After that she saw how his jaw clench and fist turn into a ball.Alam niyang nasaktan ito sa mga sinabi niya.Nakaramdam man siya ng awa rito ay hindi na niya gustong bawiin pa ang mga nasabi .After all siya ang niloko and she would not be called such a spoiled brat just for nothing.
Ilang minuto rin ang nagdaan na nagtitigan lang sila. Nang dahan -dahang lumapit ito sa kaniya.Bigla siyang napapikit ,akala niya ay sasaktan siya nito .Ngunit mali -naramdaman niya ang bibig nito malapit sa kaniyang tenga, kasabay ng mahinang tunog ng mapaklang tawa ."Kung hindi lang kita talaga ganoon kakilala baka maniwala pa ko,stop being so harsh sometimes."unti-unti nagmulat siya ng mga mata at lumingon sa gawi nito. Matapos siya nitong bigyan ng malungkot na ngiti ay tumalikod na ito at lumakad palayo. Para tuloy siyang baliw na gustong umiyak pero mas pinili na lang ang tumawa .Dahil sa aminin man niya o hindi bigla siyang nakaramdam ng panghihinayang .Aaminin niyang naging masaya naman siya kahit papaano kay Dilan kaya nga sila tumagal ng isang taon. Pero kilala siya bilang isang spoiled brat at lagi niyang pinaninindigan iyon. Tama na rin siguro iyon dahil isa rin sa dahilan kung bakit pinili niyang ilihim ang relasyon nila ni Dilan ay sa kadahilanang hindi niya ito pwedeng maipagmalaki .Dahil hindi hamak na mas angat sila kaysa kina Dilan kung ang estado sa buhay ang pagbabasehan. Matapos ang nangyari ay ikinondisyon niya ulit ang sarili at tila walang anuman na lumakad papunta sa kanilang room.Itinanim sa isip na hindi dapat pagaksayahan ng panahon ang isang tulad lang ni Dilan. Pumwesto na siya sa kaniyang upuan at nagsimula na ang discussion sa araw na iyon .She's taking up Bussiness course dahil iyon ang gusto ng Daddy niya.At alam niyang kailangan niya iyon bilang nagiisang anak ng mga magulang ,para sa kanilang kumpanya. Naging maayos naman ang araw ng pagpasok nila ngayon .Nang magla-lunch break ay tumungo na sila sa may canteen sa loob ng university.Umorder ng makakain at umupo sa usual na pwesto nila kasama ang mga kaibigan. Sa di kalayuan ay nakita niyang magkasama na kumakain sina Jeff at Ella dahil doon ay napaismid na naman siya.Siya itong binabalak na ipakasal kay Jeff pero sa katulong na iyon mukhang gustong dumikit. Matapos ang insidente sa swimming pool at manghingi sila ng sorry ni Dilan kay Ella ay lumabas na siya dahil sa napilitan lang naman talaga siya.Ginawa lang naman niya iyon just because of Jeff. At bago umalis binantaan pa siya ni Jeff na maging mabait at tratuhin ng maayos si Ella .Kaya mula noon ay dumistansiya at medyo umayos na ang pakikitungo niya kay Ella . Dahil na rin sa iniisip niya na magiging dahilan rin iyon para hindi na ituloy ng mga magulang ang planong papagbakusyunin siya sa probinsiya. Pero ngayong nakikita niyang tila nagkakamabutihan na ang mga ito ay hindi siya makapapayag .Paguwi ay kakausapin niya si Ella.Pagmulat ng mata ni Marisse ay nakita niya ang puting dingding at kisame ,nasa hospital room siya .May swero sa kaniyang kamay . Napahawak siya sa kaniyang noo ng maramdamang kumirot ito at nakapa na may benda pala iyon ,marahil nagkasugat sa pagkauntog niya kaninang nawalan ng malay . Ngunit bago iyon ay parang agos ng tubig na dumaloy sa kaniyang isipan ang lahat ng nawalang alaala niya ng mga nagdaang taon. Ngayon ay alam na niya kung bakit .Totoong kilala siya ni Anton dahil magkaklase sila nito .Anak ito ng isa sa naging teacher niya ng Elementary .Grade 6 sila ng magkakilala ,isa si Anton sa sikat na student noon ng klase nila. 7 years later... Elementary Days "Marisse ,sabi ng teacher mo may pinaiyak kana naman daw na isa sa mga classmate mo ."ang may galit sa tinig na sabi ng kaniyang Mommy ng umaga na kumakain sila ng breakfast . She frowned ,ang bilis naman makarating sa Mommy niya ng ginawa niya ."Mom she sit on my chair ,alam mo namang ayaw kong may ibang umu
"Are you okay ,may masakit ba sayo?"hindi na pinansin ni Jeff ang ginawang iyon sa kaniya ni Ella ,bagkus ay hinawakan nito ang kamay ni Ella at tinitigan kung may galos o sugat ba ito . "Nakita mo naman na siguro maayos ako .Puwede ba umalis kana ,umalis kana !"ang sigaw na humihikbi ni Ella sa natitigilang si Jeff.Pinagsalikop ni Ella ang dalawang tuhod at tinakpan ng dalawang kamay ang mukha at hindi na nito napigilan ang humagulgol ng iyak "Tell me Jeff ,may kinalaman ba ang Daddy mo sa nangyari kay Nanay ?"ang mahina ngunit may diin na tanong ni Ella ng iangat nito ang tingin sa nakakunot noong si Jeff. "Her mother died just half an hour ago ."ang sabi ni Charles sa nagtatanong na mukha ni Jeff. Hinlakbot na napatingin si Jeff at tila hindi makapaniwala sa tinuran nito ,at pagkatapos ay napatitig muli kay Ella . Isinubsob naman na muli ni Ella ang mukha sa nakatuping tuhod na patuloy sa masakit na paghagulgol ."I'm sorry ,pero hindi ko alam .Wala akong alam ."si Jeff na nap
