Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back

Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back

last updateLast Updated : 2025-01-31
By:  AtlantisOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
6 ratings. 6 reviews
76Chapters
7.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Tuluyan nang nagising si Mayumi Romero sa katotohanang hindi siya kayang mahalin ng mabagsik at walang pusong business conglomerate na si Miguel Lopez. Ang kasal nilang dalawa ay nasa ilalim lang ng isang marriage contract at walang ibang gusto ang lalaki kung hindi ang serbisyo niya—ang magpanggap na mabuting asawa sa harap ng ina nito at ibigay ang pisikal na pangangailangan nito kapalit ng salapi. Ang pantasya niyang mamahalin din siya ng lalaki ay nawasak nang makulong siya sa malas na relasyon. Sa una’y kayang-kaya niya pang tiisin ang panlalamig at trato sa kaniya ng lalaki. Subalit nang pinilit siya nitong ipalaglag ang kanilang anak, kinain na ng poot at pagkamuhi ang pagmamahal niya. Nilisan niya ang Pilipinas at hinayaang pagalingin ang sarili matapos ang matinding sakit. Sa pagbabalik niya, napag-alaman niyang kay tagal siyang hinintay ni Miguel. Umaasang mapapatawad at babalikan niya ito ngunit huli na ang lahat para sa kanilang dalawa simula nang pinapatay nito ang kanilang anak.

View More

Chapter 1

Kabanata 1

Hawak ni Mayumi Romero ang pregnancy test stick, at hindi niya mapigilang titigan nang matagal ang dalawang malinaw na guhit na unti-unting lumitaw sa harap niya. 

Nakaupo siya sa loob ng cubicle ng banyo, tahimik at tila pinipilit niyang balikan kung kailan ang huling pagkakataon na ipinagkatiwala niya ang kaniyang sarili.

Siguro’y bunga ito ng pangyayari isang buwan na ang nakararaan.

Sumunod siya kay Miguel Lopez sa Palawan noong panahon na iyon para sa isang business trip. Sa kanilang pananatili sa magarang hotel suite, nagamit nila ang lahat ng dala nilang condom.

Matapos nilang maligo sa isang hot spring, hilong-hilo pa siya nang maramdaman ang nag-aalab na pag-angkin nito sa kaniya sa kama. Ngunit kinabukasan, matapos ang mapusok na gabi ng kanilang p********k, tila naging hungkag ang lahat. Waring walang nangyaring mahalaga sa pagitan nila na para bang ang init ng gabing iyon ay naparam sa unang sinag ng araw.

Nang imulat niya ang kaniyang mga mata, natagpuan niya na lang si Miguel na nakasuot na ng suit at kurbata. 

“Tandaan mong bumili ng contraceptive pills para hindi ka mabuntis,” paalala nito sa kaniya bago umalis.

Sa dami ng iniintindi niya sa kaniyang trabaho, nakalimutan ni Mayumi na sundin ang bilin na iyon. Well, hindi naman kasi madaling makatrabaho ang isang Miguel Lopez na masyadong mahigpit sa mga empleyado. Tila walang itong espasyo para sa kahit anong personal na koneksyon. Hindi rin ito kailanman nagbukas ng usapan tungkol sa anumang bagay na may kinalaman sa damdamin. Lahat ng bagay sa pagitan nilang dalawa ay dapat  na manatiling pormal, malamig, at kontrolado.

Ilang araw na ang nakalipas nang matapos ni Mayumi ang kaniyang trabaho sa opisina. Huli na ang lahat para bumili pa siya ng contraceptive pills.

Natauhan siya matapos ang ilang minuto. Naisip niya na imposible namang mabuntis siya nang ganoon kabilis. Walang ekspresyon ang kaniyang mukha nang itinapon niya ang pregnancy test stick sa basurahan. 

Mahinahon siyang lumabas ng cubicle, lumapit sa lababo, at marahang tinapik ang kaniyang mukha ng malamig na tubig— umaasang mawala ang mga pangamba at ideyang bumabagabag sa kaniya.

Pagkatapos maghilamos, inangat ni Mayumi ang kaniyang ulo at tiningnan ang kaniyang sariling repleksyon sa salamin.

Nalilito ako at hindi ko na alam ang gagawin.

