya ang lalaki sa pagluluto para sa amin. Hindi rin siya nawawalan ng oras upang makipaglaro sa bata, kadalasan ay tuwing hapon bago matulog si Aeon.Napapansin ko rin na napapadalas na rin ang pag-inom niya tuwing gabi, ngunit hi
“Arden? Anong nangyari sa labi mo?”It was quarter-to-twelve when he arrived. Maliwanag ang ilaw sa loob ng art room kaya kitang-kita ko ang sugat sa gilid ng ibabang labi ng lalaki na mukhang bunga ng pagsuntok. 'Yon agad ang una kong napansin nang makita ko siya.“Nothing, Iyana. How's your day?”Hindi ko sinagot ang tanong niya. Sa halip ay lumapit ako sa kaniya upang kilatisin ang sugat. Halatang fresh pa 'yon at hindi pa nagagamot.“Anong nangyari sa 'yo, Arden?”Hindi siya nag-abalang sumagot sa tanong ko.Napailing na lang ako. “Trabaho ba talaga ang pinunta mo ro'n o suntukan?”Hinila ko palabas ng kuwarto ang lalaki patungo sa aming kuwarto. Pinaupo ko siya sa kama at tinaasan ng isang kilay. “Hindi mo manlang ba ako sasagutin?”“I'm fine, Iyana. Don't mind it, it's just a small cut.”Muli akong napabuntonghininga at napairap sa binigay niyang sagot sa akin. Ni wala manlang tumama sa
Hindi ko malaman ang gagawin ko. Hindi ko alam kung lilingunin ko ba ang anak ko o hindi magandang ideya 'yon dahil baka pagtingin ko muli kay Elyse ay may nakaamba na sa akin ang palad niya para sa isang sampal.Dapat bang talikuran ko na lang sila? Ngunit sa naging trato sa akin ng babae ay hindi malabong hilain niya ang buhok ko pagtalikod ko upang sabunutan.Galit siya sa akin, hindi ba? Hinintay kong magsalita siyang muli. Ngunit ang kaniyang mga mata ay nanatiling nakatitig sa anak ko na tumatakbo mula sa malayo. Napahugot ako ng isang malalim na hininga. Akala ko ay payapa ang magiging araw ko ngayon, ngunit mukhang hindi na pala.“Hindi ko gusto ng gulo, Elyse.”Napunta sa akin ang mga mata ng babae. She heaved a deep sigh as she shook her head slowly. “We're not here to cause a scene. I just wanted... to confirm something.”Kung gano'n ay mukhang nakuha na niya ang sagot na gusto niya. Nakita na niya
Arden's already attached to my son, habang ang anak ko naman ay kinikilala siya bilang tunay niyang ama. And if I am going to be true to myself, maybe... I was really attracted to Arden, and that was all because of lust. It's all just because of a mere physical attraction and nothing more. We both benefit from each other, at lahat ng 'yon ay napagkasunduan.“Fuck.”“Arden...”Hinihingal kong binagsak ang katawan ko sa ibabaw niya matapos maramdaman ang mainit na katas ng lalaki sa loob ko. Kanina pa ako nilabasan. Napamura na lang ako sa isip ko nang mapagtanto na tatlong beses pa nga 'yon.This was the first time that we tried this position. “How was it? Do you like riding me?” Nahampas ko ang dibdib ni Arden dahil sa tanong niya na 'yon. “M-Masarap...”Naramdaman ko ang maingat na pagsuklay ng mga daliri niya sa buhok ko.“Wanna do it again?”“Pagod na ako, Arden!” natatawang sagot ko.
Inaya ako ni Arden palabas ng office niya papunta sa isa sa mga bakanteng kuwarto sa taas—na hindi na pala bakante ngayon. Ilang beses akong napakurap nang makita ang mga bagay na nasa loob ng kuwarto. Iba't ibang size ng mga canvas, sandamakmak na paint brushes na iba-iba ang size at tip, at kumpletong kulay ng acrylic paint at gouache na tila mamahalin pa ang brand.Napamura ako sa isip ko. Kahit yata pagsama-samahin ang isang taong suweldo ko sa tatlo kong trabaho dati ay hindi ko pa rin maaafford ang mga 'to.“You used to paint, right?”Gulat akong lumingon kay Arden. Hindi pa rin ako makapaniwala. I mean, pangarap kong magkaroon ng gan'to lalo na noong college ako! Hindi ko lang talaga mabili dahil wala akong pera. Pero, this is what I really wanted back then. “Kagabi lang sila dumating. Last week ko pa in-order ang mga 'to.”“P-Paano mo nalaman na...”Hindi ko na naituloy pa ang dapat na sasabihin ko. Agad akong







