Sa kabila ng paglalakad ni Alona at panlalabo ng mga mata dahil sa namumuong luha, bigla niyang nabangga ang binatang waiter na may hawak na tray ng baso ng alak. Kaya naman, nabitawan niya ito at nabasag sa sahig.
Dahil dito, naagaw niya ang atensyon ng kanilang mga bisita. Lumingon ang mga ito sa kanila at tumingin sa kaniya.“Pasensya na po, Ma'am. Hindi ko po talaga sinasadyang mabangga ka,” paumanhin ng waiter sa kaniya habang pinupulot at nililinis ang mga nabasag na baso.Hindi makagalaw ang dalaga. Nalilito siya kung ano ang gagawin niya at tila umiikot ang paningin niya. Napansin kaagad siya ni Ivan kaya nilapitan niya ito at hinawakan sa braso."Ms. Alona, okay ka lang ba?" nag-aalala niyang sabi habang sinisiguradong wala siyang sugat o galos na natamo sa katawan.“Ivan,” mahinang sambit ng dalaga. Naputol ang pag-uusap ng dalawa nang umakyat ang kaniyang ama sa entablado at kinuha ang kanilang atensyon."Atensyon sa lahat ng mga naggagandahang dilag at mga ginoong dumalo sa okasyong ito. Ako ay lubos na nagpapasalamat sa inyong lahat sa pagdalo sa ikadalawampu't limang kaarawan ng aming unica hija na si Alona. Bukod dito, ngayong gabi ay kayo lamang ang makakarinig ng makabuluhang balitang ibabahagi ko sa inyong lahat. Hinihimok ko kayong muli na dumalo sa mahalagang okasyon o araw ng aking anak at ng aking malapit nang maging manugang na si Karlos Miguel Sermiento, para sa nalalapit nilang kasal." Nang ituro ng ginoo ang gawi ng binata ay kaagad silang napalingon kay Karlos at sabay-sabay silang nagpalakpakan.Itinaas naman ng binata ang wine glass na hawak nito at ininom ang laman ng white wine sa isang lagok lang.Napalingon din si Alona sa direksyon ni Karlos at nagkataong nasulyapan din siya nito. Ningitian siya ng binata pero pinandilatan lang niya nito at ibinalik ang atensyon sa ama na kasalukuyang nakatayo sa stage.“Ivan, alam mo ba ang lahat ng ito? alam mo rin ba na binabalak nila akong ipakasal sa lalaking iyon?” tanong niya na may luhang tumutulo sa gilid ng mga mata niya.Hindi naman nakaimik kaagad si Ivan at nakayuko lang sa harapan niya.“Bakit hindi ka nagsasalita? nangangahulugang oo ba ang iyong sagot? So, ibig sabihin kasabwat ka rin nila.” Pagkasabi niya nun ay tumalikod na siya at dumiretso sa parking lot."Ms. Alona!” pero sumunod din kaagad si Ivan sa kaniya at napansin sila ni Mr. Desepeda, kaya bumaba siya ng stage at sinundan ang kaniyang anak.“Alona!” tawag niya sa dalaga. Huminto siya at lumingon sa kaniyng ama.“Hija, wala kang dapat ipag-alala. Alam mong ginagawa lang namin ito para sa iyong kapakanan, bukod pa roon ay mabuting tao naman si Karlos. Iba siya sa lahat ng lalaking nakilala mo, nangako siya sa amin na aalagaan ka niya at hinding hindi ka niya sasaktan. " Paliwanag ng kaniyang ama, ngunit ngumiti lang ang dalaga at pinunasan ang mga luha sa kaniyang mga mata.“At naniwala naman kayo kaagad? gaano kayo kakumpiyansa sa taong iyon? ano ang ibinigay nila sa inyo bilang kapalit upang mapapayag nila kayo na ipakasal ako sa kaniya? dahil na naman ba ito sa pera? ang kumpanya? o dahil hanggang ngayon, hindi niyo pa rin matanggap na namatay si kuya Mike at ako ang pumalit sa kaniya? o dahil wala akong kuwentang anak—" napatigil lang siya sa pagsasalita nang bigla siyang nakaramdam ng mabigat at malakas na sampal mula sa palad ng kaniyang ina.