Bumalik si Mayumi sa kaniyang opisina matapos lisanin ang banyo. Agad naman siyang sinalubong ng bagong assistant na halatang balisa.

"Secretary Romero, may nagwawala na naman!"

Bumuntonghininga siya sa ibinalita nito. Sanay na sanay na siya sa ganitong mga eksena– eskandalo at kaguluhang tila araw-araw nang bahagi ng kaniyang trabaho sa opisina.

“Sino?"

Tinuro ng assistant ang mayabang na babae na nakaharang sa pinto.

"Si Miss Marga pa rin, Miss Romero."

Napatingin siya kung nasaan ang napapabalitang naging kasintahan ni Miguel na si Marga Cayetano. Wala pa ngang dalawang buwan ay naghiwalay na ang mga ito.

Naisip niya na baka ayaw pa sumuko ni Marga sa relasyon nito kay Miguel. Dalawang beses na kasi itong pumunta sa kompanya para lamang manggulo matapos ang pakikipaghiwalay ng lalaki. Subalit napapalayas lang ang dalaga nang hindi ito nakikita at nakauusap nang personal.

Napahawak na lang si Mayumi sa kaniyang templo. Pakiramdam niya ay masyado na siyang ekspyerto sa paghawak ng mga naging babae ni Miguel. Nakararamdam na rin siya ng iritasyon dahil sa nangyayaring kumosyon.

"Ako na ang bahala sa kaniya,” wika ni Mayumi.

Lumapit si Mayumi kay Marga na nakasuot pa ng sandal na may mataas na takong. Hinaharangan ito ng mga guwardya habang pinipilit nitong makapasok. Naaawa niya itong tiningnan at tila nakikipagsimpatiya rin siya sa kaniyang sarili.

Wala talagang magandang naidudulot ang pakikipagrelasyon kay Miguel Lopez. Palagi nitong nakukuha ang lahat ng gusto dahil sa yaman at pera. Tila wala ring tunay na kapasidad na mag-alay ng totoo at wagas na damdamin. 

Ang pagbibigay nito ng pagmamahal sa isang babae ay mistulang suntok sa buwan na walang kasiguruhan at puno ng kawalang pag-asa.

Mapagbigay si Miguel sa mga babaeng sumusunod sa kaniya. Hindi ito maramot.  Walang sinuman ang napabayaan o tinrato nang hindi tama sa tuwing nagtatapos ang pakikipagrelasyon nito.

Kagaya ng dati, si Mayumi pa rin ang nag-aasikaso ng lahat pagkatapos nitong makipaghiwalay sa mga babae. Sa kaso ni Miss Marga, binigyan ito ni Miguel ng malaking flat-floor na apartment sa sentro ng lungsod, mamahaling alahas at malaking halaga ng pera.

"Miss Marga, wala si Mr. Lopez sa kompanya. Kung gusto mo siyang makita, mas mabuting direktang kontakin mo na lang siya."

Pumunta si Marga sa kompanya dahil hindi nito makontak si Miguel. Sino ba naman ang gustong bitawan ang isang lalaking kagaya ni Miguel? Sa murang edad, ito na ang presidente at ang aktwal na may kontrol sa pangunahing grupo ng kompanya. Bukod sa may magandang kinabukasan, gwapo pa! Kung kaya’t hindi na nakapagtataka na kahit isang gabi sa piling ng lalaki ay tila ay sapat na.

Si Miss Marga, gaya ng marami, ay nahulog na rin kay Miguel. Iniisip siguro nito na siya na ang pinaka-special sa mga babae sa buhay ng lalaki. Ngunit sinong mag-aakala na mararamdaman din nito ang kabagsikan ng pakikitungo nito?

"Hihintayin ko siya rito," matigas na sabi ni Miss Marga.

“Kailangan mong maintindihan kung anong ugali mayroon si Mr. Lopez,” may pag-iingat na wika ni Mayumi. “Walang lugar sa kaniya ang mga taong hindi sumusunod sa kaniya. Hindi maganda kung gagalitin mo siya. Kung makikipagtalo ka pa ay magkakaproblema. Kung tatanungin mo ako, masyado nang mataas ang nakukuha mong kompensasyon. Napakaraming lalaki sa mundo, bakit kailangan mo pang gumawa ng eksena rito para kay Mr. Lopez?”

