LOGINMay pagkakahawig si Arden at Bryant kaya malamang ay hindi imposibleng maging kamukha rin ng anak ko si Arden. Dugong Gromeo ang nananalaytay sa anak ko.
Agad akong umiling sa tanong ng kapatid ko. “Kapatid ni Bryant si Arden. Hindi siya ang ama ni Aeon.” Nalukot ang mukha ng lalaki. “Bakit siya ang tumutulong sa anak mo, Ate Iyana? Hindi ba dapat yung magaling niyang tatay? Nasaan ba ang lalaking 'yon? Bakit hindi niya manlang magawang panagutan ang anak niya?” Hindi ako agad nakapagsalita. Bakas ang galit sa boses ni Karl. Nabahala ako na baka totohanin niya talaga ang banta niya na ipapakulam niya si Bryant sa oras na malaman niya ang dahilan. Bago pa man muling makapagtanong si Karl ay maingat na bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Arden na may dala-dalang mga paper bag galing sa isang kilalang fast food chain. Agad kaming tumayo ni Karl. Tutulungan ko sana ang lalaki sa mga bitbit niya pero hindi niya ako hinayaan. Nakita ko kung paano tumingin si Karl kay Arden na tila sinusuri niya ang buong pagkatao ng lalaki. “Arden . . .” Kinuha ko ang atensyon ng lalaki. Nagtama ang mga mata namin nang itaas ko ang tingin ko sa kaniya. Nakatingin na pala sa akin si Arden. “Kapatid ko nga pala, si Karl. Nakita mo na siya, doon sa ospital na pinanggalingan ni Aeon.” Ibinaba muna ni Arden ang mga dala sa lamesa bago binigyan ng maliit na ngiti ang kapatid ko. Arden rarely smile when meeting someone new, kaya malaking bagay na 'yon. Naglahad pa nga ng kamay ang lalaki kay Karl. “I'm Arden.” Agad tinanggap ng kapatid ko ang kamay ni Arden. Nakipag-kamay siya at bahagya ring ngumiti sa lalaki. “Nice meeting you po, Sir Arden—” “Just my name, Karl. If it pleases you.” Awkward na tumawa ang kapatid ko. “Pasensya na, Arden. Maraming salamat pala sa pagtulong sa kapatid ko at sa pamangkin ko. Dahil sa 'yo, ligtas na si Aeon.” Isang tango ang binigay ni Arden sa kapatid ko. “I'll continue helping as long as I can.” Hindi ako sigurado kung sasabihin ko pa kay Karl ang naging kasunduan namin ni Arden. Kaya lang naman niya tinulungan ang anak ko kapalit ng pagpapakasal ko sa kaniya para makuha niya ang kumpanya mula kay Bryant. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Karl kapag nalaman niya na muli akong magpapakasal sa isang Gromeo. Nag-aalangan akong sabihin sa kaniya dahil . . . baka hindi siya umayon. Pinagsaluhan naming tatlo ang mga pagkain na binili ni Arden. Madami na 'yon para sa amin. Noong una ay nahiya pa si Karl nang sabihan siya ni Arden na kumain kasama kami. Pero dahil alam kong nagsinungaling lamang siya noong sinabi niya na kumain na siya, ako na mismo ang nagbigay ng pagkain sa kaniya. Dahil sa sobrang gutom ko ay nakain ko pa nga ang kanin na dala niya. Ilang oras kong pinigilan ang sarili ko na kumain dahil gusto ko na ako ang sasalubong sa doktor pagkatapos ng operasyon ng anak ko. Dahil doon, ilang beses ko ring tinanggihan si Arden sa tuwing aalukin niya ako ng pagkain. Nagmatigas talaga ako. Ang ending, ilang oras din na hindi kumain ang lalaki dahil sinamahan niya talaga ako. Hindi niya ako iniwan. Pagkatapos kumain, ilang oras kaming naghintay, ngunit hindi pa rin nagising ang anak ko. Ang sabi ng doktor, normal lang daw 'yon. Ilang oras talaga ang aabutin bago magising ang anak ko mula sa operasyon. Nasa tabi lang ako ni Aeon hanggang sa dumating ang oras ng pag-alis ni Karl dahil lumalalim na rin ang gabi. “Hindi ka ba muna uuwi, Ate Iyana?” Agad akong umiling. “Gusto kong nandito ako paggising ng anak ko, Karl.” Napakamot siya sa ulo niya. “Hindi ka ba kukuha ng damit mo? Ilang araw ka ring mananatili rito.” Ibinigay ko sa kaniya ang susi ng bahay. “Kuhanan mo na lang ako ng damit.” Nanatiling nakapatong ang ulo ko sa kama ng anak ko habang hawak-hawak ang kamay niya. Hindi naman umalma si Karl at kinuha ang susi mula sa nakalahad na kamay ko. “Sige, Ate Iyana. Magpapatulong