“Huwag na 'wag mong babanggitin dito ang kuya Mike mo! wala ka sa posisyon mo para sumbatan siya sa mga nangyayari ngayon!” galit na galit at naiiyak na saad ng kaniyang ina sa dalaga.Hinawakan ni Alona ang pisngi niyang iyon at matalim na tiningnan sa mata ang mga magulang.“Alona,” tawag ng kaniyang ama na lalapit na sana sa kaniya pero tumalikod na lang ito at lumayo sa kanila."Ms. Alona!” tawag naman sa kaniya ni Ivan habang kumakatok sa kotseng sinasakyan ng dalaga. Sumulyap si Alona sa windshield at hindi na lang siya pinansin pagkatapos ay lumabas na ito ng hacienda.Sa labis na pag-aalala ng ginoo sa anak nito na baka may masamang mangyayari sa dalaga ay sumakay ito kaagad sa kaniyang sasakyan para sundan ang kanilang anak. Sumunod naman ang kaniyang asawa at sumama rin sa kaniya.Laking gulat na lamang ni Ivan nang dumaan sa kaniyang harapan ang mag-asawang Desepeda.“Sir, ma'am?” nagulat siya nang makitang nakasakay sa kotse ang mag-asawa. Mukhang nag-aalala rin siya na baka may mangyaring masama sa pamilyang ito, kaya sumakay siya sa kotse niya at sinundan sila.“Karlos, hijo. Sundan mo sila, ikaw ang magiging kinabukasan ng kanilang kumpanya. Kaya dapat lang na tratuhin mo sila ng mabuti at ituring sila bilang iyong mga tunay na pamilya. Sige na, bago pa mahuli ang lahat.” Utos ng kaniyang ama sa kaniya.Kaagad namang sinunod ng binata ang utos nito. Sumakay siya sa kotse niya at mabilis itong pinaandar.Tatlong sasakyan ang kasalukuyang sumusunod kay Alona. Ngunit hindi niya namalayang nakasunod pala ito sa kaniya mula sa likuran.Pinatakbo ng mabilis ni Mr. Desepeda ang sasakyang minamaneho upang pantayan ang kaniyang anak. Ibinaba niya ang windshield at paulit-ulit na tinawag ang pangalan nito.“Alona! ihinto mo ang sasakyan ngayon din!" sigaw niya, pero mas binilisan pa ni Alona ang pagmamaneho sa sasakyan niya at nanguna ito sa kanila.Hindi nagpatinag ang kaniyang ama at nagsimulang patakbuhin ng mas mabilis pa ang sasakyan."Mon, masyado tayong mabilis." Nag-aalala at natatakot na saad ng asawa nito. Ngunit hindi ito nakinig sa kaniya at nakatutok lang siya sa sasakyan ng kanilang anak.“Mon.” Muli niyang tinawag ang asawa. Lumingon si Mr. Desepeda sa kaniyang asawa at saka niya lang namalayan na natatakot pala siya sa bilis ng kaniyang pagmamaneho. Kaya naman, sinubukan niyang pabagalin ang kotseng sinasakyan nila, ngunit wala pa ring nagbago sa bilis ng kaniyang pagpapatakbo at lalo lamang itong bumibilis.“Ramon!” sigaw ng misis nito nang makitang may paparating na puting trak sa harapan nila. Nang mapalingon sa harapan ang kaniyang asawa ay kaagad niyang pinaikot ang kotseng sinasakyan ngunit tumama ito sa gilid ng tulay at tuluyang nahulog sa malalim na sapa.Saglit namang sumulyap si Alona sa kaniyang side mirror at mabilis siyang napapreno nang makita ang aksidenteng nangyari sa kaniyang mga magulang.Apurahan siyang bumaba ng sasakyan at tumakbo patungo sa pinangyarihan ng insidente.