Hindi na naman maganda ang pakiramdam ni Mayumi. Epekto iyon ng paulit-ulit na pagtanggi niya sa nais gawing pag-aangkin ni Miguel sa kaniya. Pagkatapos nilang magtalo sa loob ng sasakyan, inutusan lang ng lalaki ang driver na ihatid siya sa villa at hindi na sumama pa sa kaniya.
Pagkarating doon ay mabilis siyang naligo. Nang makapagbihis ay matulin siyang pumunta sa kusina para kainin ang cake na naroon sa refrigerator. Sobrang tamis ng cake na iyon pero hindi alam ni Mayumi kung bakit tila parang walang lasa ito habang kinakain niya.
Yumuko siya at natagpuan niya na lang ang kaniyang mga luha na naipon sa kaniyang mga kamay. Inisip niya na kaya siya ganoon kaemosyonal ay dahil na rin sa pagbubuntis niya. May mga buntis na masyadong sensitibo at isa na siya roon.
Ang totoo’y ayaw niyang umiyak pero hindi niya makontrol ang mga luha niya. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha at umupo muna sa sala para hintayin na humupa ang sakit na nararamdaman.
Makaraan ay umakyat si Mayumi sa ikalawang palapag ng villa kung nasaan ang kaniyang silid. Kahit medyo mabigat ang kaniyang mga mata, hindi pa rin siya magawang makatulog.
Kinuha ni Mayumi ang cellphone niya na nasa tabi ng kaniyang unan, binuksan ang kaniyang inbox at tiningnan ang naka-draft na mensahe roon na gusto niya sanang ipadala kay Miguel.
Miguel, buntis ako.
Nakapirmi lang ang kaniyang mga daliri sa screen at hindi niya magawang pindutin ang send button ng kaniyang cellphone.
Tama na, Mayumi! Ano namang silbi kung sasabihin mo ang bagay na iyan kay Miguel?
Sa huli ay hindi niya iyon pinadala dahil naniniwala siya na gawin man niya iyon ay wala pa rin namang mababago.
Sa huli, nagdesisyon pa rin si Mayumi na ipalaglag ang anak nilang dalawa ni Miguel. Pumunta siya sa ospital sa katapusan ng linggong iyon para gawin ang pagpapalaglag ng bata.
Kahit sobrang dami ng ideyang pumapasok sa utak niya, pinikit niya na lang nang mariin ang kaniyang mga mata at pinilit ang sariling makatulog.
Nagkaroon ng isang panaginip si Mayumi. Nakita niya sa panaginip niya ang binatang si Miguel na nakatali ang mga kamay at paa ng wire. Mayroong telang nakatakip sa mga mata nito at mahina ang paghinga nito…parang patay na.
Ginawa ni Mayumi ang lahat para matanggal sa lalaki ang nakagapos na tali. Nanghihina siya att nakita niya ring napuruhan ang mga daliri niya. Ilang sandali pa ang ginugol niya para tuluyang mapakawalan ang lalaki.
Subalit nasayang lang ang ginawa niya dahil bumalik na ang mga taong dumukot sa kanilang dalawa ni Miguel. Bigla siyang nakatanggap ng isanng malakas na sampal mula sa mga ito at pakiramdam niya ay parang pumutok ang tainga niya sa lakas niyon.
Noong panahong iyon, tila malapit nang mamatay si Miguel dahil sa mga natamo nitong pasa mula sa mga dumukot sa kanila. Bumabawi lang ang mga dumukot sa kanila at ginagawa lang na outlet si Miguel para mailabas ang mga galit ng mga ito dahil matindi ang ginagawang paghahanap ng mga pulis sa kanila.
Hindi maiwasan ni Mayumi na matakot para sa binata…na baka mamatay ito. Sinusubukan niya itong kausapin araw-araw habang narooon sila para masigurong humihinga pa ang lalaki. Nang kausapin niya ay napagtanto niya na tila nawawalan na ng pag-asa si Miguel pero sinabihan niya ito na hindi pa huli ang lahat sa kanilang dalawa para mabuhay.
Umaga na nang nagising si Mayumi, pilit na inaalala ang kaniyang panaginip. Simula nang nangyari iyon, ito lang ang unang pagkakataon na nagkaroon siya ng panaginip tungkol sa nangyaring kidnapping noon.