Sobrang naiinis na si Anton sa sarili.Gusto niyang makita si Marisse ngunit hindi niya alam kung tama ba na puntahan ito. Ayaw niyang mas lalong lumaki ang problema ,pero mababaliw na siya kung palalagpasin pa ang ilang araw na hindi makita kahit ang anino lang ng dalaga . He called Dwayne at sakto na nasa isang branch daw ito ng Ddeluxe Hotel,hotel na pagmamay-ari ng pamilya nila .Kinuha niya agad ang susi ng Rover niya at nagmaneho na papunta doon . "I don't know what to do anymore ,Dwayne .I miss her so much ."sabi niya sa pinsan habang umiinom ng inorder na beer .Katatapos lang daw ng pakikipag-usap nila ni Sav sa wedding coordinator .His really planning to marry Sav as soon as possible,ayaw na daw nitong patagalin at baka mauntog pa ang bestfriend niya . "Ewan ko sayo .Bakit ka kasi pumapayag na hawakan sa leeg ni Samantha ?If I were you hindi ko hahayaang gawin sa'kin yon."ang sagot nito sa kaniyang hinaing .Ganoon rin ang akala niya,hindi siya magpapadikta sa gusto ni S
"F*CK MARISSE WALA kana bang ibang alam gawin kung hindi umiyak ?"ang inis ngunit kababakasan ng awang tanong ni Charles kay Marisse . Hindi na naman kasi niya mapigilang umiyak ,ewan ba niya kung bakit sobrang iyakin niya ngayon .Kahit konting bagay iniiyakan na hindi niya makita o minsan pagkain gusto niyang kainin na hindi niya makain ay iniiyakan .Naiinis rin siya na hindi niya malaman minsan kung bakit . Pero isa lang ang sigurado sobrang namimiss na niya- si Anton,gusto na niya itong makita ngunit alam niyang hindi na puwede . Inaya na lang siya ni Charles na pumunta muli sa park .Dahil sa narinig ay labis siyang natuwa .Ewan ba niya at sobrang aliw na aliw siya kapag pumapasyal doon . Para kasing may bahagi ng puso niya na masaya na nakikita ang mga bagay na naroon .Katulad ng basketball court kapag napupunta siya roon ay iba ang pakiramdam niya na parang dati na siyang nagpunta roon .It's like looking on a place that you have been before pero sa pagkaalala niya ay hind
"Ate Fe bakit wala pa si Marisse?"ang mahina ngunit may diin na tanong ni Anton sa kasambahay .Hindi niya mailakas ang tinig at baka marinig ni Samantha kung sakaling gising na ito. "Pasensiya na Sir Anton hindi ko siya napigilan ng umalis siya kahapon.Akala ko ay sa farm lang siya pupunta ."sagot naman nito sa kaniya na palingon-lingon din. "Paano naman siya makakaalis ,hindi ba't pinutol ko ang wire ng sasakyan niya ?I already told you that hinayaan mo pa ring gamitin niya ."sa naisip na maaaring ikapahamak ng dalaga ang ginawa niya para lang hindi ito makaalis ay hintakot na napatingin siya kay Ate Fe. Iiling-iling naman na tinignan siya ng katulong "Hindi ko namang hahayaang mapahamak ang Senyorita ,Sir Anton ." "Kung ganoon paano siya nakaalis?"kagabi pa siya hindi matahimik sa pag-aalala sa nobya lalo na't alam niyang nasasaktan ito ngayon .Galit sa sarili na naikuyom niya ang kamao .Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may masamang mangyari kay Marisse . "May dumat
Huminto sila sa isang park at umupo sa isang bench doon .Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya ng makita ang mga naggagandahang mga halaman at puno na nakapalibot . "Ang ganda naman dito .How do you know this place?"tanong niya makalipas ang ilang minuto na nakaupo lang sila at tinitignan ang mga tao na naroon na karamihan ay mga bata na nagtatakbuhan. "Actually favorite place kasi ng isang taong special sa'kin ang park.We always see each other sa park at sinasabi pa niyang nakakagaan ng pakiramdam kapag nakakakita siya ng mga bata na naglalaro."salita nito na may ngiti sa labi .Sa hitsura nito ay nahihinuha na niya na may pagtingin ang kaibigan sa kung sino man iyon . "Really ?Well she's right nakakarelax nga naman .Ang saya nga nilang tignan ."at itinuro kay Charles ang mga batang naghahabulan . "Tara ."Aya nito sa kaniya matapos ang ilang minutong paglalakad nila.Kung saan na nga sila nakarating maaliwalas at maraming mga puwedeng pag-picturan. "Saan ?"tanong naman ni