Share

Chapter 39: Eunice Effect

HABANG nagsimula nang magbago ang buhay ni Eunice sa pamamahay ng Salvatore ay hindi naman mapakali si Lemuel.

“Sir, kanina ko pa napapansin na hindi ka mapakali may problema po ba kayo?” tanong ni Abarientos kay Lemuel na kanina pa pinapaikot ang upuan habang hinihimas ang baba nito at magkasalubong ang mga kilay nito.

“Nag-aalala lang ako,” mahinang usal ni Lemuel.

“Inaalala niyo po ba ‘yong babae kanina?” tanong Harold.

Napangalumbaba si Lemuel sa ibabaw ng mesa at napaisip nang malalim.

“Merong hindi tama sa kasong ito,” mahina nitong usal.

Napaupo si Harold sa upuan at inilapag hawak nitong tasang may kape.

“Bakit, Sir? Sa tingin mo ba walang kasalanan ‘yong asawa ni Mr. Salvatore?” tanong ni Harold sabay higop ng kanyang kape.

“Mukhang ganoon na nga.”

“Pero wala naman tayo, Sir nakitang ebidensiya na magpapatunay sa sinasabi niyang wala siyang kasalanan at may ibang taong involve sa kasong kinasasangkutan

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status