Share

Chapter 7

Author: Switspy
last update Last Updated: 2024-09-10 16:42:35

Mabilis na lumabas si Clara sa opisina ng kanyang boss at 'di na niya napigilan ang pagtulo ng mga luha. Kaya hindi niya napansin ang kasalubong niya.

Hindi na nakaiwas si Anthony dahil sa bilis ng pagsulpot ni Clara. Naramdaman na lang niya ang pagbunggo nito sa kanya. Mabuti na lang at maagap niya itong nahawakan sa baywang na naging dahilan para mapayakap ito sa kanya.

"Aray," daing ni Clara nang bumangga siya sa isang matigas na bagay. Naramdaman niya rin na may humawak sa kanyang bewang at amoy na amoy niya ang panlalaking pabango kaya mabilis niyang inangat ang mukha.

Ang nakangiting mukha ni Sir Anthony ang bumungad sa kanya.

"Are you okay?" tanong nito sa napakalambing na boses.

Parang gusto ni Clara na mawalan ng ulirat dahil sa napakaganda ng ngiti nito nang maalala niya ang panenermon na naman ng boss niya. Kaya sunod-sunod muling nagsipatakan ang kanyang mga luha.

Nataranta naman si Anthony nang makitang umiiyak ang dalaga. Hinila niya ito papunta sa may pantry. Pagkapasok ay muli siyang humarap kay Clara. Kusa ring gumalaw ang kanyang mga kamay na pinapunasan ang luha nito.

"What happened?" puno ng pag-aalalang tanong ni Anthony.

Nagpatuloy lang sa pagluha si Clara. Suminghot-singhot pa siya at muli hahagulhol. Para siyang batang inagawan ng laruan.

"May pa-panyo ka po ba?" humihikbing tanong ni Clara. Mabilis namang kumilos ang lalaki sa kanyang harapan at iniabot ang isang kulay gray na panyo. "Sa-salamat."

Napangiwi si Anthony ng suminga si Clara sa kanyang panyo. Hindi niya alam kung matatawa, maaawa o ano ba dapat maramdaman sa dalagang nasa kanyang harapan.

Hinintay niya na lang na mahimasmasan ito habang nanatiling pinagmamasdan kung paano nito pinabaligtad-baligtad ang panyo niya at singahan ng paulit-ulit. Napailing na lang siya. Kasi walang kaarte-arte ito kung kumilos isipin pa na nasa harapan siya. Kung ibang babae baka kanina pa siya nilandi.

Pinalibot niya ang tingin sa kabuuan nito. She's wearing a white blouse na pinatungan ng blazer. A skirt na hanggang tuhod nito, napataas ang kilay niya dahil halos skirt ng mga office girl ay kulang na lang ay panty na ang suotin.

Nabalik siya sa sarili nanng tumikhim si Clara kaya nabalik sa mukha nito ang kanyang tingin.

Mukhang nakabawi na ito dahil maayos na ang bukas ng mukha at wala ng mga luha.

"Salamat po sir, lalabhan ko muna po itong panyo n'yo. Nakakahiya naman po kasi mukhang napuno ng 'di kanais-nais na bacteria," nakangiwing sambit ni Clara. May hiya naman siya kahit paano. Nasa bag niya kasi ang panyo niya.

"Ok lang kung gusto mo sayo na 'yan. Bakit ka ba kasi umiiyak? Nasermunan ka ba?" nakangiting saad ni Anthony at biglang humawak sa bewang ng dalaga ng mapansin ang pagkagulat sa mukha nito. "Baka lang malaglag."

Pakiramdam ni Clara ay namula ang buong mukha niya dahil sa sinabi ni Sir Anthony.

'Nakakahiya, naalala niya pa ang mga pinagsasabi ko.'

Natawa naman si Anthony. Parang mas gumanda lalo ang dalaga sa paningin niya habang namumula ang pisngi nito.

