Apat na taon...
Ganoon na katagal mula nang iwan ako ng dalawang taong mahalaga sa buhay ko.
Hindi ko kinaya nang mamatay si Jomari. Nasanay kasi akong nandiyan siya palagi. Bata pa lang kami, magkasama na kami. Sa mga problema, k
MAMAMATAY NA AKO... BUKAS! Ang pagwawakas. Salamat po sa lahat ng sumubaybay sa unang bahagi ng kuwento nina Jomari, Bianca at Jude! Ngayon... Handa na ba tayo sa kasunod?
Dumilat ang mga mata kong maga sa pag-iyak. Ramdam ko ang kabigatan ng mga ito sanhi ng pagod. Sa aking pagdilat, nakita ko ang paligid na nababalot sa kadiliman."Nasaan ako?" ang tanong na unang pumasok sa isip ko. Nataranta ako bigla.Nilibot ko ng tingin ang paligid, pero kahit anong pagdilat ang gawin ng mga mata ko ay wala akong makita. Bulag na ba ako o sadyang madilim lang? Bukod sa masikip ang lugar na kinalalagyan ko ngayon, mainit dito at mabaho.Huminga ako. Ah! Hindi ko kinaya ang paghinga! Ano ba yung amoy na iyon? Nakasusulasok! Tinakpan ko ang ilong ko ng aking mahina at nanlalatang mga kamay, pero tagos pa rin ang mabahong amoy. Amoy bulok! May katabi ba akong bangkay? Ganito nga ba ang amoy ng bulok na katawan? Hindi ko rin alam. Pero, paano kung may katabi ako? Paano kung "siya" pala ay nandito?Hinahanap ng mga kamay ko ang pader na aalalay sa akin sa aking pagtayo. Kinapa-kapa ko ang pader. May nakapa akong 'di ko nagustuhan! Hindi ko
"So... may ka-date ka na ba sa Valentine's?" Isandaang beses na yatang itinanong sa akin ng makulit na si Jude ang tanong na yun. Paulit-ulit. Nakatuturete. Ilang beses ko na ring sinagot iyon. Ilang beses na akong nagpaulit-ulit. WALA! WALA!"Paulit-ulit, Jude? Wala!" naiiritang tugon ko. Inirapan ko siya. Napansin niya iyon, pero nagpatuloy pa rin siya sa pangungulit."Bakit wala?" Inirapan ko uli siya. Isandaang beses na rin niyang ginagawang follow-up question ang tanong na iyon."Wala... kasi nga wala akong boyfriend! Intiende?" Kahit na ilang beses nang pinauulit-ulit ni Jude ang tanong na iyon, mukhang hindi siya nakukuntento sa paulit-ulit na sinasagot ko. "Ok. Gusto ko lang i-confirm dahil may irereto ako sa iyo.""Jusme, Jude. Ilang beses mo bang dapat i-confirm? Isanlibo?""Isang milyon!" Natawa ako sa sinabi niya. "Hay naku! Reto mo mukha mo!" tugon ko, at ibinatok ko ang hawak na libro sa ulo niya. Napa-aray si Jud
Tunog ng alarm clock ang gumising sa akin kinaumagahan. Nakalagay ang isang kulay itim, hugis parihaba at maliit, pero nakabibinging alarm clock sa isang cabinet na nasa kaliwa ng kama ko. 'Di ginusto ng tainga ko ang nakabibinging ingay kaya gaya ng madalas na ginagawa ko ay tumawad ako sa alarm clock. "Five minutes," sabi ko. Nahihirapan pa akong idilat ang mga mata ko. Pinihit ko ang ikutan nitoat bumalik sa pagpikit. 'Di pa man din lumalalim ang tulog ko ay narinig ko ang ringtone ng cell phone ko; may tumatawag. Nakaibabaw ang cell phone sa parehong cabinet kung saan naroon ang alarm clock. Kinuha ko iyon. Kung tutuusin, puwede kong gamitin yung cell phone para maging panggising, kaso hindi na lang kasi hindi rin nakatutulong. Nakita ko mula sa screen ng cell phone ko kung sino ang tumatawag: si Jude. Sinagot ko iyon. "Hello," matamlay na sag
Pinahapyawan ko ng basa ang diyaryo na nakuha ko. Yung babae kahapon... Star Sebastian pala ang pangalan niya. Sa pagbabasa ko sa diyaryo, nalaman kong naging modelo pala siya ng isang men's magazine at kasalukuyang vocalist ng isang banda. Nalaman ko ring tatlong buwan na pala siyang nawawala. Ang dahilan? Walang nakaaalam. Ang huli niyang kasama? Hindi rin nasabi.Nawawala si Star.. Pero, bakit nakita ko siya kahapon? Ang ibig sabihin ba nito...? Ano nga ba yung nakita ko? Guni-guni ba? Multo? O baka siya talaga iyon? Kailan pa ba itong diyaryo na ito?Tiningnan ko ang petsa ng tabloid. Bago lang ang balita. Teka, kahapon lang?!Lumabas na ako sa CR. Baka naiinip na sila maghintay sa akin. Tangan ko ang diyaryo sa kanang kamay ko. Paglabas ko, nakita ko si Zach. Ano ito? Hinihintay niya ba ako? Hay naku, Bianca! Ayan ka na naman sa pag-a-assume mo e!"Akala