“Mom, dad!” nanginginig ang boses niya habang tinatawag ito at patuloy na tumutulo ang mga luha sa kaniyang mga mata.Sa kabila ng kaniyang paglalakad ay bigla siyang nabangga ng isang pulang kotse.Sa lakas ng impact ng pagkakabangga sa kaniya, tumilapon siya at gumulong-gulong sa kalsada. Mabilis na kumalat ang dugo niya habang nakatingin siya sa mga ulap."Mom, dad, kuya Mike." Mahina niyang sambit sa kaniyang labi na may luhang tumutulo sa gilid ng kaniyang mga mata. Unti-unting nanlalabo ang kaniyang mga paningin at ilang saglit lang ay nawalan siya ng malay.Mabilis na bumaba ng sasakyan si Ivan at apurahang nilapitan ang nakahandusay na dalaga."Ms. Alona!" paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan nito. Nabaling din ang atensyon niya sa nangyari sa mag-asawang Desepeda kaya naman nataranta siya at nababalisa sa sunod-sunod na mga pangyayari."Hello? nasa Reynaldo Bridge highway kami ngayon. Puwede bang pakibilisan niyo kasi kailangan namin kaagad ng rescuer dito? Tatlong tao ang naaksidente dito, kaya pakiusap … Kailangan namin ng tulong niyo."Tumawag naman ng ambulansya si Karlos nang makita niya ang nangyari sa mga Desepeda. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala lalo na kay Alona. Kaya naman, kaagad niya itong nilapitan pero nalilito siya kung ano ang dapat niyang gawin.“Alona! Alona, naririnig mo ba ako?" sa pagkakataong iyon, saglit na namulat ang mga mata ng dalaga at tumingin sa kaniya.“Alona, nakikita mo ba ako? huwag mong ipikit ang iyong mga mata.” Saad niya pero tuluyan na siyang nawalan ng malay."Ms. Alona!” tawag ulit sa kaniya. Sumulong saglit si Ivan at pinakinggan niyang mabuti ang pulso ng dalaga."Bakit?" tanong ni Karlos nang bigla itong lumingon sa kaniya."Hindi ko maramdaman ang pulso niya." Pagkasabi nito ay pinakinggan din niya ang pulso ng dalaga ngunit bigla siyang napaatras nang masiguro niyang tumigil na sa pagtibok ang puso nito.Ilang saglit lang, dumating na ang mga ambulansya at ilang pulis. Pagdating pa lang nila ay kaagad na binuhat ni Ivan ang dalaga na walang malay at itinakbo palapit sa ambulansya.“Tulong. Tulungan niyo siya." Sigaw niya sa mga first aid responders.Nang makita nila si Alona ay mabilis nila itong pinapasok sa loob at isinugod sa ospital. Isinugod din sa ospital ang mag-asawang Desepeda, ngunit kalaunan ay idineklara silang dead on arrival.Habang nasa emergency room pa ang dalaga at kasalukuyang tinatahi ang sugat na natamo sa ulo nito ay bigla naman bumagsak si Ivan sa sahig nang makita ang walang buhay ng mag-asawa.Napahagulgol siya sa pag-iyak at kumapit sa kamay ni Mr. Desepeda, na itinuring siyang halos isang miyembro ng kanilang pamilya. Ang taong tumulong sa kaniya na magpatuloy sa buhay at ang nagpatibay sa kaniyang kalooban.Sa mga oras na kailangan niya ng isang ama na mapagsasabihan ng mga problema ay palagi itong nakahandang makinig para sa kaniya, ngunit ngayong wala na ito ay halos parang dinaganan siya ng malaking pader sa kaniyang likuran.Nakabalot ng benda ang mga mata, ulo, braso, at binti ni Alona. May mga neck braces din na nakakabit sa leeg ng dalaga.Sa ngayon, ang oxygen concentrator lang ang sumusuporta sa kaniyang katawan para mabuhay.Halos hindi niya maigalaw ang buong katawan niya at hindi rin siya makapagsalita. Para siyang bangkay na nakahiga ngunit humihinga pa rin at gising na gising ang kaniyang diwa.Nanginginig na lumapit sa kaniya si Ivan at mabigat ang bawat hakbang niya. Nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata at hindi siya makapaniwala sa sinapit ng dalaga.Pero hindi siya gaanong nakalapit kay Alona dahil biglang dumating ang magiging asawa niyang si Karlos. Binangga pa siya nito sa balikat, pero hindi na lang niya ito pinansin.“Alona! naririnig mo ba ako?" sabi niya na may pag-aalala. Dahan-dahang ginalaw ng dalaga ang isang daliri niya at nakita ito ng dalawang binata.Napangiti si Karlos at napaluha, sabay halik sa kamay niya. Tumalikod na lang si Ivan at lumabas sandali ng kuwarto.Bumuga