Apektado pa rin siya ng mga nangyari noon kahit ilang taon na ang nakalipas. Humina ang pandinig ng kaliwa niyang tainga. Ang mga peklat niya rin sa kaniyang kamay ay wala na ring pag-asang matanggal pa.
Pumunta si Mayumi sa ospital pagkatapos niyang maligo. Nasa intensive care unit pa rin ang kaniyang ina at mahimbing itong natutulog.
Lihim na inilipat ni Facundo Romero, ang kaniyang ama, ang mga ari-arian ng mga Arellano pati na ang mga negosyo nito habang may dinaramdam na malubhang sakit anng kaniyang ina. Masyado ring wala sa hulog ang nangyaring car accident ng lolo’t lola niya noon at malakas ang kutob niya na may kinalaman doon ang kaniyang ama.
Si Martha Arellano-Romero, ang panganay at tagapagmana ng pamilyang Arellno, ay ikinulong sa isang mental ospital matapos makuha ng kaniyang ama ang lahat ng kayamanan nito
Kahit na nagpapagaling ito sa States, binalik ito sa Pinas para ikulong sa isang mental hospital. Si Clarita de la Cruz ay biglang naging legal nang asawa ng kaniyang ama at si Juanda na ngayon ang panganay na anak ng mayamang pamilya nilang mga Romero. Siya na tuloy ngayon ang naging anak sa labas at pinagbabawalang makilala ng publiko.
Hinawakan ni Mayumi ang kamay ng kaniyang ina at marahang nagsalita, "Mama, hintayin mo po ako, ah."
Ano kaya ang sinabi ni Clarita de la Cruz sa kaniyang ina para tumalon ito mula sa ikasampung palapag? Kilala niya ang kaniyang ina, hindi ito nagwawala kung walang gumagalit dito.
Masyado rin siyang nahihiwagaan sa aksidenting kinamatay ng kaniyang lolo’t lola. Kahit wala siyang ebidensya, alam niyang may kinalaman ang kaniyang ama sa nangyaring iyon. Pagkatapos sumalpok ng kotse, hindi man lang nakalabas ang mga ito at nasama tuloy sa pagsabog at pagkasunog ng kotse.
Mabilis na pinatalsik ang pamilya Arellano nang mangyari ang sunod-sunod na trahedyang iyon. At dahil gusto ng kaniyang ama na may kaagapay sa paghawak ng mga negosyo, binigay nito ang kalahating shares sa bagong asawa nito. Pagkatapos nito pumasok sa buhay ng mga Arellano at makuha ang lahat, tila parang pinatay ng mga ito ang kaniyang mga mahal sa buhay.
Hindi pa rin makalimutan ni Mayumi ang mga nangyari noon at pakiramdam niya ay babaliktad ang kaniyang sikmura sa kasamaan ng mga ito.
Matapos makita ang ina, pumunta si Mayumi sa Department of Obstetrics and Gynecology ng ospital. Pagkatapos ang lihim na konsultasyon sa kakilala niyang doktor, nalaman niyang kailangan niyang magpa-appointment muna at dumaan muna ngayon sa mga pagsusuri bago ang operasyon. Binayaran niya ang doktor nang malaki dahil hindi legal ang gagawin nilang pagg-a-abort ng bata sa Pilipinas.
Matapos gawin lahat ng mga pagsusuri, biglang nawalan ng lakas si Mayumi. Naka-schedule na sa susunod na linggo ng umaga ang pagpapalaglag niya.
Napaupo na lang siya sa isang bench na nakauwesto sa corridor sa ospital at inisip ang ginawa niyang hakbang para matapos na ang pagbubuntis niya. Hawak niya ang bill para sa isasagawang aborsyon. Hindi niya mapigilang magbuntonghininga dahil sa mga kaganapan.
Napatingin siya sa hawak niyang resibo ng isasagawang aborsyon. Humigpit ang hawak niya roon kasabay nang paghugot niya ng malalim na hininga. Sa huli’y tinago niya na lang iyon.
Hindi niya alam kung nag-iilusyon lang siya pero sumasakit ang kaniyang tiyan. Napagtanto niya na dumadalas na ito ngunit nakakaya pa naman niyang tiisin.
Ilang minuto ang tinagal ni Mayumi roon saka siya nagdesisyong sumakay ng taxi para bumalik sa kompanya. Pagbalik niya ay agad siyang nilapitan ni Marites na kung umasta ay para siya na lang ang pag-asa nito.
