Share

Chapter 5

Author: Switspy
last update Last Updated: 2024-09-04 17:12:47

KANINA PA HINAHANAP ni Clara ang bacon pero hindi niya makita. Napadaan lang siya, nautusan pa ng mommy niya.

"Mom, wala na tayong bacon," sabi niya habang tumitingin sa refrigerator.

"Paanong wala? Kabibili ko lang noong isang araw," sagot ng mommy niya.

Napanguso naman siya habang tinitingnan ang mobile niya na hawak. May pinapanood kasi siya isang Turkish drama. Gumising talaga siya ng maaga para maituloy dahil nakatulugan niya. Nasa exciting part na pa man din siya.

Napapitlag siya ng mawala sa kamay ang hawak na mobile.

Nag-angat siya ng tingin at ang nakataas na kilay ng mommy niya ang sumalubong sa kanya.

"Kaya hindi mahanap kasi hindi hinahanap," sabi nito at pinanlakihan pa siya ng mga mata.

Napakamot naman siya sa ulo. "Mommy naman, eh," reklamo niya.

Tinulak siya patabi ng mommy niya at ito na ang tumingin sa loob ng refrigerator.

"Ano ito? Hotdog? Itlog?" sarkastikong turan ng mommy niya. Napangiwi tuloy siya. "Puro kasi bibig pinanghahanap, eh. Saka, ano ba pinagkakaabalahan mo sa cellphone mo at 'di mo maalis-alis ang mga mata mo." Akmang titingnan ng mommy ni Clara ang mobile niya nang agad niya itong binawi at kumaripas ng takbo.

Sakto naman papasok ang daddy niya. "Daddy!" tawag niya at sabay yakap dito. Clara is a daddy's girl.

"Oh! Goodmorning sweetie." Hinalikan siya sa noo ng daddy niya bago bumaling sa mommy niya. "Goodmorning sweetheart."

Inirapan lang sila nito na ikinatawa nila.

"Manang-mana talaga sayo 'yang anak mo! Sabihin mo nga d'yan na mag-asawa na para naman may pagkaabalahan ako kaysa ma-stress sa inyong mag-ama," litanya ng mommy niya.

"Ano na naman ang nangyari?" tanong ng daddy niya. Umalis si Clara sa pagkakayakap dito at tumayo ng tuwid sa tabi nito.

"Pinapakuha kasi ni mommy 'yung bacon. Sa hindi ko makita, wala talaga 'yun kanina doon, eh. Tapos noong siya na kumuha, nandoon na. Magician yata si mommy, dad," kwento ni Clara.

Mas tumawa naman ang daddy niya. "Ikaw talaga, dapat kasi huwag bibig ang pinanghahanap. Kaya lagi tayong nasesermunan ng mommy mo." Nginusuhan lang niya ito kaya naman ginulo ng daddy ang buhok niya.

"Mag-asikaso ka na Clara at tigil-tigilan mo 'yang kakacellphone mo. Okey sana kung paglalandi 'yan kaso hindi, eh," sabad ng mommy niya na ikinaawang ng bibig niya.

"Mommy!"

"Oh, bakit? Twenty-six ka na, nasa tamang edad ka na. 'Yung iba bente pa lang lima na anak!" dugtong pa nito.

Naipilig ni Clara ang ulo. Hindi niya kasi maintindihan ang mommy niya. Ang iba binabawalan ang mga anak, hetong mommy niya pinagtutulakan pa siyang lumandi. Bad influence talaga.

"Excited lang magkaapo ang mommy mo," bulong ng daddy niya. "Teka, alam mo ba paano gumawa ng bata?"

Hindi siya makapaniwalang tiningnan ang daddy niya. Like seriously?

"On the second thought, huwag na muna baby ka pa para d-"

"Anong baby-baby ka d'yan! Pwede na siya magkababy." Putol ng mommy niya sa daddy niya. "Pero paano mangyayari 'yon ni wala pa nga 'atang first kiss ang batang 'yan. Ayaw niya rin sa mga manliligaw niya. Mabait naman si Joshua. Hay naku talaga."

