Share

Chapter 3

Author: Ms. JN
last update publish date: 2026-02-04 18:58:01

Chapter 3

Napabalikwas si Lovely nang tumunog ang telepono.

"Hello, Lovely? Daraanan na kita diyan. Ngayon din. Magbihis ka ng maganda, magpabango ka. Kailangang maging maganda ka, may lakad tayo at ako ang taya sa gabing ito. Kumilos ka na, ha?"

Sunud-sunod na himig ni Annica, at hindi na nakasagot pa si Lovely.

Natawa na lang siya.

Kabisado na niya ang kaibigan, ganoon ito kapag nangursunada...

Hindi titigil hanggang hindi napagbibigyan.

Kumilos na siya, namili ng damit na isusuot.

Pinili niya ang isang damit na bihira niyang isuot dahil nga wala siyang hilig na maglalabas.

Humarap sa salamin. Inayos ang mukha. Naglagay ng bahagyang make-up. Nagwisik ng pabango.

At nang masdan niya ang sarili sa salamin, siya man ay medyo humanga.

Walang magsasabing biyuda na at may isang anak.

Narinig niya ang sagitsit nang gulong ng kotse sa labas.

Dumungaw siya.

Alam niyang si Annica na iyon.

Bumaba na siya.

Kaya nang bumusina si Annica, siya na ang nagbukas.

Mula ulo hanggang paa ang tingin ni Annica sa kanya.

"Amiga," pumapalatak na sambit ni Annica na inikutan pa siya.

"Ang ganda-ganda mo. Ang beauty mo, nagmumura. Kung ganyan ka ba lagi, edi may nakakasama na ko gabi-gabi."

"Pagbibigyan lang kita ngayon, hoy." tugon ni Lovely.

"Hindi ako pwedeng gabi-gabi. Marami akong inaasikaso."

"Oh sige, sige na. Pero ako ang nagsasabi sayo, di mo malilimutan ang gabing ito." himig ni Annica sabay hatak sa kamay ng Amiga.

Kotse na ni Annica ang ginamit nila.

Panay ang kwento ni Annica, panay din ang hitit ng sigarilyo.

"Saan mo ba ko dadalhin?" untag ni Lovely.

"Sa paraiso, Amiga." tugon ni Annica na sinabayan nang tumataginting na halakhak.

"Pupunta tayo sa paraiso at mamimili tayo ng kaligayahan. Magsa-shopping ng men."

Ibig nang mangiti ni Lovely sa mga naririnig niya sa kaibigan.

Hindi pa man, kinikilabutan na siya.

---

AVENIDA. Kanto ng Recto.

Dahan-dahang itinigil ni Annica ang kotse sa madilim na bahagi ng kalye.

At mula doon, itinuro niya sa kaibigan ang mga nagkikisigang mga lalaki.

Na sa tingin ni Lovely, puro teenagers, puro bata.

Naggagandahan ang mga damit.

Panay ang himas sa mga buhok nila, tinitiyak na hindi magugusot.

"Mamili ka na kung sino ang gusto mo?"

"M-mamili? Kanino? Saan?"

"Kung sino ang gusto mo. Puro pogi yan."

"A-ano ang gagawin ko?"

"Hindi mo pa nga pala alam ang gagawin. Bababa ako. At manood ka, ha?"

Bumaba si Annica.

Kekembot-kembot na naglakad, palapit sa mga poging teenagers.

Napansin naman siya agad, lapitan ang mga ito.

Nag-uunahan pa.

May kumikindat, may nagpapapungay ng mga mata.

Kiliting-kiliti naman si Annica.

Umaaringkingking.

"Hi, I'm Jowel. Remember me?" simula ng isa.

"Von is my name," sundot ng ikalawa.

"Ako ba ang hinahanap mo." dugtong pa nito.

"If you need my services, come, i'll show you the heaven and hell." sabay kindat ng pangatlo.

Nakipagbiruan si Annica, may patapik-tapik pa.

Dinig na dinig ni Lovely mula sa kotse ang halakhak ng Amiga niya.

Nakikita niya ang pakikipagbiruan nito sa mga lalaki.

Lalaking ang hanapbuhay ay ibenta ang sarili sa tamang halaga.

Nakikita rin ni Lovely kung paano umakbay si Annica.

Kung paanong dikitan at hagurin ng mga kamay ang bewang nito.

Ang kanyang...

Nangalog ang baba ni Lovely, pati tuhod.

Hindi niya kaya. Ngayon lang niya natuklasan ang gawain ng kanyang kaibigan.