"Fix yourself, ako na humihingi ng paumanhin sa ginawa ng pinsan ko. Stop crying, ok. Mas maganda ka kapag nakangiti." Hinaplos niya ang pisngi nito at hinalikan sa noo.

Nang ma-realize ni Anthony ang ginawa ay mabilis siyang umatras at nagpaalam dito.

Habang si Clara ay napahawak sa kanyang noo. At tila pangangapusan ng hangin sa kakaibang pakiramdam na nagsisimulang umusbo sa kanyang puso.

WALANG KATOK-KATOK na pumasok si Anthony sa opisina ng pinsan niya.

"What the f*ck!" malakas na singhal ni Andrew sa taong basta na lang pumasok sa kanyang opisina. Nang mag-angat siya ng ulo ay nakita niya ang pinsan na si Anthony na parang haring umupo sa sofa, isinandal ang likod at ipinatong ang mga paa sa center table. Kapal talaga ng mukha.

"Stop being bitter couz. Pati ang walang kamalay-malay ay nadadamay d'yan sa ugali mo," saad ni Anthony habang nakapikit ang mga mata. Hindi pa rin siya makapaniwala na hinalikan niya si Clara. Kahit na sa noo lamang 'yun ay halik pa rin 'yun.

"What are you talking about?" inosenteng tanong ni Andrew.

Humarap patagilid si Anthony at binuksan ang mga mata. Nakita niya ang pinsan na busy sa harap ng laptop nito. Napabuntung-hininga na lang siya.

"Spill it out," rinig niyang sambit ng pinsan.

"I saw your secretary, she was crying. Ano na naman ginawa mo?" inis na tanong ni Anthony sa pinsan.

Napaangat ng ulo si Andrew dahil sa tanong ng pinsan. Isinandal niya ang likod sa swivel chair and cross his arms. "Concern?"

Binawi ni Anthony ang tingin sa pinsan at ibinaba ang mga paa. Tumayo siya at naglakad patungo sa gawi ng pinsan. "Yes.. Remember I'm going to replace you for one month and I don't want to have a problem. What if she is going to resign, I can't do all the job's here," pangangatwiran niya na sana sakyan ng pinsan niyang bitter.

Nagdududa tiningnan ni Andrew ang pinsan. Kung hindi lang talaga nito ibinandera sa kanila na hindi nito type ang secretary Niya baka nag-isip na siya. "Hindi siya magre-resign, kaya don't stress yourself. At layuan mo rin siya. Dahil baka ikaw ang tuluyan magpa-resign sa kanya."

Tiningnan ng masama ni Anthony si Andrew. "What do you mean by that? Mukha ba akong nangangain ng tao?"

"Hindi, mukha kang nangangain ng sariwang mani," sabi ni Andrew.

"Hindi pa ako nakatikim ng sariwang mani 'no. I wonder if how it ta- f*ck!" malakas na daing ni Anthony nang may tumamang matigas na bagay sa kanya.

"Pervert! Lumayas ka nga sa opisina ko!" sikmat sa kanya ni Andrew.

Humalakhak lang si Anthony dahil pikunin talaga ang pinsan kahit kailan. Imbes na sundin ang pinsan ay humiga siya sa sofang naroroon. Lumagpas pa ang kanyang mga paa dahil may katangkaran siya.

Bigla na naman niya naalala ang paghalik niya sa noo ni Clara.

'Ano kaya ang reaksyon niya sa ginawa ko?'

'Yon ang nasa isip niya hanggang sa makatulog.