na lang ako kay Shiela. Pupunta kami rito bukas ng umaga para dalhin ang mga gamit mo.” Tumango ako nang hindi lumilingon sa kapatid. “Mag-iingat ka, Karl.” Narinig ko rin ang sandaling pag-uusap ni Arden at ng kapatid ko bago ito tuluyang umalis. Sa pagsara ng pinto, nabalot ng katahimikan ang buong kuwarto. Tanging ang tunog lamang na nagmumula sa makinang nakakabit sa anak ko ang maririnig. Ilang minuto na gano'n. Ramdam ko ang pagtitig sa akin ni Arden hanggang sa muli siyang magsalita. “I'll just go get something from my car. I'll be quick.” Tanging tango lang ang binigay ko sa kaniya nang hindi lumilingon. Hindi ko nabilang kung ilang minuto akong nakatitig sa anak ko. Nakaupo lang ako sa tabi ng kaniyang kama hanggang sa tuluyan akong lamunin ng antok. Nagising na lang ako na nakahiga na sa malambot na sofa bed habang nakabalot sa kumot. Tahimik pa rin ang buong kuwarto. Hindi ko alam kung ilang oras ang tulog ko hanggang sa mapadpad ang mga mata ko sa orasan. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat nang mapagtantong siyam na oras akong natulog. Shit. Nilingon ko ang anak ko na nakahiga pa rin sa kama. Nang ilibot ko ang paningin ko sa loob ng kuwarto ay hindi ko nakita si Arden. Mukhang lumabas ang lalaki. Tumayo ako at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang paggalaw ng kanang kamay ng anak ko. Dali-dali akong gumalaw palapit kay Aeon. “A-Aeon? Anak ko?” My lips parted when slowly, my son's eyes opened. Agad lumuha ang mga mata ko nang magtama ang mga mata namin ni Aeon. “A-Anak ko . . . gising ka na!” Hinalikan ko nang may buong pag-iingat ang bawat parte ng mukha ng anak ko dahil sa saya. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha mula sa mga mata ko dahil sa labis na tuwa. Gising na ang anak ko. Gising na si Aeon. “N-Nandito si Mommy, Aeon. Naririnig mo ba ako, anak ko?” “M-Mommy . . .” Ramdam ko ang hirap sa pagsasalita niya. Hindi ko napigilan at tuluyan ko na siyang niyakap. “Y-Yes, nandito lang si Mommy. H-Hindi ka iiwan ni Mommy. A-Anong nararamdaman ng baby ko?” Ang mga sumunod na salitang binitawan ng anak ko ang hindi ko inaasahan. “M-Mommy, where's d-daddy?”Sa isang iglap ay napako ako sa kinatatayuan ko nang makilala kung sino ang humarang sa harap ko. Tila nabingi ako dahil nawala bigla ang ingay sa paligid ko. Maging ang mga taong tila nagwawala ay biglang bumagal ang kilos sa paningin ko na tila ba namanhid ang buong sistema ko.Ramdam ko ang unti-unting paninikip ng dibdib ko hahang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. Ang mga mata niya ay tila nagsusumamo. Kumunot ang noo ko at sinubukang lagpasan siya, ngunit maingat niyang hinawakan ang braso ko upang pigilan ang paglayo ko.“Iyana, kahit sandali lang. Gusto lang kitang makausap.”Humugot ako ng isang malalim na hininga upang subukang pakalmahin ang sarili ko.“Bakit ka ba nandito, Bryant?” kalmado ngunit may diin na tanong ko sa lalaki. “Hindi kita gustong makausap, puwede ba? Bitawan mo ako at umalis ka na.”Tuluyan ko na siyang nilagpasan. Mabilis ang naging paghinga ko dahil sa ginawa kong lakad na halos patakbo na ngunit balewala 'yon sa galit na nagsisimulang sumakop sa
Arden looked like he wanted to say something, pero hindi na niya 'yon tinuloy pa. Instead, he smiled at me.“Thank you for telling me that. Goodnight, Iyana. Sleep well.”Pilit kong inalis ang lahat ng mga tumatakbo sa isip ko upang makatulog. Lumipas ang ilang sandali at dinalaw na ako ng antok, hanggang sa tuluyan na akong nilamon nito. Nagpatuloy ang pagiging abala ni Arden sa kaniyang trabaho, ngunit hindi na 'yon tulad ng dati. Tinanong ko siya isang beses kung ano ba ang ginagawa niya, ang sagot ng lalaki ay natambakan lang naman daw siya ng mga papeles na kailangan niyang i-review para sa kaniyang kumpanya. Ngunit kahit abala ay naglalaan pa rin talaga siya ng oras para sa amin ni Aeon.Hindi naman pumapalya ang lalaki sa pagluluto para sa amin. Hindi rin siya nawawalan ng oras upang makipaglaro sa bata, kadalasan ay tuwing hapon bago matulog si Aeon.Napapansin ko rin na napapadalas na rin ang pag-inom niya tuwing gabi, ngunit hi
