Share

Kabanata 5

Pagkatapos maiparada ni Ivan ang kaniyang sasakyan sa parking lot ay apurahan naman siyang sumakay ng elevator.

"Sandali lang!" saktong pasara na ito, pero mabuti na lang at naabutan pa niya.

"Salamat," aniya nang makapasok na siya sa loob at pinindot ang number button sa may gilid.

Halos hindi naman siya mapakali at panay din ang pagtingin niya sa kaniyang relo. Hanggang sa napukaw ng atensyon niya ang isang misteryosong tao na nasa likuran niya. Tangging silang dalawa lamang ang nasa loob ng elevator at napansin niya sa reflection na nasa kaniyang harapan ang taong nakatayo sa likuran nito habang nakamasid sa kaniya. Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa, pabalik. Nakasuot siyang jogger na itim, nike rubber shoes at black- hoody jacket na natatakpan naman ang kaniyang mukha.

Hindi niya matukoy ang itsura nito dahil sa hoody jacket na nakatakip sa kaniyang ulo at mukha. Ngunit sigurado naman siya na nakatinin ito sa kaniya at mukhang may maitim na binabalak. Bumaba naman ang tingin niya sa mga braso nito, napansin din niya na nakapamulsa ang dalawang kamay nito sa loob ng jogger at mukhang may itinatago.

Hindi naman pinahalata ni Ivan na pinaghihinalaan niya ito, bagkus ay nagpanggap na lamang siya na walang kaalam-alam habang palihim niya itong tinitignan sa reflection ng shutting door. Hanggang sa napakunot noo na lamang siya nang mapansin niyang ngumiwi ito sa kaniyang labi. Bumilog naman ang kaniyang mga mata sa pagkagulat at napagtanto rin niya kaagad na nakatingin din pala ito sa kaniya sa reflection ng elevator.

Mabilis naman siyang napalingon at umilag sa taong nasa likuran niya nang itaas nito ang kanang braso niya habang may hawak siyang matalas at matulis na gunting sa kamay. Halos napasandal naman si Ivan sa may gilid at tipong sasaksakin sana siya nito sa dibdib pero muli siyang nakailag at tinadyakan sa binti. Natumba naman kaagad ang misteryosong tao at napadapa na lang sa sahig. Nabitawan din niya ang gunting na hawak niya, subalit hindi pa rin ito nagpatinag sa kaniya at muli itong tumayo at dinampot ang gunting na nasa sahig.

Tinutukan siya ulit nito ng gunting at tila hinahamon siyang saksakin sa bandang kanang dibdib niya. Panay din naman ang pag-ilag at pag-iwas ni Ivan sa kaniya. Pinag-aaralan niya ng maigi ang bawat galaw nito, pati na ang bawat detalye sa buong katawan niya.

Bigla siyang napailing ng ulo nang mapansin niya ang kaliwang kamay nito na may maliit na tattoo at may simbolo ng araw. Nanliit naman ang kaniyang mga mata at maigi niyang pinagmamasdan ang mukha ng taong kaharap niya. Subalit mabilis din nitong tinakpan ang kaniyang mukha, gamit ang isa niyang kamay. Sa mga pagkakataong iyon ay mabilis namang naagaw ni Ivan ang gunting sa kamay nito, ngunit mabilis din itong nakatakas sa kaniya.

Pagkatapos kasi niyang makuha yung gunting sa kamay nito ay sumakto naman ang pagbukas ng elevator, kung kaya't nakatakas ito at hindi na niya naabutan pa.

Halos napapadyak na lang siya sa sobrang inis at napasapo sa sariling noo, habang sinusundan niya ito ng tingin mula sa malayo.

"Mahuhuli rin kita," saad niya sa kaniyang sarili.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras upang hagilapin ang taong iyon at bumalik na lamang siya ulit sa loob ng elevator, upang puntahan ang fifth floor na kinaroroonan naman ni Alona.

Hawak pa rin niya sa kamay ang gunting na naagaw niya kanina sa misteryosong tao. Subalit sa sobrang talas nitong gunting ay nagtamo naman siya ng hiwa sa palad niya at kaagad ding tumulo ang dugo nito sa sahig.

Halos napakuyom na lang siya sa isa niyang kamay dahil sa sobrang panlulumo. Gagamitin sana niya iyon bilang ebidensya, ngunit ngayong nabahiran na niya ito ng dugo ay tiyak niyang wala na rin itong silbi at hindi na niya mahahanap pa ang mga finger prints nito sa may gunting. Kaya nung bumukas na ang elevator ay kaagad din niya itong itinapon sa tabing trash bin at tinungo ang kwartong kinaroroonan ng dalaga na para bang walang nangyari.

"Ivan!" salubong na tawag naman sa kaniya ni Kiko, kaya maging si Karlos ay napalingon din sa kaniya. Kumunot naman ang noo ng binata nang makita siya at pilyo pa itong ngumingiwi sa kaniyang labi habang naglalakad ito palapit kina Ivan.

"Ivan, ano ang nangyari diyan sa kamay mo?" gulat na usisa ng kaibigan nito sa kaniya nang mapansin ang duguan niyang kamay.

Hinawakan pa siya nito ngunit kaagad din niyang hinila ang sariling kamay at nakatindig niyang hinarap si Karlos, nang makalabas na ito ng silid ni Alona.

"Tignan mo nga naman, pagala-gala na lang ang body guard niya dahil wala na siyang pakialam pa kung mag-agaw buhay man ang amo niya," nakangisi na turan sa kaniya nang binata nang makalapit na ito sa kanilang dalawa.

