로그인CHAPTER - 2
Muntik nang mapa-hesus-maryosep si Lovely. Sanay na siya sa kaanghangan ng kaibigan, pero ngayon, tipong iba ang sinasabi nito. "B-bumibili ka ng pag-ibig?" "Oo, at makakapamili ka pa." "Nakakabili ba ng pag-ibig?" "Hindi ganoon. Ibig kong sabihin, makakabili ka ng pansamantalang kaligayahan." "Hindi ako pwede dyan, Annica." tugon ni Lovely, sabay tayo. "Hindi ko linya yan." dugtong pa niya. "Loka! Kaya ka parang driftwood eh. Sariwa pa, nalalanta na." ani Annica, sabay kuha uli ng sigarilyo at sinindihan. "Look, okay. We have reached twilight's last gleaming, pero hindi katwiran na komo nga ganon, eh wala na tayong karapatang lumigaya pa. Look at me, maligaya, kasi may nagpapaligaya. And i can afford, kasi may datong ako. Edi lalo ka ng can afford, mas meron ka kaysa sakin." Tumungo ito sa bar counter at nagsalin pa uli ng brandy. Matagal si Lovely sa bintanang salamin. Nakatanaw sa labas. Nag-iisip. Kailan nga ba siya huling lumigaya? Ah, matagal na.. Mula ng mamatay ang asawa niyang si Elrick. At iyon ay kulang-kulang na labinglimang taon na. At ang nag-iisang anak niya, si Jorge, nasa America, doon na halos lumaki at nag-aral ito. Siguro, binatang-binata na ito ngayon, komo nga bata siyang nag-asawa, at bata din siyang nabiyuda. Alam ni Annica, nag-iisip ang kaibigan. Napangiti siya. Nakakatatlong salin na siya ng brandy sa kopita, abot ang sindi niya ng sigarilyo. Hinayaan niyang mag-isip ang Amiga, dahil alam niya sabik din ito. Ibig ding lumigaya, hindi nga lang alam kung paano. Dahil inaalala ang posisyon sa lipunan. Isang executive at may-ari ng kumpanya, na bagamat di nga kalakihan, kumikita naman. "Oh ano? Lakad tayo mamayang gabi?" "Ayoko. Ikaw na lang." "Sayang. Sayang na sayang. Pag nakita mo ang mga lalaking nagkikisigan. Ang babango na parang sanggol, nako! Baka tumulo ang laway mo. Ang sarap kagatin, ang sarap panggigilan." sunud-sunod na himig ni Annica na kinikilig pa. "At pag yumakap sayo, akala mo mababali ang tulatod mo. Pag humalik, aray ko! Kasarap!" "Ikaw na lang, Annica. Una sa lahat, hindi ako sanay dyan. Pangalawa--" "Di mo alam anag gagawin mo." agaw ni Annica. "Buweno, bahala ka! Sasarilinin ko na lang ang kaligayahan." himig nito sabay dampot sa bag at tinungo ang pinto. "Pero pag nagbago ka ng isip, tawagan mo ako." Iyon lang at lumabas na si Annica sa pinto. Naiwanan si Lovely na nag-iisip. Sa labas, dinaanan pa ni Annica ang sekretarya ni Lovely na si Sarah. Pinisil ang pisngi nito na ikinagulat ng dalaga. "Thank you, ha? Masyado kang tapat sa amo mo. Pero ngayon, tatandaan mo na ako ha?" Sabay talikod at lumabas na sa pintong salamin. Napatingin na lang si Sarah. Naiiling. --- Sa maghapong iyon, halos wala nang magawa si Lovely. Binigyan siya ng kaibigan ng pag-iisipan. Sa totoo lang, bilang babae at bilang tao... Talagang napabayaan niya ang sarili. Puro trabaho na lang ang inaatupag niya, ni walang libangan. May mangilan-ngilan na ibig manligaw sa kanya, pero lahat tinapat niya... Na wag na lang manligaw, dahil wala na siyang balak na mag-asawa pa. Tumayo-tayo si Lovely sa harap nang salamin sa loob nang opisina niya. Bata pa nga siya. Sariwa pa. Ang mukha, okay naman. May ganda! Ang katawan, may kurba. Ang kutis niya, kung may puputi pa sa labanos, siya na siguro iyon. "ANG BABANGO NILA. ANG KIKISIG. PAG H******N KA, SARAP. PAG NIYAKAP KA, PARANG NABABALI ANG TULATOD MO." Tinig iyon ni Annica na ayaw humiwalay sa kanyang isipan. Nailing lang si Lovely. Nangiti. