NANG makarating si Anthony sa mansion nila ay naroon na rin ang iba.
"Good day everyone!" masigla niyang bati pagkabungad sa kanilang malawak na living room. "Aray!" daing niya ng may tumama sa kanyang dibdib. Nasundan niya ng tingin ang bagay na 'yon-tsinelas? Nakarinig siya ng tawanan kaya napalingon siya sa pinanggagalingan ng tawanan. Ang pamilya niya. Napadako ang tingin niya sa kanyang mommy na nakatayo habang nakahalukipkip at masama ang tingin sa kanya. Napangiwi siya ng ma-realize na ang mommy niya ang bumato sa kanya kaya mabilis niyang sinugod ito ng yakap. "I miss you my queen," malambing niyang sabi sabay halik sa pisngi ng mommy niya. "Ako ay tigi-tigilan mo Anthony Dale! Saka lumayo ka nga sa akin, umaalingasaw pa ang kalandian mo! Amoy sperm ka pa, y*ck!" Pilit siya tinutulak ng mommy niya pero pilit naman siya nagsusumiksik at mas hinigpitan ang pagkakayakap dito. Mas lumakas ang tawanan kaya napabaling siya sa mga ito. Binitiwan niya ang mommy niya at humarap sa mga tumatawa. "Ano ang nakakatawa?" Kunot noo niyang tanong. "Iho, maligo ka nga muna. Tama ang mommy mo, amoy malangsa ka. Saan mo na naman palengke nakuha ang inararo mo," sabi ng lola niya. Napakamot siya sa batok dahil talagang alam na alam na ng mga ito ang likaw ng bituka niya. "Sige na Anthony Dale! Hindi pa ako tapos sayong bata ka!" Kumaripas na siya ng takbo bago pa magtuloy-tuloy ang sinasabi ng mommy niya. HALOS INABOT si Anthony ng kalahating oras bago bumaba. Dahil maaga pa ay nasa living room pa ang mga ito kaya duon siya dumiretso. Naririnig niya ang ingay. Nang tuluyan siyang nakarating sa living room ay napailing siya ng makitang naglalaro ng snake and ladders board ang daddy niya, lolo, tito, ang kuya niya na si Kevin at pinsan na si Andrew habang nakasalampak sa carpet. Wala ang lola, mommy at tita niya at baka nasa kusina. Bumalik ang tingin niya sa apat na naglalaro. 'Parang mga bata!' "Lo, lumagpas ka dapat dito ka mag-stop," reklamo ni Kevin. Si Kevin ay nakakatanda niyang kapatid pero hindi niya tinatawag na kuya ito dahil isang taon lang naman pagitan nila. "Apo, may sinasabi ka ba?" sabi ng Lolo nila na pinamulagatan ng mata si Kevin. "Sabi ko nga wala po." Natawa na lang siya dahil tiklop talaga sila sa mga old man. Sabay-sabay lumingon ang mga ito sa kanya. "Oh! Nandito na pala ang f*ck boy ng Villaflor," anunsyon ng lolo niya. Mabilis siyang humakbang palapit sa mga ito at nakipagfist bump sa lima. "Seriously? Para kayong mga bata." Tumabi siya sa tabi ng lolo niya. "May premyo ang mananalo rito," sabi ni Andrew na ito na nagpapaikot sa dice. Huminto sa five bullets ang dice. Nagsimula magbilang si Andrew. Maging si Anthony ay napasunod. "One, two, three, four what the f*ck!" malakas nitong mura nang huminto sa may ahas. Bumunghalit ng tawa ang mga naglalaro dahil imbes malapit na sa finish line ay bumalik siya sa umpisa. Nagdadabog si Andrew na ibinalik ang pato niya kung saan nararapat. "Ang iingay n'yo!" Lahat sila ay napadako ang tingin sa nagsalita. Ang lola niya na nakasimangot habang nakatingin sa kanila. "Meryenda muna tayo." Bungad naman ng mommy niya at Tita Clarissa-ang mommy ni Andrew. Lumapit ang mga ito at inilapag ang tray. Habang si Anthony ay lumapit sa mga ito at humalik sa kanya-kanyang pisngi. "Ayan, amoy baby ka na ulit," komento ng lola niya na pinaghahalikan pa siya sa mukha. Lola's boy kasi siya. Mahigpit naman siyang yumakap dito at iginiya paupo sa malambot at malaking sofa. Habang ang lima ay nagpatuloy sa paglalaro. "Anthony Dale, hindi pa tayo tapos, ah! Paano mo naatim na