Share

Chapter 5

Buong gabi ako hindi pinatulog sa sinabi ni Jaxson sa akin kanina. Hindi ako sigurado kung seryoso ba siya sa sinabi niya pero ang kabog ng puso ko hindi ko maintindihan. Hanggang sa makauwi ako ay hindi parin bumabalik sa normal ang tibok ng puso ko. Pinilit kong matulog dahil patay na naman ako kay Tita bukas kapag tinanghali akong gumising. Ngunit kahit anong pilit kong matulog hindi ako makatulog.

"Arggh!" 

Inis na bumangon ako sa kama. Shit! Bakit ayaw akong patulogin? Kainis naman e. Anong oras na ba? Ay, sira nga pala ang alarm clock ko. Maingat na lumabas ako sa aking silid at tiningnan wall clock kung anong oras na.

"Alas diyes na, tulog na siguro si Tita."

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan upang hindi makalikha ng ingay. Sinilip ko muna ang kwarto ni Tita kung tulog na ba ito bago dumaan sa bintana sa kusina. Mabuti nalang at walang aso si Tita, pwede akong makatakas tuwing gabi kung gusto ko. Tahimik na binagtas ko ang maliit na eskenita palabas ng village at dumiritso sa convenience store, kailangan ko bumili ng battery para sa alarm clock ko baka battery lang ang kulang.

"Hi kuya, good evening," bati ko kay kuya guard ng pagbuksan niya ako ng pinto.

"Good evening din, napapadalas yata ang punta mo rito tuwing alas diyes a."

"Bakanteng oras na kasi kuya."

Battery lang ang ipinunta ko dito pero na akit ako sa pagkain kaya dumikwat na rin ako. Pamasahe ko na sana yon bukas pero natatakam ako sa wafer, kumuha narin ako ng yakult dahil iyon nalang ang afford ko. Nagtitipid ako pero pagdating sa pagkain ang bilis ng kamay ko. Kaya ayaw kong pumunta sa school canteen kasi ubos ang isang linggo na baon ko sa isang kainan lang. Tulad ng nakagawian, huminto ako sa tulay, akma na sana akong aakyat ng may nagsalita sa likuran ko.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag kang umakyat d'yan."

"Ilang beses ko rin bang sasabihin sayo na huwag mo akong pakialaman," panggagaya ko sa kanya. "Stalker ka ba?"

"Asa ka."

Ang sarap niyang sabunutan. Promise. Kagigil. Hindi ko na siya pinansin at umakyat nalang sa railings, ngunit laking gulat ko ng hawakan niya ang kamay ko at hinila palapit sa kanya.

"Ang tigas ng ulo mo."

Ang kanyang mabango na hininga ay tumama sa mukha ko, pag angat ko ng tingin naitulak ko siya sa gulat dahil ang lapit ng mukha naming dalawa. Seryoso ang kanyang mukha na nakatingin sa akin. Ang kanyang kamay ay nakahawak parin sa palapulsuhan ko. Para akong kinapos sa paghinga sa subrang bilis ng tibok ng puso ko. 

"Bitaw na," usal ko. Hindi ko alam kong narinig ba niya sa hina ng boses ko.

Wala siyang reaksyon. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Maya-maya ay umiling ito bago binitawan ang kamay ko.

"I'm sorry. Natakot yata kita. Hindi ko sana iyon ginawa." May pagsisi sa tinig na usal nito. 

Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng pagsisi ng humakbang siya patalikod sa akin. Parang ayaw ko siyang lumayo sa akin. Yong pakiramdam na gusto ko ng may kasama. Bago pa siya tumalikod sa akin ay nagsalita ako na nagpangiti sa kanya.

"Huwag kang umalis. Samahan mo ako."

Mula sa aking kinatayuan ay umupo ako at sumandal sa malamig na bakal. Sininyasan ko siyang umupo sa tabi ko dahil nakatayo lang siya sa harapan ko.

"Sure ka?" Panigurado niya.

"Ayaw mo? 'Di wag. Umalis ka na lang. "

Napangiti ako ng mabilis siyang umupo sa tabi ko. Walang nagsalita sa amin. Tanging agos lang ng ilog ang naririnig ko at ang tibok ng puso ko.

" Gusto mo bang malaman kung bakit lagi akong nakatambay dito? " Tanong ko sa kanya para may pag-usapan kami.

" Kumpotable ka bang i-share sa akin? "

" Tinatanong kita. Huwag mo akong sagotin ng tanong din. "

Ako na nga ang gumawa ng paraan para may pag-usapan kami tapos isang salita ko lang tinapos na niya agad ang usapan. Ang galing niya talaga. Kainis siya.

" Okay. Kung gusto mong pag-usapan makikinig ako. "

Umirap ako sa kanya ng ngumiti siya sa akin. Tatawa na sana siya ng sinamaan ko siya ng tingin. Hindi u-ubra sa akin ang pag-pa-cute mo. Che!