Napailing na lang si Andrew nang marinig na humihilik na ang pinakababaero niyang pinsan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
8514anysia
Uy unti unti n ytang naiinlove c Anthony, hehehe saang kandungan k n nman nggaling at puyat ka hehehe
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Make Me Yours Again   BHN Chapter 10

    Jacob HANGGANG sa natapos ang pagsasayaw nila ay hindi pa rin ako makapaniwala na makikita ko siya rito. Kahit na may konting pagdududa akong nararamdaman ay gusto ko pa rin paniwalaan na siya nga ‘yon. Mas lalong lumakas ang kutob ko nang maalala ang nangyari noon, ‘yong nakita kong waitress. Pero bakit ngayon ay dancer siya? Bigla ay nagduda na naman ako.“Pikit-pikit din pag may time.” Nabalik ako sa aking sarili nang marinig ang boses ni Sammy na parang ang lapit-lapit kaya naman nilingon ko siya at saktong paatras siya kaya sigurado ako na nilapitan niya ako kanina.“Sino ba ang tinitingnan mo at hindi ka na maistorbo?” nakangisi ring tanong ni Samuel. Hindi ko sila sinagot bagkus ay nagsalin ako ulit ng alak sa baso ko at walang sabi-sabi na tinungga ‘yon.“Mukhang may nakakuha sa atensyon ni Daddy Jacob, ah. Masaya ‘to!” Pinaningkitan ko ng mga mata si Samuel sa sinabi niya. Pero wala akong balak na magsabi hanggang hindi ako nakakasigurado kung siya ba talaga ‘yon. Pero sure

  • Make Me Yours Again   BHN Chapter 9

    JacobWALA akong nagawa kundi sumunod sa kanila dahil sa pésteng scandal daw na ‘yon. Paano naging scandal ‘yon? Pero kahit na hindi naman explicit scandal ‘yon ay hindi pa rin magandang mapakinggang ng ibang tao at baka isipin nila ay napakamanyak ko.Hanggang sa makarating kami sa Dyosa Club na ‘yon ay hindi talaga maipinta ang mukha ko. Kung hindi lang talaga sila mga kaibigan ng kapatid ko baka talagang binaon ko na sila sa ilalim ng lupa.Matapos ko mag-park ay mabilis pa sila sa kidlat bumaba at tulad dati ay pinagbuksan pa ako ni Sammy. Ang bilis nakalipat ng môkong.“Smile naman diyan, Daddy Jacob.” Tinusok pa ni Sammy ang tagiliran ko pero isang matalim na tingin ang isinukli ko sa kanya. “Sabi ko nga, okay na ‘yan mukha mo,” pang-aasar niya pang sabi.“Burahin niyo na ‘yan,” utos ko habang naglalakad kami papasok sa loob. Hindi man lang nila ako sinagot at tuloy-tuloy na pumasok. Tingnan mo talaga mga ugali. Katulad ng dati ay patay-sindi ang ilaw. Pero pansin ko na mas mar

  • Make Me Yours Again   BHN Chapter 8

    Carel Rain MABUTI na lang talaga at well train ako noon pa man kaya kahit nagulat ako sa aking nakita ay nagawa ko pa rin sumabay sa bawat galaw ng mga kasama ko. Ngunit ramdam na ramdam ko ang titig na ‘yon. Titig na nakakapanghina ng mga tuhod. Nang matapos ang aming group performance ay mabilis akong bumalik sa backstage. “Okay ka lang? Infairness, magaling ang pinakita mo,” tanong at puri ni Rowena sa akin na hinawakan pa ako sa braso. “Ayos lang ako.” “Good job, girls. Good job, Rain, hindi halatang ngayon ka lang nagpraktis. Be ready, solo performance, next,” wika ni Mama Irene at pumalakpak pa. Gusto ko siya kausapin na kung pwede ‘wag na lang ako magsolo kaso nakalabas na siya. Nanghihina ako napaupo. Ano ang ginagawa niya rito? Bakit sa dinami-rami ng club ay talaga naman dito pa siya naligaw? Huminga ako nang malalim. Kailangan ko ikalma ang aking sarili at may solo dance pa ako gagawin. Makakaya ko kaya? Pwede bang umatras? Ginulo ko ang buhok ko saka wala sa sariling