"Darling, kasalanan mo 'yon. Noon, pinagbawalan mo siya. Bawal ng ganyan, bawal ng ganito. Dapat puro educational books lang at movies tapos ngayon kung makapagrequest ka ng apo parang nag-add to cart ka lang, ah," bira ni daddy rito.

Nakita ni Clara na nalukot ang mukha ng mommy niya. Totoo naman kasi ang sinabi ng daddy niya. When she was a child, she's  not allowed to read nonsense book. Minsan nga nacu-curious siya kapag may hawak ang mga classmate niya na libro na sabi nila ay 'pocketbook' raw ang tawag. Nang magsabi siya sa mommy niya para magpabili, hindi raw pambata 'yon when she was already 18 years old that time.

"Ah basta! Bibilhan na lang kita ng maraming pocketbook, doon ka magsimula magbasa kasi talagang ramdam mo ang kilig," sabi ng mommy niya na parang kinikilig pa.

"No! Baby pa siya. Hayaan muna natin siya i-enjoy ang pagkadalaga niya " kontra ni daddy.

At nagsimula na naman magtalo ang kanyang mga magulang. Sanay na siya sa mga ito dahil alam naman niyang parte lang ito ng paglalambingan ng mga magulang.

And she prayed to God that she could also find the love her parents had.

"Subukan lang may humalik sa baby ko at malilintikan sa akin." Narinig ni Clara sabi ng daddy niya na ngayon ay nakayakap na sa mommy niya habang busy ito sa pagluluto.

Ang gulo, noon si mommy may ayaw. Ngayon si daddy naman. Saan kaya niya ilulugar ang sarili?

At dahil walang pasok ngayon ay napagpasyahan niyang makipagkita na lang sa kanyang beshie na si Sandra. Her high school best friend until now.

Pinagpasyahan niyang iwanan na ang mga magulang na busy na sa paglalambingan.

Pagkapasok niya sa kanyang silid ay humiga siya sa kama at napatingala sa puting kisame. Habang ang dalawang kamay ay nakapatong sa kanyang tyan kasama ang mobile niya.

Gusto rin naman niya pagbigyan ang mommy niya sa gusto nito. Kaya nga hinahayaan niyang kulayan daw ng berde ang utak niya ng mga bagong kaibigan.

Isa na nga sa pinagawa ng mga ito ay ang manood pero hindi muna raw 'yung mga wild na tulad daw ng fifty shades ba 'yun? Ah basta.

Ipinakilala sa kanya ni Sarah ang Turkish drama, keso magaganda raw at pak na pak ang mga leading man.

Pero mas lumala yata. Dahil mas naging mataas ang standard niya sa lalaking mapapangasawa. Dahil sa mga hot na leading man.

Napapapikit siya upang alalahanin ang mga gwapong mukha ng mga leading man nang biglang mukha ni Sir Anthony ang lumitaw. Bigla siyang napadilat.

Aaminin naman niya na pwedeng ihanay si Sir Anthony sa mga Turkish actor. Baka nga lamang pa ito dahil talagang makalaglag panty lalo na ang ngiti nito na hanggang sa mata umaabot.

Hindi na naman siya ganun kainosente pagdating sa sinasabi nilang intercourse. Pero hindi rin naman siya ganun kaalam.

Basta ang alam niya kailangan babae at lalaki na maghubad saka papatong ang lalaki upang makagawa na ng baby. Sa pagkakaalam niya.

'Tama naman ako, 'di ba?'

