Share

Chapter 3

Noong nagpa ulan ng kamalasan ang kalangitan sinalo ko yata ang lahat. Sa sitwasyon ng buhay ko minsan gusto ko ng mamatay. Sa tuwing pinagmalupitan ako ni Tita hinihiling ko na lang na sana mamatay ako sa mga bogbog at palo niya. Ngunit nanaig sa akin ang kursohidad na alamin kung saan nanggaling ang galit ni Tita.

"Hoy! Hala! Bumaba ka nga d'yan!"

Inis na nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig. Ano bang problema niya at nangi-alam ng trip sa buhay nang may buhay?

"Bumaba ka nga d'yan! Nakakatakot yang trip mo. Bakit umakyat ka na naman d'yan?"

Bakas sa boses nito ang kaba at pag-alala. Hindi ko siya pinakinggan. Imbis na bumaba ay umupo ako sa bakal sa railings ng tulay. Gusto ko lang naman mapag-isa at mag drama bakit may asungot na sumulpot.

"Hoy! Buma-,"

"Hindi ako magpakamatay kung iyan ang iniisip mo," kaswal na saad ko. Hindi siya nilingon at pinagmasdan ko lang ang bilog at maliwanag na buwan.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo d'yan? Nakakatakot ka. Paano kung may masamang elemento ang tumulak sayo? Bumaba ka nga d'yan."

I chuckle. "Bakit nag-alala ka? Hindi mo naman ako kilala."

"Introduce yourself ,then."

Tumawa ako sa sinabi niya. "Ulol mo! Para-paraan ka rin e, no?!"

"Seryoso ako. Bumaba ka na d'yan," he let out a deep sigh. " Kung gusto mo mag relax may alam ako na lugar,huwag lang dito sa taas ng tulay."

Bumuntong hininga ako at bumaba. I don't know this man. Unang beses ko lang siya nakita noong nag practice raw siya ng tula dito mismo sa tabi ko kung saan ako nakapatong. I don't know kung totoo yong sinabi niya, hanggang sa napansin ko na lang na lagi siyang nakasunod sa akin tuwing uwian ko sa klase. Hindi ko alam kung sa isang village lang ba kami o sinusundan niya talaga ako. Hindi naman siya nakakatakot dahil pogi naman siya, hindi naman mapagkamalan na masama o may gagawing masama kasi maayos naman ang hitsura niya, curious lang ako kung bakit lagi siyang nakabuntot at kung bakit lagi niya lang sinisira ang moment ko.

I look at him seriously. "Crush mo ba ako?"

Nanlaki ang mata niya. Nakaawang ang bibig at naiilang na umiwas sa akin. Confirm! May gusto sakin.

"May gusto ka sakin?" Ulit na tanong ko sa kanya.

Napakamot siya sa kanya batok. Nahiya na tumingin sa akin.

" Halata na ba ako masyado? "

I coughed at what he said.Nawalan ako ng sasabihin. Ramdam ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko. Kinikilig ba ako? No! Of course not! Pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Waahhhh! Help!!!

" May gusto ako sayo," pag amin niya. "Madalas kitang nakikita na kasama si Ella. Classmate pala kami. Sorry. Ang creepy ko ba?"

"Oo ang creepy mo. Sino ba ang hindi matakot sa ginagawa mo? Ilang linggo mo na akong sinusundan tapos ngayon aamin ka sa akin na gusto mo ako. Hindi nga kita kilala."

My god! Hindi ko alam ang gagawin ko. Ano ba ang sasabihin kapag may taong umamin na may gusto siya sayo? Hindi ko nga siya kilala hindi ko pa ma aninag ng maayos ang mukha. Bakit trip niyang tuwing gabi ako sundan?

"I'm Jaxson," naglahad siya ng kamay ngunit binawi rin, napakunot ang noo ko sa ginawa niya.

"Sorry. Ano. Jaxson pala ang pangalan ko. Bukas nalang ako magpakilala ng maayos. Ang pangit ng timing ko sa gabi pa."

Ang pangit talaga ng timing niya. Para siyang aswang na tuwing gabi lang siya nagpapakita sa akin. Pero, seryoso ba siya sa sinasabi niya? May gusto siya sa akin? Dyos ko, baka trip lang ako nito.

"Hatid na kita. Gabi na rin may pasok pa bukas."

Umiling ako walang ekspresyon ang mukha. " Hindi na. Kaya ko umuwi," saad ko at tinalikuran siya.

Gusto kong kiligin dahil may nagkagusto rin pala sa akin pero hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba, hindi ko pa siya kilala. Hindi ko pa nakita ng maayos ang mukha niya. Paano kung trip lang ako non dahil wala siyang magawa sa buhay? Hindi naman mahalaga sa akin kung gwapo siya o hindi. Ang akin lang sana maayos ang intensyon niya dahil kuta na ako sa pananakit. Kuta na akong masaktan.

Hanggang sa makarating ako ng bahay ay lutang parin ako. Ito ang unang beses na may umamin sa akin na gusto ako. Sa gitna ng maliwanag at bilog na buwan may isang lalaki na umamin sa akin na gusto niya ako, nakakadismaya lang, romantic na sana sinira niya pa ang moment na yon at nag-aya na umuwi. Ang tanga lang. Pwede naman magpakilala kahit gabi tapos magpakilala ulit kinabukasan. Hay! Bakit ba ito ang pinu-problema ko. Mabuti pa at matulog na lang.