10 p.m.Hihintayin daw ako ni Zach. He will wait for me and he will be expecting of my presence. Iyon yung mismong salitang sinabi niya. At um-oo ako. Samakatuwid, pupunta ako sa Old School. Para saan pala? Para makita si Zach? Para marinig silang kumanta at tumugtog? Siguro. O para malaman ang ilan pang detalye sa pagkawala ni Star at kung bakit parang nagparamdam na naman siya sa akin? Kaso paano ako magpapaalam sa amin?"Ma, aalis ako ngayon. Pupunta ako sa Old School."Tapos, ano? Panigurado tatanungin ako ni mama kung ano iyon. At sasabihin kong,"Yung bar na malapit sa University."Panlalakihan ako ni mama ng mata at sasabihin niyang, "Dis oras ng gabi?" Tapos hindi niya ako papayagan at bubungangaan niya ako. Magagalit siya at tatakpan ko ang tainga ko sa ingay niya o kaya magkukulong na lang sa kuwarto para 'di ko siya marinig. Sa huli, hindi ako makakasama. Masisira ako kay Zach. Hindi niya ako k
Tahimik lang si Jomari buong byahe namin pauwi. Hindi ako sanay ng ganito. Minasama yata niya yung pagkatulala ko bigla kanina. Nagsalita na lang siya nang makarating na kami sa lugar namin.Pinilit ni Jomari na pumasok na ako sa bahay namin. Hindi ko siya sinunod. Gaya ng sinabi ko kay Jude, ipaliliwanag ko kung ano yung nangyari sa akin kanina.Inaayos ko sa isip yung mga sasabihin ko: kung paano ako magsisimula, kung paano ako magpapaliwanag, pero hindi ako mapakali sa naka-sambakol na mukha ni Jomari kaya sinabihan ko siya,"It's not what you think."Tumingin siya sa akin kasama ang mukhang ngayon ay 'di ko mabasa kung ano tunay na emosyon, kung malungkot ba, inaantok o pagod, at siya'y nagtanong, "Bakit, ano bang iniisip ko?""Yung tungkol kanina... Na sinasabi ni Jude... Na natulala ako."Gusto kong sabihin kung ano yung nakita ko, pero parang nagbibingi-bingihan lang siya sa mga pahayag ko. 'Pag ganitong may tampuhan kaming madalas di
Nag-text sa akin si Zach kinaumagahan. Kagigising ko pa lang at wala pa sa mood magbasa ng message. Pinansin ko na lang iyon pagkatapos ko maligo."Good morning, Bianca! Thanks for dropping by at Old School last night. Jude said sumama yung pakiramdam mo. How are you feeling now?"Totoong natuwa ako sa message niya. Wala naman kasi akong ibang nakaka-text kundi sina Jude at Jomari. Minsan ok rin kung may ibang tao kang kausap. Pero sa kabilang banda, napapaisip din ako."Rereplyan ko ba ito?" tanong ko sa sarili. "Mamaya na nga lang," naging desisyon ko.Nakita kong nakatambay ang mag-pinsan sa labas ng bahay nila nang lumabas na ako matapos maghanda sa pagpasok."Ayan na pala ang prinsesa!" bungad sa akin ni Jude."Sus! Umagang-umaga nambobola," sabi ko sa kanya."Nang-aagaw ka! Prinsesa ko yan!" reklamo ni Jomari sa pinsan."Edi prinsesa mo! Saksak mo pa sa baga
"Ano, Bianking? Ano na'ng nangyari? Ok na ba? Niyaya ka na ba ni Zach?" sunod-sunod na tanong ni Jude nang makalapit na sila ni Jomari sa akin."A, oo. Niyaya niya akong makipag-date," matamlay na sagot ko.Ewan ko ba, dapat masaya ako kasi makaka-date ko si Zach --yung poging si Zach! After how many years, may nagkamali sa aking magyaya, pero bakit hindi maganda ang pakiramdam ko sa date na ito?"Syempre um-oo ka, 'di ba? Makikipag-date ka sa kanya, 'di ba?" tanong ni Jomari, halatang masama ang loob. Siguro iniisip na naman niyang kinikilig ako kasi niyaya ako ni Zach."A... oo," sagot ko suot ang isang tipid na ngiti.Nanggagalaiti si Jom sa inis, "Ikaw kasi e!" pagsisi niya kay Jude. Muntik pa niyang sikuhin yung pinsan niya.Inawat ko siya at nagpaliwanag, "Jom, huwag mo nang awayin si Jude. Saka hindi naman para sa akin ito e.""A right, para kay Star! Si Star, si Star, si Star! Sabihin mo nga riyan sa kai