Dahan-dahang binuksan ni Lovely ang pinto ng kotse.

Lumabas siya.

At lihim na tumalilis.

Ayaw niya. Hindi siya papayag.

Iiwan na niya ang kanyang Amiga, tutal, sanay naman ito sa gabing gawain.

Hindi ito maaano.

Nang sa paglingon niya, biglang sumulpot ang isang lalaki sa kanto.

Nagkabanggaan sila.

Sa sobrang lakas at pagkabigla, napaupo si Lovely.

Agad naman siyang tinulungan nito, abot ang hingi ng dispensa.

"S-sorry, di ko sinasadya. P-pauwi na kasi ako. Galing ako doon." sabay turo sa kanto kung saan, naroon nga ang mga call boys na kausap ni Annica.

"Raraket sana ako, kailangan ko ng pera. Magbabakasakali para kumita. May sakit kasi ang Nanay ko. Kailangan ng gamot." sunud-sunod na himig nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mapagalarong Pag - ibig   Special chapter 3

    “Ang Babaeng Hindi na Natatako Lumalaki ang tiyan ni RaiLen. Kasabay ng paglaki nito ay ang pagbabago ng kanyang mundo. Hindi na lamang siya asawa. Hindi na lamang siya kapatid. Isa na siyang ina. Sa tuwing mararamdaman niya ang munting sipa sa kanyang sinapupunan, napapangiti siya. Parang may lihim silang usapan ng batang nasa loob niya. Ngunit hindi lahat ng pagbabago ay madali. Mas madalas siyang mapagod. Mas madalas maging emosyonal. At mas madalas ding bumalik ang mga insecurities na akala niya ay tuluyan nang nawala. Isang hapon, habang nagpapahinga siya sa sala, may narinig siyang bulungan sa labas. Dalawang babae mula sa baryo. “Kamukha raw ni RiaMae.” “Parang ipinagpatuloy lang ang dating kwento.” Hindi niya sinasadyang marinig iyon. Ngunit sapat iyon upang sumikip ang kanyang dibdib. Hanggang ngayon… ikinukumpara pa rin siya. Hanggang ngayon… may anino pa rin ang ate niya sa likod ng kanyang pangalan. Tahimik siyang bumalik sa silid. Naupo sa gilid ng ka

  • Mapagalarong Pag - ibig   Special chapter 2

    “Sa Ilalim ng Bagong Apelyido Tatlong buwan matapos ang kanilang kasal… Iba na ang tunog ng pangalan ni RaiLen. Hindi na lamang siya si RaiLen— Siya na si Mrs. RaiLen Jorge. Sa tuwing tinatawag siya ng mga tao sa ganoong paraan, may kakaibang kilig sa kanyang dibdib. Parang panibagong pangarap na araw-araw niyang hinahawakan. Ngunit ang pag-aasawa, natuklasan niya, ay hindi puro kilig. May mga umaga na pareho silang pagod. May mga hapon na hindi magkasundo. May mga gabing pareho silang tahimik. At ngayong araw, isa iyon sa mga araw na iyon. “Hindi mo man lang ba ako mahihintay?” bahagyang mataas ang boses ni RaiLen habang inilalapag ang sandok sa mesa. Tahimik si Jorge. Galing ito sa bayan. May inasikasong papeles tungkol sa lupa. “Nagmamadali ako kanina,” sagot nito. “Pero sinabi mong babalik ka agad.” “Hindi ko kontrolado ang pila.” Sandaling nanahimik ang dalawa. Maliit na bagay. Ngunit sa isang bagong kasal, kahit maliit na pagkukulang ay parang malaking bato s

  • Mapagalarong Pag - ibig   special chapter 1

    Special Chapter 1 “Ang Pangakong Hindi Bibitaw Maagang nagising si RaiLen. Hindi dahil sa tilaok ng manok. Hindi rin dahil sa sikat ng araw. Kundi dahil sa kakaibang kaba sa kanyang dibdib. Marahan siyang bumangon mula sa higaan. Nilingon niya si Jorge na mahimbing pang natutulog sa kanyang tabi. Tahimik. Payapa. Ang lalaking halos mawala sa kanya. Ang lalaking muntik na niyang habulin hanggang dulo ng mundo. Unti-unti niyang hinaplos ang pisngi nito. “Salamat…” bulong niya. Sa unang pagkakataon sa buhay niya, hindi na siya nagising na may takot na baka iwan siya. Ngunit hindi ibig sabihin noon ay wala nang pangamba. May isang bagay na gumugulo pa rin sa kanyang isip— Si Ruth. Ilang araw na ang nakalipas mula nang makita ni Ruth ang eksena sa burol. Hindi na ito bumalik. Hindi na nagparamdam. Ngunit alam ni RaiLen… hindi ganoon kadaling tapusin ang nararamdaman ng isang babae. Habang naghahanda siya ng almusal, tahimik ang bahay. Mula sa likod, may mga braso na yum

