Share

Chapter 4

Ano kaya ang tinira non at nagkagusto siya sa akin? Seryoso? Sa akin talaga? Duling ba siya? Tingnan ko nga ulit ng maayos ang mata niya baka ako yata ang duling. I heard a lot of compliments about me before but, before yon, hindi na ngayon, nagbabago ang mukha ng isang tao lalo na at stress at walang happiness sa buhay. 

"Sabay tayo mag lunch mamaya."

"Ay! Santisima! Bakit nanggugulat ka?"

Parang na laglag ang puso ko sa gulat. Hindi ko namalayan nasa tabi ko na pala siya. Paano kung may sakit ako sa puso,edi patay agad ako. Ayoko mamatay na virgin no.

"At bakit sasabay kang mag lunch sakin?" Masungit na saad ko, nakataas pa ang isang kilay para approve ang pagiging m*****a ko.

"Syempre, nanliligaw ako. Diba iyon naman ang ginagawa ng manliligaw-,"

"Stop!" Pigil ko sa kanya ng mapagtanto ko ang sinasabi niya. Hinarap ko siya at umiwas naman siya ng tingin, naiilang, ang lakas niyang magsabi non tapos mailang siya kung harapin ko siya. Gago ba siya?

"Manliligaw ka sakin?" Parang aso siyang tumango sa akin,nakaiwas parin ang tingin. "Pumayag ba ako?"

"Hindi."

"E,bakit manliligaw ka?"

"Gusto kita,kaya liligawan kita."

"Kapag gusto ligaw agad? Haist! Ewan ko sayo," inis na singhal ko sa kanya. "Bahala ka nga sa buhay mo. Ma late pa ako dahil sayo. D'yan ka na nga," tinapunan ko siya ng masamang tingin bago tinalikuran.

Ang bilis naman niya. Ngayon ko nga lang siya nakilala tapos manligaw siya kaagad? Wala bang friends muna, getting to know each other stage tapos kapag kilala na ang isa't isa saka na siya manligaw. Baka marami pala kaming nililigawan niya,sa gwapo niyang yon imposible na single pa siya.

Fucos muna sa klase Janice. Iyon ang kailangan mong isipin hindi yong lalaki na yon.

"Janice,may naghahanap sayo."

Dinaga ang puso ko sa sinabi ng classmate ko. Shit! Huwag naman sana siya. Hindi pa ako handa sa ganitong ligaw stage na'to. Dinampot ko ang aking bag at lumabas ng room na may kaba sa dibdib.

"Besty." 

"Best!"

Nakahinga ako ng maluwag nang si Ella pala ang naghanap sa akin. Ito ang unang beses na sinundo niya ako rito sa department namin dahil may kalayuan ang department niya. Minsan sa canteen nalang kami nagkikita o kaya ay sa oval. Ano kaya ang sadya nito at may pa sundo pa.

"Bakit ka napadpad dito? May crush ka ba dito sa department namin?" Panunudyo ko sa kanya.

Hinampas niya ako sa braso bago umangkla rito. "Sira! Wala akong crush dito. Na miss lang talaga kita kaya sinundo kita dito. At syempre may surprise ako para sayo."

"Wow!Talaga?" Bulalas ko. " Ano yon? Sabihin mo na." Tuwang-tuwa na saad ko at yumakap sa kanya.

Tumawa siya sa inasta ko." Mamaya na. Kain muna tayo. "

Sa tree hause kami dumiritso. Mabuti nalang at may bakante na tree hause makapag-kwentuhan kami dalawa. Pang maramihan naman ito pero nakakahiya kung makisabay kami sa ibang grupo, hindi naman namin sila ka-close. Halos mga higher year kasi ang tumatambay dito.

"Dinamihan ko na ang baon ko kasi alam ko nagtitipid ka," saad niya habang hinahanda ang dala niyang pagkain.

"Thank you, besty. Ang swerte ko talaga at ikaw ang kaibigan ko."

"Syempre naman. Bukod sa sarili mo nandito ako mag-aalaga sayo. Kumain ka na."

"Love you best."

Ang swerte ko sa kanya. Kahit ganito na ang sitwasyon ko hindi niya parin ako iniwan. Nandito parin siya sa tabi ko handa akong damayan at alagaan. Ang sabi nga nila, ang tunay na kaibigan hindi nang iiwan sa gitna ng kagipitan. At siya yon. Siya ang tunay na kaibigan.

"Na pano yang kamay mo? May napaso ka? Si Tita ba gumawa nito?" may bahid ng galit sa boses nito, kinuha niya ang kamay ko at napapikit siya ng makita ito ng tuluyan. "Janice."

"Hindi. Kasalanan ko. Nasagi ko kasi ang takore sa lamesa kanina, hindi ko naman alam na mainit pala," paliwanag ko ngunit hindi siya kontento doon dahil galit parin ang kanyang mukha. " Promise bestie. Walang kinalaman si Tita dito. "

Huminga siya ng malalim at pinakalma ang sarili. " I don't want to see you hurt, Janice. Kaibigan kita. Parang kapatid na. Hindi ko kaya na araw-araw may makita akong pasa o sugat sa katawan mo," hinawakan niya ang dalawang kamay ko , hindi ako makatingin sa kanya kasi naiiyak ako. " Masakit para sakin na makita kang ganyan Janice. "

Hindi ako sumagot. Kasi isang salita ko lang mababasag ang boses ko. Ayoko umiyak. Sawang-sawa na akong umiiyak. Alam ko nag-alala siya sa akin pero kakayanin ko, kahit mahirap, kahit pagod na kakayanin ko kasi may pangako ako at tutuparin ko iyon.