“Secretary Romero!” sigaw nito.
Pumikit siya sa ginawa nitong pagsigaw at napabuntonghininga na lang. “Bakit?” tanong niya nang makalapit na ito sa kaniya.
“Pinapapunta kami ni Mr. Lopez sa Human Resource Department para asikasuhin ang resignation namin,” malungkot na sabi nito.
Hindi maiwasang magulat ni Mayumi sa ibinalita ni Marites.
“Biglang pumasok si Miss Marga sa meeting room kanina at huli na para pigilan namin siya. Oo, napabayaan namin ang parteng iyon pero…”
Hindi na naipatuloy nito ang sasabihin sapagkat naiintindihan ni Mayumi kung gaano kahalaga sa mga ito ang kanilang mga trabaho. Bukod kasi sa mataas na sweldo, wala na ang mga itong mahanap na mas hihigit pa sa kompanya ni Miguel. Ayaw ng mga ito na basta-basta na lang isuko ang lahat.
Tahimik na nag-isip si Mayumi. Bigla niyang naalala ang isang eksena noon sa isang salu-salo noong sinama siya roon ni Miguel. Nakasuot ng isang suit ang lalaki kung saan naka-unbutton ang dalawang butones ng puting damit na panloob nito. May isang pilyong ngiti sa labi at tahimik na tinanggap ang paglapit ni Miss Marga. Ni hindi nito tinanggihan o gumawa ng paraan para paalisin ang babae. Tila natural lang sa lalaki ang pagpapaunlak ng atensyon sa mga babaeng nagkakarandapa sa kaniya.
“Secretary Romero, puwede ba na ikaw na ang kumausap kay Mr. Lopez alang-alang sa amin?” nagmamakaawang wika ni Marites sa kaniya.
“Sige, susubukan ko,” sagot ni Mayumi, hindi kayang tanggihan ang hinihinging pabor nito.
Inayos muna ni Mayumi ang kaniyang sarili bago kumatok ng dalawang beses sa pinto ng opisina. Tatlong segundo ang lumipas bago niya binuksan ang pinto para pumasok.
Natagpuan niya si Miguel na kaharap ang mesa nito habang pinapaikot-ikot ang ballpen sa daliri na para bang sanay itong gawin iyon. Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin at nanatili lamang tahimik.
Sobrang tahimik ng bawat sulok ng opisina at siya lamang ang nagtangkang basagin iyon.
“Mr. Lopez, mawalang galang na po, pero personal na problema mo ang tungkol kay Miss Marga. Hindi naman makatarungan at desisyon mo sa mga empleyado.”
Ibinaba ni Miguel ang kaniyang ballpen at tumingin sa kaniya. Tinutok nito ang mga mata sa kaniya at may isang pilyong ngiti sa mga labi. "Kung hindi ka kontento, pwede ka ring mag-resign sa trabaho mo kasama nila," malamig nitong sabi sa kaniya.
Hindi makapagsalita si Mayumi sa sagot sa kaniya nito. Tila nagkaroon ng bara sa kaniyang lalamunan.
“Come here,” maawtoridad na utos nito sa kaniya habang madilim ang mga matang nakatutok sa kaniya.
Nag-isip pa si Mayumi kung lalapit siya o hindi sa kaniyang asawa pero matapos ang ilang minuto ay sinunod niya pa rin ito. Napasigaw siya nang bigla na lang siyang kinulong nito sa mga bisig nito nang nasa harapan na siya nito.
Hindi siya makapagsalita sa ginawa ni Miguel. Yumuko siya at nagtimpi na lang habang pinipirmi siya ng lalaki. Naramdaman niyang sinisiil ni Miguel ang kaniyang baywang at malagkit na nakatingin sa kaniya.
“Ganiyan ka ba talaga humingi ng pabor, Secretary Romero?”
Nakita niya na lang na medyo gusto ang kaniyang suot. Mas lalong naging mariin ang mga braso ni Miguel sa pagyapos sa kaniya. Bigla na lang nag-init ang kaniyang pisnge nang mapagtanto kung ano ang nais gawin ng asawa.
Makalipas ang halos kalahating oras sa opisina, nakita siya ni Marites na lumabas sa opisina ni Miguel na namumula ang mga labi. Hindi pa nga nito nababato ang mga katanungan sa kaniya nang nagmamadali na siyang pumasok sa banyo.