Habang walang tao sa loob ng silid ni Alona ay pumasok naman sa loob si Ivan at maingat niyang sinara ang pintuan upang hindi niyang magising ang dalaga sa pagkakaidlip.Dahan-dahan din niyang inilakad ang kaniyang mga paa palapit kay Alona at saka siya huminto sa harapan nito habang pinagmamasdan ang napinsalang katawan nito dahil sa aksidenteng nangyari sa kaniya.Halos tumulo ang mga luha niya sa gilid ng mata, lalo na nang umakyat ang tingin niya sa mukha ng dalaga na kasalukuyang nakabalot naman ng puting benda ang buong mukha nito."Patawad kung nabigo kita at hindi kita naprotektahan. Pero sisiguraduhin ko na pagbabayaran ng taong iyon ang ginawa niya sa'yo," mahina ngunit mariin niyang sinambit sa kaniyang bibig habang nakakuyom ang dalawa niyang kamao.Tila gumalaw naman ang hintuturong daliri ng dalaga sa kaliwang kamay niya at napansin din naman iyon kaagad ni Ivan, kung kaya't bigla siyang natahimik at napatingin sa mukha ng dalaga. Batid niya na narinig ni Alona ang mga si
Pagkatapos maiparada ni Ivan ang kaniyang sasakyan sa parking lot ay apurahan naman siyang sumakay ng elevator. "Sandali lang!" saktong pasara na ito, pero mabuti na lang at naabutan pa niya."Salamat," aniya nang makapasok na siya sa loob at pinindot ang number button sa may gilid. Halos hindi naman siya mapakali at panay din ang pagtingin niya sa kaniyang relo. Hanggang sa napukaw ng atensyon niya ang isang misteryosong tao na nasa likuran niya. Tangging silang dalawa lamang ang nasa loob ng elevator at napansin niya sa reflection na nasa kaniyang harapan ang taong nakatayo sa likuran nito habang nakamasid sa kaniya. Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa, pabalik. Nakasuot siyang jogger na itim, nike rubber shoes at black- hoody jacket na natatakpan naman ang kaniyang mukha.Hindi niya matukoy ang itsura nito dahil sa hoody jacket na nakatakip sa kaniyang ulo at mukha. Ngunit sigurado naman siya na
Mahigit dalawang oras ang inabot ng paghihintay nina Ivan, sa labas ng silid ni Alona. Hindi ito mapakali at palakad-lakad na lang, habang nakahawak sa kaniyang noo gamit ang isang kamay.Nakasunod naman ng tingin si Kiko sa kaniya at nagbuga ng malalim na paghinga."Puwede ba, Ivan? umupo ka na muna sandali at kumalma. Ako tuloy ang nahihilo sa kakaikot mo riyan," turan nito sa kaniya. Saglit namang natigilan sa paglalakad ang binata at lumingon ito sa kaniya na nakapamulsa ang dalawang mga kamay."Kiko, sabihin mo nga sa akin. Wala ka bang napapansin na kakaiba? o baka naman may ibang taong pumasok sa loob ng kwarto niya?" usisa niya habang napailing naman sa ulo si Kiko at nanliliit ang mga mata."Kakaiba? wala naman. Bakit?" mabilis nitong tinugon sa kaniya."Sigurado ka ba? wala kang napansin na kakaiba?" medyo natagalan sa pagtugon si Kiko sa kaniya at tila may malalim itong inii
