MasukHala! Sino ang nakita niya? Ahahhaa
Jacob “WELCOME back, Kuya,” masayang bati ni Clara sa akin na ikinatawa ko lang. Humalik ako sa pisngi niya at nagmano kina Mommy at Daddy. “Welcome back, iho,” nakangiti ring wika ni Mommy Samara. She is my stepmother, mommy siya ni Clara at magkapatid lang kami sa ama. Pero kahit kailan ay hindi ko naramdaman na tinuring niya akong iba. She love and care for me like a real mom kaya napakaswerte ko talaga. “Thank you po, Mommy.” Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi saka ako lumapit sa aking ama at yumakap din. Dalawang linggo lang ako nawala pero parang ilang taon na kung salubungin nila ako. “Nice to have you back, Jacob. Nasa hardin pa ang anak mo at busy sa paglalaro,” wika ni Daddy. “Hindi namin sinabi na uuwi ka na, kasi sabi mo i-surprise mo siya.” Napalingon ako Kay Clara sa sinabi niya. ‘Yon naman talaga ang plano ko ang umuwi ng walang nakakaalam kaso sira ulo talaga si Anthony, hindi magawang magtago ng sikreto sa asawa. “At huwag ka nang magalit sa asawa ko, mas maha
Carel Rain ANG bilis lumipas ng araw. Isang buwan na mula magtrabaho ako sa club at hindi ko talaga pinagsisihan ‘yon. Sobra akong nag-enjoy at naramdaman ko ang kalayaan. Walang kumokontrol sa kung ano ang dapat kong gawin. “Rain!” Napalingon ako kay Mama Irene nang marinig ko ang pagtawag niya. Kapapasok ko lang sa silid kung saan kami magbibihis. Kalahating oras na lang kasi ay magbubukas na ang club. “Bakit ho?” tanong ko saka ako humarap sa kanya. Hanggang ngayon ay natutuwa pa rin ako sa kanyang outfit kaya naman si Nyll ay sobrang tawang-tawa rin. Ako naman ay walang paghuhusga lalo at marunong siya magdala, sira lang talaga ang ulo ni Nyll. “Pwede ba kita makausap?” “Oo naman ho. Tungkol ho ba saan?” Magalang kong tanong. Bakas ang iritasyon sa kanyang mukha na para bang may problema. “Kailangan ko ng isang dancer. Na-injure si Kiana at hindi makakapasok ngayon. Hindi pwedeng kulang sila at darating ang big boss natin. Baka naman pwede ka muna mag-sideline na dancer—” “P
Carel Rain “AYOS KA LANG?”Nakahinga ako nang maluwag nang makita si Ryder. Siya lang naman ang pumasok.“A-ayos lang ako,” nautal ko pang sagot. Ang bilis pa rin kasi ng tibok ng puso ko.“Sigurado ka? Para kang takot na takot, e. Iniisip mo ba ‘yong mga lalaki kanina? Huwag ka mag-alala, ban na mga ‘yon at hindi na makakapasok dito. Gusto mo ihatid kita mamaya para sigurado na hindi ka nila inaabangan sa labas,” bakas ang pag-aalala sa mukha ni Ryder pero ‘yon huling sinabi niya ay parang nagpabilis na naman ng tibok ng puso ko.Paano kung inaabangan nga ako ng mga lalaki na ‘yon kanina? ‘Wag naman Sana.'“Huwag mo naman ako takutin.” Nahampas ko pa siya sa braso para lang pakalmahin ang sarili pero kabado bente na ako. Paano kung nakaabang nga sila sa akin? 'Oh my gosh!'“Ihahatid kita mamaya para sigurado. May kailangan ka ba dito? Baka kailangan ka na sa labas? Ako magyosi break lang.” Napatango na lang ako nang lagpasan na niya ako. Ayoko pa sana lumabas kaso baka hinahanap na
Jacob "WHERE are we going?" asar kong tanong sa kambal at kay Kenneth. Basta na lang nila ako sinundo sa bahay at sinabi na may importanteng pupuntahan. "Ewan ko kay Sammy," tugon ni Kenneth. "Bakit ako? Ikaw ang nagyaya, 'di ba?" sagot naman ni Sammy na katabi ni Samuel sa back seat. Ako na nga ang hinila nila tapos ako pa pinagmaneho at kotse ko pa. Para daw tipid sa gas. Mga hayop talaga! Hindi na mahirap malaman kung sino si Sammy at Samuel dahil may pagkakaiba na ang kanilang mga itsura. Samuel has this cherry red highlight on his black hair while Sammy is still black. Kambal kasi sila at dati talagang magkamukha, mabuti na lang talaga dahil ayoko problemahin pa kung sino si ano. "FVcking shut up!" asik ko sa kanila at kanina pa ako naiinis. "Hala, galit na si Daddy Jacob mukhang kulang talaga siya sa vitamin S," sabi ni Sammy at sabay-sabay silang tumawa. Kung hindi lang kotse ko ang gamit namin ay sigurado na kanina ko pa binangga 'to. Nakakairita sila. Humigpit ang hawak
Carel Rain "I-SERVE mo ito sa table 8," sabi sa akin ni Leo na isa sa mga bartender.Tiningnan ko ang ibinigay niyang tray na may dalawang bote ng alak. Tinanguan ko siya saka binuhat na ang tray. Hindi naman mahirap hanapin ang table 8 dahil sadyang naka-arrange na 'yon.Araw-araw ay iba-iba ang naka-assign sa amin. Ako mas gusto ko na rito sa baba at sa mga open table kaysa sa mga VIP room na nakakatakot minsan pasukin. Safe naman ang club at isa 'yon sa nagustuhan ko. Pero hindi rin naman natin alam kung ano ang pwedeng mangyari lalo na kapag lasing o kaya naman ay may sapak sa utak ang nasa loob ng isang VIP room.Nang makita ko ang table number 8 ay isang matamis na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi. Isa ito sa mga rules ng Club. Dapat daw ay maaliwalas ang aming mukha sa tuwing humaharap kami sa mga customer. May dalawang lalaki ang nakaupo at may dalawang kasamahan ko ang kasama nila. Tinanguan nila ako matapos kong ilapag ang alak sa lamesa."Rain, kuha mo rin kami ng pu
Carel Rain "BILISAN MO!" "Sandali lang naman kasi!" pasigaw kong sagot. Hindi pa nga ako tapos maligo ay nagmamadali na ang babaitang ito. Bakit kasi rito pa magbabanyo? Binilisan ko na ang pagligo saka lumabas ng banyo na nakatapis lang. "Ang tagal, ah!" reklamo ni Nyll at binangga pa ako bago pumasok ng banyo. Nailing na lang ako saka pumasok na sa kwarto. Dalawang linggo na mula nang mapadpad ako sa lungsod. At dalawang linggo na rin akong nakatira dito sa apartment nina Nanay Lorna. Nanay ang gusto niyang itawag ko sa kanya nang malaman niya na ulila na ako. 'Yon kasi ang sinabi ko sa kanila para wala nang maraming tanong. Sinabi ko na sinubukan kong makipagsapalaran dito nang mamatay ang tiyahin ko na nagpalaki sa akin. Alam kong masama magsinungaling pero wala akong pagpipilian. Ayoko mag-isip sila ng masama sa akin. "Tititigan mo na lang ba ang damit na 'yan o susuotin mo?" Napukaw ako sa boses ni Nyll na nakapasok na pala sa kwarto ko. Inirapan ko lang siya saka itinul