Sa araw na iyon, maagang umalis sa opisina si Mayumi. Hindi na rin niya nakita si Miguel sa mga sumunod ng araw. Ngunit hindi niya sinasadyang makita ang pamilyar na mga kamay ng asawa sa isang post ni Juanda sa social media. Walang singsing ang mahahaba at maninipis na daliri ng lalaki sa larawang iyon. Sa huli, bl-in-ock niya na lang ang account ni Juanda para hindi na makasagap ng anumang balita sa kapatid.
Biglang tumunog ang kaniyang cellphone para sa isang notification, nakita niya na reminder iyon tungkol sa buwanang sweldo niya.
Nang tiningnan ito ni Mayumi, napansin niyang mas malaki ang natanggap niya ngayong pera kung ikukumpara sa mga nakuha niya nitong nakaraang buwan. Nag-text siya kay Charles, ang General Assistant ni Miguel, at pinaalam na masyadong malaki ang natanggap niyang pera. Naisip niya na baka nagkamali lang ito ng napadala.
Makalipas ang ilang minuto ay nakatanggap agad siya ng sagot kay Charles.
Si Mr. Lopez mismo ang nagpadala niyan sa iyo.
Bigla na lang naalala ni Mayumi ang mapusok na pag-angkin na naman sa kaniya ni Miguel sa opisina nito nang nakaraan.
“Secretary Romero, kung magpapalit ka lang ng posisyon ngayon, mas rarami ang pera mo,” malambing na bulong nito sa kaniyang tainga habang niyayakap siya nito nang mahigpit habang nasa kandungan siya nito, nagpapahiwatig ng mas mapusok na gagwin sa loob ng opisina.
Naalala niya kung paano niya tanggihan ito sa kotse kaya bumabawi ito. Ngayon, pinili ni Miguel na dagdagan pa ang pera dahil sa ginawa nilang iyon.
Ang mga basang patak ng tubig ay nakadikit sa pilikmata ni Mayumi. Itinaas niya ang kaniyang pilikmata gamit ang nanginginig niyang mga kamay. Sa pamamagitan ng malinaw na hamog, nahirapan siyang makita ang ekspresyon sa mukha niya. Tulad ng sinabi nito sa kaniya, dapat ay maging masunurin siya.Pero matagal nang nakakita si Mayumi ng pagkatao ni Miguel. Mukha itong mabait at kalmado sa panlabas, pero sa totoo lang, ayaw nito ng sinuman na tumututol sa anumang desisyon na ginagawa nito. Kailangan nitong kontrolin ang lahat ng bagay at hindi nito papayagang makawala sa kaniyang kontrol ang kahit anong bagay.Ramdam ni Mayumi ang ginaw at niyakap ang kaniyang basang katawan, nangyayanig siya ng kaunti. Bumulong siya nang malabnaw na boses. "Lumabas ka muna, ako na lang."Ibinaba ni Miguel ang kaniyang mata at tahimik na tinignan ang buong katawan niya.Ang basang mga damit ay dumikit sa katawan niya, at kitang-kita ang mga kurba ng katawan ng babae. Magulo siya, ang damit niya ay gano
Hindi alam ni Mayumi kung bakit biglang nagalit si Miguel. Naiipit siya sa sofa at halos hindi makagalaw.Malupit ang mga mata ni Miguel, malamig na parang yelo, na para bang mga pako na itinusok sa kanyang mukha. Isang saglit niyang iniiwasan ang mga mata nito habang tinutok ang mga tingin sa bawat parte ng kanyang mukha, hindi iniiwasan ang kahit pinakamaliit na detalye. Nang makita nitong tahimik siya, tumaas ang hostility sa mga mata nito.Medyo natatakot si Mayumi sa ganitong estado ni Miguel. Kung tatakbo siya, mas lalong magagalit ang lalaki. Hinila siya nito sa buhok at iniiwas siya ng medyo magaspang."Magsalita ka."Hindi alam ni Mayumi kung ang tinutukoy ni Miguel na lalaki ay ang kaniyang tiyuhin o si Patrick.Ayaw niyang malaman ni Miguel na nasa bilangguan ang kanyang tiyuhin, at hindi rin niya gustong malaman nito ang tungkol kay Lawyer Li.Bagamat wala namang nararamdaman si Miguel para sa kanya, sensitibo ito pagdating sa mga bagay na ito. Hindi nito gusto ang mga lal