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Madilim na nang umalis si Lovely sa kanyang opisina. Siya ang kahuli-hulihang umalis. Yuko ang ulo niyang tinungo ang parking lot. Sumakay sa kanyang kotse, at dumeretso na siya sa bahay. Ganon ang pang-araw-araw na buhay ni Lovely. Bahay, opisina. Opisina, bahay. Deretso sa kusina. Inaalam kung may ulam pa. Kung may iluluto. Kahit na may maid siya, di niya inaasa ang lahat dito.CHAPTER - 9 "Iyon lang ang kaya kong ibigay sayo." "Kaya mo ba akong mahalin?" "Kaya mo ba akong buhayin?" "Oo... Oo. Kaya kong ibigay sayo ang lahat, pati na ang langit." Doon na nga tumira si Sam. At ipinamili siya ng mga gamit ni Lovely. Mula sa sapatos, medyas, pantalon, damit at mga alahas. Lahat ng pangangailangan ng isang lalaki, ibinigay ni Lovely. Lalong lumabas ang kakisigan ni Sam nang mabihisan. Nagkalaman ang katawan nang makakain ng tatlong beses sa isang araw, sobra pa. Hindi doon, natatapos ang kabaliwan ni Lovely. Nang hilingin nito na ibili siya ng kotse, ibinili niya ito. Wala ng mahihiling pa si Sam. Wala na. Nasa mga palad na niya si Lovely. At wala ng maaaring makapigil sa kanya. Dahil alam niya, baliw na si Lovely. Nagmumukhang tanga sa lahat ng gusto niya. At ang sukli, kaligayahan sa mga bisig ni Sam. Si Sam na eksperto yata sa lahat ng uri ng pagpapaligaya. Kaligayahang hindi natikman ni Lovely sa mahabang panahong pagkakabiyuda niya. Isinasama
CHAPTER - 8Natameme si Sam. Tipong nagipit siya. Di niya alam ang gagawin, ang sasabihin.Si Lovely naman, kung may stethoscope ka... Maririnig mo ang kabog ng dibdib, na kung mamasdan mo, parang ibig pang mamutla at sisihin ang sarili kung bakit niya nasabi iyon."Hindi ako marunong manligaw, eh. Saka di kita maliligawan.""Bakit?""Wala ring mangyayari. Mahirap lang ako.""Bakit mo natiyak?""Tiyak ko na. Iba ka. Iba ako.""Eh, kung may gusto ako sayo?"Iniladlad na ni Lovely ang baraha. Nagpahalata na siya.Hindi niya mapigilan, pero kinakabahan siya sa kanyang ginawa, sa kanyang sinabi.Alam niya, mali iyon.Hindi dapat sa kalagayan niya bilang matino at disenteng babae.Pero nagulat pa siya nang maramdaman niya ang mga bisig ni Sam.Nagulat pa nang malamang ikinulong na siya nito sa mga bisig.At medyo kinilabutan pa nang madama ang hininga nito sa kanyang tenga.Niyakap siya ni Sam.Hinahagkan ang buhok, ang tenga. Abot na ang kilabot sa buong katawan niya.Dumako ang labi nito
CHAPTER - 7Si Sam naman, ewan ba kung bakit napatingin sa labas.At nakita niya si Lovely.Tumayo siya agad.Lumabas.Tinawag si Lovely.Si Lovely na nagmamaang-maangan pa. Kunwari ay walang naririnig.Pero alam niya si Sam na iyon."L-lovely, anong ginagawa mo dito? Bakit ka narito?"Sunud-sunod na tanong ni Sam na may kasama pang kalabit.Si Lovely naman...Kunwari ay nagulat. Kunwari ay napalingon. At kunwari, nabigla."S-sam, I-ikaw pala.." gumaralgal pa ang tinig niya."May bibilhin sana ako. Iniwanan ko na ang kotse ko sa kabilang kalsada. Sige, aalis na ako." akmang tatalikod na."T-teka, sandali lang. Babayaran ko muna ang kinakain ko doon." sabay turo sa maliit na tindahan."Halika muna, kain ka. May pera pa naman ako dito." himig nito sabay hatak sa bisig ni Lovely, na ewan kung bakit naman napasunod siya sa binata.Minasdan ni Lovely ang pagkaing binabayaran ni Sam.LUGAW.Medyo napangiwi si Lovely. Nakadama siya ng habag sa binata.Iniwanan na ni Sam ang pagkaing di naubo