"Kapag tumayo kasi ako d'yan sa taas naging payapa ako. Parag tinatangay ng hangin ang lahat ng iniisip ko. Ang problema. Ang sama ng loob. At kapag nakatayo ako d'yan, pakiramdam ko kasama ko ang mga magulang ko. "

" Tama na, " awat niya. Sense niya siguro kung ano ang pinupunto ko. " Mas gusto ko pang masungit ka kaysa ganyan, nasasaktan ako. "

Bumaling ako ng tingin sa kanya. " Bakit ka naman masasaktan? Hindi naman kita ina-ano. "

" Kasi gusto kita, Janice. At nasasaktan ako kapag nakita kitang ganyan. Huwag mo ng ituloy ang kwento. Ayaw ko na marinig. "

" Pero gusto ko mag kwento. "

" Kulit mo naman e," saad niya tila na uubosan ng pasensya.

I chuckle." Gustong-gusto mo talaga ako no?" Biro ko sa kanya.

"Hindi pa ba halata?"

"Halata. Pero hindi ko alam kung seryoso ka o naglalaro lang."

Bumaling siya sa akin, malamlam ang mata na tumingin. "Seryoso ako at papatunayan ko yan sayo." 

Pagkatapos naming mag-usap ay matyagang nanligaw sa akin si Jaxson. Gusto ko rin siya pero hindi ako nagmamadali baka magkamali ako. Ayoko magsisi. Pinakita niya ang senseridad niya sa panliligaw sa akin. Nagtiyaga. Nagtiis sa ugali ko sa loob ng walong buwan. Hindi siya sumuko lalo pa siyang nagporsige sa panliligaw. Napatunayan ko na . Nakita ko na sa seryoso siya kaya bago matapos ang school ay balak ko siyang sagutin. Ipakilala ko muna siya kay Ella. Ilang buwan ko rin itong nilihim sa kanya.

"Best, si Jaxson pala. Jaxson si Ella, best friend ko."

"Classmate kami," sagot ni Jaxson.

"Kaya pala hindi ako pinapansin nitong si Jaxson, best friend ko pala ang gusto," pabiro na saad ni Ella. " Kahit anong landi ko wala epek."

Nakaramdam ako ng kaba sa binitawang salita ni Ella. Kung kilala niya ako, kilala ko rin siya. Mag best friend kami since first year high school at alam ko, ramdam ko na may gusto siya kay Jaxson, idinaan niya lang sa pabiro para hindi makahalata si Jaxson o ako sa tunay na nararamdaman niya. 

"Nadale ako ng best friend mo e," sagot ni Jaxson at kumindat pa sa akin.

"Congrats sa inyong dalawa. Huwag mo itong pa iyakin Jaxson ha. Aalis na ako. Bye love birds. Congrats ulit. "

Yumakap siya sa akin, at nakangiti na kumaway bago umalis. Sinaktan ko ang best friend ko. Hindi ko naman alam na may gusto rin siya Jaxson. Wala naman siyang sinabi. Wala rin akong sinabi sa kanya. Kasalanan ko to. Kahit nakangiti yon. Kahit umakto siya na masaya para sa amin ni Jaxson alam ko sa puso ko na nasaktan siya sa nalaman. Pero handa naman ako magparaya para sa kanya. Hindi pa naman kami ni Jaxson. Pwede ko siyang hindi sagotin huwag lang masaktan ang best friend ko.

" Best. Pwede ba tayo mag usap? "

Lunch time na at inabangan ko talaga siya para lang maka-usap. Hindi ako mapakali. Nagpa-alam muna siya sa kasama niya bago lumapit sa akin. Sa bench sa oval kami dumiritso dahil puno ang tree house.

"Best sorry," agad na sabi ko ng maka-upo kami.

"Bakit ka nag so-sorry?" Nagtataka na tanong niya.

"Sorry hindi ko agad nasabi sayo ang tungkol kay Jaxson. Na ngako pa naman ako na walang secret. Pero promise hindi pa naman kami. Nanliligaw pa lang siya."

Pinisil niya ang pisngi ko. " Dalaga ka na talaga," natatawa na saad niya. "Kung buhay lang sina Tito at Tita, panigurado kinurot kana sa singit ni Tita. May nanliligaw na sa anak niya."

"Besty naman e," parang bata na d***g ko.

"Ano ka ba. Hindi naman big deal yong secret mo at saka wala namang girlfriend yang si Jaxson kaya no worries."

"Diba sabi mo kanina crush mo siya."

Lumakas ang tawa niya sa sinabi ko. " Hindi pa nga kayo selosa ka na," napanguso ako. "Hindi ko siya crush, biro ko lang yon kanina. Nabigla kasi ako na ikaw pala ang nililigawan niya. Iba ang crush ko."

Sana nga Ella. Kasi hindi ko makayanan na masaktan ka dahil ako ang kaagaw mo kay Jaxson. Sana hindi dumating ang araw na masira tayong dalawa dahil lang sa lalaki. May tiwala ako sayo. May tiwala ako sa pagiging magkaibigan natin. Sana hindi ka nagsisinungaling sa akin para lang maging masaya ako kasi handa akong pagparaya alang-alang sa friendship nating dalawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status