“Arden? Anong nangyari sa labi mo?”It was quarter-to-twelve when he arrived. Maliwanag ang ilaw sa loob ng art room kaya kitang-kita ko ang sugat sa gilid ng ibabang labi ng lalaki na mukhang bunga ng pagsuntok. 'Yon agad ang una kong napansin nang makita ko siya.“Nothing, Iyana. How's your day?”Hindi ko sinagot ang tanong niya. Sa halip ay lumapit ako sa kaniya upang kilatisin ang sugat. Halatang fresh pa 'yon at hindi pa nagagamot.“Anong nangyari sa 'yo, Arden?”Hindi siya nag-abalang sumagot sa tanong ko.Napailing na lang ako. “Trabaho ba talaga ang pinunta mo ro'n o suntukan?”Hinila ko palabas ng kuwarto ang lalaki patungo sa aming kuwarto. Pinaupo ko siya sa kama at tinaasan ng isang kilay. “Hindi mo manlang ba ako sasagutin?”“I'm fine, Iyana. Don't mind it, it's just a small cut.”Muli akong napabuntonghininga at napairap sa binigay niyang sagot sa akin. Ni wala manlang tumama sa
Hindi ko malaman ang gagawin ko. Hindi ko alam kung lilingunin ko ba ang anak ko o hindi magandang ideya 'yon dahil baka pagtingin ko muli kay Elyse ay may nakaamba na sa akin ang palad niya para sa isang sampal.Dapat bang talikuran ko na lang sila? Ngunit sa naging trato sa akin ng babae ay hindi malabong hilain niya ang buhok ko pagtalikod ko upang sabunutan.Galit siya sa akin, hindi ba? Hinintay kong magsalita siyang muli. Ngunit ang kaniyang mga mata ay nanatiling nakatitig sa anak ko na tumatakbo mula sa malayo. Napahugot ako ng isang malalim na hininga. Akala ko ay payapa ang magiging araw ko ngayon, ngunit mukhang hindi na pala.“Hindi ko gusto ng gulo, Elyse.”Napunta sa akin ang mga mata ng babae. She heaved a deep sigh as she shook her head slowly. “We're not here to cause a scene. I just wanted... to confirm something.”Kung gano'n ay mukhang nakuha na niya ang sagot na gusto niya. Nakita na niya
Arden's already attached to my son, habang ang anak ko naman ay kinikilala siya bilang tunay niyang ama. And if I am going to be true to myself, maybe... I was really attracted to Arden, and that was all because of lust. It's all just because of a mere physical attraction and nothing more. We both benefit from each other, at lahat ng 'yon ay napagkasunduan.“Fuck.”“Arden...”Hinihingal kong binagsak ang katawan ko sa ibabaw niya matapos maramdaman ang mainit na katas ng lalaki sa loob ko. Kanina pa ako nilabasan. Napamura na lang ako sa isip ko nang mapagtanto na tatlong beses pa nga 'yon.This was the first time that we tried this position. “How was it? Do you like riding me?” Nahampas ko ang dibdib ni Arden dahil sa tanong niya na 'yon. “M-Masarap...”Naramdaman ko ang maingat na pagsuklay ng mga daliri niya sa buhok ko.“Wanna do it again?”“Pagod na ako, Arden!” natatawang sagot ko.
Inaya ako ni Arden palabas ng office niya papunta sa isa sa mga bakanteng kuwarto sa taas—na hindi na pala bakante ngayon. Ilang beses akong napakurap nang makita ang mga bagay na nasa loob ng kuwarto. Iba't ibang size ng mga canvas, sandamakmak na paint brushes na iba-iba ang size at tip, at kumpletong kulay ng acrylic paint at gouache na tila mamahalin pa ang brand.Napamura ako sa isip ko. Kahit yata pagsama-samahin ang isang taong suweldo ko sa tatlo kong trabaho dati ay hindi ko pa rin maaafford ang mga 'to.“You used to paint, right?”Gulat akong lumingon kay Arden. Hindi pa rin ako makapaniwala. I mean, pangarap kong magkaroon ng gan'to lalo na noong college ako! Hindi ko lang talaga mabili dahil wala akong pera. Pero, this is what I really wanted back then. “Kagabi lang sila dumating. Last week ko pa in-order ang mga 'to.”“P-Paano mo nalaman na...”Hindi ko na naituloy pa ang dapat na sasabihin ko. Agad akong