Chapter 6Nakita niya ang mga call boys doon.Tulad nang dati nagtayuan, buong kakisigang nagkukwentuhan.Animo mga modelo na lakaran ng lakaran, na kapag nakakita ng kotseng dumarating.Pinapara, na para bang kilala nila ang sakay.Nakikita rin ni Lovely na may mangilan-ngilang kotseng tumitigil.Lalapitan ng mga lalaki at kakausapin. Saglit lang, sasakay na ang kausap at aalis na ang kotse.Hindi lingid sa kaalaman niya na ang mga babaeng nagtutungo roon ay puro may mga edad na. Mga matronang tulad ni Annica at tulad niya.At may mga mayayamang bakla din na naliligaw doon.Pero hindi iyon ang sadya ni Lovely, kundi si Sam.Nagbabakasakali siyang makita doon si Sam, dahil doon sila nagkita nito.Nainip si Lovely, hindi niya nakita ang sadya doon.Lumalalim na ang gabi, kaya naisipan niyang umalis na.Pinaandar na niya ang sasakyan, binaybay ang kahabaan ng Avenida.Marahan lang ang takbo niya, nagbabakasakali pa ring mamataan ang binata.Wala. Talagang wala ang sadya niya.Ang lalaki
Chapter 5Sinabayan na nga ni Annica ang kaibigan.Kung ano ang bilis ng subo niya ng pagkain, siya ring bilis ng kwento niya."Talagang nakakainis ka, wala tuloy akong na-hunting kagabi sa sobrang taranta ko sayo. Hindi ako lumigaya kagabi."Tawa ng tawa si Lovely.Alam niya, di naman maniniwala si Annica magpaliwanag man siya."At ikaw, Amiga haa? Kung bibili ka ng kaligayahan. Iyon lang! Mahirap ang magkaroon ng pananagutan. Basta magbayad ka lang, tapos na. Wala na. Goodbye na.""Hayaan mo, tatandaan kong lahat ang mga sinabi mo." paniniyak ni Lovely kay Annica, matigil lang ito.Tumayo na si Annica, sapo ang tiyan. Nabusog. Siya halos lahat ang umubos nang dinalang pagkain ng maid."Sige, aalis na ako. Pero mamayang gabi, gusto mong sumama?""Huwag na lang, Annica. Naiintindihan mo ako diba?""Oh, edi sige. Okay lang."Tinungo na nito ang pintuan."Thank's for the breakfast." at lumabas na ito ng tuluyan.---Tamad na tamad si Lovely sa maghapong iyon.Wala siyang ginawa kundi a
CHAPTER - 4Titig na titig naman si Lovely sa kaharap.Gwapo ito. Malamlam ang mga mata, pantay-pantay ang mga mapuputing ngipin."H-hindi naman ako call boy talaga. Gusto ko lang kumita ngayon dahil nga may sakit ang nanay ko. Kailangan kong makabili ng gamot."Ang walang gatol nitong himig na animo nangungumpisal.Hindi namalayan ni Lovely na napapasabay na siya sa paglalakad ng kausap, palayo sa lugar na iyon."Ikaw, ano ang ginagawa mo doon? Nakita kitang paalis na doon. Isa ka rin ba sa mga--" hindi nito maituloy ang sinasabi."Galing nga ako doon, pero isinama lang ako ng Amiga ko. Hindi ko masikmura ang mga nakita ko kaya agad akong umalis. Ayon nga, nagkabanggaan pa tayo nang di sinasadya."Nagulat pa si Lovely nang malamang nasa tapat na sila ng bahay ni Sam.Iyon ang pangalang sinabi nito sa kanya."Dito ako nakatira. Lika, umakyat ka muna. Pero ingat ka haa, baka masilat ka." nahihiyang himig pa nito.Barung-barong lang. At ngayon lang nakaakyat si Lovely sa ganoong klase n