unahin 'yang pangangailangan ng hotdog mo kaysa sa amin?!" Napatawa siya sa tinawag ng mommy niya sa kanyang alaga. Nang tingnan siya nito ng masama ay nagtago kunwari siya sa likuran ng lola niya. "LA, oh, si mommy. Ginagawa akong seven years old," sumbong niya. "Leila, malaki na ang anak mo. Saka, natural na sa kanila ang bagay na 'yon kaya hayaan mo na." Napangiti si Anthony dahil sa pagtatanggol ng lola niya. "Aray, Lola!" malakas niyang daing ng pingutin siya nito sa tainga. Nang pakawalan siya ay nakangiti pa ito tiningnan siya. "Apo, sa susunod na unahin mo 'yang hotdog mo, ako na puputol d'yan." Bigla na lang siya napahawak sa gitnang bahagi ng katawan niya. Akala niya pa man din ay ligtas na siya, mali pala siya. "Yes! Yes! I'm the winner!" malakas na sigaw ni Kevin na tumayo pa habang sumusuntok sa hangin ang umagaw sa atensyon nila. Para naman pinagbagsakan ng langit ang apat na natalo. "Ano ba premyo ng nanalo?" tanong ni tita Clarissa. Ang lima ay dumako ang tingin kay Lola. Mukhang siya ang magbibigay ng premyo. Malapad naman na ngumiti ang lola nila. "One week vacation in any country you want with all expenses charge to me." Napasinghap sila sa narinig. Hindi naman sa hindi nila afford pero iba pa rin kapag libre, 'di ba? "But, with your partner, as in girlfriend." Nakita ni Anthony na bumagsak ang mga balikat ni Kevin. Habang sila ay napangisi. "Lola naman, I don't have girlfriend. It's unfair!" Nagpapadyak si Kevin habang nakalukot ang mukha. 'Ang panget!' "Makakapaghintay naman ito, apo. Hanggang sa makakita ka ng babaeng gusto mong isama sa isang linggong bakasyon," turan muli ng lola nila. Mas lalong lumukot ang mukha ni Kevin at lumapit sa mommy nila. Kevin is a mama's boy. Sa kanilang mommy ito naglambing. "Kayong tatlong pugo, ano ba balak n'yo sa mga sperm n'yo?" tanong ni tita Clarissa. Kanya-kanya silang pagtutol sa sinabi nito. "Mommy naman, bata pa kami," depensa ni Andrew. "Opo nga," sabay nilang pagsang-ayon ni Kevin. "Anong bata? Nasa tamang edad na kayo para magsipag-asawa at ng mabigyan n'yo na kami ng apo sa tuhod," singit ng lolo nila. Pinakaayaw nilang tatlong pinag-uusapan ang pag-aasawa. Ewan ba nila. Naniniwala naman sila na may nakalaan para sa kanila. Hindi pa lang nila nakikita. Biglang pumasok sa isip niya ang napakaamong mukha ni Clara. "Okey ka lang ba apo?" Napalingon si Anthony sa Lola niya dahil sa tanong nito. "Bigla ka na lang nangingiti d'yan." Naipilig niya ang ulo. Nagawa niyang ngumiti dahil sa buhay na buhay sa kanyang imahinasyon ang mukha ni Clara. "Hoy! Anthony, huwag mong isama ang sekretarya ko sa koleksyon mo," babala ni Andrew na ikinakunot noo niya. "Aba! Aba! At sino naman ito?" Puno ng kuryosidad na tanong ng mommy niya. "It's not-" "'Yung sekretarya ni Andrew mukhang type ni Anthony. Dahil pinormahan na kanina," sabad ni Kevin na ikinaputol ng sasabihin niya. Nakita niya kung paano nagliwanag ang mukha ng mga ito na para bang isang magandang balita ang narinig. "Humingi lang ako ng sorry sa kanya. Dahil akala ko na-offend ko siya. That's all. At hindi ko siya type 'no! Andrew, sigurado ka ba na pwede ng magtrabaho 'yon? Mukhang walang kaalam-alam sa mundo," mabilis na depensa ni Anthony. "Oo naman, twenty-six na siya 'no! Saka hindi type, ulol!" turan ni Andrew. 