Share

Kabanata 59

Pagkarating ni Karlos sa hospital kung saan dinala si Ivan ay naabutan naman niyang nakaupo sa waiting area si Alona at namumugto ang mga mata.

Napabuga muna siya ng malalim na paghinga bago niya lapitan ang asawa niya.

"Hindi man lang ba magpapalit muna ng damit?" bungad niyang turan nang makalapit na siya sa kaniya. Nabosesan naman siya kaagad ni Alona, kung kaya't inangat nito ang kaniyang ulo at pinalis ang luha sa mga mata gamit ang sariling kamay.

Umupo si Karlos sa tabi niya at nakaharap sila sa ICU, kung saan kasalukuyang naka-coma ang binatang si Ivan.

"Ano ang sabi ng doktor? malala ba raw ang kondisyon niya?" tanong niya kay Alona habang minamasdan niyang maigi ang ekspresyon ng mukha nito.

"Nakacoma siya. Hindi ko alam ang buong detalye kung anong nangyari sa kaniya, pero bakit kailangan niyang umabot sa ganito?" nangangatal ang boses niya at niyuko ang sariling ulo na may pagtulo ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Pinunasan naman
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status