Naisip ni Mayumi na dinala siya ni Miguel sa Cebu dahil kailangan siya nito para sa trabaho, pero sa pagkakataong ito, pinayagan lang siya nitong manatili sa hotel. Hindi siya pinahanda ng mga dokumento, at hindi siya dinala sa meeting.Sinulit ni Mayumi ang kaniyang oras ng pagpapahinga at hindi siya nakakaramdam ng pagkaburyong.Bumangon si Miguel nang maaga. Mukhang may epekto ang gamot na ininom ni Mayumi kagabi at tila nakakatulog siya nang mahimbing. Para siyang nahirapan magising sa umaga, at malabo ang kaniyang paningin. Naramdaman niya ang galaw ni Miguel na bumangon, pero hindi niya maigalaw ang kaniyang mga mata.Bago umalis, mukhang yumuko si Miguel at hinalikan siya sa labi, sabay bulong sa kaniyang tainga, at sinabihan siyang manatili lang sa hotel at huwag maglakad-lakad.Hindi ganoon ka-obedient si Mayumi, at hindi naman masyadong inaalala ni Miguel kung ano ang ginagawa niya araw-araw.Ang Tiyuhin ni Mayumi ay nakakulong pa rin, at may natitira pa itong isang taon na
Ang hindi matanggap ni Mayumi ay ang katotohanan na sinabi pa ni Miguel kay Juanda ang tungkol sa operasyon niya. Wala talaga itong pakialam sa nararamdaman niya.Pinigilan ni Mayumi ang sarili na hindi magtakaw ng atensyon, kinagat niya ang kaniyang mga labi at pinili na lang na manahimik. Isang malabo at maulap na hangin ang sumiksik sa loob ng sasakyan, at ang amoy ng sigarilyo ay mapait na amoy na amoy niya.Inabot ni Miguel ang kamay niya at pinisil ang balat gamit ang hinlalaki, at pinaikot ang kanyang mukha, medyo malakas ito pero hindi naman labis. Pinaling siya nito paharap. Habang tinitingnan siya nito, nakita nito ang mga namumugto niyang mata at maputlang mukha, pilit niyang nilunok ang mga salitang gusto niyang sabihin."Secretary Romero, sobrang hindi mo ba talaga gusto si Juanda?""Hindi naman," sabi ni Mayumi. Pakiramdam niya sayang lang ang emosyon na ilaan sa bagay na hindi karapat-dapat. Subalit sinabi niya pa rin ang totoo. "Pero ayaw ko siyang makita. Siguro nama
Nalaman lang ni Juanda ang tungkol sa pagbubuntis ni Mayumi pagkatapos niyang suhulan ang doktor.Pagbalik ni Juanda sa Pilipinas, nalaman niya na ang taong pinakasalan ni Miguel ay si Mayumi at halos sumabog siya dahil sa labis na galit. Bakit si Mayumi pa? Hanggang ngayon, ang kaluluwa ni Mayumi ay parang nagpapahirap pa rin sa kanya. Narinig ni Juanda na hindi pumasok si Mayumi sa trabaho nang isang buwan at kalahati, at naramdaman niyang parang may mali.Anong klaseng sakit ang mangangailangan ng ganoong kahabang bakasyon?Tinanong ni Juanda si Miguel tungkol dito. Hindi siya tanga, at hindi direktang tinanong, pero para bang hindi sinasadya niyang binanggit ang sekretarya nito, ngunit hindi siya pinansin ni Miguel.Kaya't nagdesisyon si Juanda na alamin pa ang tungkol dito, kaya gumastos siya ng malaking halaga para malaman ang ospital kung saan naka-confine si Mayumi.Walang bagay na hindi kayang buksan ng pera sa mundong ito, at hindi niya in-expect na buntis na pala si Mayum
Naging malamig ang reaksyon ni Mayumi Wala siyang ipinakitang emosyon nang marinig ang tungkol kay Juanda pero talagang hindi niya nais makita ito. "Mr. Lopez, kaya mo bang pumunta sa airport mag-isa? Parang wala ring silbi kung ako pa ang isasama mo."Pinisil ni Miguel ang kaniyang kamay nang walang imik. "Pumunta tayo nang sabay. Sakto naman para sa hapunan."Sobrang lapit niya kay Miguel. Hindi ito gumagamit ng pabang. Medyo matapang ito at may kaunting mapait na amoy. Madalas itong magsalita nang tahimik, hindi masyadong mataas o mababa ang tono ng boses.Wala na lang nagawa si Mayumi kung hindi ang magpatianod kay Miguel.Habang nasa biyahe, tumitig si Mayumi sa langit na unti-unting dumidilim sa labas ng bintana. Wala namang ibang iniisip si Mayumi at hindi na nag-abala pang mag-isip ng anuman.Dinala siya ni Miguel sa isang restaurant na hindi kalayuan sa airport. Hindi ito mukhang restaurant na bukas sa publiko. Tahimik at marangy ito, mukhang para lamang sa isang pribadong