'Twenty-six na ang babaeng 'yon?' "Language Andrew!" sita ni Tita Clarissa rito na ikingisi niya. "Hindi ko nga siya type. Napakainosente, hindi pa nga 'ata nahahalikan 'yon. You know my type kaya no worries, hindi ka mawawalan ng sekretarya, ok." "Sinabi mo 'yan, 'nak! Pupusta ako na kakainin mo ang mga sinabi mo. Oh, game ba kayo boys?" sabi ng daddy niya na ikinailing na lang niya. At nagsimula na ngang mag-usap ang lima sa pustahan sa harapan niya. "Dad, ibigay mo na rin sa akin ang share ni Anthony sa hotel." Narinig ni Anthony na sabi ni Kevin kaya napalingon siya sa mga ito na nanatiling nakaupo sa carpet habang kumakain ng cookies. "Kevin, nagpupuyat ka ba?" tanong niya rito. "Minsan, bakit?" "Alam mo ba ang pagpupuyat ay nakakakapal ng mukha?" Kumunot ang noo ni Kevin. "Talaga? Hindi ko alam, saan mo nalaman? Nabasa?" curious na tanong nito. Gusto ng matawa ni Anthony sa reaksyon ni Kevin pero pinipigilan niya. Hanggang sa batuhin siya nito ng throw pillow na nasa tabi. "F*ck you Anthony! Sinasabi mo bang makapal ang mukha ko?" singhal ni Kevin ng ma-realize ang gusto niyang iparating. Saka napuno ng tawa ang buong sala. "Ang kapal kasi ng mukha mong hingin ang share ko at talagang sa harapan ko pa!" Ibinato niya ang unan pabalik dito. This is his family. Isa sa mga ipinagpapasalamat niya sa Diyos. Sa kabila ng katayuan nila sa buhay, nanatiling nakatapak ang mga paa nila sa lupa. His parents and grandparents are really amazing.“GRABE talaga sa higpit. Pero hindi ko naman sila masisisi dahil kahit ako hindi ko hahayaan masaktan ang aking prinsesa,” wika ni Kevin na sinang-ayunan naman nina Anthony at Andrew. Nagkatinginan na lang sina Ada, Clara at Sandra at napailing sa tinuran ng mga asawa. Silang tatlo ay may mga babaeng anak at kahit anong pigil nila sa mga asawa at mga anak na lalaki na huwag maging O.A ay hindi naman sila pinapakinggan. “Pero mukhang desidido talaga si Sepher kay Cassiopeia. Ano ang balak mong gawin?” tanong ni Anthony kay Kevin. Hindi nila napigilan matawa nang hindi na maipinta ang mukha nito. “Pwede ba, Anthony, huwag mo na ipaalala sa akin ‘yan. Sa tuwing naaalala ko ang paghingi niya ng permiso na pakasalan ang prinsesa ko ay para akong sinasakal. And take note, I can't say no. Baliw kasi ang kambal na ‘yon at kung ano-ano naiisip na laro,” nakasimangot na litanya ni Kevin saka yumakap sa asawa. Naiinis talaga siya sa tuwing naalala ang 7th birthday ng anak na babae. “Pero h
“NAKAKABADTRIP talaga!” Padabog na umupo si Jarret sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Sandrew. “Problema mo, couz?” tanong ni Sandrew na tinapunan ng tingin si Jarret saka ibinalik ang atensyon sa cellphone niya. “Si Kiara na naman ba ang sumira ng araw mo?” natatawang tanong naman ni Avin na gumagawa ng lobo sa Buble gum na nasa bibig. Kasalukuyan silang nasa loob ng canteen dahil vacant class nila. Pareho ang course na kinuha ng magpipinsan, which is about business. Mabuti na lang at mukhang nasa dugo talaga nila ‘yon dahil nag-e-enjoy sila. “Not Zane,” mabilis na tanggi ni Jarret. Talaga naiinis siya. Sabay na tumuon ang tingin nina Sandrew at Avin kay Jarret sa sagot nito. Madalas kasi ay kapatid lang nito ang dahilan para mabadtrip ito ng gano’n. Kaya ang marinig na hindi si Kiara ang dahilan kung bakit ito badtrip ay nakakuha ng kanilang atensiyon. “Then who?” Hindi na napigilan itanong ni Avin. Umayos ng upo si Jarret habang ang mga kamay niya ay ipinatong niya sa ibab