"I'll take care of her." Ani ni Karlos kay Ivan, nang marinig niya ang pinag-uusapan ng dalawa.Hindi naman nakatugon kaagad ang binata sa kaniya at nakasunod lang ng tingin sa kaniya habang naglalakad siya, patungo sa loob ng silid ni Alona. Ngunit kaagad din siyang natigilan sa paglalakad ng tabigin siya sa isang balikat ni Ivan at mapangmata siyang tinignan.Ano ba talaga ang problema ng isang 'to? ang lakas din naman pala ng loob niyang pigilan ako, samantalang isang hamak na private bodyguard lang naman siya. Paglalayag sa isipan ni Karlos habang nakatitig siya sa mga mata ni Ivan."Huwag na huwag mong babalaking gumawa ng kolokohan sa kaniya. Dahil alam mo kung ano ang kasasapitan ng buhay mo," mahinang turan nito sa kaniya, pero napangisi lang siya at tinaboy ang kamay nitong nakahawak sa balikat niya.Anong sinabi niya? alam ko ang kasasapitan ng buhay ko? wow! so, ang akala ba niya ay matatakot
Mahigit anim na buwan na ang nakakalipas, magmula nung umalis si Ivan at bigla na lang nawala. Tangging si Karlos naman ang nag-aalaga kay Alona at kasalukuyan na nga niyang naigagalaw ng paunti-unti ang kaniyang katawan, subalit nakapiring pa rin ng puting bendahe ang kaniyang mga mata.Nakakaupo na siya ngayon at paunti-unti ay nakakalakad na ulit siya dahil sa tulong ng binata at sa palaging pag-aalalay nito sa kaniya."Say ah." Kasalukuyan nakaupo si Karlos sa harap ni Alona, habang siya naman ay nakaupo sa kaniyang higaan. Sinusubuan niya ito ng isang kutsarita na may crab soup, pero tinatanggihan naman siya ng dalaga."Tumigil ka na, hindi mo kailangang magbait-baitan sa akin ngayon. Alam ko namang walang tao sa paligid natin, kaya puwede ka ng huminto sa pag-aakting mo." Mahina ngunit may laman ang mga sinasabi nito sa kaniya. Gumuhit naman ang pilyong ngiti sa labi ng binata at sandali niyang binitawan ang hawa
Apurahang tumatakbo si Karlos mula sa private room ni Alona, pagkatapos nitong malaman na ngayong araw na rin pala tatanggalin ang bendaheng nakapiring sa mga mata ng dalaga."Excuse me, excuse me po!" aniya habang nagmamadali ito. Pagkarating niya sa tapat ng silid nito ay sandali siyang nahinto at hinahabol ang kaniyang paghinga. Hingal na hingal siya at tumatagaktak ang butil ng pawis mula sa kaniyang noo."After i removed this, you must slowly open your eyes and don't force it. Do you understand?" malumanay na turan sa kaniya ng doktor. Tumango naman ng ulo ang dalaga at may maikling ngiti sa kaniyang labi na animoy nasasabik na itong muling mabuksan ang kaniyang mga mata.Napayuko naman saglit si Karlos at nagbuga ng malalim na paghinga. Napansin siya ng doktor nito at nagpalitan sila ng tingin sa isa't-isa. Tila may pangamba naman sa mukha ng binata at umiiling siya ng kaniyang ulo.
Gabi-gabi na lamang umiiyak si Alona, pagkatapos niyang malaman ang tungkol sa pagkabulag ng kaniyang mga mata. Madalas din itong nagwawala at tinataboy ang kahit sino mang lalapit sa kaniya. Wala rin itong ganang kumain at madalas ay tinatapon lang niya ito sa kung saan-saan.Saksi si Karlos sa hirap na pinagdadaanan ng dalaga. Ramdam niya ang bigat na nararamdaman nito sa kaniyang dibdib at ang kawalan ng kumpiyansa sa sarili. Isang sikat at mahusay na balerina si Alona, ngunit ngayong hindi na ito nakakakita pa ay tila unti-unti na rin siyang nawawalan ng pag-asa na makamtin ang pinapangarap niya na makapagperform sa ibang bansa."Sino 'yan? kung maaari lang ay lumabas ka na. Hindi ko kailangan ng kahit na sino sa loob ng silid ko." Ani ng dalaga sa kaniya nang marinig nito ang pagpihit ng pintuan at mga yapak ng paa ni Karlos."Ako 'to, si Karlos." Pagpapakilala niya habang nakaturo siya sa kaniyang sarili.