" Sa bahay ka na lang tumira, sabihan ko si mama, papayag yon. "

Umiling ako at nginitian siya. "Hindi ako pwedeng umalis sa poder ni Tita. Sa kanya ako ipinagkatiwala ng mga magulang ko," I sighed. "At gusto kong malaman kung ano ang dahilan ng galit ni Tita sa akin at kay Mama. Alam ko malalim ang galit niya kasi hindi niya naman ako maltratohin kung walang mabigat na dahilan diba?"

Iyon ang isa sa rason ko kung bakit tinitiis ko ang lahat ng pananakit ni Tita sa akin. Hanggat kaya ko hindi ako aalis. Hanggat hindi ko malaman ang puno't dulo ng dahilan ng galit niya sa pamilya ko hindi ako aalis, kahit mamatay ako sa pag maltrato niya.

"Pero, Janice subra na ang ginagawa ni Tita Fely sayo. At kung may galit siya sa mama mo, bakit ikaw ang pagbuntonan niya?"

"Kasi patay na siya. Patay na ang mga magulang ko kaya sa akin siya naghihiganti," hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. "Kasi hindi na siya makahigante sa patay kaya sa akin nalang. Pero ayos lang. Kakayanin ko.Titiisin ko lahat. Makamit niya lang ang paghigante na inaasam niya."

Para sa mga magulang ko. Ito yata ang kabayaran ko sa pagkamatay nila na kasalanan ko. Ang hiling ko lang, sana makayanan ko, hanggang sa makontento si Tita sa kasalanang ginawa ng mama ko sa kanya. Niyakap ako ni Ella, gaya ko ay umiiyak rin siya. Nasasaktan rin siya dahil nasasaktan ako.

"Basta, lagi mong tandaan na nandito lang ako. Hindi kita iiwan."

"Thank you, best. Sapat na sa akin na nandito ka, kakayanin ko, malakas ako e."

Kailangan kong maging malakas para sa sarili ko dahil wala akong ibang makapitan kung sakaling maging mahina ako. Hindi naman palagi na nandito si Ella. Hindi ako lagi ang priority niya. Ayoko e-depende ang sarili ko sa iba kasi baka masanay ako. At ayoko mangyari iyon, dahil kung sakali na mawala sila, ma lugmok ako at baka hindi ako makabangon.

" Ito pala ang surprise ko sayo, " saad niya at kinuha ito sa bag niya. 

Nanubig ang mata ko ng makita ito. Isang Hand Knotted Friendship Bracelet iyon na may design na half moon sa gitna, kapag ipinagdikit namin maging buo na buwan iyon. At may BESTY na naka engraved.

"Ayan. Para hindi tayo mapaghiwalay. At kung sakali man na maghiwalay tayo, hahanapin natin ang isa't isa upang buoin ang buwan na nag-uugnay sa ating dalawa. I love you, best."

Yumakap ako sa kanya."Thank you. I love you. "

Ella is a sweet girl. Matanda siya sa akin ng tatlong buwan kaya parang ate kung umasta sa akin at gusto ko iyon. Lagi niya akong pinu-protektahan. Lagi niya akong inaalagan. Kaya sapat na sa akin na siya lang ang kaibigan ko. I did the same thing too, pero hindi lang ako vocal na kagaya niya. Nang matapos kaming kumain ay naghiwalay na kami ng daan papunta sa department namin baka ma late pa siya kapag hinatid niya ako.

Hindi kami magkasabay umuwi dahil sa kabilang village siya. Magkaiba ang rota namin. Minsan kapag hindi siya busy ay dinadalaw niya ako sa bahay iyon nga lang hanggang sa labas ng gate lang kami nag-uusap, ayoko na pati siya madamay sa galit ni Tita sa akin.

"Hi."

Napahawak ako sa aking dibdib sa gulat. Gulat hindi dahil sa boses niya kundi sa pesteng ngiti niya na nagpakabog sa puso ko. Ang photogenic niya naman. Pero bakit kailangan nakangiti kapag bumati? Required ba yon? Hindi ko siya pinansin at dumiritso nalang sa sakayan. Dyos ko. Nakakapanlambot ng tuhod.

"Bad mood?"

"Sino ba ang hindi ma bad mood kung pag labas ko ng campus mukha mo agad ang mabungaran ko?"

Mahina siyang tumawa sa sinabi ko. Hindi siya nagsalita at nakangiti lang na nakatingin sa akin. Pati pagtawa ang ganda rin, edi siya na si Mr. Perfect. Tinaasan ko siya ng kilay ng hindi niya inalis ang tingin sa akin. May dumi ba ako sa mukha? May muta ba ako? Kung makatitig parang na engkanto.

"Lalo akong nahuhulog sayo. Sana bukas paggising mo, gusto mo na rin ako."

Sabi nito na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Diena
bentang-benta ang banat mo kay Janice, Jaxson.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status