"Ivan, siya yung tinutukoy sa'yo kanina." Bulong namang sabi ni Kiko sa tainga niya. Nilingon naman siya ni Karlos at pinagmasdan siya mulo hanggang paa, pabalik. Muli itong ngumiwi sa kaniyang labi at pinamulsa ang dalawa niyang kamay sa black trouser na suot.

"At nagsama ka pa talaga ng kakampi mo? so, ano? ano ba talaga ang pinaplano niyong dalawa? ano ba talaga ang pakay niyo para kay Alona? pera? alahas? titulo?" pagkasabi niya ay hindi na nakapagpigil pa si Ivan at mabilis siyang hinablot sa kuwelyo ng puti niyang polo.

Mas tumalim pa lalo ang tingin niya sa pilyong binata na nasa harapan niya ngayon, pero binitawan din niya ito kaagad nang awatin siya ni Kiko at pinigilan sa kaniyang braso.

Prente namang inayos ni Karlos ang suot niyang polo at muling binaling ang kaniyang atensyon kay Bon, na umaalab ang mga mata sa matinding galit.

"Sayang naman, nasuntok mo na sana ako at nailabas mo na sana sa akin ngayon ang lahat ng poot na kinikimkim mo diyan sa dibdib mo," aniya habang tinutulak niya sa bandang dibdib si Ivan.

"Kung hindi lang sana nagialam itong side kick mo, hindi ba?" ang sabi pa nito sabay nilingon si Kiko.

"Anong sinabi mo?" tipong susugurin sana siya nito pero kaagad din naman siyang napigilan ni Ivan at hinarangan siya gamit ang isang braso nito. Salit-salitan naman silang tinitignan ni Karlos at saka pumalakpak ng tatlo sa sariling mga kamay na may guhit ng ngiti sa dulo ng kaniyang labi.

"What a romantic scenes! hindi ko akalain na, you both cares for each other. Sayang naman at pareho niyong pinigilan ang isa't-isa. Kung magkataon ay mayroon na rin sana akong dahilan upang maipademanda kayong dalawa at sisiguraduhin ko sa mga oras na iyon na hindi na rin kayo makakalabas pa ng kulungan. Kaya don't hesitate to call me on my phone number,  whenever you change your mind. Isang tawag niyo lang asahan niyong pupunta rin ako kaagad." Ani ni Karlos sa dalawa habang nilulusot din niya ang sariling bussiness card sa bulsa ng polo ni Kiko. Pagkatapos niyang mailagay iyon ay tumalikod na siya at naglakad papalayo sa kanilang dalawa.

Sinundan naman siya ng tingin ni Ivan, habang nakakuyom ang dalawa niyang kamao at kinakagat ang ibabang labi niya dahil sa sobrang pagkainis sa kaniya.

"Ivan, sabihin mo nga. Sino ba talaga ang mayabang na iyon? ang angas ng datingan e! akala mo naman napakatapang talaga, e duwag naman pala!" bulong ni Kiko sa kaniya habang kinukuha sa bulsa ng polo niya ang bussiness card na nilagay nito kanina.

"Sandali ano ba 'to?" usisa niya nang makita ang bussiness card nito at nanlaki naman bigla ang mga mata niya sa gulat nang mapagtanto niya na isa pala siyang CEO sa pinakakilalang kumpanya sa bansa.

Napamaang siyang napahampas sa braso ni Ivan, habang nakaawang rin naman ang kaniyang bibig dahil sa pagkamangha at pagkagulat.

"Ivan, Ivan, tignan mo 'to!" pangungulit niya. Saglit namang napalingon si Ivan sa kaniya at tinignan ang bussiness card na hawak nito.

"Tignan mo, Ivan! mukhang hindi lang pala basta-basta pipisyugin ang lalaking iyon. Isa pala siyang Ceo sa kumpanya, kaya naman ganoon na lamang siya kung makaasta sa atin kanina," ang sabi pa niya pero binalewala lang iyon ni Ivam at saka itinapon ang bussiness card nito sa tabing trash can.

"Hoy, ba't mo tinapon?" saad niya sa kaniyang kaibigan nang agawin nito sa kamay niya ang bussiness card ni Karlos at tinapon lamang sa basurahan.

"Bakit hindi? ang mga basura na kagaya niya ay nararapat lang din na itapon sa basurahan." Mahina ngunit mariin namang tugon nito sa kaniya. Gumuhit naman ang pilyong ngiti sa labi ni Kiko at saka niya sinukuan sa braso ang binata. Napatingin naman si Ivan sa kaniya na may bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha.

"Anong ginagawa mo?" usisa niya habang nakataas ang isa niyang kilay at tinititigan siya sa mata.

"Saan mo natutunan iyan?" pabirong saad nito sa kaniya habang nililiit naman ang mga mata niya at paulit-ulit siyang sinisikuan sa braso niya.

"Ano ba ang mga pinagsasabe mo diyan? puwede bang tumigil ka na? hindi na ako natutuwa sa'yo." Ang sinabi na lamang niya, ngunit sadyang makulit at pilyo itong si Kiko kaya hindi pa rin siyang nilulubayan nito sa pang-aasar.

"Sabihin mo muna sa akin kung saan mo natutunan iyan?" pangungulit pa nito sa kaniya, habang todo naman ang pag-iwas niya sa pilyong binata.

"Ano ba kasi yung tinutukoy mo?" inis niyang sabi.

"Yung tungkol sa sinabi mo kanina sa akin, na basura siya."

"Huh?" pagtataka niya habang nakangiwi naman ito sa labi.

"Tumigil ka na nga, Kiko! at baka kung ano pa ang magawa ko sa'yo kapag sinubukan mong kulitin pa ako ulit." Mahina niyang saway sa binata at tila natahimik naman ito kaagad nang marinig niya ang seryosong boses nito at pagkuyom sa dalawa niyang kamao.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status