Takot din si Miss Marga na masaktan ni Miguel. Kahit na mahinahon at banayad ang ugali ng lalaki, masyado rin itong malamig pakitunguhan. Sa totoo lang, hindi nga naman ito sulit na galitin.

Kinagat nito ang sariling labi. "Hahanapin ko na lang siya mismo!" 

Napabuntonghininga si Mayumi at inutusan ang kaniyang assistant na ihatid ito sa ibaba. Samantala, nagbubulungan na ang mga taong naroon sa tanggapan niya.

Hindi napigilan ni Marites na magreklamo sa tabi ni Mayumi. "Grabe, matindi matindi pa rin talaga ang mga love affair ni Mr. Lopez. Hindi ko alam kung anong klaseng babae ang makakapagpatino sa kaniya."

Hindi rin alam ni Mayumi ang isasagot sa tinuran nito.

"Pero kahit asawa ka ng CEO, nakapapagod din. Kailangan mong harapin ang napakaraming babaeng umaatake sa kaniya araw-araw,” dagdag pa nito.

Sinang-ayunan ito ni Mayumi. Hindi nga talaga madali maging asawa ni Miguel dahil puno ito ng pagsubok at sakit sa puso.

Mahigit kalahating taon nang kasal sina Mayumi at Miguel. Bunga ito ng p********k nilang dalawa– isang hindi inaasahang pangyayari na naging sanhi para makulong siya sa isang malas na relasyon.

Nagkataon na nakita siya ng nanay ni Miguel na si Senyora Amancia na suot ang damit ng lalaki noong lumabas siya ng kwarto nito dahilan para mapagkamalan siyang kasintahan nito. Dahil matagal nang nag-aalala ang ina ni Miguel tungkol sa kinabukasan ng anak, inimbitahan siya nito na maghapunan sa kanilang mansyon upang mapag-usapan ang tungkol sa kasal nila.

Sa totoo lang, sawa na si Miguel sa pag-uudyok ng ina nito na magpakasal, pati na rin sa mga blind date na inaayos nito. Nakipagkasundo na lang ang ang lalaki sa kaniya na magpakasal, ngunit sa ilalim iyon ng isang marriage contract na dapat ay walang kahit anong emosyonal na koneksyon.

Kailangan niya ng pera, at ang kasal na iyon ay tila isang pinakamalaking solusyon. Nagpakasal silang dalawa na tila isa lamang iyong pormalidad at parang dekorasyon lamang.

Sa kasunduang iyon, babayaran siya ni Miguel ng isang tiyak na halaga na dagdag na sahod bawat buwan, pati na rin ang magastos na gastusin sa pagpapagamot ng kaniyang ina sa ospital. Ang kailangan lang niyang gawin ay magkunwaring mabuting asawa sa harap ng ina ng lalaki nang hindi kailanman magpapadala sa nararamdaman.

Matagal ng alam ni Mayumi na mayroon ng gustong ibang babae si Miguel, at matagal na niyang tinanggap ito. Ngunit hindi niya maiwasang mag-isip tungkol sa bagay na iyon, at tuwing nangyayari iyon, tila may karayom na tumutusok sa kaniyang puso na nagpapahirap sa kaniya.

Nasaksihan ni Mayumi ang mga pinakamagagandang taon ni Miguel– ang mga tagumpay at pinakamatinding emosyon nito. Lahat ng iyon ay ibinuhos lang nito para sa babae iyon.

"Secretary Romero, gusto ni Mr. Lopez na timplahan mo siya ng isang tasa ng kape. Naroon siya sa opisina."

"Okay."

Pumunta si Mayumi sa pantry para magtimpla ng isang tasa ng itim na kape. Kumatok siya sa pinto ng opisina saka pumasok dala ito.

Nakasuot ng itim na damit ang lalaki at bahagyang naka-roll ang cuffs ni Miguel. Walang ekspresyon ang mukha nito nang magtama ang kanilang mga mata.

Nilapag ni Mayumi Romero ang kape. Gusto niyang sabihin na buntis siya pero nakabara sa kaniyang lalamunan ang mga salitang iyon. Hindi niya ito masabi agad sa lalaki.

Umangat ang isang kilay ni Miguel habang tinitigan siya gamit ang madilim nitong mga mata. “Is there anything else?” 