  • Make Me Yours Again   BHN Chapter 7

    Jacob “WELCOME back, Kuya,” masayang bati ni Clara sa akin na ikinatawa ko lang. Humalik ako sa pisngi niya at nagmano kina Mommy at Daddy. “Welcome back, iho,” nakangiti ring wika ni Mommy Samara. She is my stepmother, mommy siya ni Clara at magkapatid lang kami sa ama. Pero kahit kailan ay hindi ko naramdaman na tinuring niya akong iba. She love and care for me like a real mom kaya napakaswerte ko talaga. “Thank you po, Mommy.” Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi saka ako lumapit sa aking ama at yumakap din. Dalawang linggo lang ako nawala pero parang ilang taon na kung salubungin nila ako. “Nice to have you back, Jacob. Nasa hardin pa ang anak mo at busy sa paglalaro,” wika ni Daddy. “Hindi namin sinabi na uuwi ka na, kasi sabi mo i-surprise mo siya.” Napalingon ako Kay Clara sa sinabi niya. ‘Yon naman talaga ang plano ko ang umuwi ng walang nakakaalam kaso sira ulo talaga si Anthony, hindi magawang magtago ng sikreto sa asawa. “At huwag ka nang magalit sa asawa ko, mas maha

  • Make Me Yours Again   BHN Chapter 6

    Carel Rain ANG bilis lumipas ng araw. Isang buwan na mula magtrabaho ako sa club at hindi ko talaga pinagsisihan ‘yon. Sobra akong nag-enjoy at naramdaman ko ang kalayaan. Walang kumokontrol sa kung ano ang dapat kong gawin. “Rain!” Napalingon ako kay Mama Irene nang marinig ko ang pagtawag niya. Kapapasok ko lang sa silid kung saan kami magbibihis. Kalahating oras na lang kasi ay magbubukas na ang club. “Bakit ho?” tanong ko saka ako humarap sa kanya. Hanggang ngayon ay natutuwa pa rin ako sa kanyang outfit kaya naman si Nyll ay sobrang tawang-tawa rin. Ako naman ay walang paghuhusga lalo at marunong siya magdala, sira lang talaga ang ulo ni Nyll. “Pwede ba kita makausap?” “Oo naman ho. Tungkol ho ba saan?” Magalang kong tanong. Bakas ang iritasyon sa kanyang mukha na para bang may problema. “Kailangan ko ng isang dancer. Na-injure si Kiana at hindi makakapasok ngayon. Hindi pwedeng kulang sila at darating ang big boss natin. Baka naman pwede ka muna mag-sideline na dancer—” “P

  • Make Me Yours Again   BHN Chapter 5

    Carel Rain “AYOS KA LANG?”Nakahinga ako nang maluwag nang makita si Ryder. Siya lang naman ang pumasok.“A-ayos lang ako,” nautal ko pang sagot. Ang bilis pa rin kasi ng tibok ng puso ko.“Sigurado ka? Para kang takot na takot, e. Iniisip mo ba ‘yong mga lalaki kanina? Huwag ka mag-alala, ban na mga ‘yon at hindi na makakapasok dito. Gusto mo ihatid kita mamaya para sigurado na hindi ka nila inaabangan sa labas,” bakas ang pag-aalala sa mukha ni Ryder pero ‘yon huling sinabi niya ay parang nagpabilis na naman ng tibok ng puso ko.Paano kung inaabangan nga ako ng mga lalaki na ‘yon kanina? ‘Wag naman Sana.'“Huwag mo naman ako takutin.” Nahampas ko pa siya sa braso para lang pakalmahin ang sarili pero kabado bente na ako. Paano kung nakaabang nga sila sa akin? 'Oh my gosh!'“Ihahatid kita mamaya para sigurado. May kailangan ka ba dito? Baka kailangan ka na sa labas? Ako magyosi break lang.” Napatango na lang ako nang lagpasan na niya ako. Ayoko pa sana lumabas kaso baka hinahanap na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status