Share

Chapter 9

Masaya kaming nagku-kwentuhan habang nag-iinuman.Si Axcel ay naka-akbay kay Sandra.Si Maris na naka hiling ang ulo sa balikat ni Bray.Si Prixcel na ina-alalayan si Ella dahil nahihilo na.At ako,naka upo sa harapan ni Jaxson,naka-hiling ang ulo ko sa kanyang dibdib habang nakayakap siya sa akin.

"Kailan kaya ito magkalaman," mahinang usal niya habang hinihimas ang flat kong tiyan.

"Hoy!, Magpakasal muna tayo," natatawang sagot ko at pinatong ang palad ko sa kamay niyang nasa ibabaw nang tiyan ko.

"Papakasalan naman kita,may laman man iyan o wala."

" Alam ko babe,kaya lang iba ang dating sa akin kapag nabuntis ako at hindi pa tayo kasal. At saka hindi pa ako maayos na nagpakilala sa mga magulang mo. Paano kung ayaw-,"

Hinalikan niya ako sa labi na nagpahinto sa sasabihin ko.

"Ang dami mong sinasabi babe," bulong niya at dinilaan ang punong tainga ko na ikina-tindig nang balahibo ko. "Naintindihan ko naman."

"Hatid ko muna si Ella sa tent nahihilo na," paalam ni Prixcel at inilalayan na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status