  • Mapagalarong Pag - ibig   Finale Epilogue

    Pasok sa kabahayan si RaiLen.Balak niyang magluto na.Subalit mainit pa ang kalan.Palatandaan ang baga na nagniningas pa.Nang buksan niya ang kaldero, may kanin na.Luto na...Sa mesa, nakita niya ang ulam na luto na rin at natatakpan nang pinggan.Todo na ang kaba ni RaiLen.Dumungaw siya.Tumanaw sa dakong burol.Sigid ang kaba sa kanyang dibdib.Si Jorge, naroon...Nasa harapan nang puntod ni RiaMae.Takbo siya.Nagmamadali.Inakyat ang burol.Sumisigaw.Tuwang-tuwa."JORGE...""JORGEEEE...." sunod-sunod na sigaw nang dalaga habang patakbong paakyat sa burol.Nang mag-abot, mahigpit na yumakap siya sa binata.Isinubsob ang ulo sa dibdib nito.Dumaloy ang mga luha."HINDI AKO PAPAYAG NA UMALIS KA!" humihikbi na animo batang himig ni RaiLen."AYOKONG UMALIS KA, JORGE. MAHAL KITA! MAHAL NA KITA! PAG UMALIS KA AT INIWAN MO AKO, ISUSUMBONG KITA SA ATE KO. BABANGON IYON SA LIBINGAN NIYA AT IPAGTATANGGOL NIYA AKO." tuloy-tuloy na himig ni RaiLen na sinasalitan nang mga hikbi.Mahigpit

  • Mapagalarong Pag - ibig   Chapter 41

    Tinanong niya ang pangalan ni Jorge. "Room 143." Hinanap niya ito, kumatok siya sa pinto. Malakas. Matagal. Walang nagbubukas. Balik siya sa counter. Nagtanong. "Walang sumasagot, ah." "Baka ho lumabas, hintayin na lang ho ninyo." Pero iba ang kutob nang dibdib ni RaiLen. Baka nga tuluyan nang umalis ang binata, gaya nang sabi ni Mark na uuwi na ito sa Maynila. Nagtanong uli siya. "May dumating na bang eroplano galing Maynila?" "Ngayon wala pa, pero mamaya meron. Huling flight iyon." "Salamat." Hindi alam ni RaiLen ang gagawin. Kung maghihintay o hahanapin si Jorge sa kabayanan. Naalala niya ang isang kaibigan malapit sa palengke. Ipinasiya niyang doon muna magpalipas ng oras. Maya-maya na siya babalik sa Hotel, pagbalik niya siguro nandon na iyon. Nalibang si RaiLen sa pakikipagkwentuhan sa dating ka-eskwela na kay tagal ding hindi nakita at nakausap. Kaya nagulat pa siya nang makita ang oras. Alas-singko na pala nang hapon. Kaagad siyang nagpaalam. At nagdud

  • Mapagalarong Pag - ibig   Chapter 40

    "G-ginawa niya yon?" nagtatakang tanong ni RaiLen na nagulat pa sa narinig. "Oo... Nong nasa Maynila ka pa nga at nag-aaral... Alam mo bang narito siya?" "Huh? Bakit?" "Aba, siya ang nagpapakain at nagbabantay ng mga alaga mo dito. Siya rin ang nag-aalaga ng mga bulaklak mo sa hardin. At pagkatapos, doon na siya aabutan nang dilim sa itaas ng burol, sa puntod ni RiaMae." ani pa ni Ruth sabay turo sa tuktok nang burol. Saglit na natigilan si RaiLen. Kaya pala nawala si Jorge nang nasa Maynila na siya, nandito pala ang binata at nagbalik sa Daranak. Na habang wala siya at nasa Maynila, inalagaan ang mga naiwanan niya. Kaya pala, kahit na sa mismong graduation niya, wala rin ito. Kinausap pala nito ang mga taong sumalubong sa kanya, nagbigay nang pera para sa lahat-lahat. Kagagawan pala ni Jorge ang lahat nang iyon. Saglit na nawala ang hinanakit niya sa binata. Nakadama siya nang panluluwag ng kalooban. Isipin na lamang na ito ang taong kay tagal niyang binalak na patayin d

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status