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
8514anysia
ay the feeling is mutual, cla p tlga ang nag icp s isa't Isa, exciting love story ni tonying at Claire hehehehehehhe
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Make Me Yours Again   BHN Chapter 10

    Jacob HANGGANG sa natapos ang pagsasayaw nila ay hindi pa rin ako makapaniwala na makikita ko siya rito. Kahit na may konting pagdududa akong nararamdaman ay gusto ko pa rin paniwalaan na siya nga ‘yon. Mas lalong lumakas ang kutob ko nang maalala ang nangyari noon, ‘yong nakita kong waitress. Pero bakit ngayon ay dancer siya? Bigla ay nagduda na naman ako.“Pikit-pikit din pag may time.” Nabalik ako sa aking sarili nang marinig ang boses ni Sammy na parang ang lapit-lapit kaya naman nilingon ko siya at saktong paatras siya kaya sigurado ako na nilapitan niya ako kanina.“Sino ba ang tinitingnan mo at hindi ka na maistorbo?” nakangisi ring tanong ni Samuel. Hindi ko sila sinagot bagkus ay nagsalin ako ulit ng alak sa baso ko at walang sabi-sabi na tinungga ‘yon.“Mukhang may nakakuha sa atensyon ni Daddy Jacob, ah. Masaya ‘to!” Pinaningkitan ko ng mga mata si Samuel sa sinabi niya. Pero wala akong balak na magsabi hanggang hindi ako nakakasigurado kung siya ba talaga ‘yon. Pero sure

  • Make Me Yours Again   BHN Chapter 9

    JacobWALA akong nagawa kundi sumunod sa kanila dahil sa pésteng scandal daw na ‘yon. Paano naging scandal ‘yon? Pero kahit na hindi naman explicit scandal ‘yon ay hindi pa rin magandang mapakinggang ng ibang tao at baka isipin nila ay napakamanyak ko.Hanggang sa makarating kami sa Dyosa Club na ‘yon ay hindi talaga maipinta ang mukha ko. Kung hindi lang talaga sila mga kaibigan ng kapatid ko baka talagang binaon ko na sila sa ilalim ng lupa.Matapos ko mag-park ay mabilis pa sila sa kidlat bumaba at tulad dati ay pinagbuksan pa ako ni Sammy. Ang bilis nakalipat ng môkong.“Smile naman diyan, Daddy Jacob.” Tinusok pa ni Sammy ang tagiliran ko pero isang matalim na tingin ang isinukli ko sa kanya. “Sabi ko nga, okay na ‘yan mukha mo,” pang-aasar niya pang sabi.“Burahin niyo na ‘yan,” utos ko habang naglalakad kami papasok sa loob. Hindi man lang nila ako sinagot at tuloy-tuloy na pumasok. Tingnan mo talaga mga ugali. Katulad ng dati ay patay-sindi ang ilaw. Pero pansin ko na mas mar

  • Make Me Yours Again   BHN Chapter 8

    Carel Rain MABUTI na lang talaga at well train ako noon pa man kaya kahit nagulat ako sa aking nakita ay nagawa ko pa rin sumabay sa bawat galaw ng mga kasama ko. Ngunit ramdam na ramdam ko ang titig na ‘yon. Titig na nakakapanghina ng mga tuhod. Nang matapos ang aming group performance ay mabilis akong bumalik sa backstage. “Okay ka lang? Infairness, magaling ang pinakita mo,” tanong at puri ni Rowena sa akin na hinawakan pa ako sa braso. “Ayos lang ako.” “Good job, girls. Good job, Rain, hindi halatang ngayon ka lang nagpraktis. Be ready, solo performance, next,” wika ni Mama Irene at pumalakpak pa. Gusto ko siya kausapin na kung pwede ‘wag na lang ako magsolo kaso nakalabas na siya. Nanghihina ako napaupo. Ano ang ginagawa niya rito? Bakit sa dinami-rami ng club ay talaga naman dito pa siya naligaw? Huminga ako nang malalim. Kailangan ko ikalma ang aking sarili at may solo dance pa ako gagawin. Makakaya ko kaya? Pwede bang umatras? Ginulo ko ang buhok ko saka wala sa sariling

