Share

Chapter 14

Eana Beatrix

Bukod sa gumugulo sa aking isip si Juancho ay palaisipan din sa akin ang mabilis na pagpayag ni Mama sa panliligaw nito sa akin. Nagtataka rin ako dahil ang bilis niyang magtiwala sa lalaking iyon samantalang kung tutuusin, isa pa rin siyang estranghero na basta na lang sumulpot dito sa amin.

Ewan ko ba, kahit ang dalawang bata ay mabilis din niyang nakagaanan ng loob. Aaminin kong ako rin, subalit hindi ko iniaalis ang ideyang baka may iba siyang pakay kaya siya nagpahayag na gusto niya ako.

“Ma…” marahan kong tawag habang abala ito sa pagsasalansan ng mga plato sa lalagyan.

“Ano iyon, ‘nak? May masakit ba sa’yo?” agad niyang binitawan ang hawak at madaling sinapo ang aking noo.

“Wala po, Ma. May itatanong lang po ako. Kanina pa kasi gumugulo sa isip ko ito.”

Nakatitig lang ito sa akin na hinihintay kung ano man ang nais kong itanong.

“B-bakit po kayo pumayag agad na manligaw si Juancho?”

Na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status