"TUWING UMAGA NA LANG BA TAYO GANITO JANICE?" napabalikwas ako sa kalabog ng pintuan ko. "HINDI KA BA MARUNONG GUMISING NA HINDI KA GINIGISING?! BUMANGON KA NA D'YAN AT KANINA PA AKO NAGTITIMPI SAYO!"

Mabilis pa sa alas kwarto ang galaw ko ng marinig ko ang galit na galit na sigaw ni Tita. Napamura ako sa aking isipan ng makitang alas sais na ng umaga.Kasalanan to ni Jaxson e, hindi ako pinatulog sa kakaisip tungkol sa kanyang sinabi kagabi.

"Sorry po Tita, nasira kasi ang alarm clock ko," takot na paumanhin ko sa nanlilisik na mata ni Tita Fely.

"Agh," daig ko ng marahas niyang hablutin ang buhok ko at kinaladkad pababa ng hagdan. Muntik pa akong madapa sa bilis ng lakad niya.

"Hindi mo ako nanay para obligahin na gisingin ka araw-araw tuwing umaga para gawin ang trabaho mo," nanggalaiti sa galit na saad niya, hawak parin ang buhok ko. "Matanda ka na hindi ka parin nakakaintindi! Magluto ka na! P*****a!"

Pabalya niya akong binitawan sa harap ng lamesa. Napapikit ako sa sakit ng masagi ko ang mainit na takore na nakapatong doon. Huwag kang umiyak Janice. Huwag kang umiyak.

"Bilisan mo ang galaw at huwag kang tatanga-tanga!" Singhal niya bago ako tinalikuran.

Mahapdi. Masakit. Nang tingnan ko ang kamay ko na napaso,napakagat ako sa aking labi,ang laki at lumubo na. Napakurap-kurap ako upang hindi tulumo ang luha ko. Inindi ko ang sakit ng kamay ko at ng aking ulo at nagsimula ng magluto. Ganito lagi ang eksena, sa umaga man o sa gabi tuwing uuwi ako galing skwela. Nakakasawa. Nakakapagod. Ngunit kailangan kong tiisin matupad lang ang pangarap ko sa mga magulang ko dahil ito lang ang paraan para makabawi ako sa kanila. Sa pagkamatay nila. Ng matapos sa gawain ay dali-dali akong naligo dahil baka ma late ako hindi na ako nag almusal baka panibagong sakit na naman ang matanggap ko.

Nag-aabang ako ng jeep sa kanto papuntang University ng may tumabi sa akin. Hindi ko siya nilingon, nakayuko lang ako at tinitingnan ang kamay kong napaso, bibili nalang ako ng ointment mamaya, sana sakto ang pera ko.Umangat ang tingin ako at bumaling sa katabi ko ng tumikhim ito. Wow! Model ba siya? Isang gwapo at mabago na lalaki ang tumabi sa akin? Sa akin na isang dugyot at mukhang basahan. Pinasadahan ko siya ng tingin. He looks familiar. Nakita ko na ba siya? Nakasalubong? Basta, familiar ang tindig niya. Ang hugis puso niyang labi at matangos na ilong. Ang matikas na bulto ng kanyang katawan. Pamilyar na pamilyar sa akin. Hindi ko lang ma siguro kung saan ko siya nakita.

"Tapos ka na bang suriin ako magandang binibini?"

Shit! Pati boses. Saan ko ba yon narinig? Imaginary friend ko ba siya? Shit! Bakit hindi ko matandaan kung bakit parang pamilyar siya? Nagka-amnesia yata ako sa laging pagsabunot ni Tita ng buhok ko.

He chuckled. "Ang cute mo. Kaya hulog na hulog ako sayo e."

Hindi parin maalis ang tingin ko sa kanya. Kahit pag kurap hindi ko na siguro magawa. Ang pogi naman nito.

"Janice."

"Ha? Kilala no ako?" Gulat na tanong ko.

Tumawa ulit siya at kinuha ang libro na dala ko. "Gusto kita e. Syempre alam ko pangalan mo."

"Teka! Sandali! Naguguluhan ako sayo," kanda-utal na saad ko.

"May jeep na. Tara, baka ma late pa tayo."

Lutang ako na sumunod sa kanya sumakay ng jeep. Dala niya ang libro ko. Magkaharap kaming dalawa, umiwas ako ng tingin ng makitang nakatitig siya sa akin. Bakit niya ako kilala? At, tama ba yong narinig ko kanina? Gusto niya ako? Sa isang dugyot na katulad ko?

"Nandito na tayo."

Sa lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na nandito na kami sa harap ng University.

"Bayad na."

Nakangiti na saad niya at naunang bumaba. Nalilito man ay bumaba ako ng jeep at lumapit sa kanya. Kunin ko na sana ang libro ko na hawak niya ng hawakan niya ang kamay ko at nakipag -kamay.

"I'm Jaxson."

Nakangiti na pakilala niya. Kaya pala pamilyar.Tumaas ang sulok ng labi ko at bumitaw sa kamay niyang nakahawak sa akin.

"So, ikaw pala si creepy guy," masungit na wika ko at padabog na kinuha ang libro ko na hawak niya.

"Sa gwapo kong 'to? Creepy?" He mocked me.

Ngiting aso ang ginawad ko sa kanya bago siya tinalikuran. Oh my god! Siya yong nag confess sa akin na gusto niya ako? Hindi ba't ako ang creepy para sa kanya? Shit! Ang gwapo niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status