Masaya kaming nagku-kwentuhan habang nag-iinuman.Si Axcel ay naka-akbay kay Sandra.Si Maris na naka hiling ang ulo sa balikat ni Bray.Si Prixcel na ina-alalayan si Ella dahil nahihilo na.At ako,naka upo sa harapan ni Jaxson,naka-hiling ang ulo ko sa kanyang dibdib habang nakayakap siya sa akin."Kailan kaya ito magkalaman," mahinang usal niya habang hinihimas ang flat kong tiyan."Hoy!, Magpakasal muna tayo," natatawang sagot ko at pinatong ang palad ko sa kamay niyang nasa ibabaw nang tiyan ko."Papakasalan naman kita,may laman man iyan o wala."" Alam ko babe,kaya lang iba ang dating sa akin kapag nabuntis ako at hindi pa tayo kasal. At saka hindi pa ako maayos na nagpakilala sa mga magulang mo. Paano kung ayaw-,"Hinalikan niya ako sa labi na nagpahinto sa sasabihin ko."Ang dami mong sinasabi babe," bulong niya at dinilaan ang punong tainga ko na ikina-tindig nang balahibo ko. "Naintindihan ko naman." "Hatid ko muna si Ella sa tent nahihilo na," paalam ni Prixcel at inilalayan na
Sa lakas ng suntok niya hindi na ako nakagalaw upang protektahan ang sarili ko. At sa isang iglap hubo't hubad na ako.Kahit gusto ko manlaban ay hindi ko na kaya. Wala na akong lakas. Nanghihina ako.Nandidiri ako sa bawat haplos niya sa katawan ko.Tahimik akong umiiyak at nananalangin na sana ay may tutulong akin."Huwag, please.Tama na," pagmamaka-awa ko ngunit ang lalaki sa ibabaw ko ay bingi.Hanggang sa nagtagumpay siya sa kanyang nais sa akin.Napahagulhol ako.Galit ako sa sarili ko dahil napakahina ko.Gusto kong manlaban ngunit heto ako mahina at wala nang lakas upang lumaban sa taong walang awa na binababoy ako.Nanigas siya sa ibabaw ko,nang makaraos siya."Hayop ka!Napakahayop mo!" nanghihina na sigaw ko.Walang salita akong narinig sa kanya.Hanggang sa narinig ko na tinatawag ang pangalan ko.Hindi ko magawang sumaya dahil huli na ang lahat,nagtagumpay na ang hayop na na ito sa balak niya.Dali-daling tumayo ang lalaki at inayos ang sarili niya.Sinuot niya rin ang mga damit ko
Napakurap ako. Hindi makapaniwala sa ginawa sa akin ni Jaxson. Ano ang nangyari? Bakit ganito na ang trato ni Jaxson sa akin? Nasaan na iyong sinabi niya na hindi niya ako kayang saktan? "Anong ginagawa mo dito?May mga mayamang bisita ang mga magulang ko," galit na singhal niya sa akin. "Sana nag text ka man lang na gusto mo akong kausapin."Napasinghap ako." Mag text?E, hindi mo nga sinasagot tawag ko text pa kaya?Isang buwan Jaxson,hindi ka nagparamdam tapos ngayon iyan ang sasabihin mo?""Kung pumunta ka lang dito para kumprontahin ako,mabuti pa ay umuwi kana."Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.Ibang-iba na siya.Hindi siya ang Jaxson na kilala ko,dahil ang Jaxson na kilala ko ay kahit ayaw pa nang mga angkan niya sa akin ay papasukin niya ako sa pamamahay nila."Buntis ako," natigilan siya sa sinabi ko,ngunit nakabawi rin agad."Mabuti umuwi kana. Mahamog. Buntis ka pala," malamig na turan niya sa akin. "Wala kana ba talagang paki-alam sa akin?" emosyonal na tanong ko.Pinip
Ang sakit ng ulo ko pati ang kasukasuhan ko, ano ba ang nangyari sa akin? Na bundol ba ako nang sasakyan? Ang huling na alala ko may lalaki na nagbuhat sa akin galing sa isang sasakyan kung saan ako banda na tumba."Mabuti naman iha at gumising ka na."Nakangiti na saad ng isang matandang babae, sa palagay ko nasa singkweta anyos na siya dahil puti na ang ibang kulay ng buhok nito at medyo kulubot ang balat ngunit makikita mo parin ang kanyang taglay na ganda. Mestisa siguro siya. Inalalayan niya akong umupo sa higaan na yari sa kawayan at sapin na banig. Tinanggap ko ang isang baso ng tubig na binigay niya at ininom iyon."Nasaan ho ako manang?" Magalang na tanong ko at nilibot ang paningin sa lood ng silid.Ang lahat ay yari sa kawayan, mula sa dingding, sa bintana, sa sahig, sa higaan at pati nga lamesa at upuan ay gawa lahat sa biniyak na kawayan. Kaya pala malamig kahit tirik na ang araw. Ang preso ng hangin kaya nababatid ko na malayo ito sa bayan."Nasa Sagada ka parin iha, ng