Nilunok na lang ni Mayumi ang mga salitang gusto niyang isatinig. "Wala naman. Lalabas na ako."

Nagkibit-balikat na lang ito at hindi na nagtanong pa.

Gabi na nang nakauwi si Mayumi. Matapos maligo ay humiga siya sa kama pero ilang oras na ang nakalilipas ay hindi pa rin siya nakatutulog. Sa kalagitnaan ng gabi, pumasok si Miguel sa kwarto na amoy sigarilyo.

Dahan-dahang hinubad ng lalaki ang suot na damit at pumunta sa banyo para maligo. Matapos matuyo ang buhok, lumabas ito roon at hinawakan ang kaniyang baywang. Maingat nitong ipinuwesto ang mga mahahabang daliri sa likod niya, nagbigay ng banayad na sensasyon habang dahan-dahang umaakyat pataas.

Inabot nito ang kaniyang labi para mas mahalikan siya. Hindi nakatakas sa kaniya ang matapang na amoy alak at sigarilyo ng lalaki.

Namumula ang mukha at hinihingal niyang tinulak si Miguel. "Mr. Lopez, ayaw kong gawin natin ito ngayon."

“Galit ka ba?” tanong ni Miguel matapos tumigil. Tinititigan siya nito ngayon nang malalim.

Umiling si Mayumi sa tanong nito. "Hindi. Masama lang ang pakiramdam ko."

Hindi niya alam kung maniniwala ba si Miguel o hindi sa kaniyang alibi. Ngunit sigurado si Mayumi na hindi na siya hahawakan pa nito ngayong gabi. Hindi nito ugali na puwersahin ang babae na makipagtalik sa kaniya. Saka lang ito pumapatol kapag gusto rin ng babae ang gusto nitong mangyari.

Tinitigan siya ni Miguel. "Dahil ba ito kay Marga Cayetano?" tanong nito.

Walang sinabi si Mayumi. Hindi niya alam kung bakit mabilis siyang magalit lalo na ngayon na buntis siya. Hindi na niya kayang magsalita pa, at wala na rin siyang balak magkunwari. Total, wala rin namang balak si Miguel na sabihin sa kaniya na wala itong koneksyon pa kay Marga Cayetano.

Hindi nagustuhan ni Miguel ang pagsasawalang kibo niya ngunit hindi ito halata sa mukha nito. Nagbuntonghininga na lamang ang lalaki. “Matulog ka nang maaga, kung ganoon,” sabi nito.

Mahigpit na pinisil ni Mayumi ang kubrekama at pinigilan ang asawa na aalis na sana. "Nanaginip ako kagabi na buntis ako. Ano sa palagay mo ang gagawin ko kung talagang buntis ako?"

Huminto si Miguel at lumingon sa kaniya na tila walang pakialam ang mga mata. "Hindi mo naman siguro nakalilimutan ang kasunduan natin, hindi ba?" kalmadong tanong lalaki. "Huwag kang mag-alala, hindi tayo magkakaanak," dagdag nito.

Tumango si Mayumi. "Naiintindihan ko," mahinang sabi niya na halos hindi na marinig.

Naiintindihan ni Mayumi ang kanilang sitwasyon. Para kay Miguel, lahat ng bagay ay napag-uusapan, at bawat pag-uusap ay may kapalit…na may presyo ang lahat. Basta't usapan lang. Iwasan lang pag-usapan ang tungkol sa nararamdaman niya dahil wala itong lugar sa lalaki.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Tonette Macasil
Ganda nito kya lang bkt wla pa update....
2025-04-13 17:11:02
0
user avatar
Ludy Perez
otor maganda tong story mo sana mag update ka naman.pls..
2025-03-31 18:02:26
1
user avatar
Ludy Perez
otor nag give ako ng Gem
2025-03-31 17:58:10
2
user avatar
Ludy Perez
maganda kaya lang parang chinese story na tinagalog.pati at buwan bulaklak bundok diniscribe .madyafong maraming panulaklak na salita c otor..alisin mo na uun otor..
2025-03-29 23:04:19
1
user avatar
Ilocano writer
highly recommend
2025-03-01 21:02:39
0
user avatar
Ludy Perez
wag nyo na basahin wala ng update..
2025-04-10 16:06:45
0
76 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status