HINDI maipinta ang mukha ni Kiara habang papasok sa loob ng kanilang bahay. Naiinis siya sa kanyang Kuya Jarret na walang ginawa kundi takutin ang mga lalaking lalapit sa kanya. “Zane! I'm still talking to you,” tawag ni Jarret sa kapatid na basta na lang siya iniwan sa kotse habang nagsasalita pa siya.Hindi pinansin ni Kiara ang tawag ng kuya niya at nagpatuloy sa pagpasok pero napahinto siya nang makita ang mga magulang na nasa sala. Ang kaninang nakasimangot niyang mukha ay biglang napalitan ng tuwa. Natural, sobrang na-miss niya ang mga magulang, bumilis ang lakad niya patungo sa mga ito.Mabilis naman tumayo sina Clara at Anthony para salubungin ang kanilang mga anak. Kauuwi lang nila galing sa isang linggong bakasyon. Kung si Clara ang tatanungin ay hindi na naman kailangan pero makulit ang asawa at sinuportahan pa ng kanyang mga in-laws. Tama naman ang mga ito. They need some break from their busy schedule na pati sa mga anak ay nawawalan sila ng oras pero sinisigurado pa rin
ABALA SI Clara sa pag-aasikaso ng kanilang bagong branch ng JDZ Bakeshop. Pinalitan nila ang pangalan nang dumating sa buhay nila si Kiara Zane. Ang kanilang pangatlong anak. At napagdesisyunan na nilang huli na si Kiara Zane dahil delikado na talaga na magbuntis pa siya. Laking pasalamat lang nila at muli silang pinalad. "Hon, are you done?" tanong ni Anthony na kapapasok lang sa maliit na opisina ng bagong branch ng negosyo ng asawa na narito ngayon sa Tagaytay. Nag-angat ng mukha si Clara at sumalubong ang napakagwapo at walang kupas pa ring kagwapuhan ng asawa. Sumilay tuloy ang ngiti sa kanyang mga labi. "Hon, pinagnanasahan mo na naman ba ako?" Tudyo ni Anthony nang makita ang ngiti ng asawa habang nakatingin sa kanya. Inirapan ni Clara ang asawa saka ibinalik ang tingin sa binabasa na report. Isang linggo na lang ay magbubukas na ang JDZ dito sa Tagaytay. "Hon, kailangan na natin bumalik sa Maynila at nagtatampo na ang prinsesa natin," pukaw ni Anthony sa asawa na mu
ISANG BUWAN na ang lumipas mula nang magka-ayos sina Clara at Anthony. Sa ngayon ay nanatili silang nakatira sa mansion ng mga magulang nang huli dahil 'yun ang pakiusap ng mga magulang nito.Gusto daw kasi ng mga ito makabawi kay Jarret. Kaya naman pumayag na rin silang mag-asawa habang ginagawa ang kanilang sariling bahay. Dahil para sa kanila ay mas maganda pa rin na humiwalay sila sa mga magulang."Hon, sige na kasi," pangungulit ni Anthony kay Clara na kasalukuyang pinapatuyo ang buhok dahil kakatapos lang nito maligo. Napailing na lang si Clara sa kulit ng asawa. Paano ba naman nagyayaya ito na magpunta raw sila sa Tagaytay. Pero alam niya na may hidden agenda ito lalo na at sila lang dalawa. Paano matapos nila sa isla ay hindi na ito naka-score, ay mali. Naka-score naman kaso mga quickie lang at bitin daw ito. Sa gabi kasi ay katabi nila ang anak matulog kaya talagang hindi ito makapasok.Naramdaman niya ang pagyakap nito mula sa kanyang likuran. Nakaupo kasi siya sa kanilang
NAPUNO NANG TAWANAN ang buong J&D Bakeshop. Ngayon ay ipinagdiriwang ng lahat ang anniversary ng mag-asawa na sina Clara at Anthony. Isang linggo matapos ang mga rebelasyon na nangyari."I can't get over about you owning this bakeshop. Kaya pala iba ang dating sa akin. You did a great job, hon," puri ni Anthony sa asawa na nasa tabi niya. Hindi talaga siya makapaniwala na ang asawa ang nasa likod nang papasikat na bakeshop na kinagiliwan nila. Matamis na ngumiti si Clara saka inihilig ang ulo sa balikat ng asawa. "Kahit ako hindi ko akalain na magagawa ko. I hate cooking even though it's baking still related to cooking. Sabi ko ayoko humarap sa 'yo na wala man lang ako maipagmamalaki," tugon niya sa asawa."I am so proud of you, hon. Noon pa man at hanggang ngayon. I will always be proud of you. I love you," malambing na saad ni Anthony at hinalikan pa ang likod ng palad ng asawa."I love you, too, hon." "Bilib na talaga ako sa 'yo Ate Clara, ganda ng mga pangalan tapos ang sasarap