Hindi nagulat si Miguel sa sinabi niya. Bagamat maganda si Mayumi, sobrang introverted siya at mukhang isang mabait na babae. Hindi siya makapagsabi nang malakas kahit may gusto siya, kaya't pinipilit na lang itago ito sa kaniyang puso.Umangat ang gilid ng labi ni Miguel at walang pakialam na nagsalita."Sayang naman."Hinawakan ni Mayumi ang sticky note sa kamay niya. Ang dilaw na papel na iyon ay puno ng mga iniisip ng isang batang babaeng in-love. Ngayon, nagagalak siya na hindi niya inilagay ang pangalan ni Miguel doon, at pinili lang niyang isulat ang isang abbreviation.Pati ang abbreviation ni Miguel ay nakatago sa ilalim ng papel. Nilingon ni Mayumi ang papel, ang boses ay medyo malungkot nang magsalita siya ulit."Wala naman talagang dapat akong pagsisihan."Tinitigan siya ni Miguel. Ang maliit na babae ay pinipigilan ang labi at ibinaba ang mga pilikmata. Mukhang malungkot siya. Hindi mahirap hulaan na talagang mahal na mahal niya ang batang lalaki na iyon. Matagal na ang m
Hindi alam ni Mayumi kung anong klaseng relasyon mayroon sila ni Miguel ngayon. Hindi pa sila pwedeng ituring na magkasintahan pero wala namang ibang tao sa paligid nilang dalawa.Si Miguel ang nagmamaneho ng kotse at tinanong siya nito tungkol sa address na alam na alam niya.Nag-atubili si Mayumi saglit, pagkatapos ay kalmado niyang binigay ang address niyon. Hindi siya nakabalik doon sa loob ng maraming taon. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Habang tinitingnan ang hindi pamilyar na tanawin sa labas ng bintana, hindi niya maiwasang magsalita."Mag-drive ka nang dahan-dahan. Diyan lang pwedeng mag-park sa pasukan ng alley."Inangat ni Miguel ang kamay nito at inayos ang buhok. Tila mas magaan ang pakiramdam na nito kaysa kagabi. Kumanta pa ang lalaki nang mahina.Bigla itong may naaalala dahilan para matawa ang lalaki nang mahina. Ang mga mata nitong singkit ay tila ngumingiti rin. Ang tapat nitong ngiti ay medyo nakakabighani."Sinabi sa akin ni Juanda dati na napakaganda ng mga any
Biglaang naglaho ang pagmamahal at pagnanasa sa mga mata ni Miguel. Dahan-dahan itong umalis at naglakad palabas.Nawala rin ang matinding pakiramdam ng presyon na nararamdaman ni Mayumi. Sinabi niya ang linyang iyon na walang ibang ibig sabihin, tanging paglalahad lang ng isang katotohanan.Sa transaksiyong ito, magkaibang posisyon na sila. Si Miguel ang may kapangyarihan. Ito ang nagpasimula ng lahat, at ito rin ang gumawa ng mga alituntunin. Ito lamang ang may huling salita sa lahat ng bagay.Wala nang halaga ang mga iniisip ni Mayumi. Bakit nga ba kailangang mag-alala si Miguel na mabuntis siya? Batid ni Mayumi na hindi na muling mangyayari iyon.Tulad ng sinabi niya noong nakaraan, sa huli, katawan ni Mayumi ang inaabuso, at hindi siya lalaban sa kaniyang sarili. Pumikit si Mayumi nang mariin at nagsalita. "Miguel, gusto mo pa bang magpatuloy?"Kung hindi ay matutulog na siya. Talaga namang inaantok na siya.Makaraanl, narinig niya ang boses ni Miguel. Ang malamig at pigil na ti