  • Make Me Yours Again   BHN Chapter 7

    Jacob “WELCOME back, Kuya,” masayang bati ni Clara sa akin na ikinatawa ko lang. Humalik ako sa pisngi niya at nagmano kina Mommy at Daddy. “Welcome back, iho,” nakangiti ring wika ni Mommy Samara. She is my stepmother, mommy siya ni Clara at magkapatid lang kami sa ama. Pero kahit kailan ay hindi ko naramdaman na tinuring niya akong iba. She love and care for me like a real mom kaya napakaswerte ko talaga. “Thank you po, Mommy.” Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi saka ako lumapit sa aking ama at yumakap din. Dalawang linggo lang ako nawala pero parang ilang taon na kung salubungin nila ako. “Nice to have you back, Jacob. Nasa hardin pa ang anak mo at busy sa paglalaro,” wika ni Daddy. “Hindi namin sinabi na uuwi ka na, kasi sabi mo i-surprise mo siya.” Napalingon ako Kay Clara sa sinabi niya. ‘Yon naman talaga ang plano ko ang umuwi ng walang nakakaalam kaso sira ulo talaga si Anthony, hindi magawang magtago ng sikreto sa asawa. “At huwag ka nang magalit sa asawa ko, mas maha

  • Make Me Yours Again   BHN Chapter 6

    Carel Rain ANG bilis lumipas ng araw. Isang buwan na mula magtrabaho ako sa club at hindi ko talaga pinagsisihan ‘yon. Sobra akong nag-enjoy at naramdaman ko ang kalayaan. Walang kumokontrol sa kung ano ang dapat kong gawin. “Rain!” Napalingon ako kay Mama Irene nang marinig ko ang pagtawag niya. Kapapasok ko lang sa silid kung saan kami magbibihis. Kalahating oras na lang kasi ay magbubukas na ang club. “Bakit ho?” tanong ko saka ako humarap sa kanya. Hanggang ngayon ay natutuwa pa rin ako sa kanyang outfit kaya naman si Nyll ay sobrang tawang-tawa rin. Ako naman ay walang paghuhusga lalo at marunong siya magdala, sira lang talaga ang ulo ni Nyll. “Pwede ba kita makausap?” “Oo naman ho. Tungkol ho ba saan?” Magalang kong tanong. Bakas ang iritasyon sa kanyang mukha na para bang may problema. “Kailangan ko ng isang dancer. Na-injure si Kiana at hindi makakapasok ngayon. Hindi pwedeng kulang sila at darating ang big boss natin. Baka naman pwede ka muna mag-sideline na dancer—” “P

  • Make Me Yours Again   BHN Chapter 5

    Carel Rain “AYOS KA LANG?”Nakahinga ako nang maluwag nang makita si Ryder. Siya lang naman ang pumasok.“A-ayos lang ako,” nautal ko pang sagot. Ang bilis pa rin kasi ng tibok ng puso ko.“Sigurado ka? Para kang takot na takot, e. Iniisip mo ba ‘yong mga lalaki kanina? Huwag ka mag-alala, ban na mga ‘yon at hindi na makakapasok dito. Gusto mo ihatid kita mamaya para sigurado na hindi ka nila inaabangan sa labas,” bakas ang pag-aalala sa mukha ni Ryder pero ‘yon huling sinabi niya ay parang nagpabilis na naman ng tibok ng puso ko.Paano kung inaabangan nga ako ng mga lalaki na ‘yon kanina? ‘Wag naman Sana.'“Huwag mo naman ako takutin.” Nahampas ko pa siya sa braso para lang pakalmahin ang sarili pero kabado bente na ako. Paano kung nakaabang nga sila sa akin? 'Oh my gosh!'“Ihahatid kita mamaya para sigurado. May kailangan ka ba dito? Baka kailangan ka na sa labas? Ako magyosi break lang.” Napatango na lang ako nang lagpasan na niya ako. Ayoko pa sana lumabas kaso baka hinahanap na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status