"Maraming salamat ho Manang Sonya, Ej. Wala talaga kasi akong mapuntahan sa ngayon, hayaan niyo ho maghahanap ako ng trabaho sa bayan para makatulong-,""No! Hindi ka magtatrabaho," nagulat ako pati si Manang Sonya sa biglang pagtaas ng boses ni Ej. " Hindi ka pwedeng magtrabaho dahil buntis ka.""Ah. Eh. Maliit pa naman ang tiyan ko at-""Mas delikado yon. Madali kang makunan.""Hindi naman siguro-,""Ikaw ang bahala. Kung iyan ang gusto mo. Sinabihan na kita. Baka naman may balak kang ipalaglag ang batang yan kaya gusto mong magtrabaho kahit alam mong buntis ka."Bakit ba galit siya? Nag suggest lang naman ako. Gusto ko rin makatulong kahit kaunti, kaya ko naman. At saka wala akong balak patayin ang anak ko. Kahit ganito ang kahinatnan ko hinding-hindi ko siya dadamayin sa galit ko sa ama niya. Siya na lang ang lakas ko. Siya na lang ang dahilan para magpatuloy ako sa hamon ng buhay. Kaya anong karapatan niyang pagsabihan ako ng ganon?"Ej," may pagbabanta na tawag ni Manang Sonya s
"Anong gusto mong pananghalian? " Tanong ni Ej habang inaayos sa kabinet ang kanyang mga pinamili."Ako na magluto, kaya ko naman ipagluto ang sarili ko."Biglang sumeryoso ang kanyang mukha,may mali ba akong nasabi? Bakit parang galit siya?"Ayaw mo ba sa luto ko?""Ha? Hindi naman. Ano kasi. Kaya ko naman.""Okay," saad niya at bumalik sa kanyang ginagawa. Naiilang ako sa subrang tahimik. Naka upo lang ako dito habang siya nag-aayos, ayaw niyang tumulong ako kaya nakatunganga lang ako dito sa harap niya."Masarap yong luto mo. Na ubos ko yong hinain ni Manang sa akin kaninang umaga, ikaw daw nag luto non sabi ni Manang," basag ko sa katahimikan para may pag-usapan kami.Hindi parin siya sumagot at parang walang narinig. "Ano ba sana ang lulutuin mo?" Tanong ko pa ulit. Sa puntong to lumingon na siya sa akin. Hindi na siya mukhang galit pero seryoso parin ang kanyang mukha."Ano ba ang gusto mong ulamin?""Hmm," nag-isip ako kung ano ba ang gusto kong ulamin ngayon pero walang ulam
Ramdam ko na natigilan siya ng hawakan ko ang kamay niya. What was that mean? Binitawan ko ang kamay niya ng dumating si Manang Sonya inalalayan niya akong umupo at pinainom sa akin ang maligamgam na tubig na dala niya. Medyo gumaan ang pakiramdam ko ng mainitan ang sikmura ko."Magluto muna ako ng pananghalian," paalam ni Ej at lumabas ng silid."Ano ang kinain mo bakit ka nagsuka?" Tanong ni manang at pinisil-pisil ang kamay ko."Pizza at coca-cola ho manang," sagot ko habang nakapikit ang mata, inaantok ako."Iwasan mo muna ang mga acidic na pagkain at inumin ha? At saka kapag nangyari ito ulit uminom ka lang ng maligamgam na tubig at magpahinga.""Salamat Manang."Pinunasan niya ang butil ng luhang lumandas sa pisngi ko." Bakit ka umiiyak, may masakit ba sayo? "Umiling ako." Namiss ko lang si mama. Sa sitwasyon ko ngayon kailangan ko siya Manang... pero wala siya... wala sila si papa. Wala akong matakbuhan. Wala akong masandalan. Wala akong mapagsabihan.. Ang hirap Manang Sony
Edmund Javier pov:Malalim na ang gabi pero ang mga pinsan ko wala yatang balak na umuwi,sabagay lasing na sila at baka ma pano pa sila sa daan kapag umuwi pa.Napasinghap ako ng makita si Aki na nakadagan na sa kanyang syota at hinahalikan.Si Tim naman ay akay niya ang kanyang syota papuntang sasakyan niya dahil lasing na ito at mukhang tulog na.Imbis na sa mamahaling bar si Tim mag celebrate ng kanyang pagiging ganap na CEO ay dito sila napadpad sa farm namin sa Sagada. Hindi kami pwede doon sa bahay-kubo baka ma kurot ako sa singit ni Nanay Sonya kapag nakita niyang ganito ang mga pinsan ko kapag lasing na. Kaya dito kami sa dulo ng manggahan kung saan tanaw ang maliit at malinaw na batis na sakop parin ng lupain namin.Napa tsk nalang ako nang pumasok si Aki at girlfriend niya sa kotse nito upang ipagpatuloy ang kanilang ginagawa."Ubusin mo yan tol,pampa init ng katawan," pahabol na wika ni Aki bago sinara ang sasakyan.Wow.Saan matutulog kung ganon?Nanatili pa ako ng ilang minu