Edmund Javier pov:Hindi ako umuwi kaagad sa bahay pagkatapos naming lisanin ni Artemis ang presinto.Ako na nga ang sumuko sa sarili ko ayaw pa nila,ano bang gusto nila?Hintayin na mag report yung biktima?Paano kung natatakot yon na mag report.Paano ang hustisya na deserve nila?Kainis rin itong si Artemis wala man lang ginawa, ano pa't nag abogado siya? Tsk.Ayoko munang umuwi sa bahay, wala akong mukha na maihaharap kay Janice. Bakit sa lahat, bakit si Janice pa? Bakit pa kami pinagtagpo ng tadhana? Pinagtagpo ba talaga kami noong gabing nakita ko siyang natumba sa gitna ng daan? Kung ganon nga, grabe naman kami paglaruan ng tadhana.Ano na ang gagawin ko ngayon? Paano ko ibigay ang hustisya na nararapat kay Janice? Hindi pa ako handang sabihin sa kanya, natatakot ako para sa kanilang dalawa ng anak niya. Alam ko may karapatan siyang malaman habang maaga pa pero hindi ko talaga kaya. Siguro lalayo muna ako sa kanya, hindi ako tatakas sa kasalanang ginawa ko, lalayo lang ako at paghan
Janice pov:Masakit para sa akin ang lahat ng nangyari,hindi pa ako handa na sabihin ito lahat pero nakakapagod rin palang sarilin ang lahat. Pinagkatiwalan ako ni Manang Sonya at Ej pero wala silang narinig tungkol sa aking sarili. Kahit mahirap ay unti-untiin ko,handa ako na pati sila ay talikuran at pandirihan ako. Hindi ako makatingin kay Ej pagkatapos kong sabihin sa kanya kung paano ako pagtabuyan ni Jaxson. Natatakot akong malaman kung ano ang maging reaksyon niya."Hindi mo kailangan na ipilit ang sarili mo sa isang taong ayaw sayo Janice," napatingin ako sa kanya, naka igting ang kanyang panga at madilim ang kanyang awra. Galit ba siya?"Kung totoong mahal ka niya hindi niya gagawin ang bagay na iyon lalong-lalo na sa anak niyo."Kumuyom ang kanyang kamao at mabigat ang kanyang bawat paghinga. Galit ba siya sa ginawa si Jaxson? O baka galit siya dahil isa akong rape victim. Mapait akong ngumiti at umiwas ng tingin."Naintindihan ko kung pandirihan mo ako-,"Nagulat ako ng ham
"Misis, halika na kumain na tayo."Napamulat ako ng tawagin ako ni Ej. Simula ng umalis kami sa clinic misis na ang tawag niya sa akin, alam ko na biro niya lang iyon, pang-asar pero hindi ko maiwasan na ngumiti sa tuwing tawagin niya ako ng ganon. Natutuwa ang puso ko. Sana balang araw may tatawag rin sa akin na misis at hindi na iyon biro."Mamaya ka na mag emote gutom na si baby...at si daddy.... lalong-lalo na si mommy."Binato ko siya ng bulaklak na hinablot ko lang sa tabi ko, hindi ako naiinis.... kinikilig ako... at ayaw kong mangyari yon dahil baka ma sanay ako sa ganong tawag niya at hindi ako pa handa sa susunod na mangyari. Sa pag trato niya sa akin hindi malabao na hindi ko siya..... magustuhan."Ang sweet naman ng mi-,""Isa pa," pagbabanta ko. "May kalalagyan ka sa akin.""Si dok kasi e," pamimintang niya.Umupo ako sa nilatag niyang maliit na banig. Mabuti nalang at may puno rito na pwedeng pagsilungan, mainit pa dahil alas dos palang ng hapon pero nangingibabaw ang m
Edmund Javier pov:Lalo akong na-guilty pagkatapos kung marinig ang kwento ni Janice. Hindi niya deserve ang lahat ng nangyari sa buhay niya. Wala na siyang mga magulang. Walang bahay na mauwian. Walang kaibigan na malapitan. Kahit ang nag-iisang tao na pag-asa niyang makatulong sa kanya ay tinalikuran rin siya, sila ng anak niya. At ang malala.. ang taong tumulong sa kanya ngayon ay siya ang may dahilan ng lahat.... kasalanan ko ang lahat kung bakit siya tinalikuran at pinabayaan ng lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Kasalanan ko kung bakit naghihirap siya ngayon. Kung sana hindi ko lang siya na rape ng gabing iyon hindi sana ito nangyari lahat."Lahat gagawin ko para sa inyo ng anak mo, huwag mo lang maramdaman na nag-iisa ka sa hamon ng buhay mo."Ito lang ang taging magagawa ko sa ngayon. Pangako, pagkatapos mong isilang ang anak mo sasabihin ko ang lahat sa iyo.. huwag lang ngayon at patong-patong na ang problemang iniisip mo. "Hindi bagay ang ganda ng paligid para mag emote
Janice pov:Nagising ako na wala si Isabella sa tabi ko. Tsskk. As usual si Javier na naman ang nagbabantay. Nagseselos na ako, noon sa akin ang lahat ng atensyon niya pero ngayon dalawa na kami ng anak ko. Gayunman, masaya ako dahil buong puso niyang tinanggap ang anak ko at tinuring niya rin na tunay na anak ito. "EDMUND JAVIER MONTEFALCO!"Nagulantang ako sa lakas ng sigaw ng kung sino mang tao sa labas ng bahay.Dali-dali kong sinuot ang tsinelas ko at nagmamadaling lumabas. Isang matandang lalaki na may tungkod agad ang nakita ko, nakatayo ito sa gilid ng sasakyan at halatang kakarating lang. Sino siya? Nang tingnan ko si Javier bakas sa kanyang mukha ang takot at kaba."Oh! Hello! Brother. Long time no see!"Isang matangkad na lalaki ang lumabas sa driver set at binati si Javier. Magkapatid sila? Nang titigan ko ang lalaki ay hawig nga sila. Mas matangkad lang si Javier at itong lalaki naman ay may pagkapilyo ang mukha."Woaahh! May anak ka?!" Gulat na sambit ng binata na nanlak
Nanatili ako sa aking kinatayuan kahit matagal ng naka-alis sina Don Emmanuel at Enrico. Hindi parin ma alis sa isipan ko ang narinig ko kanina. Nanlalamig parin ang kamay ko at palakas ng palakas ang kabog ng puso ko."Janice.""Saan ba ang importante na pupuntahan natin? Tara na!""Janice. I'm sorry," pumiyok ang boses niya.Paglingon ko sa kanya, namumula ang kanyang mga mata at naka-igting ang panga."Bakit? Bakit ka nag so-sorry?" Takang tanong ko ngunit parang mababasag ang rib cage ko sa subrang lakas ng tibok ng puso ko."Ako yon, Janice. Ako yong gumahasa sayo sa gitna ng maisan."Nanlambot ang tuhod ko sa narinig. Tila isa itong sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig. Bakit? Bakit siya pa? All this time, alam niya na ako ang biktima niya. Naka planado na pala ang lahat. Ang pagtulong niya sa akin ng gabing natumba ako sa gitna ng daan. Ang pagdala sa akin dito sa bahay niya. Ang pag-alaga niya sa akin. Lahat iyon planado niya. Para ano? Para hindi siya ma konsensya? Para
Nang magising ako kinabukasan,wala na si Javier. Nag iwan lang siya ng cellphone at number ng kanilang mansyon. Napangiti ako nang mukha ni Isabella ang nasa wallpaper ng cellphone niya ng buksan ko ito. He loves my daughter so much. And, I love him,too. Buntong-hininga ako saka tinawagan ang numero na binigay niya."Good morning sister-in-law. How are you? Susunduin na ba kita? "Pinamulahan ako ng pisngi sa tinawag sa akin ni Enrico. Mangyari kaya iyon? Malabo kasi na magustuhan ako ni Javier at saka may issue kami."May lakad ako ngayon. Pwede ba na mamayang hapon mo nalang sila Manang ihatid dito sa bukid?"" Uhm. Okay. Take care sister-in-law. Don't worry okay lang si Isabella."Hanggat maari ay ayokong pumunta sa mansyon ng mga Montefalco. Inagaw ko na nga sa kanya ang tirahan niya rito sa farm, ayoko na pati sa mansyon nila ay hindi na rin siya uuwi dahil nandoon ako. Pagkatapos naming mag-usap ni Enrico ay nagtungo na ako sa bayan upang mag hanap ng part time job. Sana may mah
Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos naming mag-usap ni Manang Sonya. Sinunod ko ang lahat ng sinabi niya,alam ko mahirap..hindi madali pero naniniwala ako na kaya kong harapin ang maging kalabasan sa maging desisyon ko. Ang gusto ko, mabigyan ng hustisya ang nangyari sa akin pero mabigat sa loob ko na pumunta sa presinto upang magsumbong. Kaya pinili ko ang nais ng puso ko, ang hayaang magpatuloy sa buhay at kalimutan ang nangyari sa akin... sa ginawa ni Javier. Ngunit hindi pala madaling kalimutan dahil may Javier na nagpaalala sa akin tungkol sa pag demanda sa kanya."Sorry. Ako ang nadatnan mo ngayon. Umalis kasi si Nanay Sonya dinalaw ang kapatid niya," sabi niya ng hindi nakatingin sa akin." May binili pala akong gatas ni Isabella. "Ang dami naman niyang binili hindi pa nga na ubos ni Isabella yong dalawang malaki na karton e." Mm. Pumunta ka ba ng presinto? "" Hindi pa. "" Okay. Ah. Pupunta pala ng Singapore bukas. Isang linggo ako doon. "Bakit siya nagpapaalam sa akin? Hi